Kabanata 6

2602 Words
Red's POV Kahapon ay tinour ako ng malditang babae na walang ginawa kungdi ang magtaray at sumimangot. Hindi ko na binigyan ng pansin mas lalo lang akong maiinis. Pagkagising ko ng umaga ay naligo agad ako. Wala naman yata siyang lakad dahil masakit pa ang gilid nito. Ano ba kasi ang pinagagawa niya? Nagbihis na ako ng T-shirt at basketball shorts. Well, masarap pang bahay 'to at mag-jo-jogging muna ako, ala-sais pa lang naman ng umaga. Siguradong tulog pa 'yon. Umupo ako sa kama at nagsuot ng running shoes, nag-stretching at dahan-dahang lumabas sa pinto habang nag-iinat. Natigilan si Whisper ng makita ako, literal siyang napatigil sa paghikab at pag-uunat ng kamay sa ibabaw. Magsasalita na sana ako ng sinungitan niya ako at nagdadabog na tumalikod. Ang aga niya yatang nagising. "What's her problem? Gano'n ba niyang hindi kagusto magkaroon ng bodyguard?" I shooked my head para burahin ang iniisip. Bahala siya, wala naman na siyang magagawa. Pagkababa ko mula sa ikatlong palapag ay pumunta agad ako sa dining baka ando'n siya. Nakita ko siyang naghihintay ng pagkain. "Ma'am, wala ka bang lakad ngayon?" I asked. Masama niya akong tiningnan. "Wala!" sagot niya. Spoiled brat. "Mag-jo-jog lang ako." Nang hindi siya makasagot ay tumalikod na ako. A waste of time. Lumabas ako sa mansyion nila at bumungad sa'kin ang mga katulong na nagdidilig ng mga bulaklak. "Good morning po." Bati ko sa kanila. "Good morning, sir." Bati nila pabalik. May dalawang lalaki at dalawang babae. Mukhang matagal na silang nagtatrabaho dito. "Don't call me sir. Kagaya niyo lang din po ako." Sabi ko sa kanila. Nagtinginan pa sila bago ngumiti sa'kin. "Mukhang mayaman kayo, sir. Kaano-ano ba kayo ni Don Miguel?" kuryosong tanong ng lalaking sa likod. "Bodyguard ako ng anak niya." Tanging gulat na reaksiyon lamang ang nakita ko sa kanila. "Sa hitsura niyo pong 'yan bodyguard? Ng pasaway na batang 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ng babaeng may hawak na hose. Halos nanlaki ang mga mata niya. Napakamot naman ako ng ulo. "Yes po." Nag-aalangan kong sagot. "Basta 'wag ka do'n magpapauto. Ang tigas ng ulo no'n." Tumango ako sa kanila. "Ako si Manang Isabel." Pagpapakilala niya. Nakapusod ang buhok niya at pakulubot na ang mga balat. "Ako si Manang Maria mo." Tumango ako at ngumiti. "Ako si Manong Joel," kumayaw ang lalaking medyo mataba. "Ako naman si Manong Kokoy." "Hello po, tawagin niyo nalang po akong red." Nahihiya kong sabi sa kanila. "Kay gwapong binata mo naman. Ang bilin ko sa'yo, 'wag kang papauto do'n." Sabi ni Manang Isabel. "Sige po, tatakbo po muna ako para pagpawisan." Nauto na din yata sila kaya sobrang giit talaga ng bilin nila. Nagpaikot-ikot ako sa mansiyon. Hingal na hingal akong naglakad na lang. Sobrang pawis na ng katawan ko. Huminga ako ng malalim at nagjog ulit. Napatingin ako sa gawi ng pinto. Masama na naman na nakatingin si Whisper sa'kin. May kasalanan ba ako na hindi ko alam? After ilang minutes ay huminto na ako. Ilang ulit akong huminga ng malalim bago pumasok. Wala na ang amo ko. Bakit ang agad niyang gumising? Pagbukas ko ng pinto ay muntikan na akong mapatakbo ulit dahil sa gulat. "What the hell!" asik ko. "Mister, hindi ka bisita dito na puweding magikot-ikot lang kung saan." Mataray niyang sabi habang naka-cross-arms. Tumaas ang kilay ko. "Ma'am, as a bodyguard we need to be physically fit and it's early in the morning, wala ka namang lakad." Tumalikod na ako para maghot shower. "May lakad ako!" sabi niya. Napatigil ako sa paglalakad at sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi ko. "Ma'am, kabilin-bilinan ni Don Miguel na hindi ka pa puweding gumala dahil baka bumukas 'yang tahi mo." Pilit kong pinapaintindi sa kaniya. "Ehhhhh..," Pumadyak-padyak siya na parang bata. "Gusto k----, ah--ouch." Nataranta akong lumapit sa kaniya ng napahawak siya sa tagiliran at dumaing sa sakit. "Teka! 'Wag kang gagalaw lalo lang 'yan sasakit." Nag-aalala kong sambit. "OUCHHHHH!" napatalon-talon ako sa sobrang sakit ng paa ko, inapakan niya ako ng malakas. "Womannnnnn!" buong lakas kong sigaw. Tumawa siya ng malakas habang tinitingnan ang reaksiyon ko. "Uto-uto! Kita mo na?" mataray siyang tumalikod. "Ano bang paa ang meron ka? Paa ng dragon? Kaya siguro minsan may lumalabas na usok diyang sa ilong mo." Paika-ika akong tumayo at dahan-dahan na naglalakad. "Anong sabi mo?" napaangat ako ng tingin ng masama siyang tumingin. "What?" naguguluhan kong tanong. "Anong dragon ang sinasabi mo ah?" dahan-dahan siyang lumapit kaya dahan-dahan din akong umatras ng paika-ika. "Totoo naman, 'pag galit ka parang may lumalabas diyan sa ilong mo na usok!" patuloy pa din siya sa pag-abante. "Aray! Aray! Aray!" piningot niya ang tenga ko. Fck! I hate this. "Stop it! I'm your bodyguard not your younger brother!" pinitik niya muna ang ilong ko at tumakbo sa loob. "What the hell! Hindi yata ako tatagal dito." Bulong ko sa sarili habang hinihimas ang tenga at ilong ko. Tiyak namumula na 'to. 'Yong babaeng 'yon, sobrang childish. Pagpasok ko ay deretso na ako sa kwarto naligo ulit at nagbihis, gaya ng sinabi ni Don Miguel pambahay lang din ang suot ko. Bumaba ako at dumeretso sa kusina. "Hi, Manang Maria." Bati ko. Naghuhugas kasi siya ng pinggan. "O, Red." Ngumiti siya. "Ano po ang puweding kainin diyan?" "Nagluto ako ng bacon at itlog. Tingnan mo diyan sa ref. Initin mo nalang sa oven." Binuksan ko agad ang ref. Tiningnan ko lahat ng laman at nakaagaw ng atensiyon ko ang fresh milk. Gatas at tinapay na lang siguro ang breakfast ko. Kinuha ko ito at nilagay sa mesa pati ang butter. Kumuha agad ako ng baso. I poured the milk until maubos ito. Konti na lang pala ang laman. Nagsimula na akong kumain. "Hala, Red! Bakit mo ginalaw 'yang gatas ni ma'am? Tiyak magwawala 'yon 'pag nalaman niyang may kumuha nito." Napatigil naman akon sa pagnguya. Fck! Patay na naman ako nito. "Hindi ko po alam." Napakagat-labi ako. Dapat siguro bumili ako ng sariling gatas pagbalik ko. Namroblema ang mukha niya na parang hindi alam kung ano ang gagawin. "Manang, ako na po ang bahala. Bibilhan ko na lang siya ng madami sa susunod." Nagpatuloy na ako sa pagkain hanggang sa maubos ito. "Where's Mr. Thompson?" narinig ko ang pagtawag ni Don Miguel sa'kin kaya tumayo agad ako at lumabas. Ang sagwa ko tingnan dahil nakapangbahay at tsenilas lang din ako. "Good morning, sir." Bati ko. Napangiti naman siya habang tiningnan ang kabuuan ko. "Feel at home 'kay? Tsaka ikaw na ang bahala sa anak ko ah? May business trip ako, 2 weeks 'yon." "Opo." Ang tagal ng two weeks. Mamomroblema ako nito. "Puwedi na siyang makagala in two days. Bantayan mo siya ng mabuti," tumango ako. "At, 'wag mo siyang hahayaan mag-isa." Tinapik niya ako sa balikat at tumalikod kasunod ang isang lalaking nakasuot na purong itim. Ganiyan din ba ang mukha ko 'pag nakasuit? Tumalikod na ako para hanapin siya. "Nasaan na ba 'yon?" Whisper POV Tawang-tawa ako habang naglalakad pataas ng hagdan. Uto-uto talaga. Kitang-kita ko kung paano paano mamula ang pisngi niya dahil sa inis. Paano ba namam kasi? Nakuha pa talagang magjogging dito sa mansion. Ano sa tingin niya? Nagbabakasyon siya dito. Nalimutan niya yatang bodyguard ko siya. "Whisper, ang aga mo naman yatang nagising?" bihis na bihis si Dad ng makasalubong ko siya. "Eh, nagising ako eh." "May business trip ako somewhere province. Mawawala ako ng two weeks, Whisper. Two weeks." May diin niyang sabi. Umikot naman ang mata ko. Lagi nalang may business trip. Pero napangiti ako bigla ng may magandang maisip. "So, puwedi na ba akong gumala?" masigla kong tanong. Paunti-unti ay naghihilom na naman ang sugat ko eh, may gamot kasi akong nilalagay dito. "Hayyyss, Whisper. You have to take care of yourself, 'wag kang pasaway. 'Wag kang galaw ng galaw baka bumuka 'yang tahi mo." Lumambot ang mukha ni Dad habang pilit pinapaintindi sa'kin ang gusto niyang gawin ko. "But, Dad." umiling-iling siya kasabay ng paggalaw ng daliri niya. Napakagat-labi ako. "Aalis na ako. Be good to Mr. Thompson. Ibibilin kita sa kaniya." Hinalikan ako ni Dad sa gilid ng ulo at niyakap. "Matatagalan ako, do whatever you want basta kasama mo ang bodyguard mo." Napalabi ako habang binibilinan ng nga salita. "Daddy, ayoko ng bodyguard." Maarte kong sabi. Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. "Shhhhh... ayokong mawala ka gaya ng Mommy mo." "Pero, Dad. Naghanap ng iba si Mom hindi namatay." Kumalas siya sa pagkakayakap. "Kailangan ko ng umalis." Pagmamadali niyang sabi at tumalikod. Bigla namang sumulpot ang lalaking nakasuot ng weirdong uniporme. Lagi niya nalang iniiwasan ang usapan 'pag 'yon na ang sinasabi ko. Totoo naman na iniwan kami ng matandang babaeng 'yon dahil sa ibang lalaki. Gaano ba kalaki 'yon? Nang ipinagpalit niya ang Daddy ko. "Take care, Dad." Pilit akong ngumiti at kumaway. Lumingon naman siya at ngumiti. Gwapo naman ang Daddy ah? Ano ba ang mata na meron si Tina(Mommy ko)? Walang gana akong pumasok sa kwarto. Sayang at wala si Mikay. Umuwi muna siya, naiinis daw siya sa bodyguard ko. Hindi ko lang alam kung bakit. Baka sinungitan siya. Marahan akong humiga sa malambot kong kama kasabay ng biglang pagring ng cellphone ko. "Unregistered number." Nagdadalawang-isip akong sagutin ito. Namatay ang tawag ng hindi ko man lang nasagot. Ilalapag ko na sana sa side table ang phone ko ng tumunog ulit ito. "Sino ba 'to? Syempre Whisper hindi mo malalaman kong hindi ko sasagutin." Napatampal ako ng sarili. Nabubuang na yata ako, kinakausap ko na ang sarili ko. Sinagot ko ang tawag at hinintay ito magsalita. "Hello, Babe. Its me." sa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ko. "Who's this?" tanong ko. Tumawa siya mula sa kabilang na nakapagpataas ng kilay ko. "Why are you laughing?" "Babe, it's me Ford." Napanganga ako sa sobrang gulat. "You mean, Ford na may Ferrari?" "Uh-huh." "Ho--how did you know my number?" I didn't give him my number and i don't give my number with anyone who i s*x with. "Of course i have my way. Can you please tell your guards that i'm your visitor?" "What?! Are you here? Where are you?!" natataranta akong bumangon. Hindi alam kong ano ang gagawin ko. Malakas siyang tumawa. "Babe, calm down. Chill yourself, we're going to have a steamy day today." Kumalma ako sa kinauupuan ko. Bigla naman akong naexcite sa sinabi niya. "Owww.. that's a good a idea but i can't move like what i did last time, may tahi ako, Ford." "That's okay, ako ang bahala." "Humanda ka sa'kin 'pag tinulugan mo ulit ako, hindi kana makakaulit sa'kin." Pagbabanta ko. Nagbihis ako ng floral black dress na suot lang ang underwear ko. Ready na mamaya eh. Bumaba ako mula sa ikatlong palapag ng makitang nakaupo ang bodyguard ko sa sofa na parang may hinihintay. Deretso lang ang lakad ko hanggang sa pinto. Lumingon ako sa likod, tama nga ang sinabi ko na nakasunod siya sa'kin. "'Wag mo nga akong sundan. Diyan lang ako oh?" turo ko sa teleponong nasa pader. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Naiinis ulit akong tumingin sa kaniya. "Sabi ng 'wag akong susundan eh." "Ma'am, this is my work." Kalmado niyang sabi. Lumapit ako sa telepono at dinial ang numero ng telepono sa gate. Malayo kasi 'pag nilakad ko pa. "Hello, kuya. Pakibuksan nga ang gate may bisita ako." Sabi ko. "Ma'am, sabi ni Don Miguel 'wag daw magpapasok ng hindi kilala." Sabi naman ni manong sa kabilang linya. "Kilala ko naman siya eh, buksan mo na at kanina pa 'yan diyan." Nawawalan na ako ng pasensiya ah? "O-opo, teka lang po." "Bubuksan din pala ang dami pangsatsat." Binaba ko na ang telepono, nahagip ng mga mata ko ang matalim na nakatitig sa'kin na si Mr. Thompson. "What?!" asik ko. "You're so bossy, brat woman." "And you're so pakialamerong bodyguard." Tinarayan ko siya at tumingin sa gawi ng gate. Napangiti naman ako ng makitang andyan na si Ford. "Tssss." Bumusina siya bago pinatay ang kotse. Bumaba siya dala ang kumpol ng sunflower. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Flowers for my babe." "Thank you." Matamis akong ngumiti. Hindi ko naman talaga gusto ang mga bulaklak. "Who's that man? Is he your kuya?" Hindi pa ako nakapagsalita ng lumapit siya dito, napanganga ako. "Hi po, kuya." Napahawak ako sa bibig ko habang nanlaki ang mga mata. Yayakapin niya sana si Mr. Thompson ng bigla siyang napaatras. Nagtatakang tumingin sa'kin si Ford. "He's not my kuya, Ford. He's my bodyguard." Napakagat-labi ako habang tumitingin sa kaniya. "Oh? I see. Bodyguard lang pala eh." Tiningnan niya ito mula paa hanggang ulo. "Let's go." Inaya ko siyang pumunta sa loob. "Your mansion is beautiful." Pagkamangha na sabi niya. Inakbayan niya ako at nilibot ang tingin. "What do you want to eat?" tanong ko. "You, please." Biglang nag-init ang katawan ko. "Where's your room, babe?" "Ehem! Excuse me." Pinaghiwalay kaming dalawa ni Mr. Thompson. "Hindi ka puweding lumapit kay Ma'am Whisper." Seryosong sabi niya. "What the hell?" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Maayos lang siyang tumayo sa gitna namin. "Babe, what's the meaning of this?" pigil ang sigaw ni Ford sa'kin. "Of course I don't know." Sa sala kami dinala ng mga paa namin kasabay ng pagkainis. Tinulak ko ang bodyguard ko pero hindi siya natitinag. "Lumayo ka nga." Umupo ako sa mahabang sofa. Kinuha ko ang remote para manood ng netflix. Umupo din si Ford pero medyo malayo siya. Nakatayo sa gilid si Mr. Thompson na parang estatwa. Nakakainis siya. Pinili ko 'yung romance. "Sabihan mo nga ang mga katulong na magdala ng juice, tinapay, pop corn at cookies dito. Bilis." Utos ko kay Mr. Thompson. Napangisi ako ng sinunod niya ang utos ko. Nagmadali namang lumapit si Ford at sinunggaban ako ng isang malalim na halik. I kissed him back na parang sabik na sabik sa isa't-isa. He gently squeeze my breast. I moaned between our kisses. Napakandong ako sa kaniya. His hand went down to my underwear. Maigi ko siyang hinalikan ng pumasok sa loob ng underwear ko ang daliri niya. Nararamdam agad ako ng pagnginig. Tinusok tusok nito ang kweba ko, hinayaan niya muna ang daliri niya do'n at inigihan ang paghalik. Bigla akong natigilan ng makarinig ng pagbasag. Shet! Napatingin ako sa gawi no'n ng makitang nakatulala si Mr. Thompson na tumitingin sa'kin. May dala siyang tray ng pagkain. Nagmadali agad siyang lumapit sa'min, nataranta naman ako at may halong pagkainis ng hugutin ni Ford ang daliri niya. Napatayo ako ng bigla niyang kinwelyuhan si Ford. "Sinabi ko na sa'yo na hindi ka puweding lumapit kay Ma'am." Nakita ko ang takot sa mukha niya. Marahas niyang tinanggal ang pagkakakapit ni Mr. Thompson sa kwelyo niya at tumayo. Tumalikod ito na ipinagtaka ko. "Ford, where are you going?" sigaw ko. "I'm going home." Naiinis akong tumingin sa bodyguard ko na seryoso lang ang mukha. "What did you do?! Pakialamero ka talaga! ARGGGHHHHHHHH!" kinuha ko ang bulaklak at malakas na hinampas sa kaniya. Sinangga naman niya ito ng kamay niya. Hinampas ko ng hinampas hanggang sa magkaputol-putol ang bulaklak nito. Sa huli ay hinagis ko sa kaniya at naiinis na tumalikod. Tumungo ako sa kwarto at nagkulong. Dumapa ako at isiniksik ang ulo sa unan. "Kingina!!!! Ggo ka! Nabitin ako! Hindi ako nakaraos! Anong gagawin ko ah? Magsarili?! Waahhhhhhh!!!" "Humanda ka sa'kin! Makikita mo!" ✨✨✨End of chapter 6✨✨✨
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD