Whisper's POV
"Sis! 'Wag kang pipikit!"
"Mikay!" napabalikwas ako galing sa pagkakahiga kasabay no'n ang pagdaing ko dahil sa pagsakit ng tagiliran ko. Nilibot ko ang paningin ng makitang nagmamadaling lumapit sa'kin si Mikay suot ang nag-aalala niyang mukha. Inalalayan niya kong humiga. Nasa hospital ako.
"'Wag kang masyadong gumalaw, sis. Kakatahi pa lang ng sugat mo." Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"What?! May tahi ako? No way! Magkakapeklat ako." Hindi ko alam kung saan ako babaling. Gusto kong magwala pero hindi ako puweding gumalaw. Ipapasurgery ko na lang 'to. Ayoko ng peklat, masisira ang kagandahan ko.
"At 'yan pa talaga ang inaalala mo, Whisper? For fck sake nasaksak ka! Muntikan ka ng mamatay!" pigil ang galit ni Dad na sumigaw sa'kin. Napakagat-labi ako dahil sa kaba. Lumapit siya sa gawi ko, sobrang dilim ng mukha niya.
"Dad, this is not my fault." Mahina kong sambit.
"Really? Sasabihin mo 'yan sa harap ko?"
"Sige, tumalikod ka muna." Usal ko. Susundin na sana ni Dad ang sinabi ko ng marealize niyang kabobohan ko 'yon.
"Arrrghhhhhh!" naiinis na siya. Napatakip ako ng kumot hanggang ilong. "You're so hard-headed woman! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo! Ang laki mo na napakapasaway mo pa din!"
"Dad! Chillax okay? Baka ma-highblood ka." Mahina kong anya. Ayokong painitin ang ulo niya, ayokong magkasakit siya.
"Anong chilax? Dahil diyan sa kakapunta mo sa club napahamak ka! Lagi mo na lang ako pinag-aalala! Ikaw na nga lang ang meron ako." Naging emosyonal si Dad matapos sabihin 'yon. Nanlambot ako bigla. Namumula ang mga mata niya at nagbabadyang lumabas ang mga luha.
"Dad, sorry na." Suyo ko sa kaniya. Hindi ko naman alam na maaring mangyari 'to eh. Inggit lang ang mga 'yon eh.
"Bakit ba kasi ang pabaya mo?" tinakpan niya ang mata para hindi ko makita kasabay ng panlalaki ng mata ko. "Nawala na nga mommy mo, tapos gusto mo din akong iwan?" gumaralgal ang boses ni Dad na ikinanginig ng bibig ko. No! Ayokong umiyak. Si Mommy lang 'yon, wala na akong pakialam sa kaniya.
"Dad," mahina kong tawag sa kaniya. Hindi ko siya maabot. Mahina siyang umiyak sa harapan ko. Hindi niya ako pinansin. "Dad, hindi ako mawawala."
"Pero dahil sa pinagagawa mo, muntikan ka ng mawala." Nawala ang nakakatakot na awra ni Dad at napalitan ito ng isang malambot at mapagmahal na ama.
"Dad, come here. I'm sorry. Let me give you a hug." Pinunasan niya ang pisngi nito at lumapit sa'kin. Mainit niya akong niyakap at hinaplos ang buhok ko. Noon lang pareho kaming nag-iiyakan dahil iniwan kami ni Mom dahil mayroon siyang ibang lalaki. Pinangako namin sa sarili na dapat hindi namin iiwan ang isa't-isa kahit anong mangyari. Bata pa ako no'n, siguro 18. Ang sakit no'n.
"Hindi ko na uuliting magpasaksak, Dad." Sabi ko sa gitna ng pagyayakapan namin.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tumayo sa harap ko habang nakahawak sa beywang. "Hindi na talaga dahil paglabas mo dito meron ka ng bodyguard." Nangangapa ako ng salita, hindi ako makapagreact.
"Dad! What the hell!" malakas kong sambit.
"Don't what the hell me, Whisper!" napakagat-labi ako. Paano ako ngayon? Kapag nagpaparty ako nandoon din siya sa likod ko gano'n? "I gotta go. Mikay, ikaw na muna ang bahala sa kaniya, may kakausapin pa ako."
"Yes po. Bye, tito." Paalam niya. Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kisame. No way!
"Daddy! Dad!" hindi na niya agad ako binalingan. Deretso siyang lumabas sa pinto.
"Sis, are you okay?"
"Mukha ba akong okay? I am not! Ayoko ng bodyguard, Mikay! No way in hell!" pagwawala ko. Hindi ko talaga maimagine.
Red's POV
"Sobrang sama ng mukha niya kanina." Tawang-tawa na usal ni Sky. We are walking from Starbucks, bumili kami ng kami. May kumausap kasi kanina sa'kin sa loob but I ignored her. Well, i don't like flirty woman. Dapat hinihintay nilang lumapit sa kanila ang lalaki. Nakapamulsa akong deretsong tumingin sa dinadaanan namin.
"Sayang 'yon, Red. Ang ganda ng babae tapos hindi mo man lang binigyan 'yan ng tingin?" Nanghihinayang na sabi naman ni Vane.
"Edi sana kinausap niyo. 'Yon naman 'yung mga tipo niyo 'di ba?" boring kong sambit sa kanila. I don't care about her. Mas madami pa diyan na mas pipiliin kong magustuhan.
Inakbayan agad ako ng dalawa. "Red, kung hindi ka namin kaibigan iisipin ko talagang bakla ka." Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Pigil naman ang tawa ni Vane sa kanan ko.
"But I am your friend and I am not gay, dude. I don't like flirty woman okay? Stop saying nonsense things."
"Chillax okay? I was just saying the possibilities." Giit niya.
"And yeah! It's fun kaya to have gay friend." Masiglang sambit ni Vane. Malakas ko silang tinulak na dalawa, napakalakas sila ng akbay sa'kin. Nauna akong naglakad.
"Aww! Ang sakit ng tagiliran ko! Red, ang sama mo." Dumaing silang dalawa. Pa'no ba naman kasi sa steel barrier sila tumama. Sinadya ko talaga 'yon.
Pagdating namin sa building ay dumeretso kami sa kaniya-kaniyang office. Tamang-tama ang upo ko ng may biglang kumatok.
"Pasok! Bukas 'yan!" sigaw ko bago humigop ng Black Americano. This is the flavor that I want to taste, I never try it ngayon lang.
"Good morning, sir." Napabuga agad ako ng kape dahil sa sobrang pait nito.
"What the fck?! Sobrang pait naman nito."
"A-ahmm, sir." Nahihiya akong tumingin sa lalaking secretary namin. Napangisi ako ng pilit. Kumuha ako ng tissue at pinahidan ang bibig ko. Maayos agad akong umupo at seryosong tumingin sa kaniya.
"Yes? what is it, Benny?" he's our long time secretary. At puro lalaki ang nagtatrabaho dito.
"Pinapatawag po kasi kayo nina Sir Vane, may customer kasing personal na pumunta." Oh? Tumango ako at tumayo.
"Susunod na lang ako." Sabi ko at inayos ang sarili. We always weared tux as uniform. Napatingin ako sa kape. "I hate you." Nangigigil kong sabi.
Pagdating sa harap ng Main office deretso akong pumasok. Napatingin agad silang lahat sa'kin. Ako ba ang hinihintay nilang lahat?
"Goodmorning." Bati ko. Napatingin ako sa 'di katandaang lalaki. I think nasa 50's. Nandito din pala sina Arthur.
"Red, this is Don Miguel Cortez our client." Tumayo siya at inabot ang kamay.
"I'm Red Thompson. Nice to meet you, Sir." Tumango siya. Umupo kaming lahat sa nakapalibot na sofa.
"How can we help you, Sir?"
"Red, he needs bodyguard." Sabat ni Arthur.
"And my daughter is so pretty hard-headed, i need a bodyguard who has a long patience." Oh? Man!
"I think I am not capable of this." Nag-alalangan kong tugon.
"I think I can handle this, I like pretty woman." Rinig na rinig kong bulong ni Sky. Masama akong tumingin sa kaniya. We have contract that we need to follow and it includes that no relationship between your client, just friends and no more.
"Bakit po kailangan niyo ng bodyguard para sa anak niyo, sir?" Tanong ni Arthur.
"My daughter got stab by her enemies and I want her to be safe. I want you to protect her at guard her." Malungkot niyang sagot. Well, he is just a concern father.
"Ahhmmm-- sino ang kukuha ng deal?" naguguluhang tanong ni Vane.
"Sina Lincoln, Red at Parker ang nakaranas ng training for military and police, right?" Arthur asked. Yeah, muntikan na akong sumabak sa pagiging militar noon. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Meron na akong client, Art. Remember Mrs. Lavigne?" tugon ni Parker.
"And I'm busy with my company." Nag peace-sign agad si Lincoln habang nakangiti sa'min. Napaface-palm naman sina Vane, Sky at Arthur.
I don't like hard-headed woman. "Yeah! Ako na lang ang kukuha nito." Agad kong sagot. Wala na akong choice.
"Is it okay with you, Don Miguel?" Sky asked.
"Of course, thank you. Should I signed the contract?" tumango ako.
Kinuha ni Vane ang contract at nilapag sa center table. Binabasa niya ito habang ako ay naghihintay. "No special relationship with a client." Tumango-tango siya. "So, it is valid until we want a bodyguard?"
"Yes, sir."
"Okay, I'll sign it na. You can start next week. Except that she will freak out having a bodyguard." Narinig ko ang pigil na tawa nilang lahat. Siniko ko naman si Parker sa gilid ko.
"Ouch!"
"I will send right away the payment." Matapos niyang pumirma ay tumayo siya. "I gotta go, boys. Mr. Thomson, I'll expect to see you on Monday." Tumango ako. Paglabas na pagkalabas niya at tumawa lahat sila.
"Red will live his hell life starting next week." Tawang tawa na sabi ni Lincoln.
"I really hate naughty woman but i don't have choice!" naiinis na sagot ko habang nakaupo sa sofa.
"Red, kung ayaw mo nandito lang ako." Kinuha ko ang pillow sa likod ko at hinagis sa kaniya.
"Mamanyakin mo lang 'yon eh."
"Of course not!" depensa niya.
"Says who, Sky?" natatawang tanong ni Arthur. Hindi ko na din mapigilang matawa. This man, I'm glad that i met them.
"Ako kaya ang founder nito."
"We don't care!" sabay naming sigaw sa kaniya.
"Vane! Pinagtutulungan nila ako." Vane stood up and stay beside Arthur.
"Ayoko ko na sa'yo mula ngayon! Lumayas ka na!" umarte pa ang g*go. Hinampas siya ni Arthur sa braso.
"Napaka-arte niyo talaga!" sabi naman ni Arthur.
"Red oh? Si Arthur, hinampas ako sa kamay." Nagpapaawa ang mukha niyang lumapit sa'kin. Imagine a handsome manly man acted like a child.
"Say sorry, Arthur. Our baby is sad." Utos ko sa kaniya. Lumiwanang naman ang mukha ni Vane sa sinabi ko. Napailing na lang ako.
"Say sorry now, Arthur. Obey Red." Pagbabanta niya na parang bata. Arthur was just like hindi makapaniwala na tinotolerate ko ang pag-uugali nito.
"Yeah, I'm sorry kid. I'll not do it again." Umikot pa ang mata nito. Lihim akong napangiti. Parang hindi niya maatim eh.
Ang laki-laki na pero utak bata. Well, thats Vane. His other side beside being p***y lover.
After a week
I'm done packing my clothes. I rushed to the bathroom and take a bath. This would be my first day and do'n ako titira, wala akong magagawa I'll be a bodyguard at hindi ko siya puweding iwan. After I took a bath, I wear my usual attire, black slacks with leather shoes, coat and white long sleeve. Inayos ko muna ang kurbata ko sa harap ng salamin at I brushed up my hair.
Sinuot ko ang sports bag ko at nagmadali ng lumabas sa condo. Tamang tama naman ang paglabas ni Parker.
"Hey, Red." Bati niya.
"Hey!" we gave high five each other. "I gotta go, bro. I have hard-headed client." Tumawa siya at inayos ang magulong buhok.
"I forgot! It's your hell day."
"Yeah! Whatever! I gotta go, pupunta pa ako sa mansion nila." Humagikgik pa siya ng tawa. Papasok na sana ako ng elevator ng malakas siyang sumigaw.
"Good luck, pare! Balitaan mo kami ah?" natatawa niyang sigaw. I raised my middle to him bago sumara ang pinto ng elevator. Fck! Nagkasala na naman ako. Dapat hindi ko ginawa 'yon. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa ginawa ko, I never did this kaya siguro nagulat siya.
Pagdating sa labas ng mansion nila ay hindi maalis ang pagkamangha ko sa labas palang nito. Sobrang taas ng gate, bumusina ako para pagbuksan inaasahan naman siguro nila ang pagdating ko. The two men wide opened the gate for me kaya pumasok na ako.
"May bantay naman pala dito, bakit pa niya kailangan ng bodyguard?" nagtataka kong tanong sa sarili. Medyo malayo ang gate mula sa mansion nila. Medyo malaki 'to kumpara sa bahay.
I stopped the car in front of their house. Nakita ko ang masayang mukha ni Don Miguel na lumabas mula sa pinto. I opened the door at lumabas kasabay ng pag-ayos ko sa suot kong coat.
"Good morning, sir." Pormal akong bumati sa kaniya.
"You're just in time, Red. Looks like you liked wearing a tux huh? You can also wear shirt and jeans para hindi naman masyadong makahatak ng atensiyon."
"Ganito lang po talaga ako and for formality lang po 'yung pagsusuot ko nito." Tumango-tango si Don Miguel sa'kin. Wala namang masama magsuot nito.
"Okay pero 'pag nandito ka sa bahay, magsuot ka nalang ng pambahay mo."
"Yes po, sir." Tugon ko.
"O siya! Pumasok ka na, tamang-tama lang ang dating mo at agahan namin, ipakikila kita sa babantayan mo." Nauna siyang pumasok kaya sumunod ako. Fck! Sobrang ganda ng bahay nila. Nakaagaw pansin sa'kin ang malaking painting na nasa malapad nilang wall. I think siya 'yung babantayan ko. Sa itsura pa lang alam ko na sobrang pasaway nito.
"She is Whisper, siya 'yung babantayan mo." Nakita niya pala ako na nakatingin do'n. "I know, she's beautiful kaya 'wag kang papauto sa kaniya." Dagdag pa nito.
Pagdating namin sa dining area ay nakita ko agad ang dalawang babaeng kumakain na parang nagbabangayan. I remained fierce and formal.
"Oh my ghad, sis! Ang gwapo niya."
"Hindi kaya! Tingnan mo, parang may ka business meeting." Kumunot ang noo ko dahil sa bulongan nila. What the hell? I am too formal?
"Ang formal nga eh." Pigil ang tawa ng babaeng nasa kanan ng anak ni Don Miguel.
"Whisper, this is Red Thompson your bodyguard. Be kind, okay?" agpapakilala niya sa'kin. Boring lang na tumingin si Whisper sa'kin.
"Dad, i don't need bodyguard." Napataas ang gilid ng labi ko dahil sa kaartehan niya.
"Yes, you do. Ahhmm, Red sumabay ka na sa'ming kumain."
"Tapos na po akong kumain, Sir. Thank you."
"Whisper, ihatid mo nga si Mr. Thompson sa magiging kwarto niya." Utos niya sa anak. Sumama ang mukha ni Whisper na walang balak sundin ang Dad niya.
"Hindi pa ako tapos kumain eh!" R
reklamo niya. She really is hard-headed woman.
"Ako na lang po, Tito." Suhestiyon naman ng isang babae kulot ang buhok. Parang magkahawig nga sila pero sobrang puti lang talaga ng Whisper.
"Okay, 'yung nasa kanan ng kwarto ni Whisper, Mikay." Uminom muna siya ng tubig bago tumayo. "Mr. Thompson, this is Mikay my daughter's bestfriend." Ngumiti ito sa'kin.
"Nice to meet you." Sabi ko.
Bago kami umakyat kinuha ko muna ang sports bag ko. "Thank you for waiting." Usal ko gamit ang seryoso kong boses.
"You're welcome." Hindi na ako sumagot. Nakasunod lang ako sa kaniya papunta sa taas. "Sorry nga pala sa bestfriend ko ah? Medyo mean lang siya, ayaw niya kasi ng bodyguard."
"It's my obligation to understand her and Miss, i'm not asking." Napatanga siya dahil sa sinabi ko. She's being flirty kasi, kanina pa siya ngiti ng ngiti.
Hanggang sa pangatlong palapag ay hindi na siya nagsasalita. I think i'm insensitive.
"This is your room, man." Nakasimangot niyang itinuro ang gawa sa kahoy na pinto.
"Thank you." Deretso akong pumasok sa kwarto. I like the color. It's sky blue. May queen bed size na kama, lampshade, painting, big closet.
"Konti lang naman ang dala kong damit." Bulong ko sa sarili.