Chapter 24 Birthday “Are you alright?” Pilit `yong naging ngiti ko kay Raven. Hindi ko kayang maitago `yong inis ko sa mga nangyari pagkatapos malaman ni Glenda na Vergara si Raven. Nakita ko `yun. `Yong pamilyar na kislap sa mga mata niya tuwing malalaman niya na `yong lalakeng makikilala niya, may sinabi sa buhay. At hindi ako natutuwa sa biglang pagbait ni Glenda no’ng nalaman niya `yong impormasyon na `yon… hindi maganda `yong kutob ko rito, sa totoo lang. “Puwede ba tayo rito, Raven?” Natulala na agad no’ng makita ko `yong gustong kainan ni Glenda. Racks. “Sure po.” Narinig ko agad `yong pagpalakpak ni Glenda. Ang bilis nga niyang pumasok sa loob, eh. Nakakainis. No’ng susundan na siya ng boyfriend ko, mabilis ko

