Chapter 9

3411 Words
Chapter 9 Arrangement “Madaling-madali, `te?” Kahit gusto kong barahin `yong pang-aasar ni Cris sa `kin dahil para akong lumilipad ngayon sa pagligpit ng mga gamit ko, dinedma ko na lang. Ang tanga ko kasi! Sa kalagitnaan no’ng rehearsal, naglalakad pa `ko no’n sa catwalk, do’n ko lang naalala na simula na nga pala no’ng arrangement namin ni Sir Raven! Natulala yata ako ro’n sa gitna ng catwalk ng ilang segundo. Napagalitan tuloy ako no’ng coach namin. Parang tanga lang. Nilagay ko siya sa schedule ko, eh. Kaso, sa sobrang lutang yata, nakalimutan ko na ngayon na pala `yong simula no’n. Bibili pa `ko ng mga makakain niya! “Cris!” “Sabi nang Crizza, frenny!” “Whatever.” Inirapan ko nga. “Padala ng make-up kit ko, ha?” Inabot ko sa kaniya `yong itim na box na puno ng mga make-up ko. Ang bruha, nag-inarte na parang nabibigatan! “Frenny, ang bigat!” “Magaan lang `yan, Cris. Nakaya ko `yang buhatin mula Maestranza hanggang dito sa Alabang.” Aba, inirapan din ako pabalik! “Oo na nga! Pasalamat ka talaga, malakas ka sa `kin.” “Eh, di salamat.” Tinawanan ko na kasi mukha na siyang pikon. Laking pasalamat ko dahil maagang natapos `yong rehearsal. Makakadaan pa `ko sa supermarket. Ano kaya’ng masarap na ulam na puwede kong iluto kay sir? Sana pala, natanong ko sa kaniya kung ano. Ang dami kong naiisip pero mukhang sa adobo rin yata `yong bagsak ng lahat ng pinag-iisip ko. Hindi naman yata `yun maarte sa pagkain, `di ba? “Baby! Whe’re you goin’?” Ang hyper ni Billy, ah? Mukha naman siyang nasa mood. Hindi, lagi siyang nasa mood tuwing nakikita ko siya. “To the mall. I’m gonna buy something to cook.” “Ah, really? I’ll go with you, then! I bet you need an assistant. I volunteer.” Halos matawa rin ako no’ng kumindat siya! “No need,” sabi ko kaagad. “I can do the buying.” “Really? You’re gonna enjoy my company---” “Billy.” Napahinto siya no’ng seryoso na `kong magsalita. “I can do this alone. I appreciate your concern, but swear, I can do this all by myself.” Mabilis na nawala `yong ngiti sa labi niya. Awkward siyang napakamot sa batok niya, tapos ngiwi `yong ngiti niya. “Okay. So, gotta go.” Siguro naman, naintindihan niya, ano? Hindi ko pa naman siya  pinapaalis, umalis na rin kaagad. Sana, hindi niya minasama `yong sinabi ko. `Buti na lang, ilang lakad lang mula ro’n sa building ng RECO, mall na. Lakad patakbo na `kong pumunta ng supermarket. Grabe `yong hingal ko! Adobo rin talaga bumagsak lahat ng pinag-iisip kong ulam, pero nilagyan ko ng twist. Adobong baguio beans. Naging smooth lang naman `yong pagbili ko kasi wala namang masyadong pila. Pagkatapos, nag-taxi na rin ako. At dahil nasa Alabang ako, ang mahal ng pamasahe! Hindi ko na lang sasabihin kay Sir Vergara `yong totoo. Malamang, babayaran pa `ko no’n. Hindi rin naman ako nahirapan na pumunta sa bahay ni sir. Masyado nga lang nakakalula `yong mga bahay kasi para kang nasa isang maharlikang lugar. It’s too fancy. May spare key rin ako ng bahay niya. Binigay niya kasi `yon sa `kin bago kami maghiwalay ng landas sa Maestranza. Akala ko nga, wala siyang balak bigyan ako. Wala naman siguro siyang balak na gawin akong hijacker, `di ba?             “Sir Vergara!” Halos lumabas naman `yong puso ko sa gulat! Hindi ko naman kasi namalayan na nakapasok na si sir. Bising-busy kasi ako sa pagluluto, eh! “You’re here?” nakakunot na `yong noo niya. “Yes, sir. Bakit po, sir?” Tinignan ko lang siya kasi parang gulong-gulo siya na nandito ako. Naalala kaya nito `yong arrangement namin? Nagulat na `ko kasi napapikit na siya. Mukha pa siyang pagod na pagod. Saan naman kaya galing `to?  Nagbuntong-hininga na siya. “Nothing.” Tinanguan niya lang ako and then pumunta na siya ro’n sa sofa. Napapikit siyang sumandal sa headrest no’ng couch niya. Wala naman akong idea kung saan `yon nagpupunta. Ayoko namang magtanong. Baka isipin no’n, feeling close ako sa kaniya. Teka, pagod `to. Magpapaturo ba `ko?! Hainan ko na nga muna. So, after minutes din of waiting, hinain ko na rin `yung kakainin naming dalawa. Hinayaan ko muna siyang magpahinga. Kailangan din niya `yun. Lahat naman ng tao, kailangang magpahinga. Baka nga, sinagad niya `yung sarili niya. Hindi maganda `yun. Susuko `yong katawan mo. Mapapagod ka. Ba’t ko ba sinasabi `yon, eh, maski ako sa sarili ko, hindi nagpapahinga? Hindi ko na siya inistorbo ni ginising. After kong hainin lahat, umupo ako sa upuan, binuklat `yong notes na dala-dala ko, at nag-aral. May long quiz kami sa isa sa mga major ko. Kakaaral ko lang no’ng isang araw. I need to make sure na kabisado ko `yung mga inaral ko. Hindi man lahat, at least some. Hindi ako naniniwala sa stock knowledge kahit kailan. Why? Kasi para sa `kin, kapag nag-aral ka, dapat mag-aral ka. Kung ang pag-aaral ay hindi mo siniseryoso, umasa ka na lang diyan sa stock knowledge mo. Saan ba nakukuha ang stock knowledge? Sa pag-aaral, `di ba? Kaya kung kayang aralin during the time na tinuturo siya, aralin. Makinig sa teacher. Matuto. “You should’ve wake me up.” “Sir!” Grabe naman`tong taong `to. Kaya niya bang magsalita nang hindi ako ginugulat?! Mamaya niyan, mamura ko na `to, makalimutan ko nang siya `yong professor ko, eh! He looked so serious habang tinitignan `yong mga hinain ko. Bagong gising pa siya kaya kunut na kunot `yong noo. “Sir, food?” Tumango siya. “Wait for me.” Inalis ko na kaagad `yong mga libro `tsaka `yong notes ko `tapos nilagay ko na sa bag ko. Eksakto, dumating na si Sir Vergara, all cleaned in his shaved-on face. Amoy na amoy ko pa `yong after shaved niya. Tahimik siyang lumapit sa mesa. Nagtaka na ako kasi nilingon niya ako. “You should’ve let yourself eat first.”   “Uh, sir.” Tumaas `yong kilay niya. “Hindi kasi ako… I mean, hindi naman kasi gano’n `yung tinuro ko sa mga kapatid ko.” Tumikhim ako. Mukhang hinihintay niya `kong magsalita. “Mas okay kasi na sabay-sabay lahat kumain. Ang lungkot lang kapag po mag-isa. Parang ang incomplete po no’ng dating? Parang napaka-isolated lang no’ng feeling? Kaya mas okay na may kasabay ka. At least. Para naman hindi mo maramdaman `yong isolation na gano’n, sir. Na belonged ka kasi may kasama ka.” Sa buong pagdadaldal ko, nakaawang lang `yong labi niya nang bahagya na talagang nakikinig siya sa lahat ng sinasabi ko. Para pa nga siyang nasorpresa? I mean, ano’ng nakakasorpresa ro’n, eh, totoo naman? Sanay ba siyang kumakain nang mag-isa? Ba’t pa ba `ko nagtatanong? Tumango siya. “Right… You’re right.” Tumutungo pa siya, eh, huli ko na siyang nakangiti. “So, kain na tayo, sir?” “Okay.” Nagsimula na kaming kumain. Pinapanood ko `yung reaksyon niya kasi naman, malay ko bang masarap o hindi `yung niluto ko? Basta, ang alam ko, nagluto ako. Hindi ko sure kung nag-suit ba `yong luto ko sa preference niya. Ang seryoso rin niyang kumain! Hindi ba `to nangiti? Ang mahal, ha? Pero, wala naman siyang reklamo sa luto ko. Aba, subukan niya lang. Kahit prof ko pa siya, hindi ibig sabihin no’n na puwede na niyang laitin `yong niluto ko. “Sa’n ka na sa inaaral mo?” “Nag-aaral po `ko sa major ko, sir. May quiz po kami sa Monday.” Tumango siya. “Do you need my help?” “Uh… hindi naman na po, sir. Siguro, magtatanong na lang po `ko kapag hindi ko po alam.” “You’re a brilliant student, Miss Perez. I’m confident you’re gonna ace that exam.” “Sir, no pressure.” Pareho kaming natawa. “Alam n’yong may na work ako.” “That’s why I’m here. If there’s any way possible I could help, please don’t hesitate to ask. I may not give you the full of it, but rest assure I’m gonna teach you at the best of my knowledge.” Tumango ako. “Okay po.” Ngumiti siya nang tipid pagkatapos tumingin sa `kin. “Okay.” “Seryoso, frenny, ano ba `yang pinagkakaabalahan mo at lagi ka nang nagmamadali?” Hindi ko kaagad masagot si Cris. Eh, ano’ng isasagot ko? Alangan namang sabihin ko na may arrangement kami ng prof ko?             Sumimsim ako ng kape. Naka-recess muna kami pagkatapos ng mahabang training exercise kanina… Grabe, ang sakit ng katawan ko!             Parang gusto ko na nga lang maiyak, eh. Ayoko namang ipakita sa kanila, lalo na kay Cris kasi siya `yong dahilan kaya ako nandito, na nanghihina ako. Nakakatawa nga, kasi nagagawa pa naming mag-kape pagkatapos ng draining exercise na iyon.             “Frenny, hindi mo na `ko sinasagot!”             Umirap ako. “Shut up. Wala naman akong pinagkakaabalahan.”             “`Sungit mo, `te.”             “Ang kulit mo kasi.”             Huminto lang `yong pang-bubuwisit sa `kin ni Cris no’ng dumating na si Billy, suot-suot na naman `yong ngiti niya na parang nakalaan para sa lahat.             “Coffee after an exercise? That’s damn weird, young lady.”             Inirapan ko kaagad si Cris na tumatawa.             “Just a comfort drink, Billy,” sagot ko.             “Why drinking that coffee to comfort you? I can give you the comfort you need.”             Ako naman `yung natawa. Kumindat pa talaga `tong si Billy!             “C’mon.” Umirap ako. “Join us?”             Tumawa na naman ako. Tamang action lang, eh.             “My pleasure.”             Pumunta ulit kami sa training na iyon. Mabuti na lang, iyong instructor na pumunta sa `kin, hindi na ako ni-require pa na gumawa ng extreme exercises ulit. Planking at saka crouching na `yung pinagawa sa `kin.             After no’ng exercise, pinauwi na rin kami. Kagaya nang dati, `di pa rin kami magsasabay umuwi ni Cris dahil do’n sa kamag-anak niya na nasa Bicutan.             “You’re doing better.”             Sinulyapan ko si Billy na nakatayo sa gilid ko. “Is that a compliment or a tease?”             “Well, it depends on how you see it, but if you’re gonna pay me, then I could tell you straight that I’m complimenting you.” Nakangisi na si Billy ngayon.             Bolero talaga `to kahit kailan.             “But kidding aside.” Nag-stop muna kami ni Billy kakatawa. “I know, you always say no’s to my invitation to you driving to your homeplace safe, but I’d respect your decision if I can’t still get your approval, swear.”             Oo nga naman. Hindi naman masama kung magpapahatid ako kay Billy. Sa halos isang buwan ko rin siyang nakasama, I must say hindi naman siya gago. Malandi nga lang, pero alam mong biro lang.             Lagi siyang nakangiti na para bang wala siyang problema. O baka naman kasi charming lang siya.             “Okay, drive me home.”             Umawang agad `yong labi ni Billy. “Swear, young lady?”             Tumawa tuloy ako. Gulat na gulat! “Yes, swear!”             “Oh f*****g…” maya-maya, natawa na. “Wait, I’m gonna get my car and we’ll drive to…”             “Maestranza.”             “Oh! Right. Wait here, okay, young lady?”             Tumango ako.             Para rin siyang si Flash sa bilis ng pagtakbo niya. Para namang aalis ako. Na umalis nga ako, kasi ilang layo lang mula ro’n sa waiting shed, nahuli ng mga mata ko `yong kotse ni Sir Vergara.             “Done with your work?”             Tumango ako. “Ano po pala’ng ginagawa n’yo rito, sir?” “I just swung by nearby here.” Napatango ako.  Maya-maya, napansin ko, kanina pa siya tumitikhim. Nag-iwas na siya ng tingin sa `kin pagkatapos. “No arrangement for today?” Nasorpresa ako. Sinabi ko kay Sir Vergara na hindi muna ako pupunta ngayon dahil gusto ko muna ng quality time sa mga kapatid ko. Nangako ako kina Cara at CJ na tutulungan ko sila sa assignments nila. “Yes… sir?” “Can I… puwede kaya kitang ihatid sa Maestranza?” “Sure, sir!” Ay, tanga. Nakalimutan ko nga palang pumayag ako sa alok ni Billy! “Wait, sir. Kakausapin ko lang po `yung… friend ko.” Karipas ako ng takbo! Hindi ko na nga nakita `yung reaksyon ni sir. Eksakto naman, nakita ko si Billy, sakay no’ng sasakyan niya na high-end, naka-low `yong bintana niya. “C’mon---” “Sorry, Billy!” Nagulat siya sa sinabi ko. “My guardian is here. I’m not able to ride with you. I’m sorry. Sorry.” Nabura `yong ngiti nang mabilis sa labi niya. Mukha pa nga siyang nanghina. “All right.” humina `yong boses niya. “Gotta go?” Tumango ako. Hindi na niya `ko nilingon pagkatapos niyang magmaneho paalis. Nakakahiya naman `yong ginawa ko! Bawian ko na nga lang si Billy, sa susunod. Bumalik ulit ako kay Sir Vergara. Tumuwid siya nang tayo no’ng nakita niya `ko. “Alis na tayo, sir?” Iyong sagot niya sa tanong ko, tango. Naisip ko na pumayag kay Sir Vergara dahil prof ko siya. Nakakahiya naman na tanggihan ko siya. Babawian ko na lang talaga si Billy. Totoo. Medyo mahaba pa `yung biyahe sa Maestranza. Nangangalam na nga `yong sikmura ko. Sa bahay na lang ako kakain. Excited na rin akong makasabay `yong mga bata. Hindi ko na sila nakakasabay dahil kung hindi ako pagod galing trabaho, pinapauna ko na silang kumain dahil minsan, late na rin akong nakakauwi. “Have you eaten already?” “Yes, sir.” Pero hindi rin nakisama `yong tiyan ko kasi nangalam! Nakakahiya! Ang lakas pa ng tunog. Buwisit lang. “All right. Let’s eat out first.” “Ay, h’wag na po, sir! Sa Maestranza na po `ko kakain.” Nagkunot siya sa akin ng noo. “The ride is quite long, you know that. Maiipit din tayo sa traffic, Miss Perez.” Kaso, baka hindi ko naman kayanin `yong gusto niyang kainan. Puwede ko naman siyang alukin sa fast-food chain basta `wag lang sa fine dining! `Dyusko, ubos kaagad `yong kinita ko kapag nagkataon! Aba, KKB kami, ano? Hindi naman porket na tutulungan niya `ko sa acads ko, na hindi pa rin naman nagsisimula kasi kaya ko pa naman, ibig sabihin, ako na `yong sasagot sa pagkain niya. Walang gano’n sa taong mas nangangailangan ng pera. Kung tutuusin, barya lang `tong kinikita ko sa modeling sa asset ng taong `to. Patunay na ro’n `yong kotse niya’ng elegante kung tingnan `tsaka `yong bahay niya na kulang na lang yata, humilata ako at de-remote na lahat ng gagalaw sa pangangailangan ko. “Okay po, sir. Okay lang po ba na mag-drive thru tayo sa McDo?” “Okay. But, fast-food?” Wala naman siyang nagawa no’ng tumango ako. Nag-ke-crave na rin kasi ako sa fries nila. Fries `tsaka burger la’ng habol ko ro’n. Hindi naman ako kakain nang marami dahil isang mortal sin siya para sa instructor namin. “Yes, sir. Sir, KKB, ha?” biro ko. Naguluhan kaagad siya. “Seriously?” “Basta, KKB.” Mahirap na. Sa hitsura ni sir, babalakin niyang siya na `yong magbayad ng lahat ng o-order-in naming pagkain. Ayoko nga. Dapat patas lagi ang babae at lalake. Hindi porket na siya `yong may pera, kailangan, afford niya na rin `yong expenses ko. Ayoko talaga no’n. Bumuntong-hininga siya. “Fine.” Hanggang sa kalagitnaan ng daan, may nakita kaming 24-hours na McDo. Mabuti na lang. Madilim na rin kasi masyado sa daan at gutom na gutom na talaga `ko. “Your order?” Sumilip ako sa bintana ni Sir Vergara para tingnan kung ano’ng nasa menu nila. Nakatitig lang si Sir Vergara sa `kin, mukha namang hinihintay `yong sagot ko. “One burger po and large fries,” sigaw ko ro’n sa parang kiosk nila. Buong nagsasalita ako, ang gusot no’ng noo ni Sir Vergara. `Tapos nangingiling. “Kayo po, sir?” Sinabi ni Sir Vergara `yong order niya. Ilang sandali lang, nabili na rin namin `yong order namin. “Are you sure you’re fine with what you’ve ordered?” “Yes naman po, sir!”             Ugh, heaven! Ang sarap sa feeling kapag nakakain mo `yung gusto mo. Binilhan ko rin si Cara at CJ. Fried chicken and McSpaghetti.             “So, how’s work? Are you now comfortable with your life’s set-up?”             “Still adjusting pa rin, sir. Katulad po kanina, may extreme exercise kami. Ibang pagod din po `yung naranasan ko.”             “Kaya mo pa?”             “Yes, sir. Kailangan, eh.” Tumango si sir. “You can do it.” Malayo-layo pa `yung biyahe. Inaantok na rin ako. Gustuhin ko mang magising buong biyahe, kaso, napapapikit na `ko. Naalimpungatan lang ako no’ng nakaramdam ako ng pagyugyog sa balikat ko nang marahan. Paggising ko, nagulat ako kasi nandito na kami sa amin. Nag-inat ako ng katawan bago bumaba ng sasakyan niya `tsaka kinuha ko na rin `yong mga gamit ko. “Sir, dinner po kayo sa bahay.” Kailangan ko siyang alukin. Malayo pa `yong biyahe niya ulit papuntang Alabang. Pero nagtaka ako sa iling niya. “I’d go to my homeplace also.” Tumango ako. “Salamat po sa paghatid, sir.” Tumango naman siya. “Uh… wait.” Nagtaka ako dahil pumunta pa ulit siya sa sasakyan niya. Nag-iisip ako kung ano’ng kinuha niya ro’n. No’ng makita ko `yung mga pinamili niya sa McDo, ang bilis kong umiling! Pa’no, balak niya palang ibigay sa `kin lahat nang `yon! “Sir! Hindi na ho. Hindi n’yo po `ko kailangang---” “Just think that this is my way of gratitude for… helping me out.” “Huh?” `Yong noo ko, nakakunot na. “Saan po?” “Like, cooking me food?” “Pero dahil may arrangement po tayo.” “But I guess, not just because we had arrangement mean you’d just do that for the sake of it. Alam kong kahit wala `yun, gagawin mo pa rin naman `yon sa `kin.” Agree ako ro’n sa sinabi niya, pero ayokong ipahalata. Mamaya, gagawa pa siya nang maraming ganito. “Hindi ko po talaga matatanggap iyan, sir.” “I don’t have someone to eat with me. `Di ba, sabi mo, malungkot mag-isa kumain?” Tinignan ko nang matagal `yong hawak niya. Nakakahiya na. Ang dami na niya nagawa sa akin. Abuso na yata ako. “Don’t mind how much I spent for the food. May mga kapatid ka? Ibigay mo sa kanila.” Napaisip din ako ro’n. Siguro, gusto rin naman `to ng mga bata. “Thank you.” Ngumiti si Sir Vergara. “You’re welcome.” “See you in class, sir.” Nagtaka naman ako sa pagkatulala niya. Parang ilang segundo rin siyang gano’n. “See you.” Hindi ko alam, doon na pala `yong huli. Nalaman ko na lang, kinabukasan, na hindi na siya `yong professor namin. Mula sa kinauupuan ko, naririnig ko kung paano gumasgas `yong heels ng isang babae, mukhang nasa thirty plus din. `Yong seryoso niyang mga mata, nilibot `yung buong klase. Ano’ng nangyayari?! “I’m Miss Cuevas, your professor for this subject. Please be prepared for I will call you for your graded recitation.”                                                                                                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD