Chapter 1
Confidence
“CJ, paki-check kung nakasaksak pa lahat ng appliances. Cara, h’wag mong kakalimutan ang susi, ha.”
Pagkatapos kong maghugas ng mga plato, naabutan ko `yong dalawa na nakapang-bihis na sa uniform nila. Nagpaalam si CJ na aalis na sila ni Cara kaso `tong si Cara, napasimangot `tapos sinungitan pa niya `yong kuya niya kasi balak pa niyang mag-ayos. Parehas tuloy akong tinignan no’ng dalawa kasi tumatawa ako sa kanila. Alam ko naman na kahit nag-aasaran silang dalawa, halata naman na concern silang pareho sa isa’t-isa. Matindi ring maglambingan `yang dalawa na `yan.
No’ng umalis na sila pagkatapos magpaalam sa `kin, napabuga ako ng hangin at nagseryoso. Dumiretso ako sa maliit na study table at umupo sa swivel chair na binili ko sa nagbebenta ng mga upholster.
Palipat-lipat kami ng tinitirhan. Ang totoo, itong apartment na tinitirhan namin, dito lang kami nagtagal nang kaunti. Maliit lang `tong nirerentahan namin. Pagbukas pa nga lang ng pinto, bungad na kaagad `yong double deck naming kama. Sa ilalim ng double deck `yong higaan ni CJ. Ako ro’n sa baba tapos sa taas si Cara. Sa likod no’ng kama, CR na namin. Tapat no’n `yung sink, `tapos kusina na. Sa harap ko `yung maliit naming TV na tinawad ko pa sa surplus sa Paseo.
Kaming tatlo la’ng nakatira sa bahay na `to. Kani-kaniyang diskarte kung paano makokompleto `yong pagkain nang tatlong beses sa loob ng isang araw. Ako `yung humahawak ng expenses sa apartment kasama pati araw-araw na pangangailangan namin. Ang kagandahan dito, kasama na sa binabayaran naming upa `yong bayad sa kuryente at tubig. Iyon nga lang, may oras `yung paggamit. May curfew, kumbaga. Kaya bago pa sumapit ng alas-diez kasi `yon ang cut-off, tinitiyak namin na naka-charge na lahat o may stock na kami ng kandila dahil nag-aaral pa rin `yong dalawang bata. Okay na rin. Kesa naman na mawalan pa kami ng matitirhan at mag-inarte ako.
Si Cara, gumagawa siya ng assignments ng mga kaklase niya during breaktime at pati free-time niya na walang pasok. Malaki kasi’ng kita niya ro’n. Ganiyan din kasi ako noon at diyan talaga ako nakaka-survive. Si CJ naman, nag-a-assistant sa isang maliit na Internet shop sa malapit. Tuwing pagkatapos ng klase, diretso kaagad `yon sa shop para magbantay. Pinapalitan niya kasi `yong may-ari sa hapon. Siya naman ang tumatao buong araw kapag walang pasok. Ako naman, manikurista at pedikurista. Minsan naman, kapag kailangan ng serbisyo ko sa pagme-make-up, sinasagad ko na at sinisingit para lang pandagdag kita na rin.
Wala kaming inaasahan na magkakapatid kundi kami rin lang. Kailangan naming magsipag nang husto at kumayod para lang may pangtustos kami sa pang-araw-araw. Para rin makabayad sa land lady namin na hindi ka lang makabayad do’n sa renta ng isang buwan, grabe na kung magparinig sa `min na halos kutyain na `yong pagkatao namin.
Kinuha ko na `yong notebook ko na listahan ng mga bayarin namin. Oo nga pala, malapit na naman `yong bayaran no’ng upa. Ang bilis naman ng araw. Problemado na naman ako nito kung sa’n makakahanap ng pambayad ng upa.
Lagpas na sa kalagitnaan `yong buwan at wala pa kami sa kalahati `yong naiipon naming pambayad. Mukhang kailangan ko na namang mag-OT sa parlor, ah?
Nilapitan ko na `yung kanina pang umiingay kong cellphone. Pagkakita ko ro’n sa pangalan no’ng nanay ko, parang gusto ko na lang ipatong `tong cellphone ulit tapos iwanan ko. Dedmahin ko. Kaso, dahil ‘mabait’ akong anak, sinagot ko na. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. Ramdam ko kasing hindi na naman magaganda `yong lalabas sa bibig ko kapag kausap ko `yong nanay ko.
“Po?” bungad ko. Hindi uso sa kaniya makipagkumustahan kasi hindi naman niyan kami kinukumusta ever since.
“How’s my beautiful Joy?” lasing `yong tono ng boses niya. Umagang-umaga.
“Bakit po kayo napatawag?” medyo sinungitan ko `yung boses ko para naman makaramdam siya na tinatamad akong kausap siya.
Inignora ko lang `yong sinabi niya. Hindi sa pagmamaldita, pero kapag ganiyan kasi siya, alam ko nang may kailangan siya sa akin.
“Ikaw naman, `di mo ba kukumustahin si mama mo?”
Dahil hindi ko na naman alam `yong gustong mangyari ng nanay kong `to, umirap na ako at napabuga ng hangin. Hindi naman niya nakikita.
“Baby, pupunta pala `ko diyan sa weekends.” Nag-static `yong linya niya sa kabila. “Wait, babe. I’m currently talking to my daughter… Yes, thank you.” Ngumisi siya. “Ipapakilala ko kayo kay Stephen.”
Ah, bago niya na namang lalake. Umagang-umaga talaga…
“`Ma, `yung apartment… malapit na naman po `yung bayarin.”
Wala naman talaga akong balak lumapit sa kaniya. Kaso, natatakot ako kasi malapit na naman kami sa deadline. Pa’no kung dumating na `yon `tapos kulang pa `yung pera? Pa’no kung bigla kaming magipit? Pa’no kung maisipan ni Madame Becky na palayasin kami sa apartment?
Araw-araw na lang, ganito na la’ng bangungot ko.
“Kaya nga, gusto kong ipakilala sa inyo si Stephen.” Bumulong na siya, “Sigurado akong makakakuha tayo rito ng pera.”
Napapikit na ako sa inis. Kahit na ano’ng gawin ko, hindi ako masanay-sanay sa modus operandi ng nanay ko kahit na kailan… na ganito na `yong buhay namin sa simula pa lang. Na isa siyang dakilang opurtinista.
“Kailan po kayo sa weekends makakapunta?” napahilot na lang ako sa noo.
“Baka by Saturday sa afternoon. Mag-se-stay muna kami sa Alabang sa Friday kasi igagala ko siya sa pinagtatrabahuan ko.”
“Nasa’n kayo?”
“Here sa Makati Shang.”
Ayos talaga nitong nanay kong nagmumurang kamatis! Nagawa pa niyang mag-check-in sa ganiyang kamahal na hotel?!
“Sagot naman ni Stephen `to, eh.”
At talagang nagdugtong pa siya para lang pagtakpan `yong katotohanan na siya talaga ang nagsuggest no’n sa kung sino mang Poncio Pilato na `yon. Sa’n kaya nakakahugot ng lakas ng loob `tong nanay ko?
“Siya, ibaba ko na `to. Pakisabi kina CJ at Cara na namimiss ko na sila.”
Magsasalita pa sana ako kaso tinapos na kaagad niya `yong tawag. Ayos talaga. Sa gigil ko, pinukpok ko `yong kawawang study table ko. Kailangan kong huminga nang malalim kasi naiimbyerna ako. Pa’no naman kasi! Pa’no niya nagagawang iwan kami nang gano’n-gano’n lang? Na kami rito, namoroblema na naman kung pa’no mapapagkasya `yong mga kita namin para lang may pambayad sa mga gastusin dito? Nagagawa niya pang magsaya nang ganiyan na hindi man lang niya naiisip `yong sitwasyon namin?
Ang masama pa, parati na lang siyang nagche-check-in sa mga mahal na hotel samantalang kami rito, nagtitiis sa gutom minsan para lang mabayaran `yong mga obligasyon niya sa buhay? Na dapat, siya naman talaga `to pero sino ba’ng problemado? Kami pa rin. Akala mo, ang dami-daming pera…
Hindi dapat masira ang araw ko ngayon. Mamaya, papasok na `ko. Kaya pumunta na ako sa mga gamit ko kasi titignan ko kung kompleto at para na rin hindi ako ma-distract sa pinaggagawa ng nanay kong magaling. Pagkatingin ko, mukha namang kompleto… naro’n kasi `yong pinagawang assignments sa `min no’ng teacher namin sa isa naming subject. Tinapos ko na lahat kagabi `yong pagreresearch kaya tiwala naman ako na nagawa ko naman lahat. May kita na naman ako nito sa mga kaklase kong nagpagawa sa `kin!
Nag-prepare na ako para sa klase mamaya. Una kong subject, Constitution. Kakasimula pa lang naman ng klase at hindi ko pa alam kung sino `yung prof namin para sa subject na `to. Ang nasagap ko, babae raw.
Pagkatapos maghanda, naligo na `ko. Chill lang ako kasi alas-diez pa `yong klase ko. Pumunta na ako sa cabinet para kumuha ng mga damit na susuotin ko ngayon. Dahil wash day, I decided to wear a denim skirt just above my waist and a ruffled white crop top. Puro sa ukay ko lang `to nabili sa Paseo. Mura lang kasi do’n. Naghikaw na rin ako at nagsuot ng itim na flat shoes.
Umalis na ako ng bahay pagkatapos. Sinigurado kong naka-lock `yong bahay kasi mahirap na. Ang dami pa namang gago ngayon. Nilakad ko lang hanggang sa MSU kasi malapit lang naman `yong apartment do’n. Dumiretso na ako kaagad sa room namin sa Department of Social Science and Humanities. Hinanap ko kaagad `yong mga ka-blockmates kong nagpagawa ng assignment para sa isang major subject namin.
Mabilis pa sa alas-cuatro, dinagsa na nila ako. Mukha naman silang satisfied no’ng chineck nila `yong mga ginawa ko.
“Walang kupas pa rin, Joy. Ang galing mo talaga,” komento no’ng kaklase kong lalake na madalas absent sa klase at pumapasok lang kapag examination. “Magkano?”
Kinuha ko `yung notebook kong maliit. Do’n nakalagay kung ilang oras ko siya ginawa. Walang daya `yun kasi pinapakita ko sa kanila `yun for transparency na rin. May in and out `yun, kaya tiwalang-tiwala `tong mga `to sa `kin… lalo na `yong mga lalake.
“Three hours. Three hundred,” sagot ko.
Gano’n din `yong sinabi ko sa iba kong mga classmate. Target ko talaga `yung mga tamad at hindi nagpapasok na estudyante kaya ang daming nagpapagawa sa `kin. Iba rin kasi rito sa Maestranza. Lalo na sa university na `to, pakpak lagi ang balita. Kaya alam na ng halos lahat dito na naggagawa ako ng assignments nang may bayad.
Alam ko naman na alam na rin ng mga prof `tong kalokohan ko pero pikit-mata na lang yata sila sa `kin. H’wag lang sana awa ang dahilan dahil ayoko talaga na kinakaawaan ako.
Umupo na ako sa pinakaunahan pagkatapos ng monkey business ko. Kaso, no’ng pagkaupong-pagkaupo ko, naririnig ko na naman `yong mga matatabil na dila no’ng ibang course na kaklase namin sa subject na `to.
“Grabe, garapalan na talaga `yong ginagawa niya, girl. Harap-harapan sa `ting pinapakita `yong negosyo niya. Naggagawa ng assignments ng iba para lang kumita. Hindi na nahiya.”
Natigil ako kaagad sa pagsusulat. Pinag-uusapan na naman ako, ah? Oh, sige. At least, hindi naman ako nagnakaw. Bakit ko naman `to ikakahiya? Nakatulong pa nga ako sa mga estudyanteng tamad, eh. Napapasa ko sila na hindi na nila kailangang gamitin ang utak nila. Parang diring-diri kayo rito, ah? Galing humusga… bakit, binenta ko ba’ng katawan ko?
Isa pa, kompara sa inyo, mas maraming ambag `tong utak ko. Kayo, hanggang tsismis na lang. Bunganga lang `yong ginagamit n’yo, wala namang mga ambag.
“Si Joy pa? Hindi naman niyan alam `yong salitang hiya. Nanay pa nga lang, kung saan-saang lalake na dumadapo. Parang bubuyog. Hindi makuntento sa iisang bulaklak lang. Gusto lahat, sinisipsip.”
Doon na ako nanahimik. Nagdidilim na `yong paningin ko sa tawanan nilang nakakabuwisit. Bakit ko naman itatanggi `yong ginagawa ng nanay ko, eh, alam na ng buong probinsyang `to kung gaano kabait ang nanay ko? Na totoo naman `yong sinasabi nilang tsismis? Sa liit ng probinsyang `to?
Kaya ko namang ipagtanggol ang negosyo ko. Hindi nila alam kung paano kami kumakayod para lang mabuhay kami araw-araw. Sa bagay, ba’t pa ba ako magpapaliwanag, eh, mayro’n na silang sariling bersyon ng kuwento ng buhay ko? Kahit naman magpaliwanag ako, sarado na `yong mga isip nila. Ang masama, iyong bersyon pa na mali `yung kumakalat at pinapaniwalaan ng lahat ng mga tao. Nakakaaksaya lang ako ng oras. Wala akong panahon diyan. I was busy with my life and minding their derogatory remarks about me would never be my priority.
Kung hindi nga lang `to school, tinaas ko na `yung middle finger ko sa kanila. Sandali lang, makakatikim din `tong mga `to sa `kin, eh. Naghahanap lang ako ng magandang tiyempo. Ayokong sirain ang araw na `to kasi sinira na ni Glenda kanina.
Nakompleto na rin halos lahat ng estudyante para sa course subject na `to. Kaunti lang kaming kumukuha ng AB English kaya pinapag-combine kami sa ibang course. Kung puwede lang talagang mamili ng ibang course na sasamahan, eh. Iyong dalawang maldita, sa ibang course sila. Kung hindi ako nagkakamali, Education major in English din. Oh, `di ba? Mga future teachers `yang mga `yan pero kung umasta, daig pa `yong mga nagrereport ng showbiz news sa TV. Kagagaling sumagap ng impormasyon, mga mali naman.
Umayos na ako ng upo no’ng nakita kong may papasok na matangkad na lalake na may sukbit na books sa kaliwang balikat niya. Hindi siya nakangiti at pormal na pormal siya sa suot niyang itim na button-down shirt. Mukha siyang mamahalin, huh? Kumikinang kasi `yong relo niya. Mukhang hindi basta-basta iyong presyo no’n. Wala nga rin yata niyan sa mga binebenta sa Paseo.
Nilapag niya `yong books niya sa table bago humarap sa amin nang seryoso.
“Good morning.”
“Good morning, sir.”
Teka nga, ba’t nga ba namin siya binabati? Akala ko ba, babae? Siya na ba `yong prof namin?
“I know all of you are expecting that you will be having a female instructor for this course subject. However, there was a sudden changed in the line-up of your instructor due to unavoidable circumstance. So, I’ll be the one to replace Miss Clemente for three months until her maternity leave ends.”
Ang lalim ng boses… mabango pa… lalakeng-lalake…
“I’m Raven Isaiah Vergara, and I’ll be teaching you Philippine Government, Politics, and the Constitution.”
Sumabog agad sa room `yung mga impit na tili no’ng mga baliw kong kaklase na babae. Ang haharot din ng mga `to. Parang ngayon lang nakakita ng lalake, eh.
Pero big deal din kasi. May hitsura si Sir… tsaka sandali, Vergara `yong apelyedo niya so malamang, kamag-anak `to nila Justice, `yong lalakeng baliw na baliw kay Donita tapos anak ng mayor ng Maestranza.
Habang sinusulat ni Sir `yong pangalan niya sa whiteboard, do’n ko lang napansin na… ang tangkad naman niya. `Tapos, ang puti no’ng balat niya para sa isang lalake, tsaka ang lapad no’ng likod. Halatang hindi gala `to no’ng bata pa. Ewan ko, pero feeling ko, siya `yung RK na bahay lang `yong playground niya.
“Ang suwerte natin, `te!”
“s**t! `Buti na lang at hindi ako um-absent ngayon! Sisipagin na talaga akong pumasok!”
“Pucha, ang guwapo! Matalino pa! Narinig ko sa kuya ko na kaya raw siya magtuturo sa MSU dahil magna c*m laude siya!”
Lakasan n’yo pa lalo kaya? `Yung dinig na dinig ng buong Maestranza `yang mga boses n’yo? Bumulong pa kayo, eh, halos dinig na ni Sir `yong mga boses n’yo. Nahiya pa kayo!
Hinarap na ulit kami ni Sir. Suwabe siyang sumandal do’n sa edge ng mesa, tapos nakahalukipkip `yong mga braso. Sinimulan niya kaming tanungin ng legendary question na, “Tell me something about yourself.”
Eksakto dahil ako ang panlima sa unahan, nakangiti akong tumayo. Pinapakiramdaman ko siya habang nagtama `yong mga tingin namin. Ganda ng mga mata niya, ha?
Humugot ako ng isang malalim na hininga. “I’m Maria Joaquin Ysabella Perez. Joy sa umaga, ligaya sa gabi.”
Nginisihan ko siya `tapos kinindatan para mas lalong um-effective `yong ginawa kong para sa `kin, wittiness. Dinadaan ko kasi sa mga gano’ng biro `yong introduction sa mga prof para naman maging remarkable ako sa buong semester na makakasama nila ako. Nakukuha ko sila. Kahit `yong mga seryosong prof sa `kin, napapatawa ko. Plus points ako sa kanila.
Siyempre, tinawanan at sinipulan ako ng mga kaklase ko. Kiber lang, at least, napasaya ko sila.
Pero nawala `yong malakas na tawanan nila kasi pansin na pansin namin na mukhang hindi natuwa si Sir. Mukhang pikon pa nga `yong hitsura.
Hala. Mukha yatang hindi tumalab sa isang `to `yong gano’ng introduction ko, ah?
Kinalas niya `yong mga braso niya mula sa pagkaka-cross arms at nagtuktok sa lamesa.
“Is that how you introduce yourself formally, Miss Perez? Tell me.”
Patay… hindi niya nga nagustuhan?! Gusto ba niya ng formal? Grabe naman `tong prof na `to. Wala ba `tong happiness man lang sa buhay?!
Kumakabog na `yung dibdib ko sa kaba kaya kumalma na muna `ko. Hindi niya talaga inaalis `yong tingin niya sa `kin.
“I was used to introduced myself like that, sir---”
“Therefore then, you wanna be a laughing stock in my class. Is that what you’re trying to explain to me, Miss Perez?”
Natameme ako ro’n, ah? Ang sungit naman ni sir!
“I didn’t mean to be a laughing stock, sir. What I only wanted, sir, is to lighten up the atmosphere---”
“This is not a comedy show, Miss Perez. May you introduce yourself again to this class and this time, properly and formally?”
Napakuyom kaagad ako ng kamao. Wow! Hindi ko kinakaya ang isang `to. Maalamat si sir, ah.
Tipid lang `yong pagkakatango ko sa kaniya. Tumitigas na `yong dibdib ko sa inis!
Isang malalim na hininga `yong hinugot ko. Baka kasi kapag hindi ko `yun ginawa at naputol kaagad `yong pisi ko, makalimutan ko na ‘sir’ ko nga pala siya. Wala `kong planong ma-expel at sayangin ang oras ko sa isang `to.
“Mary Joaquin Ysabelle Perez, sir. Nineteen years of age. Currently a second-year student taking up Bachelor of Arts in English.”
Pinormalan ko na `yong boses ko. Kahiya naman kay sir.
Pinagkrus niya ulit `yong mga braso niya.
“Sit down.”
Iyon lang. Iniwas na niya `yong mga mata niya sa `kin tapos tumingin na sa sumunod na row! Ni hindi man lang ako tinignan no’ng nagsasalita ako?! Ni wala man lang din siyang sinabi na ‘thank you’?!
Ayun, napaupo na ako sa silya ko na tulala. Hindi ako maka-move-on sa ginawa niya. Ibang klase. Iba… Ayos!
Sinimulan na niya `yong klase. Ang masasabi ko lang? Napakaboring niyang magturo! Kagaya niya. Sobrang boring. Hindi sa pagiging bitter at sarcastic, boring lang talaga siya kasi nga, napakaseryoso niya. Ni wala man lang na icebreaker para malibang kami. Nakakaantok pa.
Ngayon, nasa kalagitnaan na kami ng lecture. Hawak niya `yong libro tungkol sa Philippine Government tapos nililibot niya pa `yong mga mata niya sa `min. Malalaman niya kaya na lutang `yong mga isip ng mga tao rito kasi kung hindi siya pinagpapantasyahan ng mga babaeng nagkaka-crush sa kaniya, `yong iba naman, nagtetext lang o `di kaya, gumagawa ng ibang subject?
Favorite ko `tong Consti kasi kung papalarin, balak kong maging abogado… kaso, dahil sa magandang ‘impression’ na binigay sa `kin ni ‘sir’, nawalan na `ko ng interes sa subject na `to!
“For your assignment, research the branches and functions of the Philippine Government and those people involve in each branch. Bring one-half index card and attach it with your one-by-one photo. We will be having our graded recitation. Class dismissed.”
“Nakakainis `yon!”
Masisinghalan ko na `tong si Donita, eh. Pa’no ba naman kasi! Tama ba namang tawanan ako at `yong mga pinagdaanan ko ro’n sa prof namin sa Consti? Na kung umasta, akala mo naman, magtatagal namin siyang prof sa sobrang seryoso niya at ang sungit pa! Eh, kung tutuusin, temporary lang naman siyang magtuturo?!
Nakakagigil.
Nasa canteen kami, do’n sa kung saan kami madalas natambay ni Donita para kumain. As usual, wala si Yllena. Busy `yong bruha sa pag-cover ng news sa Journalism Guild dito sa University.
Pinapanood ko siyang humupa sa kakatawa niya habang ako rito sa kabilang upuan, nakasimangot. Inirapan ko pa. “Ano, tapos ka na?”
“Sungit mo,” sabi ni Donita pero, nagpipigil ng tawa.
Tinawanan na naman ako no’ng inirapan ko! Kahit pag-irap ko ngayon, nakakatawa na rin. Malapit ko na talagang sabihin na dapat, magtrabaho na lang ako sa comedy bars.
Panindigan ko nga `yong sinabi ni ‘sir’. Pumasok na nga `ko sa comedy show.
“Pinahiya niya kasi ako sa buong klase. Alam mo ba nang dahil sa sinabi niya, sinabihan ako no’ng mga naiinggit sa `kin na buti nga raw sa `kin dahil pasikat daw ako?! Konti na lang talaga, makakapagbuhol na `ko ng buhok, eh!”
Ayos din tumawa `tong si Donita, eh. Ang hinhin pa rin kahit na gusto niyang tumawa nang malakas.
“Mali naman kasi `yong introduction mo,” dahilan niya.
“Ang dami kayang natawang profs sa `kin dahil sa introduction ko na `yon. `Ka mo, hindi niya lang alam `yong pinagkaiba ng joke sa hindi. Wala naman yata `yong sense of humor, eh. Halata naman.”
“Grabe, parang ngayon mo pa lang naman nakita `yong tao. Sabi mo, `di ba, ngayon pa lang `yong first day n’yo sa Consti? J-in-udge mo na ka’gad siya.”
“Mukha naman kasing ka-judge judge siya. Anyway, ngayon ko lang naalala… Vergara pala’ng apelyedo no’n? `Tapos… pinsan siya ni Justice?!”
Naging hilaw bigla `yong tawa niya. “Oo… mag-pinsan nga sila.”
Pinaningkitan ko nga ng mga mata. Umiiba `yong timpla ng babaeng `to kapag si Justice ang topic.
“Oh, ba’t umiba na `yong reaksyon mo diyan no’ng binanggit ko `yun?”
“H’wag na lang natin pag-usapan.” Biglang humina `yong boses, ah?
No’ng tinitigan ko pa, tinikom lang niya lalo `yong bibig niya. Tingnan mo `to.
Umuwi na `ko sa apartment. Nagluto muna ako ng hapunan bago ko sinimulan `yong assignment ko sa Consti. Sa susunod na araw pa naman `yong sunod naming pasok do’n pero gusto ko nang paghandaan kasi hindi talaga ako matahimik sa ginawa ni ‘sir’ na pamamahiya sa `kin. Oo, pamamahiya ang tawag ko ro’n sa ginawa niya.
Gusto kong ipakita kay ‘sir’ na ako si Joy at `yong mga gano’ng ‘patama’ niya sa `kin, hinding-hindi ko palalagpasin.
Dumating na ulit `yong araw na klase ulit namin sa subject niya. Talagang nag-aral ako. Lahat ng research, ginawa ko na. Naka-dalawang stick din ako ng black coffee para gising na gising ako.
Gusto ko siyang pakitaan na hindi dapat siya namamahiya ng estudyante nang basta gano’n-gano’n na lang. Aba, may pride ako, `no! Sira na nga `yong reputasyon naming mag-anak dahil sa magaling kong nanay, sisirain niya pa ni ‘sir’ `yong pagiging outstanding ko sa klase? Kung gano’n nga, sumusobra na siya.
Sinara ko na `yong notebook kaagad no’ng naririnig ko na `yong pamilyar na yabag ng sapatos niya… at `yong amoy no’ng pabango niyang mukhang mamahalin.
Nag-angat na `ko ng tingin. Nakamata siya sa buong klase.
Pinasa na namin sa unahan `yong index card no’ng nag-instruct siya sa amin. Nagsimula na siyang magtawag sa mga kaklase ko para magtanong tungkol sa pina-assignment niya sa `min. Mukhang nag-aral sila… lalo na `yong mga babae kasi kahit iyong mga reference kung saan nila kinuha `yong mga pinagsasagot nila, alam na alam. Kahit nga page number, eh. Pa-impress kay ‘sir’, akala naman ng mga `to, papansinin sila.
“Miss Perez.”
Nakaangat ang mukha ko at proud ako sa sarili kong tinignan si ‘sir’. Kailangan ko kasing ipakita sa kaniya na hindi ako tinablan no’ng ginawa niya sa `king ‘pamamahiya’.
“Can you please recite the function of the Executive branch as well as the requirements needed to become a President?”
Hindi siya nakatingin sa `kin. Do’n sa index card ko. ‘Sir,’ titig na titig tayo sa picture ko, ah? Ganda ko ba d’yan? Aminin mo…
Tumikhim ako kahit na gusto kong ngumisi.
“The executive branch carries out the laws. It’s composed of the President and Vice President who are elected by direct vote of the nation and are to serve on six years. The President should be a natural-born citizen of the Philippines, a registered voter, can read and write, and with at least forty years of age and resided in the Philippines for at least ten years before the holding of the election.”
At siyempre, si Joy ako, may kalokohan akong naisip. Akala niya, ha? Hindi basta-basta ang moving-on stage ko, `no!
“You, sir… you may actually run for the candidacy. You’re… suitable enough as per requirements.”
Parang kumislap `yong mga mata niya sa sinabi ko. “Really? How do you say so?”
“Because… with your looks, I may say that everyone’s gonna vote you with no holds barred.”
Ang bilis namang mawala no’ng maliit na ngiti niya.
“I know most of the population here in our country ruled by men, but I guess, most of women would gonna outwit other men who would run for the candidacy. They’re gonna be interested to you… especially those women who would fanaticize you. They would do everything for you to win.”
Tumawa `yong mga kaklase kong lalake. Mukhang na-gets nila `yong inside joke ko. Bahala na `yong mga babae sa classroom na `to kasi alam ko naman na tinamaan sila sa sinabi ko.
Hindi ko nga lang nagustuhan `yong kakaibang pananahimik ng mga kaklase ko. `Yung mga lalakeng nagtatawanan, nawala kaagad `yong mga tawa. `Tapos, iyong iba, napangiwi na lang.
Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko. Gusto niya bang magpasurvey?
“Please, sit down.”
Kinilabutan kaagad ako sa lamig at tigas no’ng boses niya! Mabilis pa sa alas-cuatro, umupo na ka’gad ako! Mukhang gigil na si kuya mong boy!
“Miss Perez, I got amazed with how you answered me to my questions. It seems that you really studied my assigned work. However, you’re enjoying to make indirect mockeries at me.”
Minsan lang ako kabahan… at kapag ganitong parang tumakbo ako ng kilo-kilometro, alam ko nang hindi tama `yong nararamdaman ko. Hindi ko gusto kung paano niya ako tingnan. Ang seryoso `tapos nakakatakot pa! Umaabot na sa bumbunan `yong kaba ko!
“Stop being overly confident. I’m not impressed, Miss Perez. Your confidence has no room in this place. Think about your actions and words before you do. Please do me a favor.”