Chapter 31 Pressure Na-reschedule `yong shoot namin para sa MRE. Nagtaka nga ako dahil `di man lang ako na-sermonan ni direk. In-e-expect ko pa naman na papagalitan niya ako dahil sa mga kapalpakan ko, pero mukhang mas malakas `yong impluwensya ni Billy, kaya wala nang gano’ng nangyari. “I’m sorry, Billy, for these inconveniences I’d caused.” Parehas kaming umiinom ni Billy ng kape sa cup. Katatapos lang ng meeting namin tungkol sa reschedule. Ayun, sabi ng management, sa makalawa na lang, pero in-advise rin ako na kailangan, mentally at emotionally-prepared na ako. Dahil sa nangyari, sobrang nadala ako. Ayoko nang dalhin sa trabaho `yong problema ko sa pamilya dahil nakakagago. Ang dami kong naiistorbong mga tao. Kailangan ko nang madala. “Told y

