Maagang gumising si Michael upang ihanda ang sarili sa pag punta sa loob ng gubat, bumangon siya at naligo. pag baba niya sa sala nakita niya na naghahanda na ng umagahan si aling Maring, Nang makita siya nito tinawag siya upang kumain nandoon na rin si mang Gorio. Pagkatapos nila kumain nagpaalam naman siya kila aling maring at mang Gorio upang pumunta ng gubat. Pina alalahanan din siya ng mga ito na mag ingat, pina dalhan din siya ni mang Gorio ng itak, pang depensya niya daw sa sarili kung saka sakali.
Habang nag lalakad na si Michael panguto sa kagubatan hindi niya alam kung anu ang nararamdaman niya. Naka ramdam siya ng saya at kaba. Nang makapasok na siya sa loob ng gubat bawat madadanan niya ay nilalagyan niya ng palatandaan tulad ng pag putol ng isang bahagi ng sanga ng punong kahoy, ito kasi ang habilin din ni mang gorio sa kanya dahil hindi nito kabisado ang gubat.hindi niya namalayan nasa kalagitanan na siya ng gubat. Habang naglalakad maynaririnig siyang boses ng mga kalalakihan, parang may pinag uusapan ito tungkol sa babae mukhang may binabalak silang hindi maganda. Kaya sinundan niya kung saan nanggaling ang mga boses, nang makita niya na kung saan nanggaling ang boses, nabigla siya ng makita ang mga kalalakihan, mukhang ito yong mga lalaki sa bar nong isang gabi. Hindi nga siya nagkakamali na ang babaeng tinutukoy nito ay yong batang babae na nakilala niya noon. Agad siyang umalis at nag iba ng diretyon ayon sa narinig niya may bahay sa pinaka taas ng bundok, nagtatakbo siya dahil baka anu ang mangyari sa babae kapag nakita nila ito . Kailangan mauna niya itong makita, pero hindi niya alam kung saan siya tutungo dahil hindi niya alam ang pasikot sikot sa gubat. Habang tumatakbo siya hindi niya namalayan ang malaking puno na natumba kaya natalisod siya at nag pa gulong gulong sa bangin. Mabuti nalang at hindi masyadong mataas ang bangin. Mukhang nasugatan ata ang mga tuhod at kamay niya dahil masakit ang mga ito. Nang babangon na sana siya may narinig siyang mga yapak sa banding likuran niya kaya kinabahan siya ng husto baka kasi mabangis na hayon ang nasa likuran siya. Kaya hindi muna siya gumalaw nang papalapit ng papalapit na ang mga yapak bumibilis naman ang t***k ng puso niya kaya dahan dahan niyang hinuhigot ang itak sa baywang niya at hinarap ang diretsyon kung saan nanggaling ang mga yapak.hindi niya na alintana ang sakit ng kawatan niya. Pagkaharap niya nabigla siya sa kanyang nakita isang babae ang nasa harapan niya at mukha din itong nabigla ng makita siya. Hindi ni Michael maipaliwanag kung anu ang nararamdaman, masaya siya dahil nakita niya na ito at na aawa rin siya dahil medyo madungis ang babae at mukhang pagod pa ito. Mukhang may humahabol dito. Sigurado siya na ito ang babaeng hinahanap niya dahil suot parin nito ang kwentas na binigay niya noon. Akmang aalis na sana ang babae dahil may naririnig silang mga boses ng mga kalalakihan sa hindi kalayuan sa kanila. Pero pinigilan niya ito
Sandali lang miss, hindi ako masamang tao.
Ngunit tiningnan lang siya nito.
Nang may makita siyang isang lalaki sa di kalayuan sa kanila bigla niyang hinila ang babae at nagtago sila dalawa sa isang malaking puno. Ngunit ang babae ay nagpulumiglas sa pagkahawak niya
. Sandali wag kang maingay. Kung mahuli tayo mamaya baka saktan ka nila.. sabi niya sa babae habang naka hawak ang isang kamay niya sa baywang nito at ang isang kamay sa bibig naman nito. Tumigil sa pagpupumiglas ang babae ng makita nito ang grupo ng kalalakihan na malapit na sa kanila. Habang nag uusap ang grupo ng kalalakihan tahimik lang silang dalawang nakikinig sa ilalim ng puno.
Sayang tol nakita na natin yon kanina eh.sabi ng isang lalaki na sa pagka alala niya ito yong yong lalaking nag kwekwento sa bar.
Oo nga tol, ang ingay kasi ni roni eh . Ititnuro nito ang isa sa mga kasamahan nila.
Ang bilis naman tumakbo ng babaeng yon. Sabi pa ng isang lalaki.
Oo nga. Sabi rin ng iba pa. Animoy nang hihinayang sila na hindi nila naabutan ang babae. Parang may hindi talaga silang magandang gagawin pag nahuli nila ang ito.
Hali kana mag ikot ikot pa tayo sigurado ako na nandito lang yon sa paligid. Sabi ng lalaking nag kwekwento doon sa bar.
Habang naglalakad palayo sa kanila ang grupo ng mga kalalakihan tiningnan niya ang babae, awang awa siya rito. Dahil indi niya alam kung anung paghihirap na ang dinanas ng babaeng ito dito sa gubat.
Nang mapansin nila na malayo na ang grupo ng mga kalalakihan, binitawan niya na ang babae. Nang mapansin ng babae ng bumitiw na si Michael sa pagkakahawak sa kanya agad naman siyang tumayo at nag pasalamat.
Tumalikod na ang babae at nag lakad nang biglang nagsalita si Michael.
Patawarin mo ako kung ngayon lang ako nakabalik.patawarin mo ako kung hindi kita nabalikan noon at hindi ako naka pag paalam sayo.
Nang marinig ng babae ang sinasabi ni Michael dahan dahan itong humarap sa kanya animoy nag tataka kung anu ang sinasabi niya.
Nang maka harap na ang babae sa kanya tiningnan lang siya nito sandali, tapos bumaling ang tingin sa likuran bahagi niya.kaya nagtaka naman siya at tumingin sa likod may isang lalaki ng tumatakbo sa di kalayuan nila at sumigaw ito.
Nandito ang babae.
Pagkasigaw ng lalaki agad niyang hinawakan ang kamay ng babae at tumakbo. Kailangan maka labas sila sa gubat na ito. Dahil kung hindi baka mahuli sila ng mga lalaking iyon. Habang tumatakbo hawak hawak niya ang gamay ng babae, ang babae naman sumusunod lang kung saan siya mapunta.
Nong maka ramdam na si Michael ng pagod tumigil ito sandali at bumaling sa babae, parang pagod narin ang babae humihingal silang dalawa. nginitian niya ito at ngumiti naman ang babae. Nagpahinga muna sila sandali dahil mukhang malayo narin sila sa mga naghahabol sa kanila. Pagkatapos nilang magpahinga nagtanong siya sa babae kung saan ang dahan palabas ng gubat.tinuro namam ito sa kanya. Kaya nag umpisa na silang maglakad.nang maka labas na sila ng gubat. Tumigil ang babae.
Bakit ka tumigil?
Hanggang nito nalang po ako. Maraming salamat
Kailangan mong sumama sa akin. Paano kung patuloy ka paring hinahanap ng mga humahabol sa atin kanina.
Kaya kona ang sarili ko.
Hindi, hindi na kita iiwan. Simula ngayon. Patawarin mo ako kung ngayon lang ako naka balik. At tumulo na ang mga luha sa mga mata ni Michael
Umiyak rin ang babae.naalala niya na si Michael.dahil ito lang ang tanging naging kaibigan niya.
Maya maya pa may narinig na naman silang mga boses at mga yapak ng mga paa na parang tumatakbo.
Kaya mabilis niya hinala ang mga kamay ng babae at tumakbo. Wala naman nagawa ang babae at sumunod na lamang sa kanya .hanggang sa makarating na sila sa bahay.
Pagdating sa bahay pumasok naman sila agad sa gate at isinara ito. Habang naglalakad papasok sa bahay namangha ang babae dahil subrang laki at lawak nito,
Ang ganda naman dito. Sayo ito Michael? Tanong ng babae
Hindi sa mga magulang ko ito. Sagot niya. mabuti naman at hanggang ngayon hindi kinalimutan ni fairyll ang pangalan niya.
Pagbukas ni Michael ng pinto sakto naman nandon sa sala si aling maring. naka upo ito sa sofa.
Sir nadiyan kana pala?
Oo aling maring.
Tiningnan ni aling maring ang kasama ni Michael nagtatago ito sa ligod niya. Habang naka hawak ang dalawang kamay nito sa likod ni Michael. Mukhang nahihiya ito.
At mukhang may kasama ka ata sir.
Siya nga pala si..
Fairyll po. Mahina niyang sinabi
Siya si fairyll yaya maring.
Ganon ba.. hali na kayo at maupo muna kayo ipag kukuha ko kayo ng maiinom.parang pagod2x kayo ah.
Umalis na si yaya maring at kumuha ng tubig si Michael at Fairyll naman umupo sa sofa.
Pagdating ni aling maring may dala na itong tubig at binigay kay Michael at kay Fairyll. Pagkatapos umupo na rin sa harap nila.
Anu bang nangyari at mukhang pagod na pagod kayo? tanong ni aling maring sa kanilang dalawa
May humahabol po kasi sa amin aling maring.sagot ni Michael
Bakit indi tayo tumawag ng mga pulis? Sabi ng kanyang yaya na may pag alala sa mukha nito.
Wag na po.. andito naman po kami sa bahay sa safe na po kami
Oh siya, iwanan ko muna kayo at maghahanap ako ng maisusuot ni Fairyll. Nakita kasi ng yaya niya na medyo madumi na ang suot ni Fairyll at may mga butas pa ang damit niya.
Sige po yaya. salamat
Pag baba ng ni aling maring may dala na itong damit. Ito daw muna ang susuotin ni Fairyll habang wala pa itong damit. At inaya na ni yaya maring si Fairyll upang maligo muna. Si Michael naman pumasok rin sa kanyang silid upang maligo.pagkatapos maligo ni Michael pumunta siya ng sala upang hintayin doon si aling maring at Fairyll. Habang naghihintay umupo muna siya.at uminom ng tubig.
Nang mapansin ni Michael na bumaba na si aling maring tumingin siya dito. Nakita niyang sumusunod din si Fairyll sa pag baba ng hagdan. Napatulala siya ng makita si Fairyll subrang ganda nga nito, kahit walang make up. Kaya naman pala pinag papantasyahan ito ng mga kalalakihan na humabol sa kanila kanina. Dahil para nga itong diwata sa gubat.
Pagkababa ni aling maring at Fairyll sa hagdan na himasmasan naman siya.
Parang napa tulala kayo sir ah, dahil ba sa subrang ganda ni Fairyll? Sabi ni aling maring habang may panunukso sa mga salita nito.
Wala naman siyang sinagot kundi ngumiti lang. At ngumiti rin si Fairyll sa kanya.
O siya. Iwan ko muna kayo diyan at mag hahanda pa ako ng ating tanghalian. Wika ni yaya maring.
Sige po. Sagot naman ni Michael.
Pagka alis ni aling maring naupo sila ni Fairyll sa sofa at nag usap.
Mamaya pagkatapos ng tanghalian ibibili kita ng mga gamit mo.
Wag na Michael, nakakahiya sayo. Babalik naman ako mamaya sa gubat eh.
Fairyll hindi pwedi. Paano kung nandon pa ang mga lalaking humabol sa atin kanina.
Sanay na ako Michael. Mabilis naman ako tumakbo, at matataguan ko rin sila.
Hindi ako papayag na bumalik kapa sa gubat. Ayaw kong mapahamak ka.
Sa gubat ang buhay ko Michael, lahat ng pasikot sikot sa gubat alam ko na.
Hindi, ayaw ko. Hindi na kita iiwan simula ngayon. Fairyll sumama ka nalang sa akin sa syudad.
Wala akong alam tungkol sa syudad Michael. Ayaw kong magiging problema lang ako sayo.
Hindi, hindi ka problema sa akin, nandito ako para tulungan ka. Hindi na ako papayag na bumalik kapa sa gubat. Please sumama kana sa akin.
Pag iisipan ko Michael at umiyak ito.
Sa salim ng pag uusap nila ni Michael na kwento ni Fairyll na lola at lolo niya lamang ang kasama nito sa gubat pero namatay na ang mga ito. simula noon mag isa nalang siya sa gubat. at hindi niya rin alam kung sino ang mga magulang niya. Dahil sabi ng lolo at lola niya nakita lamang siya ng mga ito sa gilid ng gubat. Kaya inanpom siya ng mga ito., At sinabi niya rin kay Michael na gusto niya makilala ang kanyang mga magulang pero hindi niya alam kung paano. Pinangakuan naman siya ni Michael na tutulungan niya si Fairyll pero sasama ito sa syudad. At pumayag naman dito si Fairyll dahil wala naman siyang babalikan sa gubat. Dahil wala na ang kanyang lolo at lola.