Chapter 22 Kiss At pagkatapos ng gabi na `yon, kami na nga ni Raven. Pagkatapos ng isang buwan niyang panliligaw sa `kin. Hindi ko alam kung mabilis ba na sumagot ako o kung ano… kasi para sa `kin, bakit ko pa patatagalin, kung do’n na rin naman hahantong ang lahat? `Di ba? Ginawa ko lang na manligaw siya para lang makita kahit papa’no kung sino pa siya lalo. Alam ko naman na mas makikita ko pa `yong kulay niya kapag naging kami na. At mas lalabas `yong mga problema kapag nagsama na kami. Gusto ko lang din maranasan kung pa’no manligaw ang isang Raven Vergara. At ngayong naranasan ko na nga, wala akong ibang masabi kundi ang gastos! Lalo pa na naging kami, kaloka. “Frenny, sa’n ka gogora?” Halos mapatampal ko na `yung noo ko dahil nakita ako ni Cris. Hindi k

