Chapter 8

4191 Words
Chapter 8 Arrangement Buong biyahe yata, ang tahimik ko. Hindi ko naman sinasabi na ang daldal kong tao pero hindi rin ako ganito katahimik. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko sa trip na gustong mangyari ni Sir Vergara. Na parang ano’ng klaseng arrangement ba `yung gusto niyang mangyari?! Hindi rin naman nagsasalita si Sir Vergara. Sabagay, ano nama’ng sasabihin niya sa `kin? `Tsaka, okay na rin siguro na tahimik siya dahil makakapag-isip-isip ako. Kanina pa talaga `ko nag-aalala sa mga kapatid ko sa Maestranza. Mabuti na lang at nagrereply sila sa mga message ko. Patuloy pa rin `yong malakas na bagsak ng ulan kaya sabi ko, h’wag na talaga `kong antayin. Sinabi ko na lang na may quarters dito sa agency namin kaya do’n na muna ako matutulog. Mabuti na lang, naniwala rin sa explanation ko. Napansin ko na may  pinasukan kaming subdivision. Portofino pa nga yata `yong pangalan. Mukhang yayamanin `yong mga nakatira kasi sa labas pa lang, mukha nang elegante `yong mga bahay na nadadanan namin. Hindi rin naman nagtagal, dumating na rin kami sa bahay ni Sir Vergara. Dahil sa dilim, hindi ko na halos maaninag `yong hitsura. Mabilis lang din kami pumasok dahil ang lakas na no’ng ulan. Kaso, no’ng papasok na, hindi napahinto kaagad ako! Isa lang `yong masasabi ko---ang yaman naman ni Sir Vergara!             Halos manalamin na `ko sa kintab no’ng tiles sa sahig! `Yong mukhang makapal na kurtina na tinatakpan `yong mga bintana ng bahay niya, iyon `yong mga nakikita ko sa mga magazines na nababasa ko. Since living room `yong nasa bungad, kita ko kaagad `yong flat screen TV niya na ang laki. Kaya yatang magpasok ng tatlong makukulit na mga bata sa loob. Habang naglalakad nga `ko, parang ayoko nang itapak `yong mga paa ko sa tiles dahil nakakahiya at sobrang linis ng bahay niya.             “You can sit down here.”             Nag-alangan na ka’gad `ko no’ng inalok niya sa `kin na umupo sa puting couch kasi ang puti `tapos parang hindi pa nagagamit. `Tapos iyong uupo pa, isang dugyot na kagaya ko. Nakakapanliit.             “Okay na po `ko, sir, tatayo na lang po `ko.” Ngumiti pa `ko ng ngiwi.             Kinunutan niya `ko ka’gad ng noo nang bahagya. “Why?”             “Para po kasi’ng nakakahiyang umupo `yong mga kagaya ko sa ganiyang kamamahalin na upuan.”             Ang awkward naman ng tawa ko. Gusto ko lang kasing maging light `yong mood. Kaso, `tong prof ko, parang wala yata sa diksyunaryo `yong pagngiti. Ang seryoso pa rin. Tumindi pa.             “Everyone’s free to sit down at my couch. You can do so.” Nakakunot na `yong noo niya.             Gusto ko pa sanang umayaw kaso baka magtalo lang kami. Mahiya naman ako na ako `yung pinatuloy niya sa pamamahay niya.  Pagkaupo ko, sinundan ko ng tingin si Sir Vergara. Dumiretso na kaagad siya sa kusina. Mukha pa naman siyang okay kanina, kaso parang problemado na siya `tsaka hindi mapakali no’ng sinilip na niya `yong ref niyang kabubukas lang din niya. Ang tagal pa niyang makipagtalo sa sarili niya.             Lumapit na `ko. Sa hitsura niya kasi, mukhang sisigaw na siya ng tulong. Siyempre, mukhang hindi sa `kin dahil wala sa hitsura rin niya `yong magsasalita siya.             “Sir, okay lang po kayo?” tanong ko na nag-aalala na.             Iling iyong agad na sagot niya. Pumunta naman siya ro’n sa isa niyang cabinet na hindi nagsasalita`tapos binuksan niya. Lumipat naman siya sa kabila `tapos tinignan niya kung ano `yong nasa loob. Parang wala pa rin siyang napala. Naubos na niya lahat ng pintuan ng cabinet sa malaki niyang kusina para maghanap na hindi ko rin naman alam sa kaniya kung ano’ng hinahanap niya. Pero sa hitsura na naman niya, wala siyang nahita. Lalo siyang nagmukhang problemado.             Pusta ko, hindi yata `to nag-sa-stock ng pagkain dito. Halata naman sa kaniya na `yon `yong hinahanap niya. Hindi niya `yon sasabihin sa `kin, malamang, dahil bukod sa tahimik siyang tunay, eh, mukhang mataas din ang pride ng isang `to.             “Sir.”             Lumingon siya na malalim na `yong kunot niya sa noo.             “Pagkain po ba `yong hinahanap n’yo?”             “How did you know I’m looking for food?” seryoso `yong boses ni sir.             “Dahil dumiretso po kayo kaagad sa kusina n’yo. Wala naman pong didiretso ng kusina kung ang dahilan, eh, tawag po ng kalikasan, `di ba, sir?”             Oh, ha! Nahuli ko siya ro’n! May kislap na naman `yong mga mata niya na parang aliw na aliw siya sa `kin!             Tumikhim siya. “Oo nga naman. I’m sorry, Miss Perez, but we don’t have food.”             “Ano po ba’ng meron kayo? Okay lang po ba na buksan ko `yong ref n’yo?”             Tumango si Sir. Pagkabukas ko ng ref niya, wagas! Wala nga siyang pagkain. Mas malinis pa `yong ref ni sir sa bahay namin!             “May stock-an po ba kayo ng pagkain n’yo, sir?”             “Y-yeah.”             Medyo nahihiya na yata sa `kin si sir, ah? Wala namang masama ro’n. Ako pa nga dapat mahiya kasi istorbo ako rito sa bahay niya.             Nag-check na rin ako sa lagayan niya. Napabuntong-hininga na lang `ko no’ng makita ko ro’n iyong macaroni noodles `tapos may isang lata ng corned-beef!             Thank, God, may natabi rin siya!             “Sir, ako na po rito.”             “No, Joaquin Ysabella!”             Hindi ko inaasahan `yon, ah? Tinawag niya `ko sa pangalan ko?!             “Tinawag n’yo po `ko sa pangalan ko?”             Parang natauhan yata si sir nang magsalita ako. Sino ba nama’ng hindi magugulat, eh, kadalasan niya `kong tinatawag sa apelyedo ko kahit walang klase. Kulang na nga lang, isipin ko na sobrang formal niyang tao.              “I’m sorry, Miss Perez.” Tumikhim na naman siya. “Anyway, I can do the cooking. Just sit down at the couch.”             “Okay lang po, sir, seryoso,” sabi ko. “Ma-bo-bore lang po `kong tingnan `yong mahaba n’yong kurtina `tsaka `yong malaki n’yo pong TV. Kaya ko na po talaga `to, sir.”             “But you’re my visitor, and it’s not your---”             “Sir, wala po talaga tayo sa klase.”             Ayun, natigilan din!             “Okay lang po talaga sa `kin. Isipin n’yo na lang po, pasasalamat ko na lang po ito sa tulong n’yo sa `kin.”             Tatanggi pa yata `to kaya pinangunahan ko na ulit!             “Sir, wala po kayong gano’ng ingredients, pero kaya ko pong lutuin `tong meron kayo rito.”             Napabuga na siya ng hangin `tsaka napailing. “All right.”             Ayun!             Wala nang nagawa si sir kundi umupo ro’n sa couch niya.             Kaya lang…             Ang galing ko ring mag-volunteer, eh, halos lahat ng bagay na meron dito sa kusina niya, automatic! Nagpaturo rin naman ako kay sir. Saglit lang.             Mabuti na lang din, may mga rekados siya kaya nagdesisyon akong magluto ng macaroni spaghetti. Hindi kaya ng soup dahil wala siyang evaporada `tsaka kukulangin na rin. Habang hinihintay kong maluto `yong macaroni, nahagip ng mga mata ko si sir na dala `yong malalaking libro sa braso niya. Kabababa niya lang din galing taas ng bahay niya. Ilang floor kaya `tong bahay ni sir?             Tahimik siyang umupo ro’n sa couch, nagsuot no’ng specs niya at nag-umpisang magbuklat ng libro niya. Ang sipag ni sir, ah. Teacher na siya pero nag-aaral pa rin siya?             Nagkibit-balikat na lang ako `tapos binalik ko na `yong sarili ko sa pagluluto. Tinawag ko na rin si sir no’ng nakita kong satisfied na `ko sa luto. Sinarado na niya `yong pula niyang libro `tapos iniwan na nakapatong ro’n sa mesa niyang babasagin.             “You don’t need to do this, Miss Perez. You are not obliged to return the favor.”             Ang seryoso talaga nitong si sir.             “Sir, wala naman po talaga sa `kin `to, seryoso po. Isipin n’yo na lang na hindi n’yo maluluto `yong niluto ko kasi `di n’yo po alam kung pa’no siya gawin.”             “Fine.” Nagbuntong-hininga siya.             Pinaupo na niya ako sa isang bakanteng upuan. Sa harap ko siya umupo. Lumambot kaagad `yong mukha no’ng naamoy niya `yong niluto ko. Siyempre, kabado ako! Bukod do’n sa mga kapatid ko, siya `yong isa sa mga makakatikim no’ng niluto ko!             Sinalin na niya sa bowl niya `yong macaroni. Mas lalo akong kinakabahan kung magugustuhan niya kasi hindi rin siya nagsasalita.             Ano ba naman `yan. Wala talaga `to ka-rea-reaksyon.             Kumuha na rin ako no’ng akin `tapos sinalin ko rin sa isang bowl. Kaso, nakamasid pa muna `ko kay sir na naglalagay na nang kaunti ro’n sa kutsara niya. Sumubo siya nang kaunti `tapos, ayun! Mukhang nasarapan din!             Patuloy na siyang sumusubo. Ang tahimik niya, pero nakakatuwa siyang panooring kumain kasi ganadong-ganado siya.               “Thank you for the food.”             Ang lakas ding kumain nitong si sir! Mga naka-anim din siya. `Tapos, hindi pa siya nag-sa-stock ng pagkain. Pa’no kaya `to nakaka-survive kung siya lang mag-isa?             “Sige, sir, ako na po `yong maghuhugas ng mga plato.”             “No.”             Ang tigas no’n, ah. Parang ayaw na niya yata akong pumilit.             “Sige na nga po, sir. Baka, masira ko po `yung dishwashing n’yo.”             Ang lakas ng tawa ko pero siya, hindi man lang ngumingiti!             “That’s not what I’m trying to say. Sumusobra na `ko kung pati iyon, iaasa ko pa sa `yo.”             “Ay, sir, joke lang po `yun.”             `Di ko man lang mabiro!             Hinayaan ko na lang siya sa kung ano mang trip niya sa buhay. Pumunta na lang ako sa couch. Medyo nawala na `yong hiya ko. Naka-feel at home, eh.             Bumagsak na naman `yong mga mata ko sa maraming libro at highlighters na nagkalat sa mesa ni sir. Labor Code iyong nasa ibabaw. Siguro, iyon `yong binabasa niya kanina pa.             Nakakalula naman `yong kapal ng mga libro ni sir---teka, ba’t puro law books `tong nakapatong sa table niya?             “I took up law, to answer your curiosity on my books.”             “Ay, kayo po pala, sir!”             Halos mapatalon na `ko sa couch sa gulat! Pota, mamamatay yata ako sa gulat sa taong `to!             Nahuli ko na naman `yong hitsura. Kalahating seryoso, kalahating amuse.             Bumalik na siya ro’n sa puwesto niya kanina samantalang ako, kinalma ko `yung puso ko dahil kapag hindi ko mapahinahon, kahit umuulan, susugod si Sir Vergara sa bagyo.             Ah, sandali nga pala---             “Law graduate po kayo, sir?”             Tumango siya. “Just recently.”             Balak ko pa sanang magtanong kung plano niya bang mag-BAR pero parang nakakahiya nang magtanong. Baka isipin ni sir, intruder ako ng buhay niya. Maldita ako sa kaniya minsan, pero wala pa naman akong balak pumunta sa gano’n.             Tumahimik na naman ulit. Napasulyap ako ro’n sa bintana niya. Ang lakas pa rin ng buhos ng ulan. Grabe naman `tong bagyo na `to, walang paawat. Sana naman, matapos na kasi hindi ako mapakali na naiiwan ko `yung dalawa sa bahay. Iba pa naman gumagana `tong utak ko paminsan-minsan.             “About the arrangement, Miss Perez.”             Nilingon ko siya kaagad.             “I’d still want to help you, if you’re going to allow me.”             “Eh, pa’no pong arrangement `yong gusto n’yo, sir?”             “I’m gonna teach you on those subjects you’re gonna leave behind, just assure me you’d get high grades.”             Ano raw?!             “Seryoso kayo diyan, sir?”             “I’m serious. Why? Can’t you do it?”             “Kaya ko `yan, sir. Pero, arrangement po talaga iyan?”             No’ng tinanguan niya `ko, gusto ko talagang matawa. Seryoso siya niyan, ha?             “What’s the problem?” Mukha siyang lito sa reaksyon ko.             ”Kasi, sobrang ako lang po `yung mag-be-benefit. Hindi nga po arrangement ang tawag do’n, eh. Charity.”             `Yong noo niya, nakakunot na.               “`Tsaka, kailangan n’yo po ba talagang gawin `to, sir? Para po kasi sa akin, hindi n’yo na kailangan pang gawin `to. Hindi naman po sa sinasabi kong hindi ko na-appreciate `yung tulong n’yo, kaya lang, parang hindi kaya nakakaistorbo po ako?”             Tingin ko naman, malinis `yong intention ni sir, kaya lang ayoko `yung maging dahilan ng abala ng isang tao. Kaya nga `ko hindi umaasa sa tulong ng ibang tao, eh.             Ayoko kasing maramdaman na pabigat ako… na hindi ko kaya at wala `kong silbi. More of, ayoko nang may tumutulong sa `kin.             “You’re basically strong, Miss Perez, that’s why I’m asking you if this arrangement fits you. I’m not gonna force you if this isn’t. Your decision still matters.”             Hindi naman siguro `to pang-a-advantage sa mga kaklase ko, `di ba? Ang sabi niya, ‘teach’. Hindi naman niya sinabi na sasagutan na niya `yong mga assignment ko.             Malamang, hindi ako papayag kapag iyan ang arrangement. Ego ko na lang, eh.             Sa pagkatulala ko, sinuot na niya `yong specs niya na kinuha niya ro’n sa lagayan. Tinignan niya ulit ako. “Just think about---”             “Eh, pa’no kung ganito na lang po kaya, sir?”             “W-what?”             Nabigla yata siya no’ng ang bilis kong magsalita.             “Tuturuan n’yo lang naman po ako, `di ba?”             Tumango siya.             “Hindi naman po kayo `yong gagawa ng projects at saka assignments ko?”             “Of course, I’m not gonna do that,” sagot niya, natatawa pa.             “Madalas po ba kayo rito sa Alabang? Dito sa bahay n’yo?”             “Y-yes. If I want to review myself, I always go here to have personal space.”             “Since wala naman po kayong madalas na stock ng food, at may schedule po `ko ng modelling every Fridays to Sundays, bakit hindi na lang po kaya na… tuturuan n’yo po `ko sa missed kong lessons sa inyo `tapos lulutuan ko po kayo ng makakain n’yo?”             “What?”             Para yatang tumanda ng ilang taon `tong si Sir Vergara no’ng sinabi ko `yon. Bakit, tama nama’ng sinabi ko, ah? Iyon `yung arrangement na tinatawag. `Di `yong siya lang `yong sumalo lahat.             “Para quits tayo, sir. Since tutulungan n’yo po `ko, lulutuan ko po kayo ta’s ako na rin po `yung maghuhugas ng mga plato na pinagkainan---”             “I’m not doing this for you to become my personal maid. This is a force labor, Miss Perez.”             “Grabe naman po, sir! Force labor ka’gad?!”             Ang lakas ng hagalpak ng tawa ko, eh. Grabe nama’ng mga idea nitong si Sir Raven Vergara!             “I’m serious, Joaquin Ysabella.”             Napatuwid kaagad ako ng upo. Ang tigas no’ng boses niyang mababa. Nakaka-intimidate!             “Pero, sir, seryoso po talaga `ko sa sinabi ko---”             “I don’t like your idea.”             “Eh, kesa naman po ro’n sa gusto n’yong mangyari na tuturuan n’yo lang ako pero kailangan kong makakuha ng mataas na grade. Kaya ko naman po `yun, sir. Nagkataon lang talaga na ang laking adjustments `yong ginagawa ko ngayon sa trabaho ko.”             Nagkatitigan kami pareho. Iyong papahinang bugso ng ulan lang `yong tanging naririnig namin pareho. Siyempre, hindi ako nagpatalo. Itayo ang bandera ng mga kababaihan! Hindi dapat hinahayaan na lalake lang `yong magdedesisyon sa kahit na ano o nagbibigay ng option sa lahat ng bagay. Patriarchal in this era should stop.              Napabuga na siya ng hangin `tapos napailing. “This isn’t the arrangement I supposed to do.”             Eh, di nanalo ako! Oh, ha!             Dahil halos hatinggabi na rin, pinapatulog na `ko ni Sir Vergara. Ang option na binigay niya, sa taas ng kuwarto niya.             Hindi ako pumayag, malamang!             Ayoko nga. Hindi dahil lalake siya `tapos babae ako. Puro `yong mga malilisyoso lang `yong mag-iisip nang gano’n. Kundi dahil siyempre, hindi ko pag-aari `yong naro’n sa kuwarto niya. Nakakahiya, ano? Mamaya, may mawala pa ro’n, ako pa `yong pagbintangan niya. Pero malabo rin namang gawin sa `kin `yon ni sir.             Gusto ko lang din mag-ingat.             “I told you that you can use my room for you to be able to sleep.”             Mga ilang beses na rin niya `kong pinapagalitan. Mabuti na lang, wala talaga `ko sa mood makipagtalo.             “Sir, okay lang naman po `ko rito sa sala n’yo matulog. Malambot naman po `yung couch. Malaki pa. Makakatulog din po `ko nang maayos niyan.”             “My room is wider than---”             “Sir, inaantok na po talaga `ko. Okay lang po talaga `ko.”               “Okay, fine.” Napabuga na naman siya ng hangin.             Mukha yatang ako `yung magiging sole reason kung bakit tatanda `tong si sir nang maaga…             Kinuha ko na `yong unan na inabot niya sa `kin `tapos pinatong ko na sa ulunan ko. Hindi pa nga `ko nakakahiga, napansin kong tahimik nang bumalik si Sir Vergara at kinuha `yong pulang libro na nakita ko kanina.             “Hindi pa po ba kayo matutulog, sir?”             Nginitian niya ako nang tipid `tapos itinaas `yong libro ng Labor Code. “I’m gonna study overnight. Matulog ka na.”             Teka… kaya ba niya `ko pinapaalis, eh, dahil magiging istorbo ako sa pag-aaral niya?             Makapagligpit na nga!             “What are you doing now?” tumaas na `yong kilay niya.             “Sa ibang lugar na lang po `ko matutulog---”             “And your reason, this time, is because?”             “Nag-aaral kayo, sir. Baka po, makaistorbo po ako sa inyo.”             Lumambot `yong mukha ni sir. Tumahimik siya nang saglit bago umiling. “Sleep. Don’t mind me studying.”             Wala na `kong nagawa kundi sumunod. Inaantok na talaga kasi ako. Naghilamos na lang ako sa halip na maligo kasi nakakahiya, hindi ko namang bahay `to. `Yong mga gamit ko, lalo na `yong make-up kit ko, nakatabi nang maayos sa gilid ng couch ni Sir Vergara. Bago ko pa ipikit `yong mga mata ko, naabutan ko siyang nag-aaral nang seryoso sa librong hawak niya.             Mga alas-sais din no’ng nagising na `ko. Masarap naman `yong tulog ko. Para akong inihehele nitong couch ni Sir Vergara. Nag-unat ako `tapos naghikab, pero saglit lang kasi nakita ko si Sir na nakasandal `yong katawan sa edge ng couch sa harapan ko, nakasuot pa `yong specs niya sa mata, nakapikit `yong mga mata. Ang himbing pa ng tulog.             Ano’ng oras kaya `to natulog?             Walang ingay akong nagligpit ng hinihigaan ko `tapos tumayo at naglakad. Ginawa ko na `yong unang task ko sa ‘arrangement’ namin ni sir. Nag-saing ako ro’n sa sobrang automatic niyang rice cooker. Chi-neck ko ulit `yong lagayan niya ng canned goods. Mabuti na lang, may spam. Next time, kailangan kong ipaalala sa sarili ko na bibili ako ng maayos-ayos na pagkain dito kay Sir Vergara.             Hindi yata matino `yung kinakain nito, eh. Puro canned goods!             Nagluto na rin ako ng dalawang sunny side-up eggs. May silbi pa rin pala `yong stock-an niya ng pagkain kaso parang sa iisang araw na lang `yon. Yayayain ko `tong mamalengke `tsaka mag-grocery!             Pagkatapos, nag-brewed din ako ng kape niya. Hindi ko lang alam `yong preference niya sa coffee kaya iyong normal na pagtimpla lang `yong ginawa ko. Mabuti rin na may creamer siya.             Inayos ko `yung set-up no’ng table bago ko ginising si sir. No’ng naro’n na `ko sa harapan niya, niyugyog ko siya nang marahan. Nagising din siya pagkatapos ng sandali.             “Breakfast, sir?”             Ang tagal niyang natulala sa `kin. Parang hindi niya alam kung ano’ng sasabihin niya.             “Shit.”             Ang bilis din niyang napabalikwas pagkatapos niyang magmura nang mahina.             “How long did I sleep?” tanong niya na paos pa `yong boses.             “Hindi ko rin po alam, sir. Ano’ng oras po ba kayo natulog?”             Nag-isip siya nang saglit.             Napaungol siya. “I just fell asleep three hours ago, I guess.”             Naalarma kaagad ako! Kulang na kulang pa `to sa tulog.             “Sorry po, sir!”             Panay `yong sorry ko kasi pota, wala pa `tong tulog na matino! Grabe, ang intense naman nitong mag-review!              “I’m okay, swear.”             “Sorry po talaga! Balik na lang po kayo sa tulog.”             Umiling si Sir Vergara. “No worries. I can’t go back to sleep again. Besides, I need to take you to Maestranza.”             “Kaya ko naman na po, sir. Puwede po `kong mag-commute.”             “It’s difficult to commute in this place. This is a private subdivision.”             Halata naman. Sa gamit pa lang ng lalakeng `to, eh.             “I’m gonna drive you home.”             “Kulang po `yung tulog n’yo, sir!”             “I’m able to get awake for twenty-four hours, Miss Perez. We need to train ourselves because of our course.”             Ayoko na yatang mag-aral kung required akong mag-aral nang gano’ng kahaba. Nakakalula namang magising nang gano’n.             Tumango na lang ako. Bawal galitin `yong bagong gising.             Napansin kong kumunot `yong noo niya no’ng makita `yong umuusok na kanin sa mesa.             “You cooked?”             Tumango ako.             Ayun, nag-buntong-hininga na `yong bugnutin.             “I told you, I did not require you to cook---”             “Dali na, sir. Lalamig na po talaga `yong pagkain natin kapag patuloy rin po kayong nagsalita.”             Nagpigil akong tumawa no’ng inis siyang tumayo `tapos lumapit sa mesa. Medyo lumambot lang `yong mukha niya no’ng nakita niya siguro `yong mga nakalatag na pagkain. Ang tahimik niyang kumain! Pero okay na rin, mukha namang nagustuhan niya. Tinanong ko sa kaniya kanina kung gusto niya ba na lagyan ko ng creamer `yong decaf niyang kape pero humindi siya. Mas gusto pa nga raw niyang gano’n para magising siya buong araw.             Umalis na rin kami sa bahay niya pagkatapos ng dalawang oras. Sa sasakyan niya, napansin ko nga na pang-mayaman `yong subdivision niya `tapos private pa. `Buti na lang, hindi ako kaagad lumabas. Baka, maligaw pa `ko rito. O kung mamalengke ako, nakakahiya dahil mukhang hindi gano’n `yong mga tao rito.             Sa wakas, nasa Maestranza na rin kami!             Pero nagstop-over muna `ko sa isang convenient store. Bumili ako ng pasalubong para sa dalawang bata `tapos para rin kay sir. Tatanungin ko pa pala sila mamaya kung nag-agahan ba sila.             “Okay na po `ko rito, sir.”             Nilingon niya ako. “You sure? Is your house near here?”             “Opo.”             Masyado namang nakakahiya kung hanggang bahay, ihahatid niya `ko.             Inihinto niya nang dahan-dahan `yong sasakyan niya. Doon kami huminto sa may kanto. Tinanggal ko na `yung seatbelt at binuhat na `yong maleta ko kasama no’ng make-up kit `tsaka `yung mga pasalubong ko.             “Are you sure you can carry all of those?” tanong niya pagkababa namin.             “Kaya ko naman po, sir.”             Medyo lang. Mabigat din `yong make-up kit ko. Ayoko namang ipabitbit kay sir. Pagod pa `yan sa pagdrive, kulang pa sa tulog.             Sobrang nakakahiya na.             “Salamat po pala, sir.”             “It’s nothing.”             Tumango ako. “Settled na po kayo sa arrangement natin?”             “No.”             “Hindi po `ko masarap magluto?”             Na-amuse na siya. “So-so.”             Inirapan ko nga. Nag-hirap ako ro’n sa sobrang limited niyang stock, ha?             “See you on Tuesday.”             Tumango ako.             “It’s possible you’re going to attend? You told me you have your training?”             “Nakapagpaalam naman po `ko kay Cris. Maiintindihan naman po nila `yun.”             Tumango si sir.             “Ah, oo nga po pala, sir.”             No’ng inabot ko sa kaniya `yong paperbag na nakalagay `yong binili kong Bear Brand Sterlized, nasorpresa siya. Legit. Hindi rin kasi niya expected na bibilhan ko siya nang gano’n.             Actually, maliit na bagay nga lang `yon, eh, pero alam kong makakatulong sa kaniya. Papabaunin ko siya nang maraming ganiyan dahil subsob siya sa kakaaral. Pareho lang naman din kami.             “Thank you.” Matipid `yong ngiti niya.             “Welcome po, sir.” Sinuklian ko rin `yong ngiti niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD