"Anak bakit moyun ginawa? Masama yun anak " ani ni Elma sa anak habang pauwi na sila. Ang binata ang nag mamaneho habang katabi niya ito at sa likod naman si Elice
Mabuti na lamang ay may lumapit na mga Gwardiya sa kanila, marahil ay may nag report na may nag nagaganap na away sa loob ng mall
"Eh kasi po mommy yung Marang na bata ,tinawag niyang daddy si Daddy Jey " naka busangot na sagot naman ni Elice habang naka halukipkip ito
"Pero kahit na mali parin iyon anak. Saka Pano kung totoo palang daddy ng batang yun ang Daddy Jey mo. ---
"No! Ako lang baby ni Daddy Jey diba po daddy Jey ako lang po baby niyo po hindi yung Marang po " ani ni Elice habang nangingilid na ang luha nito at konting konti nalang ay pumalahaw na ito ng iyak
"Yes naman Little princess ikaw lang ang baby ko saka hindi Marang ang pangalan ng batang iyon. Amara baby " baling ni Jeppy sa bata.
"Parang pamilyar saakin yung babae. Diko matandaan kung saan koba yun nakita" mahinang sabi ni Elma.
"Talaga po daddy Jey? eh bakit po daddy rin ang tawag sayo po nung Mar- ay Nevermind " ani ni Elice na para bang ayaw ng banggitin ang pangalan nung bata.
"Baby, lahat kami na Friend ng mama ni Amara ay Daddy ang tawag niya saamin , pati ang Tito Paulo mo Daddy rin ang tawag ni Amara dahil wala siyang tunay na daddy. Saka mabait si Amara pwede mo siyang kaibiganin ---
"No! Aagawin kaniya po saakin daddy Jey tell Her na wag kaniyang tawaging Daddy --
"Elice tama na, masama nayan anak. Hindi ba't sinabi ko sayo na Masama maki pag away ---
"Okey po mommy sorry " ani ni Elice at nag halukipkip na lamang at nakita paniya ang pag ikot ng Eyeballs nito
Tanghali na ng maka rating sila naka tulog narin si Elice , kaya naman ay binuhat na ito ni Jeppy, nagulat Pa si Elma ng makita niya sa Labas ng Pinto ang kaniyang kaibigan kasama nito ang triplets . Na halatang inip na inip na
"Best kanina Pa kayo? Sorry pinasyal kasi namin si Elice. Naka limutan ko yung oras at nakalimutan Kong pupunta pala kayo " sabi niya sabay labas ng susi upang mabuksan ang Pinto.
Habang si Sherin naman ay nag tataka parin habang naka tingin sa binatang Buhat-buhat nito ang natutulog na si Elice " ayus lang ilang minuto lang naman eh, saka kasama niyo pala si Jeppy " ani ni Sherin at pumasok na ang mga ito ng mabuksan na ang Pinto.
" Elma Sherin, dina ako mag tatagal ha tumawag kasi si Paulo kanina pupuntahan kulang sa Kompaniya. " ani ni Jeppy ng maka labas na ito ng Silid ni Elice.
"Ganun ba sige, salamat ha---
Natigil sa pag sasalita si Elma ng Halikan ito ni Jeppy sa Labi nito. Mabilis lang iyon sapat lang upang mapa tili si Sherin at matigilan siya.
"Bye " naka ngiting sabi ng binata. At nag paalam narin ito sa mga bata maging kaya Sherin
"Kiyaaa kayo naba? Nako-nako mahabang kwentuhan to. Wait mag papabili ako ng Snack natin. Mga anak pumasyal muna kayo kasama ng mga yaya niyo. Rayan, Jayson ito oh, paki samahan ang mga anak ko sa labas, Marco ibili mo kami ng Maraming Snack sa 7/11 dyan lang sa tabi " sabi ni Sherin sabay abot ng Credit-card nito
"Gaga wag na. alas-Dose na ng tanghali best. Ang init rin sa labas. Wag muna sila palabasin si Marco lang utusan mo bumili sa labas para sa mga bata. Tulungan mo nalang ako sa kusina mag luto habang nag kukwentuhan tayo " sabi niya
"Ay oo nga pala lunchtime na pala. Marco bumili ka na lang ng kahit na ano para sa mga bata. Tanungin mo sila kung anong gusto nila. " sabi ni Sherin at binaligan ang lalake. Na kaagad naman sinunod nito.
"Oh s'ya ano ba lulutuin natin? " ani ni Sherin at sumunod narin ito sa kaniya papasok ng kusina
"Mag adobo nalang tayu at kaldereta para sa mga bata paburito yun ni Patrick diba? "
"Oo si Kenneth naman sinigang na baka, minana ata saakin si Sheryl naman ay puro mga Turkey food ang hilig, palibhasa Tita's girl masyadong iniispoiled ni ate Cindy " sagot ni Sherin
"Pareho pala sina Elice at Patrick paburito rin ang kaldereta" sagot niya na ikinangiti naman ng Kaibigan
"Oh Sherin mukhang alam kona Yang nasa isip mo ha, ang ngitin nayan nako, Wag ka dyan napaka bata Pa ng mga bata--
"Oo na alam ko naman yun. hahaha malay mo matupad yung plano natin nuong Highschool Pa tayo. Diba usapan natin na kapag may babae at lalake tayung anak ay pag lalapitin natin para maging mag bala-e tayo " natatawang sabi ng kaibigan.
"Sira so iniisip mong sina Elice at Patrick ang pag lalapitin natin ?" Naiiling niyang sabi
"Bakit hindi, nakikita ko namang Mas mag-kasundo sina Patrick at Elice kaysa kay Kenneth na laging inaaway ang anak mo. " ani Pa ni Sherin
"Tignan natin, ngapala napag usapan niyo naba ni Paul kung kailan ang kasal niyo? " pag iiba niya ng usapan
"Ammp oo sa susunod na Buwan. Next month Pa babalik sina Daddy at Ate Cindy dito eh, may tatapusin lang daw sila sa France " ani ng kaibigan habang nag hihiwa ito ng sibuyas
"Ay bat ang tagal best?. Next week babalik na kami ng Paris 2 weeks lang ang paalam ko kay Tita Betina " sagot niya at tukoy nito sa Kapatid ni Mrs Paulyn na may ari ng Hospital na pinag tatrabahuan niya
"Bakit ang bilis naman Elma, bakit hindi ka nalang dito mag trabaho, napaka layo ng Paris dapat dito na nalang kayo." Ani ng kaibigan at nakita niyang lumungkot ang mukha nito kaya napa buntong hininga siya at lumapit kaya Sherin.
"Sige pag iisap ko best, wala naman akong kaibigan duon e ,nandito kayo kaya pagka tapos ng binyag ng anak ni Kuya Rico ,iiwan ko muna sayo inyo si Elice. Babalik ako ng Paris upang maka usap si Tita Betina"sagot niya na ikina liwanag ng mukha ng kaibigan.
"Sige sige aasahan koyan ha. Maiba tayo ,diba sabi mo wala kayung relasyun ni Jeppy bakit may Pa halik halik na sa lips umamin kanga meron kabang hindi sinasabi saakin Elma? " naka taas kilay na ani ng kaibigan
"Wala nga, siya lang itong basta-bastang nang hahalik eh, saka best kanina pala galing kami ng Mall may batang tumawag ng Daddy kay Jeppy. May anak na pala siya? Kamuntikan na kaming mag rambulan nung nanay ng bata dahil inaway ba naman ni Elice yung batang lumapit kay Jeppy"
"Aba malay ko. Tatlong araw palang kaya akong nakalabas ng Hospital, Remember mahigit 6 years akong natulog kaya hindi ko alam ang mga nang-yare "
"Emmp Sherin Best, kumuha nga pala ako ng Sample kay Jeppy. Gusto kung malaman kung siya ngaba talaga ang Tatay ng anak ko. Kinakabahan ako best , kung sakaling mag Positive ang Resulta na siya nga ang tatay ng anak ko. Tapos may iba na palang Anak o pamilya si Jeppy. Ayaw Kong masaktan ang anak ko best lalo na't nakikita Kong sobrang malapit sila at pinag dadamot ng anak ko si Jeppy sa ibang bata. " aniya habang hinuhugasan ang manok na para sa lulutuing adobo
---
"Oh bakit mo ako pinapa-punta dito? " agad na sabi ni Jeppy ng maka pasok siya sa opisina ng kaniyang pinsan na si Paulo
"Oh basahin mo " ani naman ni Paulo sa kaniya sabay abot ng Brown Envelope, kinuha naman niya ito habang may pag tataka sa mukha niya.
"Ano to ?"
"Buksan mo nalang at basahin mo para malaman mo " naka ngising sabi ni Paulo. Nag tataka man ay sinunod na lamang ni Jeppy ang sinabi nito.
Nangi-nginig ang kaniyang kamay kasabay ng pag bilis ng t***k ng puso niya habang naka tingin sa DNA Result na hawak niya. Kahit alam na niya sa sarili niyang anak nga niya si Elice ay iba parin pala kapag hawak muna ang katibayan.
"Congrats insan hindi papala Expired ang Sperm mo. Atlis kahit mag forty kana ay may Elice kana " pabirong sabi ni Paulo at tinapik siya nito sa Balikat
"Pano ? I mean pano niyo kami naipa DNA? " nag tataka paring sabi niya
" emmp sabihin nalang nating Matalino kami ni Kuya , kahapon kase na curious kami ni Kuya dahil wala naman kayong naging Relasyun nuon ni Elma at saksi ako kung gano mo minahal si Sherin , kung pano ka naging Stalker niya at handa mo ibuwis ang buhay mo para sa asawa ng Kapatid ko. Kaya nag taka kami kung bakit para kayung pinag biyak na pakwan ni Elice. So kinuha namin ang mga Kutsarang pinag gamitan niyo ni Elice kahapon ---
"Kahapon lang?! , bakit ang bilis lumabas ng Resulta? diba aabutin payan ng 1 or 2 weeks? " putol niya sasabihin pani Paulo
"Tsssk ang slow mo. Malamang walang imposible kung may ganito ka " ani ni Paulo at pinakita Pa ang dalawang dalari na para bang nag bibilang ng pera
-
Nang matapos kumain sina Elma ay hinayaan na lamang nilang mag laro ang mga bata sa Sala kasama narin si Elice at ang mga Yaya ng triplets , habang ang dalawang lalaking bantay ay nasa Garden lamang at ipina iwan nila sa kusina si Rayan upang ito ang mautusan nila.
"Rayan walang pwedeng makaka alam niyan ha. Tayung tatlo lang " sabi ni Sherin ng ibigay nito ang dalawang maliit na selopen na kulay puti .kung saan naka lagay ang toothbrush at ilang hibla ng buhok ni Elice maging ang Baso at Kutsara na ginamit ni Jeppy.
"Pero Mam 3'days or 1 week Pa natin makukuha ang Resulta" ani ni Rayan ng kunin niya ang inabot ng amo
"Okey lang basta wala kang pag sasabihan niyan ha " sabat naman ni Elma
Nang maka alis na ang lalaki ay naiwan na ang Dalawa sa Kusina at sila na ang nag ligpit ng kanilang pinag kainan.
"Nasan ba si Perla hindi ko ata nakita? " tanong sa kaniya ni Sherin
"Ah day-off niya ngayon. Mamayang gabi payun darating " sagot niya
"Ah kaya pala, emmp Elma sa tagal mo sa paris wala kabang naging Boyfriend duon? "
"Emmp wala, laging naka bantay si Stepen eh ang akala ng mga katrabaho ko boyfriend ko si Stepen. --
" Stepen? Yung Kaklase natin nuon? Yung anak ni Vanessa? " paninigurado ng kaibigan at nakita niya ang pagka gulat dito
"Oo sino pangaba. Pero hindi ko siya Boyfriend, matalik kolang siyang Kaibigan ngayon sa Paris ,nag sorry na siya sa ginawa niya nuon at pinatawad ko naman " sagot niya
"Ah kaya pala eh si Jeppy may pag- asa ba siya kung sakaling ligawan kaniya? " ani ng kaibigan na ikina tahimik naman niya, nang hindi siya maka sagot ay nag salita ulit si Sherin
"Ay bakit papala manliligaw kung may Pa halik halik na. Hahaha parang si Tanda lang napaka bilis wala ng ligaw ligaw " ani ng kaibigan at napa tawa Pa ito.
//continue