Chapter 2

4815 Words
Chapter 2… Impress Nakakagigil!             Sobrang nakakawala ng gana ng kain si ‘sir’! Promoter siya ng indigestion ko sa pagkain! Kumukulo na nga `yung dugo ko sa inis habang pinapaikot ko ng tinidor `yong spaghetti na in-order ko. Ito naman si Donita, naglabas na nga `ko ng sama ng loob, tawa naman nang tawa! Galit na galit na `ko, ang bruha, halos maluha nang kakatawa kasi raw para akong bata na pumatol do’n?! Bakit, tama naman `yong ginawa ko, ah?!             Pero kahit ano nama’ng explanation ko, ang kaibigan kong ‘supportive’, tawa lang nang tawa. Kahit na nakasimangot na `ko no’n, ha? Konti na lang talaga, mag-a-apply na talaga ako sa mga comedy bar.             “Ba’t ba kasi gano’n mo sagutin si Sir Vergara?” tanong ni Donita pagkatapos sumubo ng spaghetti.             Umirap ako. “Para makaganti! Ha! Akala niya, ha? Pagkatapos niya `kong ipahiya no’ng isang araw!” “Ikaw rin naman kasi’ng may kasalanan  no’n. Tama ba naman na batuhin mo siya ng mga sagot na parang hinahamon mo siya? `Di siyempre , maiinis `yong tao.” “Pikon lang `ka mo kasi siya.” “Mukha namang hindi.” “Kaibigan ba kita?” Tinawanan na naman ako! Kahit na naniningkit na `yong mga mata ko, hala, tumatawa na naman si Donita. Nasa’n na ba kasi si Yllena? Mas matino pa `yung kausap kaysa rito, eh! Ah, hindi rin pala matinong kausap `yong isang `yon. “Oo naman, kaibigan mo `ko,” sagot niya pero ngingiti-ngiti. “Eh, mas kinakampihan mo pa `yung matandang `yon.” “Joy, bibig mo!” pinanlakihan niya `ko ng mga mata. Akala naman ni Donita, matatablan ako. Bakit ba? Siya naman `yong nanliit ang mga mata. “Aminin mo nga… crush mo ba si Sir Raven?” Ako talaga, ha? Seryoso ba `tong si Donita? Nabitin tuloy sa ere `tong bibig ko no’ng ipapasok ko na ang straw ng dapat sana’y pag-inom ko ng Mountain Dew. Ako na `yong tumatawa ngayon nang malakas. Halos maiyak na nga `ko, eh. Tumigil lang ako kasi tahimik lang akong pinapanood ni Donita. “Are you serious? Baka siya’ng may gusto sa `kin.” “Lakas ng hangin natin dito, ah?” nag-iling-iling siya. “Wait…” parang may sumulpot na idea sa isip ko. Natawa tuloy ako. “Baka nga! Kasi gano’n niya `ko pakitunguhan, eh. So apparently, crush niya `ko.” “Ay, naku, tumigil ka na nga lang diyan sa iniisip mo, Joy. Bilisan mo na lang kumain diyan.” Bakit? Possible naman `yon, `di ba? Hindi ko aalisin `yong posibilidad na magkatotoo iyon. Ha! Malay ko lang… Pero siyempre dahil ayokong ma-stress buong buhay ko dahil alam kong si ‘sir’ `yong prof ko, nag-search na lang ako sa portal ng MSU kung may other slots pa ng program na iyon. Kaso, kapag minalas-malas ka nga naman dahil puno na ang slots para sa Phil Consti. Lalo lang akong nainis. Dumating `yong araw ng Sabado. Papunta na rito siyempre sina Glenda. At kagaya nang inaasahan ko na, aligaga na naman siya kasi padating na `yong lalake rito sa bahay. Gusto niya, maging perfect lahat sa paningin ng mga lalake niya. “Ano, nakapaglinis na kayo riyan?” “Nagsisimula na kami,” sagot ko, hindi nakangiti. “Good. Magbihis kayo nang maayos, ha? Ayokong maging magulo ang lahat kapag nandiyan na siya. Ayaw pa naman ni Stephen nang madumi at makalat.” Eh, ayaw naman pala niya. Ba’t pupunta pa siya rito? “Okay.” Kaswal na sagot ko. “`Tapos magsuot na rin kayo ng casual clothes diyan mamaya. Sabi ni Stephen, igagala niya raw tayo sa BGC para kumain na rin.” Kinikilabutan talaga `ko kapag ganitong bumubungisngis `tong si Glenda. Akala mo, kung sino’ng teenager na hindi tinubuan ng hiya, eh. At sa edad niyang `yon, nagagawa niya pang kiligin nang gano’n? Para talaga siyang nagmumurang kamatis. “Kailangan pa ba naming sumama diyan?” Narinig ko `yung pagbuntong-hininga niya. “Joy, ginagawa ko `to para sa `tin. Sakyan mo na lang. Wala namang mawawala sa `yo, kung sasakyan mo `to, `di ba?” Maraming beses na `kong sumasakay sa lahat ng plano mo. At maraming beses na rin akong sawang-sawa na. “Bahala ka,” sabi ko. Tumawa na siya. “Ang bait talaga ng anak ko. Later na lang, ha? `Yong mga bilin ko, h’wag n’yong kakalimutan.” Napabuntong-hininga na `ko nang marahas pagkatapos no’ng tawag. Nakakainis! Kumalma lang ako no’ng nahuli kong nakatingin na sa `kin si Cara. Tumigil siya sa ginagawa niyang ‘business’. “Si mama?” Ang kaswal lang no’ng pagkakatanong niya. Ginagawa niya pala iyong BATIKAN no’ng kaklase niya. At hindi lang mukhang isa. Tambak sa gilid niya iyong ibang BATIKAN no’ng mga kaklase niya. Ang dami rin no’n… sobrang sipag naman nito. Tumango ako. “Maglinis na tayo. Padating na `yong lalake niya.” Sinarado na niya `yong BATIKAN `tapos umalis na siya sa kama. “Sige.” Nag-almusal lang kami saglit `tapos naglinis na ng bahay. Inabot din kami ng halos tatlong oras para lang maglinis. Sa mga sinabi ni Glenda, mukang na-se-sense ko nang maarte `yong lalake na hinugot niya this time. Kailangan naming maging maayos kasi kakaiba rin `yong tabas ng dila ni Glenda kapag hindi namin sinunod `yung layaw niya. Nagtoka kami ng mga gagawin sa bahay. Pinalitan ko ng bagong bedsheets `yong kama pati na rin ng mga punda `yong mga unan. Hindi naman bago sa `min `tong ginagawa namin kapag may bagong ‘lalake’ si Glenda. Hindi lang talaga `ko masanay-sanay. Ang totoo, hindi ko gusto `yong istorya ng pamilya ko. Kahit saang banda, ayoko talaga. Lima kaming magkakapatid sa iba’t-ibang tatay. May dalawang nauna sa `kin at may kaniya-kaniya na silang pamilya. Hindi ko ka-close `yong dalawang `yon kasi hindi naman naging maganda `yong trato nila sa `kin lalo na `yung panganay kong ate… Para sa `kin, kampon yata `yun ni Satanas! Sila `yung primary na anak sa unang asawa ni Glenda. Ako naman sa pangalawang asawa niya, tapos sina CJ at Cara naman sa pangatlo.             Madalas kaming tinatanong kung bakit ganito `yung naging set-up ng pamilya namin… lalo na `yung mga tsimosa na nagkalat sa Maestranza na akala mo, ang peperpekto ng buhay. Ewan ko ba rito kay Glenda kung nakita na niya ba `yung mangyayari dahil sa mga pinaggagawa niya.             `Yong ina kong `yun? Hindi `yon marunong makuntento sa pamilya na meron siya. Mabilis `yong magsawa sa lalake, lalo na kapag hindi niya napapakinabangan sa lahat ng bagay pati na rin sa pera.             May kuwento siya tungkol sa kung bakit naging ganito `yong buhay namin, eh. Naalala ko, sabi niya, masaya naman daw siya sa naging relasyon niya sa una niyang asawa. Kaso, simula no’ng nangibang-bansa `yong lalake, hindi na `yun nagparamdam sa kaniya. Natigil `yong sustento na pinapadala sa kaniya kasi malalaki na rin `yong mga anak niya sa unang asawa. Ang balita niya, may nakarelasyon sa ibang asawa `yong lalake at nakabuntis pa kaya hiniwalayan na niya.             No’ng nagkaroon na siya ng problema sa pera, nag-decide siyang maghanap ng ibang lalake. Do’n niya nakilala `yong tatay ko. Sabi niya, `yong tatay ko, nagtratrabaho raw sa Regional Trial Court as Administrative Clerk. Sa La Union daw `yon nakatira. No’ng pinanganak niya `ko, akala naman niya, okay na sila no’ng tatay ko. Kaso, nalaman niyang may asawa na pala `yun, kaya nakipaghiwalay siya ro’n. May pride pa naman daw siyang natitira at ayaw niya raw na maging kabit. Hindi ko na masyadong inalam pa `yong ibang kuwento kasi hindi rin naman ako interesado. Isa pa, hindi rin naman ako nagawang kontakin no’n. Ni wala nga raw ring sustento na pinadala sa `kin. Kaya ang laki ng galit do’n ni Glenda. No wonder, gano’n din siya ka-buwisit sa `kin.             Iyong huli, sa tatay naman nila Cara at CJ, maaga namang namatay dahil `yong papa nila, nagka-heart attack.             Hindi ko lang talaga malaman kung `tong si Glenda, malas lang talaga sa lalake o ano.             Pero hanga rin naman ako sa determinasyon ni Glenda! Life must go on, para sa kaniya. Business naman para sa kaniya ang pag-ibig, eh. Kung saan daw siya makakakita ng pera, do’n daw dapat kumapit. Para sa kaniya, kalokohan lang daw `yong emosyon. Inamin naman niya, hindi niya ‘minahal’ `yong mga lalake niya. Pera lang daw talaga `yong habol niya. Bata pa raw kasi, gusto niya raw ng maginhawa at marangyang buhay.             This time, foreigner naman `yong target niya. Panay siya nag-ya-Yahoo Messenger. Do’n nga rin yata niya nakilala `tong Stephen, eh. Malaki ring factor `yong work niya kasi Real Estate Agent siya sa Montenegro Real Estate dahil kadalasan na mga clients nila roon, mga foreigner. Sa edad niya na fifty-two, hindi pa rin siya marunong makuntento hangga’t hindi niya nakukuha `yong gusto niya. Balak niyang maging mayaman at siyempre , magagawa niya lang `yon sa tulong ng mga lalake niya.             “Hello, mga anak!”             Pagpasok ni Glenda sa loob, niyakap niya kaagad sina CJ at Cara nang malambing. Hindi ko na nga lang tinignan. Baka maging kontrabida pa `ko. May masabi pa `ko.             Nakangiti `yong dalawa, pero halata naman sa mga mata nila na napilitan lang sila. Iyan ang madalas na turo sa `min ni Glenda. Kailangan daw, pakitaan namin ng kagandahang asal `yong mga lalake niya dahil importante raw sa kanila `yong salitang ‘impression.’ Dapat daw i-master namin ang “art of pretention.”             Kaya lang din naman namin `to ginagawa, dahil umaasa kasi kami sa ibibigay niyang pera sa `min.             Nakita kong inaya na niyang pumasok sa loob `yong lalake. “Stephen, come here!” Pumasok `yong lalakeng medyo panot na `yong ulo, maputi lahat, isama na `yong balat, bigote, pati na rin kilay niya. Mataba `yong lalake, mukhang sixty na yata at nakasuot ng colorful stripe na damit na parang cowboy sa mga palabas? Basta, gano’n. Ano na naman kayang nationality `yong nahugot ng nanay ko sa pagkakataong `to? Balak din yata nitong pumasok sa DFA, eh. “This is CJ.” Tinuro niya si CJ na seryosong nakatayo sa tabi ni Cara. “This is Cara, my youngest.” Tinuro naman niya si Cara. “And my third child, Joy.” Tipid lang akong ngumiti kay Stephen pagkatapos akong ipakilala ni Glenda. Kumaway naman si Stephen na parang nakikipaglapit-loob siya sa `min. “Hello. I’m Stephen. Good to see you, beautiful children. At last, we’ve finally met!” Pilit na lang `yong ngiti namin do’n sa halakhak niya. Kailan naman kasi, hindi namin nagustuhan `yong mga naging lalake ni Glenda. Nakikisama na lang kami. Isa pa, hindi rin naman bago `yung mga ganiyang linyahan ng mga lalake ni Glenda. Siya lang naman yata `yong kinikilig sa ganiyan. Sinulyapan niya si Glenda. “Glenda would always tell stories `bout all of you to me and I’m very interested to know each one of you. Hope you won’t be shy at me, okay?” Alam mo `yung tumatango ka na lang `tapos pilit na pilit `yong ngiti mo? Gano’n na lang `yong ginagawa namin dahil nakikisama lang kami. “Have a seat, Stephen.” Binalingan niya si CJ. “CJ, ikuha mo ng upuan ang Uncle Stephen mo.” Sinunod naman ni CJ `yong inutos ni Glenda. Pagkabalik niya pagkatapos niyang kumuha ng upuan at ibigay kay Stephen, tinapik no’n `yung balikat ng kapatid ko. At dahil bisita `to ni Glenda, kahit nakangiti, aligagang-aligaga mag-utos sa `min sa mga pangangailangan ng lalake niya! Abot-abot `yong stress namin sa mga hinihingi niya! Pinanood ko `yung si Stephen kung paano siya aakto sa amin. Habang nagtatanghalian, napansin ko na agad na observant siya kapag hindi organize `yung pagkaka-set-up ng plato pati kubyertos niya sa lamesa. Binigyan niya pa kami ng lecture! `Tapos, nag-sanitize siya ng kamay niya, lamesa, inuupuan niya, lahat! Kulang na nga lang pati `yong kuko niya sa daliri, i-sanitize niya! Nagsimula na rin kaming kumain. Akala ko nga, magtatagal pa si Stephen ng isang oras kakagawa ng orasyon niya bago kumain. Ang galing niyang mag-quality-check. Kaya lang, sa kalagitnaan no’ng tanghalian namin, may binulong si Stephen kay Glenda. Ang bilis mawala no’ng ngiti sa labi ni Glenda. Para pa ngang namutla, eh. `Tapos, nakangiwi na siya pero nilalabanan lang niya ng ngiti kahit halata namang may bumabagabag sa isip niya. Ano nama’ng pinag-usapan ng dalawang `to?! Ang bilis lumapit ni Glenda kay CJ `tapos bumulong. Kitang-kita ko agad na nag-aburido `yung mukha ni CJ. Hanggang sa tumayo na si CJ sa kinauupuan niya at sinunod `yong utos ni Glenda. “I guess, we need to find a conducive place to eat out,” sabi ni Stephen. Hindi na `ko makapagsalita kasi tumutulo na `yong pawis niya hanggang leeg. Pati collar no’ng damit niya, bahagya na rin `yong basa. Do’n ko lang na-realize… `Yung electric fan! Hindi nga pala umiikot `yun! Sorry pero nakakatawa talaga! Pigil na pigil `yong tawa ko kasi sobrang arte niya, grabe. Aba! Hindi naman namin kasalanan kung mahina `yong adjustment at tolerance niya sa init. Dapat, na-anticipate na niya na nasa Pilipinas siya at karaniwan nang mainit dito, ano! Dumating na si CJ bitbit ang electric fan na sa tingin ko, galing sa kalapit-apartment namin at do’n siya humiram. Inayos niya `yong electric fan at s-in-et-up nang maayos. Do’n talaga tinutok ni CJ `yong electric fan kay Stephen! Malamang naman, utos ni Glenda. Ang kaso, ang kawawa kong kapatid na babae, tahimik lang do’n sa gilid `tapos panay pa `yong punas niya sa leeg niya dahil init na init na! Ito namang si Glenda, asikasong-asikaso sa lalake niya, ni hindi man lang napansin `yong mga anak niya na init na init na! Hindi na ako nakatiis, nagsalita na `ko kay Glenda, “`Ma, naiinitan si Cara!” Natigil din sa wakas sa pag-aasikaso si Glenda samantalang mukhang natulala `yong si Stephen. Mukha na siyang nalito kasi ang tahimik bigla ni Glenda. Hanggang sa tumikhim si Glenda at hinarap ako. Medyo pinandidilatan na nga `ko ng mga mata, eh. Tiniklop ko nga `yong mga braso ko para maramdaman niyang hindi ako matatablan. Bakit naman ako tatablan? Ano, siya lang `yong babahaginan niya ng hangin samantalang ang tagal din naming nagtitiis na walang electric fan dahil sa dami ng utang namin?! Tyinatyaga na nga lang namin `yong nag-iisang electric fan dito sa bahay na `to! Sobrang asikaso mo talaga sa mga lalake mo, ano? “Come again? What did she tell, dear?” nakalukot na `yong noo ni Stephen, halatang hindi maintindihan `yong sinabi ko. “She told me we’re so sweet.” Parang gusto kong tumawa nang malakas sa sinabi ni Glenda, kaso pinandilatan ba naman ako? Siya pa’ng may gana, ha? Binalikan niya ng tingin `yong nagtatatakang si Stephen. “She’s amazed with our lovestory.” Kung `yan lang namang ding lovestory n’yo `yung kakikiligan ko, mas pipiliin ko pang kausapin na lang `yong sarili ko at tumandang mag-isa. Tahimik pa `yong buhay ko sa stress at kahihiyan. Nagligpit na kami ng mga pinagkainan. Habang naghuhugas kasi ako `yong nakatoka, inutusan na niya `yong mga bata na maligo at maghanda dahil aalis kami. Mahaba-habang oras ng plastikan. Napansin ko na agad si Glenda na nakatayo sa gilid ko no’ng nagsasabon ako ng isang pinggan. Hindi naman na ako nagulat, kasi alam kong hindi siya matahimik sa, para sa kaniya, asal ko kanina. “Hindi ka talaga marunong sumabay sa agos, ano?” tanong ni Glenda nang pabulong. Marunong naman ako. Depende nga lang kung sino `yung agos na tinutukoy mo. “Naiinitan si Cara. Tumatagaktak `yong pawis niya. Nakita ko `yung inggit sa mga mata niya no’ng nakita niyang may electric fan si Stephen. Alangan namang manahimik ako.” “`Yang kamalditahan mo… umayos-ayos ka.” May gigil do’n sa mahinang boses ni Glenda na parang tinablan naman ako. Hindi rin naman. Binalingan ko nga. “Hindi `yun kamalditahan, `ma. Ginagawa ko lang po kung ano `yung dapat na gawin ng isang… ina.” Diinan ko talaga `yung huli para may feelings. Hindi ko na pinansin `yong reaksyon niya kasi lumiyab kaagad `yung mga mata niya… wala namang mali sa sinabi ko. Depende na lang `yon sa kung pa’no niya babasahin. Nagbalik ulit ako sa pagsasabon ng mga plato. No’ng tapos na `ko sa paghuhugas, naghanda na rin ako sa pagpunta sa BGC. Gusto ko sanang pumorma kaso sina Glenda at `yung lalake niya `yong mga kasama namin… nakakatamad. Medyo malamig ngayon dahil February kaya nag-turtleneck ako na nude `yong color na i-ti-nuck ko ro’n sa denim kong palda. Hindi ko na nilagyan ng arte `yong buhok kong mahaba. Sabi nila, makintab daw `yong buhok ko. Sobrang natural. Asset ko nga raw `yong buhok ko, eh. And then, `yong make-up ko, light lang. Hindi na talaga ako nag-effort kasi ayokong masapawan si Stephen at Glenda. Araw nila `to, kaya sige, pagbigyan. Inayusan ko na rin si Cara `tapos nakagayak na rin si CJ. Pinagalitan nga lang si CJ kasi hindi nagustuhan ni Glenda `yong porma niya. No’ng makita kami ni Stephen, aba, umaliwalas `yong mukha! Hindi ko alam kung ano’ng inisip niya no’ng mga oras na `yon pero ang weirdo niya lang para ngumiti siya nang gano’n. Kung puwede nga lang sitahin, eh. Ang plastic lang no’ng pagngiti niya talaga, para sa `kin. Hindi ako natutuwa. Ito namang si Glenda, nag-retouch ng make-up niya. `Susko! Alam kong nanay ko siya pero mukha talaga siyang nagmumurang kamatis do’n sa make-up niya! Iyong tone ng foundation, sobrang puti, compared naman do’n sa face tone niya. `Tapos, `yung shade ng lipstick niya? Kaloka! Sobrang kapal ng shade! Pulang-pula `yong labi niya! Gusto ko talagang bumulanghit ng tawa kaso, sabi ko nga, nanay ko `tong si Glenda at araw niya `to. Ngayon pa lang, parang gusto ko nang hindi sumama. Ito namang dalawang bata, lalo na si CJ? Gusto na ring tumawa kaso no’ng sinamaan siya ng tingin ni Cara, ayun, nagpigil na lang. Umalis na rin kami ng bahay. Siyempre, asahan nang pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay dahil may foreigner kaming kasama. Humahaba `yong leeg ng mga kapitbahay namin, maasilayan lang si Stephen. Ano pa ba’ng bago? Eh, tuwing may uwing foreigner `tong si Glenda sa lugar namin, tampulan na kami ng usapan ng mga tao! Ginamit ni Glenda `yong pagka-social butterfly niya. Pinakilala niya si Stephen sa mga kapitbahay. Sobrang proud pa niyang magkuwento kaya napapahinto kami sa paglalakad kapag may nagtatanong. Kinukuwento niya `yong pinaka-umpisa ng love story nila. Pustahan, mga isang oras muna kaming nakatayo rito. Naiirita pa `ko kung pa’no sila kiligin kapag kinukuwento nila `yun. Parang mga kiti-kiti. Nag-cab kami papuntang BGC. Nagkukuwento si Stephen sa dalawang bata na alam kong hindi rin interesado sa mga pinagdadaldal niya. Nagsimula na siyang magbanggit ng tungkol sa verses sa bible. Hindi ko lang pinakinggan masyado kasi nagtukod ako ng braso sa bintana habang nakatitig sa lumalagpas na mga tanawin sa labas. Si Glenda naman, todo pa-picture gamit no’ng camera niya. No’ng magbabandang-gabi na, pumunta kami sa isang mamahaling steak house. Nakaramdam kaagad ako ng awa no’ng makita ko `yung takam sa mga mata no’ng mga bata sa steak na nasa mga plato nila. Kumikislap `yong mga mata nila. Sana, maka-graduate na `ko para mai-provide ko sa kanila `yong mga gusto nila… Sana, malaki kaagad `yong sahod ko sa papasukan kong trabaho para kahit na ilang steak pa `yong o-order-in nila, makakaya kong bilhin. Kaunting tiis pa… Bumalik lang ako sa huwisyo no’ng tinawag ni Cara `yong pangalan ko. Nakatingin na pala sa `kin si Glenda at Stephen. “Dear is asking if you’re having any suitors or boyfriend,” nakangiting sabi ni Glenda sa `kin. Sandali… may naalala ako, ah? Napangisi tuloy ako at napataas ng kilay. `Yong totoo, marami akong manliligaw at boyfriend back when I was in highschool. Rebelde kasi ako no’ng mga panahon na `yon. Nakatira pa kasi ako no’n sa ate kong kapatid ng demonyo kaya nag-rebelde ako. Hindi rin bababa sa sampu `yong mga nakalandian ko. Pero, hindi kami tumatawid sa hangganan, ha? Sobrang puppy love lang no’n. May isa ro’n na siya `yong sineryoso ko. Mabait kasi. Kaso, itong si Glenda, no’ng nakita kami sa park kung saan kami nagde-date dati, sinabihan ba namang layuan ako? Talagang tindi rin ng iyak ko no’n. `Bilis din kasing matakot no’ng gago na `yun kay Glenda. E, di lalo akong nagalit sa kaniya. Kung `di lang talaga dahil sa mga bata, baka iniwan ko na siya at do’n ko na hinanap `yong buhay ko sa Manila. “I don’t have one,” sagot ko kay Stephen. Tinungga ko na `yung wine glass na may lamang softdrink. Mahinhin `yong tawa ni Glenda. “Joy is very diligent and hardworking student, I told you, Stephen, she’s a dean lister and an academic scholar. Same with my Cara and CJ. They will grow and graduate in flying colors.”             Ang proud pa niyang magkuwento. Sana nga, makapagtapos kami. Iyon ay kung tutulong siya. Mamaya, maniningil ako.             Pagkatapos no’ng kainan, itinaas ni Glenda `yong kamay niya para sa bill. Inabot niya `yong itim na lagayan ng bill kay Stephen. Medyo nagsalubong `yong kilay ko sa gulat na reaksyon ni Stephen. Parang napilitan, ah?             Ah, h’wag lang talagang ang kakalabasan, ako’ng magbayad sa kanila rito. Hindi ako `yong nag-aya.             Kaya kahit mukhang napipilitan `tong si Stephen dahil nakakunot-noo na `yong noo niya, dinukot na niya sa bulsa `yong mamahalin niyang wallet at kumyuha ng pera para sa bill.             “Dear, I’ll just go to the washroom.”             Tumango si Stephen pagkatapos magpaalam ni Glenda at binalik `yong atensyon niya sa dalawang bata.             Ayos. Pagkakataon ko na.             Kaya, tumayo na rin ako. Nagpaalam ako kay Stephen na pupunta ako ng washroom. Ayoko namang maging bastos sa kaniya. Siya naman kasi `yong nanlibre.             No’ng nakita ko si Glenda ro’n na kakalabas pa lang sa cubicle, sinundan ko siya sa washing area.             “Ipapaalala ko lang ang obligasyon mo sa `min, mama.” Naghalukipkip ako ng braso.             Sinulyapan niya `ko, hindi nakangiti. “Sinabi ko na sa `yo na mag-aabot ako, hindi ba? Kaya nga, sinabi ko rin sa `yo na magpakitang tao kay kay Stephen para bigyan niya tayo.”             Binalik niya ulit `yong tingin niya sa malaking salamin ng washroom `tapos naglagay ng foundation sa magkabilang pisngi. “Ikaw lang naman `tong `di nakikisakay sa `kin.” “I don’t care kung kailan mo siya gagantsuhin or whatever you want to him pero pinapaalala ko lang na malapit na akong magbayad ng renta sa apartment. Pati rin `yung mga projects nila Cara, pinoproblema ko pa.” Tinaasan ko nga ng kilay. Nginisihan lang ako ni Glenda. “Maghintay ka lang kasi… ibibigay ko sa `yo `yong pera sa susunod na lingo. Napag-usapan na namin `yan ni Stephen at nangako naman siyang tutulungan niya tayo.” Nakaka-frustrate talaga `tong si Glenda! Dati pa naman kasi, gano’n na `yong mga sinasagot niya sa `kin. Parati rin naman akong umaasa… sa wala. Kaya, napipika na `kong makinig sa mga pangako niyang wala namang pinatutunguhan.             Siya… siya `yong rason kaya pagod na rin akong makinig sa mga pangako ng mga tao. Because people were born to break promises. Parang ang dali lang sa mga taong mangako `tapos kapag aasa ka naman, iiwan ka naman nila sa ere. Hindi nila alam kung ano `yung sugat na iniiwan nila sa mga taong pinangakuan nila.             “Gawin mo na lang.” Umirap ako kay Glenda.             Pinauwi na kami ni Glenda sa Maestranza samantalang nagpaiwan naman `yong dalawa sa BGC. Sabi niya, magbu-book na lang daw sila ng hotel para sa kanila. Hindi na `ko nagtaka sa bagay na `yon kasi sobrang arte ni Stephen. Mukha pa lang niya kanina, basa mo na kaagad na ayaw niya sa apartment namin. Bakit?! Sino ba’ng may sabi sa kaniya na welcome din siya sa apartment namin?!             “Nakakainis!”             Sa buwisit ko, binato ko `yong hawak kong unan sa pader pagkagising ko ng umaga! Hindi ko na naman ma-contact `yong magaling kong ina! Out of reach! Nakapapangngitngit sa inis!             Naalimpungatan tuloy `yong dalawa sa ginawa ko. Napabangon si Cara, nagkukusot ng mga mata.             “Aga mo.” Sinungitan ako ng bata, saka humikab.             “`Eto kasing nanay n’yo, hindi na naman ma-kontak, tatlong araw na. Binanggit ko lang sa kaniya `yong obligasyon niya no’ng nando’n tayo sa steak house.” Sinulyapan ko `yung cellphone ko na naiinis kasi naiinis ako!             “Nanay mo rin `yun.” Malalim `yong pagkakahikab ni CJ, halata pa `yong antok sa mga mata niya.             Sinamaan ko nga ng tingin. “Tumahimik ka nga diyan, CJ, Bumangon na kayo. Papasok na tayo.”             Pero hindi ako matahimik. Alam ko na kasi `yong sudden MIA ng nanay ko… nagsisimula na naman akong kutuban. Parati na lang kasing ganito `yung eksena naming mag-iina.             Dahil do’n, panay ko siyang kinokontak, hindi ko na namalayan, late na `ko! Punyeta lang! `Tapos, do’n pa sa subject na ayaw ko `yung prof!             “You’re late, Miss Perez.”             Alam ko naman, sir, hindi mo na kailangang i-announce. May matutuwa kasing mga demonyita sa paligid.             Tinanguan ko lang siya nang tipid bago umupo sa upuan. Punyeta, do’n pa sa unahan ako na naman pupuwesto!             “Class, I’m sorry to say this, but I have to catch your attentions. I know all of you that you’re not a kid anymore but learn how to manage your time so you won’t be late. You’ll be future professionals and punctuality is an important asset for you to be able to accept on your dream jobs. Manage your time wisely.”             Gusto kong umirap sa buwisit kasi pinapatamaan talaga `ko ni ‘sir.’ Grabe! Parang first time ko lang ma-late, ah?! Isa pa, h’wag niya nga `kong buwisitin! Buwisit na nga `ko sa nanay ko, buwisit pa `ko sa kaniya. Mga buwisit!             Nagsimula na siyang mag-discuss. Nando’n na siya sa Constitutional Commissions nang magsimula na siyang magtawag gamit no’ng index card.             “Miss Perez.”             Tumayo ako nang hindi nakatingin sa kaniya at sa board lang.             “Recite the functions of the three Constitutional Commissions.”             “The first Constitutional Commissions is the Civil Service Commission wherein it acts as the central personnel agency of the Government. The second one is the Commission on Election or the Comelec, where one of its functions is to enforce and administer all laws and regulations relative to the conduct of an election, plebiscite, initiative, referendum, and recall. The last is the Commission on Audit, wherein it has the power and authority, and duty to examine, audit, and settle all accounts pertaining to the revenue and receipts of, and expenditures or uses of funds and property, owned or held in trust by, or pertaining to the Government.”             Sa buong ilang minuto na nagsasalita ako, napapansin ko sa gilid no’ng mga mata ko na napaawang nang kaunti `yong labi ni ‘sir’ habang tahimik na nakikinig sa `kin.             Sinilip ko siya kasi gusto kong makita na na-impress siya sa `kin. Kahit sa reaksyon man lang ba niya, gumanda `yong mood ko.             Maya-maya, tumikhim si sir! `Tapos, iniwas pa niya `yong tingin sa `kin at mabilis na nag-shuffle ng index card.             “Enough for that. Please be seated,” sabi niya.             Napaupo akong kagat na kagat `yong labi ko para pigilan lang na lumawak `yong ngiti sa labi ko! Aha! Kita mo `yun?! Na-impress ko siya! Na-impress ko si sir!              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD