Prologue
“Cris, nasa’n ka na ba?” nilakasan ko na `yong boses ko para marinig ni Cris `yong sinasabi ko.
Kanina ko pa kasing inaayang mag-club dito sa Valkyrie si Cris through text. Ang walang-hiya, he didn’t reply to any of my text! Kanina na nga ako rito umiinom ng El Cuervo, wala pa rin siya.
“Ay! Grabe, frenny, h’wag mo `kong sigawan,” tili ng mahadera.
I rolled my eyes and gulped another shot of El Cuervo. “Ang tagal mo naman kasi! I’ve been waiting for you kanina pa pero wala ka pa rin!”
“Sorry na, frenny. Ang hirap din kayang maghanap ng masasakyan through Grab. Ba’t mo naman kasing piniling mag-club ng Friday?”
“Duh! Malamang, it’s Friday! Nasa’n ka na nga kasi?”
“Nasa 8th Ave. Hoy, baka naman kapag nandiyan na `ko, may lalake ka nang katabi, ha? Umayos ka, Ligaya.”
“Wala,” pinahaba ko `yung sinabi ko. “Alam mong ilag sa `kin `yong mga lalake, `di ba?”
“Yeah, yeah, right. Pero wait, frenny, marami bang foreigner diyan?”
Ginala ko `yong paningin ko sa lugar. Dumadagundong na `yong club gawa no’ng malalakas na tugtog galling sa speakers at no’ng echo. Nakakabulag pa `yong mga nag-iikutang neon lights. Sumasayaw na halos karamihan ng mga tao sa oras na `to, halatang mga nag-e-enjoy sa kung ano mang pinapatugtog no’ng DJ.
Aside from the locals, na karaniwan ay celebrities and well-known socialites, may mga foreigner rin kagaya ng dalawang mga mukhang Mexicans siguro na nasa gilid ko. Kanina pa sila nag-e-Spanish, hindi ko naman ma-gets. Umiwas na nga lang ako ng tingin kasi naghalikan sila nang wala man lang pakundangan? Mahirap na, baka masabihan pa `kong tsimosa.
“Of course, marami! Now, pakibilisan na. Makakadalawang bote na `ko ng El Cuervo rito, eh!”
Cris laughed. “All right, bibilisan na po. Serve me a seat.”
“Kanina pa. Sige na, bye!”
Pagkatapos maputol no’ng tawag, naalala ko na naman `yong kaibigan kong tinapon lahat ng pinagsamahan namin ng sampung taon. Donita, my innocent friend, has already had a relationship with her ex again! Ang tagal na namin siyang binalaan ni Yllena na tigilan na niya ang nararamdaman para ro’n sa tao dahil may fiancée na nga pero hindi talaga siya nakikinig.
What’s f*****g worst? When I asked her kung sino’ng pipiliin niya, mas pinili niya pa `yong Justice na `yon! Nag-alsabalutan `tapos lumayas pa sa pamamahay ko! Really?!
“Sabi kasi sa `yo, Joy, mag-tone-down ka. Alam mong kaya nagkakagano’n si Donita dahil ngayon niya lang ulit nakita si Justice, `di ba?”
Gusto ko sanang taasan ng kilay `tong si Yllena dahil sa panenermon niya sa `kin tungkol sa ginawa kong pagpapapili ni Donita sa `ming dalawa no’ng ex niya kaso masyado pa akong occupied sa pagkatulala ro’n sa pintuan ng apartment namin. Hindi kaagad ako nakaahon.
I couldn’t just believe na mas pinili pa ni Donita `yong demonyo niyang ex kesa sa `ming mga kaibigan niya na nakasama niya for years! Hindi man lang niya naisip na kaya ko `yun ginawa, eh, dahil nag-aalala ako sa kanila bilang kaibigan niya? Kahit do’n man lang sa part na `yon, naisip man lang sana niya.
At ito namang si Yllena, gusto yatang i-tolerate namin ang kaibigan namin sa kagagahan niya?
“Gano’n na lang `yon, Yllena?” masama pa rin `yong loob ko bago ko nilingon `yong kaibigan kong naghehele ng anak. “Kaya tayong burahin ni Donita sa buhay niya? Ang galling naman niya.”
“Pinapili mo pa kasi---”
“Kasi ayaw niyang makinig!” giit ko. Nadi-disappoint na naman ako. “She’s turning a blind eye because of her intense feelings for Justice! Hindi ba niya naisip ang sasapitin niya kapag kinasama niya ang lalakeng `yun? Magmumukha siyang kabit! Wala akong planong i-tolerate silang dalawa!”
“Joy, Justice and her fiancée are not married yet,” agap ni Yllena.
“Still, they’re gonna get married! Kahit na balig-baligtarin natin ang sitwasyon, Yllena, talo si Donita. Na-ge-gets mo ba `yong gusto kong sabihin?”
Mabilis kong pinahid gamit ng palad ko `yong tumakas na luha sa mga mata ko. Lumamlam `yong mga mata ni Yllena habang nakatitig sa `kin. Natahimik lang siya ro’n sa sinabi ko at `di na nag-react.
“Ang laking sampal kaya sa `kin no’n, Yllena… Na kaya niya tayong talikuran para lang sa taong mahal niya. She just trashed our ten years of f*****g friendship!”
Medyo kumakalma na `ko sa paghaplos ni Yllena sa likod ko. Huminga na `ko nang malalim bago nagpunas ulit ng luha ko. May galit pa rin dito sa dibdib ko.
“Intindihin mo na lang. Nagmamahal lang kasi `yong tao.”
Ano’ng klaseng advice `yan? Was that even love? Na ayos lang na makapanakit ka ng ibang tao para lang sa ikaliligaya mo? That’s so selfish and stupid!
Donita’s my friend at ayokong maging tanga siya dahil sa ganiyang klaseng pagmamahal. We didn’t deserve that kind of love. Gusto ko talagang ipaintindi diyan kay Donita na she shouldn’t settle for less.
Kaso, para saan pa? She left us already and she didn’t even listen to me. Nagdesisyon siya para sa walang kuwentang kaligayahan niya na `yan. Nakaka-frustrate talaga `tong karupukan ni Donita.
Susuportahan ko naman siya sa mga desisyon niya sa buhay kasi nga, kaibigan ako, eh. I’d make sure that I’m always by her side in every decision she’s gonna make pero h’wag naman ganito na kaya niyang ibaba `yong p********e niya para lang sumama sa lalakeng kulang na lang ituring na siyang gago.
Kung hindi lang talaga masamang sabihan ng bobo ang kaibigan mo nang paulit-ulit na may kasamang sapak, ginawa ko na.
Natigilan lang ako sa paglagok nang mag-iba na naman ang tunog ng DJ. I felt like I wannadance, this time. Kanina kasi, may mga nag-aaya sa `kin na mga lalake pero I was turning them down. Wala kasi ako sa mood. Pero ngayon, mukhang nangangati na `yong mga paa ko. Saka ko na lang hanapin si Cris, mamaya.
I gulped my last shot of El Cuervo bago pa dumating ang magaling na Cris. I raised my brow as he laughed at me. May nakakatawa ba?
“Frenny!” no’ng aamba siyang yayakap sa `kin, pinandilatan ko nga. Kaso, imbes na matakot, Cris laughed again. Mukha yata akong clown sa paningin ng isang `to, eh.
“Tagal mo,” Sinungitan ko `yung boses ko kasi gusto kong maramdaman niya na naiimbyerna na `ko.
“Traffic nga kasi, frenny,” he was obviously reasoning out. “Anyway, ang dami mo namang nainom.” Nakatitig na siya sa El Cuervo kong lagpas kalahati na `yong laman.
“Kasi nga, ang tagal mo. Sa boring ko, uminom na `ko nang marami.”
At nagiging maingay na rin ako. And also, tipsy. Ang lakas talaga ng sipa ng Cuervo!
“Oo na, sige na. Sorry na, madame,” sobrang arte nang pagkakasabi niya. Mas nakakairitang pakinggan.
Dahil nandiyan naman din siya, nag-shot na rin siya ng alak na kadalasan niyang i-order. San Mig Lights lang daw para hindi siya malasing masyado. Cris knew how wasted I was always whenever I get drunk. Hindi ko naman makaila kasi ilang beses niya na rin akong bini-video-han sa lahat ng pagiging wasted ko. Lakas pa ng loob na ipamukha sa `kin.
Halos kalahating oras din kami nag-iinuman before we decided to go to the dancefloor. Actually, kaya ko namang sumayaw ro’n kahit wala pa si Cris kaya lang, nadala na ako no’ng sinubukan kong ako lang mag-isa…
Tawa ako nang tawa habang hinahaplos ko sa iba’t-ibang parte ng katawan niya si Cris. Pa’no kasi, pinandidirihan ba naman ako? Lagi naman siyang ganiyan. Ayaw na ayaw sa mga babae. He likes men but men don’t even understand his orientation…
I wildly danced without minding other’s judgement. Ini-enjoy ko `yung sikat na upbeat music habang gumagalaw--- taena, may humahaplos sa puwet ko!
This was the same feeling I felt… when…shit!
Hindi ako halos makagalaw tapos nanlalaki na `yong mga mata ko. Para `kong naging bato sa kinatatayuan ko. Cris was nowhere to be found. Nasa’n na ba `yun?! Ang bilis naman niyang mawala sa paningin ko!
Nanlalamig na `yong buong katawan ko na parang bumabalik sa `kin lahat-lahat ng ginawa sa `kin noon…
“Are you free, baby.” I heard the guy smirked. He even squeezed my butt with his hand!
Mukha siyang foreigner base na rin sa kulay no’ng buhok niya… taena naman, hindi talaga siya titigil sa kakapisil, huh? Dikit na dikit pa `yong katawan niya sa likod ko! Panay `yong paghaplos niya sa gitna ng puwet ko! Kinikilabutan na `ko! Enjoy na enjoy ang gago! Nanlamig ako lalo no’ng naramdaman kong tumayo `yong poste niya
“I know a place where we could tanong niya tapos ngumisi.
Nanlalabo `yung mga mata ko pero `yung galit ko, umaahon na sa dibdib ko. Potaena… I was about to turn around and ready to punch the guy kaso tumilapon na ka’gad `yong lalake! Ang bilis na puro kurap na lang yata `yong nagawa ko!
Kahit na nadi-distract ako sa sigaw at singhap ng mga taong nasa paligid ko, mabilis ko pa ring hinanap kung sino mang Poncio Pilato `yung tumulak sa hilaw na `yon. Kaso, bumibigat na `yong ulo ko. Para na siyang pinupukpok.
Mabuti na lang, hindi pa `ko lunod masyado sa epekto ng Cuervo. I clearly saw the man walking towards us. Nakakuyom `yong panga niya at nagdidilim `yong paningin do’n sa lalakeng nasa likod ko. Na naguguluhan naman ako bakit gano’n `yong reaksyon niya?
“What’s your problem?!” sigaw no’ng banyagang lalake, “Why the f**k did you push me away, dude?!”
Ang lalim no’ng paghinga no’ng lalakeng tumulak. Paulit-ulit pa nga. Hinaharangan na niya `yong paningin ko ro’n sa gago.
“You’re caressing her from her behind. She didn’t like it. There’s no consent seen from her. That concludes that you’re harassing her sexually already.”
Ang kalmado no’ng malalim niyang boses. Like it reminded me of someone I knew from the past… nagagawa ng Cuervo sa `kin.
Nasa’n na ba si Cris kasi?! Taena. Walang kaalam-alam na napapahamak na `ko rito!
“Why’re you attacking me?!” sigaw na naman no’ng lalake. “That woman’s the reason why I got sexually attracted. See her f*****g clothes? She’s enticing men. She should be the one to be blamed and not me, fucker.”
Ah, taena nito, ah? So, kasalanan ko pa na ganito kaiksi `yong suot kong silver dress? Kasalanan ko pa na kaya siya naging sexually active agad dahil nakakapang-akit `to ng mga lalake?!
Tang-ina mo po.
Nakakapanggigil. Tama nga yata na men are trash. Kasi, gano’ng klaseng mindset `yong siniksik nila sa mga maliliit nilang utak. Hindi ba puwedeng kung manyak ka, manyak ka talaga? Kung kumati man `yang t**i mo, dahil malibog ka lang talaga? Why put the blame to all women? Bakit kailangang sukatan ang pananamit sa pagiging disente at ugali ng mga babae? Bakit kailangang manipulahin kami sa kung ano man ang gustuhin namin? Sa kung ano man ang gustuhin naming suotin? Alangan namang pumunta ako rito sa club na naka-below heels ang dress ko? Eh, di sana nagpalda na lang ako nang mahaba.
Most men like women to be objectified. Hindi kasangkapan ang mga babae para parausan mo, gago ka po.
Gusto ko lahat isigaw sa tainga ng putang-inang lalakeng `to `yong lahat ng iniisip ko pero natameme na `ko sa mga sinabi no’ng lalake na nasa harapan ko.
“She should not hold any liability for your dirty way of thinking with her clothing style. Just because she dresses like this doesn’t mean she needs to be blamed. If there’s someone to be blamed here, that’s you, mister, because you let your d**k blocked your brain.”
“The f**k?!” mukhang napikon `yong gago.
“Instead of blaming her and insulting her for her clothing style, why can’t you just appreciate her nicely? Treat her with respect? She’s not only a woman. She’s a woman of her own.” Napahinga `yong lalake nang malalim. “You can’t also just do what you did earlier to her and to other women. She can file a complaint against you for s****l harassment. No one deserve to get harassed by people like you.”
Cuervo, taena ka… talagang ang dami mong pinapaalala sa `kin. `Yong boses niya… kaboses niya talaga `yong lalakeng `yon---
No.
Imposible.
Maraming taon na `yong nakalipas so why would he waste his time on me? Besides, our world was big. Imposibleng magkita pa kami. Mag-krus `yong mga landas namin. Sa dami nang lumipas na taon… sa dami ng mga nangyari na… imposible na talaga.
“Who the f**k are you?”
Tumayo nang tuwid `yong lalake at diretsong tumitig sa gago. “No need for you to know.”
Napasulyap ako sa dalawang bouncer na nilagpasan ako. Nilapitan nila `yong lalake.
“Get rid of this mess, please.” Tinuro niya si gago. “Your club doesn’t deserve shits like him. Please do me a favor.”
Agad-agad, sinunod din ang gusto niya. Nanlaki `yong mga mata ni gago at nagsisigaw na pakawalan siya. Pero dahil malalaki at matitigas `yong katawan no’ng dalawang bouncer, wala nang nagawa si gago. Mabuti nga. Dahil kung hindi lang pumipintig `tong ulo ko sa sakit, ako na mismo ang sumipa sa kaniya palabas ng club na `to.
But of course, those were only my thoughts. Ang totoo, hindi ko kayang malabanan ang trauma ko. The fear of being harassed was still there… hindi naman iyon nawawala. Kaya lang, hindi ko rin naman kayang mabago ang sarili ko para lang mag-adjust sa mga pinagdaanan ko.
Kasi, naniniwala naman ako na ano pa man ang pagkatao ng isang tao, sa suot man niya, sa pananalita o sa kung ano pa mang aspeto, kung hindi ka talaga rerespetuhin, hindi ka talaga nila bibigyan nang gano’n.
At ang masama, babastusin pa at yuyurakan `yong buong pagkatao mo. Hindi naman ako pokpok. Marangal naman ang trabaho ko, pero ba’t na-harass pa rin nila ako nang gano’n?
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Pero bago ko pa mahalikan `yong lupa dala ng kalasingan, naramdaman ko na kaagad `yong pagsalo sa akin no’ng lalake kanina.
Sinubukan kong mag-angat ng tingin para makita ko kung sino… malay ko ba kung kakilala ko. Kaso, dahil ang dami ko ring nainom na Cuervo, nanlalabo na `yung paningin ko. Hindi ko na siya maaninag nang maayos.
Pero `yung mga mata niya, madilim `tapos nananakot…
Kaso, hindi naman iyon, eh. Bakit kung titigan niya ako, parang kilalang-kilala niya ako? O akala ko lang.
“You’re still stubborn just like before, Joaquin Ysabella.” Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. Mukha rin siyang stress sa hindi mo malaman kung saan. O baka naman sa `kin?
Ay! Sandali pala… Alam niya rin kung ano `yung totoong pangalan ko? Kinakabahan na `ko, taena. Sino ba `to?
“Sir, sorry po sa gulo na ginawa no’ng customer.”
Nakapikit na ako habang nando’n pa rin sa kinatatayuan ko. Nahihilo na `ko.
Naririnig ko `yung lalake na siya na’ng nakipag-usap sa dalawang bouncer. Siyempre, ang daming nakiusyoso. Sinamaan ko nga ng tingin para tumigil na sa ginagawa nila. Akala naman ng mga `to, artista `yong pinapanood nila.
Ah… s**t! Ang sakit na talaga ng ulo ko.
Napahawak na `ko sa sentido ko at napapikit ulit nang sandali.
“You need to rest, so let’s get outta here.” Rinig kong sabi no’ng lalake. “Everyone’s giving you attention and it’s getting me pissed.”
Nakaramdam kaagad ako ng panlalamig. Siguro nga, lasing na lasing ako pero hindi naman ako tanga para dalhin nito kung saan-saan. `Tsaka, hindi ko pa pala natatanong kung sino `tong lalakeng `to kasi kilala niya ako.
“Okay lang ako.” I tried to open my eyes pero s**t naman, ba’t ngayon pa `ko nahilo sa Cuervo?
Hindi pa nga naman kasi ako kumakain, uminom na `ko. Taena, kasalanan mo rin kasi `yon, Joy.
“May kasama ako.” Nilakasan ko `yung boses ko. “No need to help me, anymore.
Wala naman akong balak maging rude, kaya nagdagdag pa ako, “But thank you, anyway sa kanina.”
Sinubukan ko na naman siya tingnan. Kahit malabo `yung paningin ko, nakita kong umawang `yong labi niya sandali.
“Don’t need to thank me.” Tumikhim siya. “Where’s your… friend?”
Nilinga ko `yung buong dance floor pero hindi ko makita si Cris. Kinuha ko na sa sling bag `yong phone ko. No’ng dina-dial ko na `yong pangalan niya sa contacts, panay na naman ang daing ko sa sakit ng ulo ko.
“Is it okay if I call your… friend using your phone?”
Tumaas ang tingin ko ro’n sa lalake.
“You’re obviously not okay… and I’m not okay also seeing you… raging with headache.”
Aw… concerned si kuya, huh?
Mukha naman siyang disente kaya no’ng pinindot ko na `yung call, siya na `yong pinakausap ko. Wala na kami sa gitna ng dance floor kasi iginiya ako ni kuya sa gilid. Bumalik na lahat no’ng mga tao sa dance floor at umingay ulit `tong Valkyrie.
“Hello, are you Joaquin Ysabella’s friend? Boyfriend?” nilingon ako no’ng lalake na nanlalaki `yong mga mata niya nang bahagya.
Tama ba `yong--- ah. Napag-usapan nga pala namin ni Cris na kapag may lalake akong kasama, na kapag obsess at clingy, nagpapakilala na siyang boyfriend ko kahit hindi naman.
“She’s here… yes. Pick her up here.” Pagkatapos, mabilis niyang pinatay `yong tawag. Hindi man lang nag-thank you.
“Here,” he said, giving back to me my phone. “Sorry, but it’s not okay that your boyfriend left you here. You see how that bastard harass you? Your boyfriend failed to do his obligation to you as his girlfriend.”
“Wow! Tunog abogado tayo rito, huh?” biro ko pero hindi man siya lang natawa. Ang seryoso naman nito. “Wait lang pala, pa`no mo pala nalaman `yong pangalan ko?”
“You don’t know me?”
Medyo bothered ako ro’n sa pagseryoso lalo no’ng boses niya. “Magtatanong ba `ko kung alam ko?”
Napailing siya, mukhang medyo inis pa si Kuya. “Till now, you frustrate me.”
Ano’ng ginawa ko?
“Sabihin mo na lang kung pa’no mo nalaman ang pangalan ko. Stalker ba kita? Sabihin mo lang para alam ko. Kung stalker nga kita, hindi naman ako lalayo. I`d still thank you kasi if it wasn’t because of you, baka ginago na talaga ako no’ng foreigner na `yun. Pero, hoy, hanggang do’n na lang `yon, ah? Hindi pa rin tama na mag-stalk ka ng tao.”
Nawala bigla `yong ngiti ko sa paglamlam no’ng mga mata niya.
“Let’s just say, I’m more than that. I was there… in your life.”
Parang huminto `yung t***k ng puso ko… No’ng mga oras na `yun, para ring huminto `yung takbo ng oras. I knew my vision was blurry but the familiarity… it was all coming back in a blink of an eye.
“Frenny! He--- pucha! Pucha, frenny!”
Umiikot na `yung paningin ko. Hindi ko na marinig `yong nagtitiling boses ni Cris sa likod ko. All I knew, I suddenly fainted and everything went pitch black.