Chapter 21 Like “Raven, mamaya pa `yong tapos ng practice namin.” Sandali muna akong nag-excuse kay Raven `tsaka binati `yong ibang models dito sa RECO. Nakaka-stress naman `tong rehearsal namin ngayon! Nagsimula na kasi `yong sa MRE project kaya katakot-takot na practice `yong kinakaharap namin. Akala ko nga, `di na tuloy `tong project na `to kasi ang dami pa raw na arte no’ng may ari ng Montenegro. Ngayon naman na tuloy, inaapupong na kami dahil kailangan daw, makapag-shoot na kami no’ng product at gumawa ng advertisement tungkol do’n! Na-stress talaga ako! Mabuti na lang, pahinga namin sa school dahil may event na naman. Minsan, ang bait ko kay Lord dahil hindi masyadong nagsasabay `yong activities sa school at dito sa RECO. Kaso, k

