Chapter 3

1493 Words
Makalipas ang ilang araw napag desisyonan na ni Michael na bumalik na sa siyudad kasama si Fairyll. Habang nag aayos ng mga gamit, kinakabahan si fairyll kung anung buhay ang tatahakin niya sa syudad. ngayon lamang siya makakapunta sa siyudad. binira lang din siya makababa noon sa gubat noong nabubuhay pa ang lola at lolo niya. Pero kapag nakikita niya si Michael nawawala ang kaba niya dahil alam niyang hindi siya nito pababayan. Tanghali na umalis si Michael at Fairyll sa San Manuel, ilang oras pa ang babyahiin nila para maka rating sa siyudad. dahil sa haba ng byahe naka tulog si Fairyll sa sasakyan. Habang natutulog si fairyll sinusulyap sulyapan siya ni Michael, hindi parin siya maka paniwala na makakasama niya na si ito. tinitigan niya ang buong mukha nito, napakaganda. subrang tangos ng ilong nito at mahaba ang mga pilik mata, makinis din ang mga balat nito at maputi animo'y isang diwata nga sa gubat. sa subrang kinis ng balat nito indi mo akalain na sa gubat ito lumaki.kahit anong mangyari hindi niya na ito pakakawalan. Pag dilat ng mga mata ni Fairyll tumungin siya kay Michael at ngumiti, ngumiti din ito sa kanya . tumingin siya sa paligid hindi niya akalain na gabe na pala.mangha mangha siya sa kanyang nakikita, maramimga sasakyan, ibat ibat ilaw, mga naglalakihan at nag sisitaasang mga gusali. Hindi niya lubos akalaing nandito na siya sa syudad. Tuwa tuwa si Fairyll. At ibang iba ito sa kwenikwento ng lola niya. Dahil sabi ng lola niya masyado raw magulo sa syudad. Lihim namang siyang sinulyapan ni Michael at natuwa rin ito dahil nakikita nito sa mga mukha ni Fairyll kung gaanu ito namangha sa kanyang nakikita.. Ilang sandali pa dumating na sila sa mansyon ni Michael. Pagbaba ng sasakyan umikot na naman ang mga mata ni Fairyll. Mukhang hanga hanga din ito sa mansyon ni Michael. Pumasok sila agad sa loob at umikot ikot ang tingin ni Fairyll sa lahat ng bagay na nasa loob ng bahay at tuwang tuwang ito. Natuwa din sa kanya ang mga katulong. Nang makita niyang pinag mamasdan siya ng mga katulong bigla siyang lumapit kay Michael at Nagtago sa likod nito. Agad naman ni Michael pina kilala sa kanya ang mga katulong nito at pinakilala rin siya nito sa mga katulong. Pagkatapos ipakilala ni Michael si Fairyll sa lahat agad naman niyang inutusan ang isang katulong na ayusin ang isang Guest room na malapit sa kanyang silid. agad naman sinunod ng katulong ang kanyang utos. Pagkatapos maghapunan inaya na ni Michael si Fairyll na pumasok na ito sa kanyang silid upang magpahinga dahil alam niyang pagod pa ito sa byahe. sumunod naman si Fairyll sa kanya. hinatid siya ni Michael hanggang sa pinto ng kanyang silid. kung anu man ang kailangan mo wag kang mahihiyang magsabi sa akin fairyll o kaya sa mga katulong. nandiyan lang ako sa kabilang silid, sabay turo sa kanyang silid. OO Michael, sagot ni Fairyll sa kanya habang naka ngiti. sige na. pumasok kana at magpahinga.sabay bukas ng pinto. sige. goodnight Michael Goodnight. Pagkapasok ni Fairyll sa kanyang silid, agad siyang umupo sa kama. napapangiti siya dahil subrang lambot ng kama ang laki pa ng silid mayroon ring CR sa loob tapos ang bango bango pa. Humiga na siya sa kama, napagod talaga siya ng subra sa byahe, naiisip niya parin ang kanyang lola at lolo Hanggang sa maka tulog na siya. Maagang nagising si Michael, sadyang hinihintay niya talaga si Fairyll dahil ngayong araw ipag shopping niya ito at upang sabay narin sila mag break fast. Pagkagising ni Fairyll agad siyang naligo at lumabas sa kanyang silid. Nang makita ni Michael si Fairyll na bumababa sa hagdan nilapitan niya ito. Good morning. habang naka ngiti Good Morning din Michael. Pagkatapos batiin. i Michael Si Fairyll inaya niya na itong mag breakfast. Tuwang tuwa naman si Fairyll dahil para siyang prinsisa kung ituring ni Michael. Habang kumakain sila sinabihan siya ni Michael na pagkatapos nila kumain maghanda siya at ipag shopping niya ito . Natuwa naman si Fairyll kaya binilisan niya ang pagkain at tumakbo sa kanyang silid upang mag bihis. Natutuwa naman si Michael sa mga ikinikilos ni Fairyll dahil masaya ito. Pati mga katulong natutuwa rin kay Fairyll dahil parang napaka inosente nito sa mundo. Habang nag aayos si Fairyll tinawagan ni Michael si John na babalik na siya bukas sa trabaho. Tinawagan rin ni Michael ang kanyang kaibigan na nagmamay ari ng isang Boutique na pupunta sila doon. Agad naman pinasara ng may ari ang Boutique. Pagkababa ni Fairyll naka ngiting naka abang si Michael sa sala, nakatitig siya kay Fairyll habang lumalapit ito sa kanya dahil kahit wala itong make up lumilitaw talaga ang natural na ganda nito.naka sapatos lamang ito naka t-shirt at pantalon. Pero sobrang ganda niya paring tingnan. Pagdating nila sa boutique lahat naka handa na. Sinukat naman isa isa ni Fairyll ang lahat ng damit na ihihanda para sa kanya. Lahat naman nababakay sa kanya. Kaya binili ni Michael lahat. Tuwang tuwang naman ang may ari. At hindi maitago sa mukha ng may ari at ng mga tauhan nito ang pag hanga kay Fairyll dahil sa natural na ganda nito at hubog ng katawan animoy isang modelo. Pagkatapos nila mamili sa boutique dinala naman ni Michael si Fairyll sa isang napaka garang restaurant upang kumain ng tanghalian. Lahat ng kakainin nila si Michael ang umorder. Nagustuhan naman lahat ni Fairyll dahil masarap naman talaga ang lahat na niluluto doon sa restaurant na yon. Pagkatapos nilang kumain dinala naman ni Michael si Fairyll ibang ibang pasyalan. Mag alas singko ng ng hapon ng maka uwi sila. Sobrang saya ni Fairyll dahil ang dami niyang napuntahan. Pagpasok nila sa mansyon nandoon na si John sa sala naghihintay kay Michael. Magandang hapon boss. bati nito sa kanya. O John nandito kana pala, by the way this is Fairyll and Fairyll this is John. Pag papakilala niya sa dalawa Hi Fairyll. How are you? Sabay abot ng kamay si John Hello. Ngumiti lang si Fairyll at tinitingnan lang ang kamay ni John na ina abot sa kanya at tumingin siya kay Michael parang bang humihingi siya ng tulong kung anung gagawin niya sa kamay ni John. kaya kinuha nalang ni John ang kamay niya at ngumiti. Nagpaalam naman si Fairyll kay John at Michael na papasok muna siya sa kanyang silid upang magpahinga at alam niya na mayroon ding importanteng pag uusapan ang dalawa. Habang nag uusap si John at Michael sa sala sinabihan niya si john na mag hanap ng pinaka magaling na guro na mag tuturo kay Fairyll dahil hindi pa ito marunong mag basa at magsulat at ibang pang magtutro kay Fairyll kung paano mag ayos ng sarili nito, at higit sa lahat mag hanap ng pinaka magaling na investigator upang hanapin ang mga magulang ni Fairyll. Na iintindihan naman ni John ang lahat. Maagang nagising si Michael upang mag handa papasaok sa opisina nito. Pagkaalis niya sinabihan niya ang mga katulong na huwang munang gambalain si Fairyll dahil baka sobrang napagod ito kahapon. At umalis na. Pag gising ni Fairyll agad siyang lumabas sa kanyang silid at napansin niyang wala na si Michael sa mansyon kaya nag tanong siya mga katulong na naghahanda ng kanyang umagahan kung nasaan na si Michael, at sinabi nila na maagang umalis upang pumunta sa opisina nito.nalungkot naman ang mukha niya.nanibago siya dahil ito ang unang araw na hindi niya makakasama si Michael, umupo na siya sa upuan upang kumain at niyaya niya ang mga katulong na sumabay sa kanya, ngunit ayaw ng mga katulong dahil baka pagalitan sila ni Michael pag nalaman nito, pero sinabihan niya ang mga katulong na hindi niya naman sasabihin kay Michael, nagkatinginan ang mga katulong at umupo na rin, natuwa sila dahil subrang bait ni Fairyll. Pagkatapos ni Fairyll kumain nag ikot ikot muna siya sa mansyon. Subrang napahanga talaga siya kay Michael dahil subrang laki ng bahay nito, Tiningnan niya rin ang mga bulaklak at inamoy amoy. Sa kanyang pag iikot naka rating siya sa may swimming pool. Subrang ganda aniya sa sarili. Sarap siguro maligo dito. Hindi naman siguro siya malulunod dito dahil magaling naman siyang lumangoy dahil lagi siyang naliligo sa talon sa gubat .. Magdidilim na ng maka uwi si Michael, pag pasok palang ni Michael sa sala biglang tumakbo si Fairyll papunta sa kanya at niyakap siya nito, nabigla naman si Michael sa ginawa niya. Habang naka yakap si Fairyll sinabi nito kay Michael na sobra siyang nag alala kay Michael dahil ang tagal nitong umuwi.sinabi naman ni Michael na Busy siya dahil marami siyang ina asikaso. Tumingin lang si Fairyll sa kanya at humiwalay sa pagkayakap.sinabi rin ni Fairyll na nabagot siya sa bahay dahil wala siyang gina gawa. Sinabi naman ni Michael na bukas na bukas darating na ang mag tuturo sa kanya. Kaya na excite naman si Fairyll dahil sa wakas matututo na siyang mag basa at mag sulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD