Chapter -1
"Mam May Tawag po para sa inyo daw po" ani ni Perla ang yaya ng kaniyang anak na si Elice, halos mahigit Anim na taon na silang naninirahan ng kaniyang anak sa Paris. At duon narin niya ito ipinanganak, dahil sa Opportunity na inalok ni Mrs Paulyn Santiban tungkol sa Kurso niya sa pagiging Doctor ay hindi na niya iyon tinanggihan Pa, lalo nat matagal na niyang pangarap mag trabaho sa ibang bansa . ngunit ng alukin siya nitong ipag patuloy niya ang Kurso niya sa Medisina sa hospital na pag aari ng Kapatid nito ay hindi na niya iyon tinanggihan.
Nag angat siya ng Tingin at ibinaba ang hawak na mga papeles
"Sino daw Perla? " tanong niya
"Si mam Paula po " sagot nito. Si Perla ay nakuha niyang personal yaya ng kaniyang anak dahil sa nirikomenda ito ni Sharina sa kaniya
"Sige Akin na " sabi niya at lumapit naman kawaksi bago inabot ang Telepono
"Hello ate Sharina "
"Elma ibabalita kolang sayo nagising na si Bunso finally " masiglang pag babalita nito sa kaniya, maging siya ay nagulat at sobrang saya rin dahil sa napaka habang panahon ay sa wakas ay nagising narin ang kaniyang Matalik na kaibigan
"Talaga ate? Thank-you Lord, napaka gandang balita niyan, mag papa schedule ako ate uuwi kami dyan " maluha luhang sabi niya habang naka ngiti
" Oo mas mabuti panga dahil tinanong Karin niya, nagulat panga siya ng Sabihin naming mahigit 6 years siyang natulog" ani Pa ng nasa linya
"Sige ate wag mo na lang sabihin na uuwi ako. Jusko salamat talaga sa panginuon at dininig niya rin mga Panalangin natin " aniya
" Oo nga ohsiya ibababa kona ang tawag ha, mag iingat kayu dyan, e kiss mo na lang ako kay Elice " ani nito
"Sige ate salamat sa pag babalita. Kayu rin dyan ingat " yun lang at binaba na nito ang tawag
--
Kasalukuyang nasa Hospital si Jeppy dahil sa Emergency na tawag sa kaniya ng pinsan na si Paulo
lumapit siya sa asawa ng kaniyang pinsan ng mapadako ang tingin nito sa kaniya, nakita niya ang pag tataka sa mga mata nito. Marahil ay nag tataka ito kung bakit siya naroroon at bakit niya kasama ang mga Santiban
"Sherin kumusta? Salamat naman at dimo kami iniwan tinakot mo kami du ha " ani ni Jeppy ng maupo ito sa Tabi ni Paulo sa bandang paanan ng nag ngangalang Sherin
"Oo nga Sherin tinakot mo kami " naka ngusong sabi naman ni Paulo
"Tssk para kang bata, tabi nga dyan Paulo " ani naman ni Anne na siyang girlfriend ni Paulo
"Jeppy " tawag sa kaniya ni Sherin kaya natigil sa pag kukulitan sina Anne at Paulo
Lumapit siya sa Babaeng Una niyang minahal nuon, pero nuon lang iyon nung panahong magulo Pa ang lahat, ngayon ay bilang nakaka batang kapatid or bilang asawa ng pinsan niya lamang ang turning at tingin niya kay Sherin.
"Jeppy kumusta kana? Anong ginagawa mo dito? " ani ni Sherin ngunit bakas parin sa Tono nito ang pag tataka
" kung iniisip mo ang away at gulo nuon wag ka ng mag alala, maayus na kami, Oo Sherin maayus na kami, at okey na kami ng mga Pinsan ko " sabi niya na ikina gulat naman ng babae
"Pinsan? " ani nito at binalingan ang asawa nitong si Paul, si Paul na dati ay Mortal niyang kaaway
"Yes baby mag pipinsan kami, kapag magaling kana e kukwento ko sayo" sabi ni Paul sa asawa nito.
Nang masigurado niyang maayus na si Sherin ay nag paalam na siya sa mga kasama upang maka habol Pa siya sa Wedding Anniversary Party na Dadaluhan niya
"Jeppy Pare salamat naman at dumating kana, akala namin dikana makaka habol " ani ni Alan sa kaniya ng maka rating siya sa Mansyon nito. , si Alan ay ang nakaka tandang Kapatid ni Kiel na isa sa Miyembro ng Otso Apolo.
Nakilala niya si Alan dahil sa Kaniyang Pinsan na si Paulo, naging matalik niya itong Kaibigan sa loob ng mahigit Anim na Taon na ang Lumipas, may asawa at dalawang anak na si Alan, mabait ito kaya madali niyang naka sundo, ito narin ang kaniyang Partner sa Negosyo.
" pwede bayon ? oh ito regalo ko sa inyo ni Karen " sabi niya sabay abot ng maliit na paperbag.
"Tsssk nag abala kapa pare thanks, siyanga pala kumusta na si Sherin? " ani nito , hindi na lingid dito ang kaniyang naka raan alam na nito lahat ng masasamang naging past niya lalo sa babaeng una niyang minahal
"Kakagising Pare, saka hindi pala makaka punta si Paulo at Cindy " aniya at nag patuloy na sila sa Pool area kung saan naroroon ang mga bisita.
Kahit wala siyang gaanong kilala sa party na iyon ay nag injoy parin siya dahil sa naroroon sina Fego , Kiel at iba pang grupo ng Apolo maliban lamang kina Josef, Paulo at Cindy na hindi naka Dalo sa party na iyon, marami narin siyang nainom kaya lasing na narin siya, wala naman nagawa sina Fego at Kiel kundi alalayan siya at ihatid sa mansyon ng mga Santiban.
"Nako Sir Jeppy " ani ng dalagitang kasambahay na nag bukas ng Pinto
"Nasaan ang kwarto ng Sir Jeppy niyo? " tanong ni Fego sa kasambahay na nag bukas ng pinto.
" samahan kona po kayu sir "ani nito kaya sumunod na lamang sina Fego at Kiel habang pinag tutulungan nilang e akiyat at ipasok sa kwarto si Jeppy
--
"Mommy , mommy we are here napo " maarteng sabi ni Elice habang tinatapik tapik ang Pisngi ng natutulog na si Elma, dahilan para ito ay magising
"Baby Girl wag mo muna gisingin si mommy mo hindi Pa naka baba ang airplane " ani ng Yaya nitong si Perla
"Emmp baby hindi Pa pala nakaka baba ang Eroplano eh, 10 minutes Pa baby , gusto Pa matulog ni mommy " naka pikit na sagot ni Elma sa anak.
7-pm ng Gabi ang naging Flight nila, Paris to Manila kaya umaga palang ay naka rating na sila ng pilipinas, hindi naman siya naka tulog sa buong Gabi ng biyahe dahil sa kakulitan at kadaldalan ng kaniyang Anak, masyado itong Excited sa pag balik nila kaya halos hindi rin ito naka tulog.
"Nana makikita kona po ulit sina Kuya JP Red At Ate PJ "excited na sabi ni Elice at tukoy nito sa kambal na mga anak nina Sharina At Josef , sobrang close ito sa mga anak ni Sharina kaysa sa mga Anak ni Sherin, hindi nito kasundo ang triplets na mga anak nina Paul at Sherin dahil madalas itong e Bully nina Kenneth at Patrick , mas lalong hindi naman nito kasundo ang nag nag iisang babaeng anak nina Paul at Sherin na Si Sheryl dahil sa sobrang Maarte ito ay napaka Spoiled brat Pa
"Oo babyGirl kaya mag Behave kana okey, wag mona kulitin si Mommy mo" ani ni Perla sa alaga.
Mahigit alas Otso na ng Umaga ng Makarating sila sa NAIA international airport.
"Perla natawagan muna ba ng susundo saatin? " aniya
"Opo Mam, alam narin nila Mam Paula na darating tayo oh nandyan na mala si Jun " ani ni Perla na kaagad naman nito nakita ang Driver na susundo sa kanila.
"Goodmorning Mam Elma, Goodmorning Sweety" ani ni Jun sa kanila at kita paniyang humalik ito sa pisngi ni Perla kaya napa ismid na lamang siya. Alam niyang matagal ng mag-kasintahan ang Driver at ng Yaya ng kaniyang anak kaya hindi nalang niya pinansin ang kasweetan ng Dalawa.
"Jun nasan si Ate Sharina? "Tanong niya sa Driver
"Nasa Mansyon po ng mga Magulang niya Mam, duon kopo ba kayo ihahatid? " ani nito
" Oo " maikling sagot niya
"Elma Welcome back, chaar lalo tayung gumaganda ah, kumusta na kayo? Si Elice kasama moba? " masayang sabi sa kaniya ni Sharina ng makababa na siya ng sasakiyan, mukhang hinintay Pa talaga siya nito sa labas kasama ang asawa nito.
"Ayun naka tulog, binaba na ni Perla. Ayus naman ate, kayu kumusta? " balik tanong niya
"Eto buntis nanaman, halikana tamang tama pababa narin sila mommy at Daddy, mag almusal muna kayo bago kayo matulog ulit " ani ni Sharina sa kaniya kaya tumango na lamang siya.
Mahabang kumustahan at kwentuhan habang kumakain sila ng Almusal, wala ruon sa mansyon sina Paulo at Anne dahil nasa Condo na ang mga ito , habang sina Paul naman ay kasama ng mga triplets sa sariling bahay ng mga ito. Tanging ang mag Asawang Don Pablo at Doniya Paulyn lamang maging ng mga katiwala ang nakatira sa malaking mansyon na iyon ..
"Hindi na ako matutulog ulit Ate, iiwan ko muna dito si Elice kasama ng Yaya niya, gusto Kong bumisita kay Sherin , Okey lang poba tita? " ani ni Elma sabay baling sa Doniya
" Oo naman iha, parte kanarin ng pamilyang ito kaya wag kanang mag alala, kami na ang bahala kay Elice paniguradong matutuwa si Sherin pag nakita kanun. " ani ni Mrs Paulyn
"Thank-you po Tita " aniya, Pagka tapos niyang ayusin ang sarili niya ay nilapitan niya ang kaniyang anak na mahimbing paring natutulog , hinalikan niya ito sa nuo bago hinabilin sa Yaya nito ang mga Dapat at hindi dapat gawin ng kaniyang anak lalo nat napaka Maselan nito.
"Elma sabay na tayo, bibisita rin ako kay Bunso, saka ipapahatid ko dito sa mansyon ang kambal para may kalaro si Elice.
" sige ate, nako matutuwa nanaman ang anak ko. Lagi niyang bukambibig sina PJ at JP " naka ngiti niyang sabi.
Mabilis silang naka Rating ng Hospital dahil hindi naman iyon kalayuan, walang pagsiglan ang kaniyang tuwa para sa kaniyang Kaibigan. Sobrang namiss niya si Sherin, kaya ng malaman niyang gising na ito ay nag Pa booking na kaagad siya ng Ticket para maka uwi at makita ang kaniyang matalik na kaibigan.
--
"Please I want you, angkin mo ako please hindi ako maka hinga, tulungan mo ako " pag mamakaawa ng babae ng babae sa kaniya , kaya kaagad na napa mulat ng mata si Jeppy at hinihingal Pa siya. ramdam niya ang malakas at mabilis na t***k ng kaniyang puso, heto nanaman siya . Napaka tagal na ng panahon ay hindi parin mawala sa Sistema niya ang Gabing pinag saluhan nila ng babaeng matagal ng nag papagulo ng isipan niya.
"Huh! The he'll s**t Elma! Bakit hanggang ngayon dika parin mawala wala sa isip at panaginip ko!" Tiim bagang na sabi ni Jeppy, tinignan niya ang Orasan na nasa Side table lamang. Alas-Diyes na pala ng umaga , ngunit ramdam parin niya ang kaniyang Hangover kaya napa iling na lamang siya ng kaniyang ulo, napag disiyunan niyang wag na muna pumasok sa Opisina at dumalaw nalang sa Hospital para bisitahin si Sherin pagka tapos niyang mag almusal mamaya..