Chapter 32 Toxic Ang lalim na ng gabi no’ng nakarating na kami sa Coastal. Malayo pa lang, rinig ko na `yong malakas na hampas ng mga alon. Ang sarap sanang magtampisaw ngayon. Gusto ko lang magtampisaw nang walang katapusan dahil gusto kong kalimutan si Glenda… `yong mga sinabi niya… `yong mga balak niya na ako pa `yong gagawin na kasangkapan niya para makuha niya `yong gusto niya kay Raven. `Yong hangin galing sa dagat, nanunuot sa balat ko, kaya ramdam ko `yong lamig. Pagkaupo ko na ro’n sa buhangin, medyo nangisay pa `ko. Saglit lang naman. Dahil si Raven? Nagdala pala ng jacket, `di ko man lang napansin. “Thank you,” pagkasabi ko no’ng pinatong niya `yong puting jacket sa balikat ko. Pinilit ko pang ngumiti dahil gusto ko kahit do’n man lang, masuklian ko siya sa lahat. Sa lahat

