Chapter 25 Anak Ayokong maging bastos pero, ano’ng ginagawa niya rito?! Akala ko ba, wala na siyang balak na tumira pa rito?! Mabilis kong tinago sa likod ko `yong hawak kong Chanel na paper bag dahil ang laki ng kislap ng mata niya pagkakita niya ro’n. Ganiyan `yan si Glenda. Alam niya lahat ng brands ng kahit na ano lalo na kapag bag dahil adik siya ro’n. Iyon `yong pinapabili niya sa mga lalake niya. Naalala ko pa noon, nagugulat na lang kami na nag-uuwi na siya ng iba’t-ibang klase ng bag mula sa mga mamahaling bags. Koleksyon niya raw, kagaya ng kung pa’no rin siya mangolekta ng lalake niya. `Yun `yong mga panahon na kumakalam `yong mga sikmura namin sa gutom. Siyempre, hindi naman kami makareklamo, dahil nga, nanay namin siya, eh. Kapag alam niya na kita sa mga mukh

