Chapter -2

1770 Words
"Magandang umaga ho Sir " bati ng isang Kasambahay kay Jeppy ng maka salubong niya ito sa pag labas niya ng pinto ng Kwarto niya "Good morning too sina Tito, Tita ?" Aniya tukoy niya sa mag asawang Paulyn at Pablo "Ah kaninang alas nuwebe po Sir umalis po sila " sagot nito, kaya napa isip naman siya 'ang aga naman nilang umalis ' " alam moba kung saan sila pumunta? " aniya "Ah Sir diko ho alam pero si Manang baka po alam niya pasensya na ho Sir" ani nito "Sige salamat " aniya at tinalikuran na ito. "Ah Sir papasok ho ako sa Kwarto niyo. Mag lilinis ho ako " habol Pa ng kasambahay kaya nilingun niya ito at nginitian "Sige " naka ngiting Sagot niya bago tumalikod na ulit. Pasipol-sipol Pa si Jeppy Habang siya ay pababa ng Hagdan ,ngunit natigilan siya sa pag sipol ng may makita siyang isang bata na nag lalaro ng malaking manika na halos kasing laki lang ng batang babae. Naka talikod sa Gawi niya ang Bata kaya hindi niya makita ang mukha nito. 'Emmp pumunta pala dito sila Sharina' ani ng isip niya sa pag aakalang anak ni Sharina ang batang babae Pinamulsa niya ang dalawang kamay at dahan dahan nag lakad sa Gawi ng Batang babae "PJ -- Natigil sa pag tawag si Jeppy sa batang babae ng humarap ito sa kaniya, ang akala niya ay si PJ ang batang babae na anak ni Sharina. Sandali siyang natigilan at napa kunot nuo siya ng mapa titig siya sa Magandang Mukha ng batang babae. May pagka Chubby ito palagay niya ay nasa Lima o Anim na taon na ito. Kasing kulay ng suot nitong bistidang Royal blue ang kasuot rin ng manika nito. Nag tataka siya kung bakit may Hawig ito sa kaniya, na para bang nakikita niya ang Girl version niya sa batang babae. , naisip nalamang niya na baka nagka taon lang , kaya napailing niya ang kaniyang ulo sa isiping kamukha niya ang batang babae "Hi bakit mag isa kalang dito? " aniya ng maka lapit na siya sa batang babae At naupo siya sa Tabi nito "Who are you po? " ani ng batang babae habang naka tingin lang ito sa Mukha niya, nakita naman niyang naka kunot nuo rin ito at nakita niyang nag tataka rin ang mga mata nito "I'm Jeppy and you are? " "Elice po, ngayon lang po kita nakita, friend Karin po ba ng mommy ko? " ani ng batang babae Lihim siyang napapangiti dahil sa kabibuhan at kakiyutan ng batang nasa harapan niya "Wow Elice napaka gandang pangalan kasing ganda mo. Sino ba ang mommy mo? " tanong niya sa Bata , hindi niya alam kung bakit nakaka ramdam siya ng Kasiyahan sa kaniyang puso habang kausap at kasama niya ito. Ewan baniya kung bakit napaka gaan na agad ng loob niya sa batang babae na ito. Marahil ba sa mahilig siya sa bata? Pero kakaibang kaligayahan ang nararamdaman niya at diniya matukoy kung bakit na para bang gusto niyang panggigilan at Yakapin ang batang nasa Harapan niya. "Dito kapo ba naka tira? " ani Pa ng Batang babae, at hindi nito sinagot ang kaniyang tanong. "No, may sarili akong bahay pero tito at mga pinsan ko ang mga naka tira dito, ikaw ba nasaan ang bahay mo? " balik tanong niya sa bata naaaliw na talaga siya sa batang babae na ito. Mukhang katulad niya ay madaldal rin ito "Paris at wala po kaming Bahay dito " may pagka maarteng sagot nito "Emmp ang layo naman, ilang taon kana ba? " tanong niya ulit, talagang nahawa na talaga siya sa Kakulitan ng batang nasa harapan niya. At mukhang hindi na siya makaka pag almusal dahil sa nawili na siyang kausap ang batang babae na ito. "5 at mag Six po ako sa July, eh ikaw po ba ilang taon kana po ba? " balik tanong naman nito habang sinusuklay suklay nito ang buhok ng manika nito "38 na ako, nag almusal kana ba? " aniya, tumango naman ang bata at may kinuha itong chocolate sa tabi nito. "Gusto niyo po? " alok nito sa hawak na Tobleron, ngumiti siya at umiling "No thanks, wag ka masyado kumain ng Chocolate-- "Pahawak nga po " ani ng Bata sabay abot nito sa kaniya ng suklay ng manika. "Ano gagawin ko dito? " kunwaring tanong niya sa hawak na suklay "Kainin mo po . Malamang sinabi kopong hawakan niyo eh " pabalang na sagot ng bata kaya napa tawa na siya nito. "Elice baby " ani ng isang babaeng hindi katangkaran ngunit maganda ito at kung titignan ay nasa 22 pataas ang edad nito. Naisip niyang marahil ay ito ang Mommy ng bata "Nana, may new friend napo ako " masiglang sabi ng batang babae at yumakap ito sa bewang ng babaeng kararating lang "Magandang umaga Sir , kinukulit poba kayo -- "No nakaka tuwa nga siya eh, I'm Jeppy nga pala " naka ngiting pakilala niya sa babae. "Perla po Sir Jeppy " sagot ng babae. "Halikana baby, papaliguan na kita ,umagang umaga Chocolate nanaman " ani ng babae Hindi parin mapalis ang ngiting naka paskil sa mukha ni Jeppy habang naka tingin siya sa batang babae na buhat buhat na ng Mommy nitong nag Ngangalang Perla. -- "Besty! " masiglang sabi ni Elma ng maka pasok na ito sa Silid ng Kaibigan. Ipinatong niya muna ang dalang mga Prutas sa maliit na lamesa. Bago lumapit sa kaibigan. Niyakap niya ito ng Mahigpit dahil sa Sobrang saya niya . Dahil sa wakas ay magaling at gising na ang kaniyang kaibigan "Elma? Elma ikaw naba yan? " maluha luha sabi ng kaniyang kaibigan na si Sherin "The one and Only Bestfriend, thanks god. Besty sobrang saya ko. Sobrang saya namin , akalain mo yun mahigit 6 years kaming nag Hintay sa pag gising mo. Kaya mag palakas kana Besty dahil mag Girls Bonding naman tayo. Sobrang namiss kita " masigla niyang sabi at hindi na niya napigilan ang kadaldalan sa sobrang saya. " masaya rin ako Elma dahil nakasama at nakita kopa kayo. Pangalawang buhay kona ito kaya diko sasayangin ang binigay saakin ni Lord saka grabe dikita nakilala ha, mas gumanda ka lalo best " ani ng kaniyang kaibigan kaya Napangiti siya lalo. "Oh nasan ang Asawa mo? Himala diko ata nakita ngayon. " aniya " ah hinatid lang yung mga anak namin. Pero babalik rin iyon kaagad. Ikaw kumusta kana? Nabanggit saakin ng Asawa ko, nasa Paris kana raw at duon kana nag tatrabaho, masaya ako para sayo Elma. " ani ni Sherin sa Kaniya "Salamat best saka eto ang dami ng nangyare sa buhay, at talagang napaka rami natin pag kukwentuhan kaya bilisan mo ng mag pagaling ha. Kailan kaba daw makaka labas? " aniya at kinuha ang isang pirasong Orange Fruit "Bukas na daw sabi ni Paul, teka best diba buntis ka nuon? Nasaan na yung baby mo? " naka kunot nuong tanong sakaniya ng kaibigan " nandun sa Mansyon nina Tita Paulyn, iniwan ko muna hindi kona pinasama dahil napaka sensitive saka baby Girl siya best. Elice ang pangalan niya" sagot niya at ibinigay ang nabalatang Orange "Talaga ? Sayang naman excited tuloy akong makita siya. Siguro kasing Kulit morin no? " ani ng kaibigan kaya napangiti lalo siya. " oo best sobrang kulit at sobrang daldal pero napaka bait na anak kaya sobrang maswerte ako besty sa anak ko " pag mamalaki niya kaya napangiti lalo ang kaniyang kaibigan. Matapos ang mahabang kumustahan nilang Dalawa ng Kaibigan ay nag paalam narin siya dahil dumating narin ang asawa nitong si Paul Habang nag lalakad siya Papalabas ng Hospital ay naka yuko siya dahil hinahalungkat niya ang kaniyang bag "Nako nasaan naba yun? " aniya at tukoy nito sa kaniyang susi, habang patuloy parin sa kaniyang paglalakad Habang si Jeppy naman ay nakatutok lamang siya sa kaniyang Phone habang nag lalakad ng may bigla siyang mabangga kaya nabitawan niya ang kaniyang phone at mabilis na napa hawak sa Katawan ng taong nabangga niya upang hindi ito bumagsak. "Ayyy! Rinig niyang tili ng babae kaya mas hinigpitan niya lalo ang pagka hawak sa Bewang nito dahilan upang mas lalong magkadikit ang kanilang katawan at konting galaw lamang ay mahahalikan naniya ito. "So-sorry Miss hindi ko sinasadya " ani ni Jeppy ng mabilis niyang itinayo ng maayos ang babae, natatakpan ang mukha nito ng kakaunting hibla ng buhok kaya diniya makita ng maayos ang mukha nito. "Sorry - sorry rin, dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko " ani ng Babae habang naka yuko parin at pasimpleng inayos ang buhok nito. "It's okey Miss hindi rin ako naka tingin sa Daan " ani ni Jeppy at pilit sinisilip ang mukha ng babae. Ngunit nang mag angat ito ng mukha ay halos masamid ng sariling laway si Jeppy, nanlaki ang kaniyang mata at naramdaman niya ang mabilis na pag t***k ng kaniyang puso na para bang hinahabok ng ilang daang kabayo. Ang babaeng nasa Harapan niya ay Ang babaeng laging Laman ng kaniyang panaginip , mahigit Anim na Taon siya nitong hindi pinatulog ng maayos, Anim na taon rin siyang nag hirap dahil lagi lamang itong laman ng kaniyang isipan at hindi mawala wala sa sestema niya ang Gabing inangkin niya ito. "Sir Jeppy? " ani ni Elma ng mauna itong maka bawi sa pagka gulat. "E-Elma? " utal namang ani Ni Jeppy at hindi niya parin alam ang unang sasabihin sa babae. "Sir kumusta po kayo? Dadalaw poba kayo kaya Sherin? " ani ni Elma sa kaniya habang si Jeppy naman ay parang tangang tatango tango na lamang. "O-oh? Ehmmp yes? Ay I- I'm sorry, what did you say Again ?" kinakabahang ani ni Jeppy na para bang isang teenager na nahuli ng Crush nitong may ginagawang hindi maganda. 'Damn Jeppy! Anong ng Yayare sayo? Kailan kapa nagkanda Utal utal sa harapan ng babae. ' kastigo ng kaniyang isip. "Ang sabi ko kumusta kana po? Dadalaw kaba sa Kaibigan ko? " pag uulit Pa ni Elma "Owh That's it! Okey naman, oo bibisitahin kolang si Sherin pero nag bago na pala ang isip ko. Mamaya na siguro. Ikaw kumsta kana? Kailan kapa bumalik? " aniya at gusto niyang mapasaludo sa kaniyang sarili dahil hindi siya nautal sa harapan ng babae. " maayus naman po saka kaninang umaga lang po, sige ho Sir tutuloy napo ako " ani nito sa kaniya Wala naman siyang nagawa kundi tumango na lamang at ngumiti dito kahit alam niya sa sarili niya na ayaw kaniyang paalisin ang babae at gusto paniya itong makausap ng matagal //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD