Chapter 3…
Focus
“One point for me!”
Ang lakas ng halakhak ko habang kinukuwento rito kay Donita `yong victory ko laban sa magaling kong substitute professor!
Iyong ‘supportive’ ko namang kaibigan, aba, hindi man lang ngumingiti! Hinayaan ko na lang kasi alam ko naman na ganiyan talaga siya ‘ka-supportive’ sa `kin.
“Alam mong walang nakatutuwa diyan sa mga sinasabi mo, tama?” pinanliitan pa niya `ko ng mga mata.
“Ano’ng wala? Meron kaya! `Ba, siya yata ang source of motivation ko ngayon. Kita mo naman, na-amaze si ‘sir’ sa `kin. `Ba! Gumanda ang mood ko, kasi alam kong alam niyang hindi ako basta-basta!”
Ang saya ko lang habang pinagmamalaki sa kaibigan ko na nagawa ko ring humanga sa `kin si ‘sir.’ Dapat lang, ma-realize ni sir Vergara na hindi ako basta-basta!
Humigop muna si Donita ng mainit na sopas bago magsalita, “Trip mo talagang asarin si sir Vergara, ha?”
“Eh, siya naman kasi `yong nagsimula. Tama ba naman na pahiyain niya `ko sa unang araw pa lang ng klase niya? Ayan, pakitaan ko siya kung gaano ako katalino. Tameme tuloy siya ngayon.”
“Talagang sobrang proud ka pa?” napailing siya. “Pa’no kung maisipan ni sir Vergara na i-expel ka dahil diyan sa ginagawa mo? Pa’no na lang `yong standing mo na scholar ka?”
Sinandal ko `yung likod ko sa monoblock. Napangisi ako, mapaglarong tinignan si Donita.
“Hindi naman niya siguro gagawin iyon.”
“Pa’no mo naman nasabi?” tinaasan niya `ko ng kilay.
“Wala lang. Naisip ko lang.”
Inirapan na niya `ko. “`Loka ka talaga, Joy.”
Kahit na sinusungitan ako ni Donita sa mga kapilyahan ko, hindi ko naman maikakaila na siya `yong sa mga kaibigan ko na for keeps. Naging magkaklase kami ni Donita no’ng highschool. Dahil siya lagi `yong nabu-bully dahil sa mahiyain at pagiging tahimik niya, do’n ko siya nakilala. Gusto niya kadalasang mag-isa, na sa totoo lang, gusto ko rin naman dahil ayoko na may nabubuo akong relasyon sa ibang tao.
Nag-click naman kami, I must say. Nagsimula kaming maging close no’ng nagkaro’n kami ng baby thesis sa Filipino. Sabi sa amin no’ng teacher namin noon, kami na lang daw `yong maghanap ng kapartner. Eh, that time, wala yatang planong pumartner sa kaniya, so ako na `yung nagkusa. Nangilag pa nga siya noon sa `kin kasi ako ba naman daw ang partner niya. E, sobrang maldita ko raw. Hindi ko naman akalain na gano’n pala ako katapang.
Bukod sa kaniya, kaibigan ko rin si Yllena Yuchengco. Sobrang yaman no’n, grabe. Pa’no, nasa angkan ba naman siya ng mga negosyante sa buong bansa. Pero, hindi ko naman ramdam `yon sa kaniya. Napaka-humble pa rin. Loka-loka nga lang, minsan.
Silang dalawa lang `yong mga naging totoo kong kaibigan hanggang ngayon. Para ko na silang kapatid. T-in-treasure ko talaga sila.
Ang bilis lumipas ng mga araw. Sa sobrang bilis, lalo akong nangangamba dahil hindi ko na naman makontak si Glenda.
“Hindi ko na talaga makontak `yang nanay n’yo.”
Naiirita na `ko habang sinasabi ko `yun sa dalawa kaso nakakapagtimpi pa `ko.
“Nanay mo pa nga rin kasi `yun.”
Sinamaan ko ng tingin si CJ na tuwang-tuwa pa rin na inaasar ako kahit na problemado na kami.
Binalingan ko lang si Cara kasi basa ko na `yung pag-aalala sa mukha niya “Ano’ng balak mo?”
Ang nagawa ko lang? Magbuntong-hininga. Alam ko na kasi `yong ganitong sitwasyon kapag hindi makontak si Glenda. Ibig sabihin, wala siyang pera… pero nangako siya sa `kin! Kahit na sawang-sawa na `ko sa pangako niya, naniwala pa rin ako! Nangako siya na kukuha siya ng pera do’n sa lalake niya. Ano na’ng nangyari?!
“Tatawagan ko pa rin siya, baka kulitin na kasi tayo ni Ate Becky dahil wala na tayong pambayad.”
“`Di ba, sa katapusan na `yong bayaran?”
Itinago ko na lang sa ngiti `yong problema namin. “Kapag hindi makontak, mag-half-day ako sa salon `tapos pupunta ako ng Alabang. I guess, mas maganda kung kino-corner siya.”
Ginawa ko rin kung ano’ng sinabi ko no’ng hindi na talaga siya namin ma-kontak. Na naman. Nagpaalam ako sa manager namin sa salon na pinapasukan ko. Katakot-takot na sermon siyempre `yong inabot ko kasi nga, ang daming customers na gustong magpa-make-up sa akin o magpa-hair-treatment pero wala na akong nagawa. Mas importante `to ngayon dahil kapag hindi ko na naman nakausap si Glenda, kami na naman ng mga kapatid ko ang mamoroblema sa mga gastusin at bayarin. Masyado na siyang nagpapabaya sa mga obligasyon niya bilang magulang. Kung naging magulang nga ba siya sa `min.
Nagpunta na ako sa Alabang at dumiretso sa pinapasukan niya sa MRE. Mabuti na lang, iyong kakilala niya na minsan na ring pumunta sa bahay `yong napagtanungan ko. Pagkatapos niyang sabihin sa `kin na mamaya pa ako i-a-accommodate ni Glenda, pinaupo niya ako sa isa sa mga couch doon. Saglit lang daw si Glenda dahil may inaasikaso lang.
Napahaplos ako sa dibdib kong dumadagundong sa kaba kasi alam ko naman kadalasan ang kahihinatnan ng pag-uusap namin ni Glenda, pero hindi pa rin ako nadadala. Kasi, obligasyon naman niya `to, eh! Obligasyon niya `to sa `min pero heto kami, kami pa ang nag-iisip kung paano mapapagkasya `yong mga pera namin at `yong mga pahirapang bigay niya!
Kaso, maiisip ko pa ba `yong obligasyon niya sa amin kung nakikita ko siya sa harapan ko na parang… miserable? As in, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa no’ng lumabas siya sa office nila! Dahil hindi siya naglagay ng kahit na anong make-up, napansin ko kung gaano kalaki `yong eyebags niya.
Weird… Ano na nama’ng problema ng isang `to?
Sandali lang naman din `yon… kasi nanlaki `yong mga mata ni Glenda nang makita niya `ko pagkatapos niyang pumihit patalikod mula ro’n sa receptionist. Kahit na sinasabi kong wala akong takot sa kaniya, kinabahan pa rin ako no’ng dumilim `yong tingin niya sa `kin… para pa nga siyang nanggigil, eh. Tinatago niya lang sa pangiti-ngiti niya.
Bakit gano’n `yong tingin niya? May nangyari ba? May ginawa ba ako?! Kami?! Ba’t gano’n siya makatingin?
Nilapitan niya ako sa kabila no’ng hitsura niya. Tumayo ako na nakunot-noo sa pagtataka.
“Umuwi na tayo.” Nagbigay siya ng pilit na ngiti.
“Ano’ng ginagawa mo sa office ko?!”
Taas-noo lang akong nakatingin kay Glenda. `Yong dalawa, napayuko. Naramdaman ko `yong takot nila sa mga mata nila. Huminto rin siya sa paglalakad nang pabalik-balik `tapos tinapunan niya `ko ng madilim na tingin.
“Ang tagal kitang kino-contact. Sabi mo sa `kin, ibibigay mo sa `kin `yong pambayad sa renta.”
Ang kalmado ko lang, kahit na halos gusto ko na siyang sigawan kasi siya pa `yong may ganang um-attitude sa `kin nang ganiyan.
Muntik na `kong magbuga no’ng tumawa siya. Wala naman kasing nakakatawa.
“Bakit? Tingin n’yo ba, magbibigay ako pagkatapos no’ng ginawa n’yo kay Stephen?! Ha?!”
Ano raw?! Ano’ng pinagsasabi nito?
“Sinabi sa `kin ni Stephen na hindi n’yo raw siya trinato nang maayos. Ramdam niya `yong kaplastikan na pinakita n’yo sa kaniya… Mga pakitang tao raw kayo kaya hindi na niya tinuloy `yong relasyon naming dalawa! Nakipag-hiwalay na siya sa `kin!”
Hindi ako makapaniwala… So, kami pa talaga `yong may kasalanan dito?!
“Bakit mo sa `min binabato `yong sisi?! Hindi namin kasalanan kung ayaw sa `min niyang Stephen mo! Bakit, tinanong mo ba sa `min kung gusto ba namin siya?!”
Napahaplos kaagad ako sa pisngi ko. Sinampal ako… gusto kong matawa. Sinampal ako ng sarili kong ina dahil sa lalake niya. Putsa, ilang beses na `tong nangyayari sa `min, hindi na `ko nasanay. Sobrang importante talaga sa kaniya ng mga lalake niya!
“H’wag mo `kong pagsalitaan nang ganiyan dahil ina mo `ko, Joy!”
Gusto ko talagang matawa kaso nanlalabo na `yong paningin ko… bakit ako iiyak? Wala naman akong ginawang kasalanan.
“At kailan ka pa naging ina sa `min?!”
Nanginginig `yong labi ko. Nanginginig `yong katawan ko. Nanginginig lahat.
Napahugot ako ng malalim na hininga. “Hindi mo ba alam kung paano kami natatakot ngayon na bayarin na naman ng expenses sa katapusan? Hindi mo alam kung ilang gabi kami nag-iisip kung saan hahanap ng perang pambayad sa mga gastusin. Hindi mo alam kung paano kami nababaliw kakaisip kung paano na naman kami kakain bukas! Si Cara, si CJ, magtitiis na naman sa gutom nang dahil sa wala kaming pera!”
Umiwas kaagad ako sa kaniya ng tingin no’ng nabasag `yong boses ko.
“Hindi mo naman alam `yon kahit na kailan!” sumbat ko. “Hinayaan n’yo lang naman kaming mabuhay sa sarili naming mga paa, `di ba?! Kagaya ngayon?!”
Tumigil ako sa pagsigaw no’ng nakita ko nang humihikbi si Cara sa kama. Parang bumagsak `yong puso ko… ayaw na ayaw ko pa naman siyang nakikitang ganiyan!
“Kaya nga, sinabi ko sa inyo na dapat ginalingan n’yong umarte kay Stephen! `Tang-ina naman, Joy, iyon lang naman ang hiling ko, ba’t hindi n’yo `ko pinagbigyan!” frustrated na frustrated na siya. “Siya na `yong sagot sa kahirapan natin! Kaya nga ginandahan ko `yung pakikitungo sa kaniya dahil alam kong bibigyan niya tayo ng maraming pera!”
“Ilang beses n’yo nang sinasabi sa `min `yan sa mga lalake n’yo! May napala ba kayo? Wala naman, `di ba? `Tsaka, ano’ng assurance n’yo sa kaniya? Malay n’yong swindler pala `yan!”
“Tingnan mo! Hindi mo talaga nirerespeto si Stephen! Ayaw n’yo talaga sa kaniya!”
Aba… naiiyak talaga siya?!
“`Ma naman, magpaka-nanay ka naman, oh. Ang issue ngayon, kung paano kami makakabayad sa upa. Kahit na kaunting tulong naman---”
“Pa’no ko kayo matutulungan kung wala na `yong magiging source ng mapagkukunan natin ng pera?! Ang tatanga n’yo kasi! Kung sana, maayos n’yo, nang maayos si Stephen, eh, di sana, buhay prinsesa’t prinsipe na kayong tatlo at hindi na kayo nagtitiyaga sa maliit na apartment na `to! Sana, wala na tayo dito sa punyetang bayan na `to!”
Buwisit! Umiyak na siya sa `min! Do’n ba masama `yong loob niya?! Dahil sa lalakeng `yon?! Walang kadala-dala `tong si Glenda. Alam naman niyang nakakahalina `yong mga pangako ng mga lalake. Kaya nilang magbigay ng pag-asa. Kaya nilang ibigay lahat, kahit nga yata universe, eh, pero kaya ka rin nilang wasakin nang mabilis. Wala na talagang pinagtandaan!
“Ngayon, bahala kayong maroblema diyan sa renta. May mga trabaho naman kayo, `di ba? Bahala kayong maghanap ng pera, mga punyeta kayong suwail na anak! Hijo de puta kayong lahat!”
Tulala lang ako. Hindi ako agad nakaimik pagkatapos niyang ihampas `yong pinto sa pintuan. Naramdaman ko na lang na nanghihina ako no’ng lumakas `yong hikbi ni Cara.
Ginawa ko lahat ng pagpipigil, h’wag lang umiyak no’ng nilapitan ko na si Cara at saka niyakap. Para akong napahiya… ako `yong tumatayong ama at ina sa kanila pero wala man lang akong magawa para hindi sila makaramdam ng lungkot at sakit sa dibdib nila. Lalo akong nanlumo bilang ate nila. Lalong nadurog `yong puso ko.
“S-sorry…”naging basag `yong boses ko. “Mukhang… tiis-tiis na naman tayo.”
Tahimik lang si CJ no’ng nilapitan niya `ko para marahang haplusin `yong likod ko.
Nangyari na naman `yong madalas na kinakatakutan ko. Ganito `yong pamilyar na kalbaryo na napapagdaanan namin kapag talagang gipit kami. Kagaya ngayon. Nalaman kong may bayarin pala sa school `yong dalawang bata na hindi man lang din sinabi sa `kin!
Nalaman ko kay Donita na may project pala ang MNHS na kailangang sumama sa field trip ang mga estudyante nila dahil ‘required’ daw iyon at kung hindi sila sasama, bagsak sila sa isang subject nila sa Science. Sumabay pa ang theater movie nila sa Filipino.
Nagtikhim si CJ, napahaplos pa sa batok niya. “Mapapakiusapan naman namin ang teachers namin na h’wag muna kaming sumama kasi wala tayo.”
“Hindi puwede! Hindi nila iko-consider `yon. Ayokong mawala sa inyo ang pagiging scholar n’yo dahil do’n!”
Pinaghirapan nila `yun… kita ko `yung paghihirap nila, ma-maintain lang `yong grades nila para maging scholar. Ramdam na ramdam ko `yun kasi nando’n din naman ako sa sitwasyon nila.
“Tama si CJ, ate. Isa pa, saan ka makakakuha ng pera, eh, `di ba, nagalit sa `tin si mama?”
Nanlumo ako sa kawalan ng pag-asa sa boses ni Cara. Ang totoo, problemado talaga ako kung sasama sila ni CJ. Bago pa kasi ako matulog no’ng isang araw, na-compute ko na `yong mga gastusin ko sa mga bayarin. Eksakto naman lahat. Masaya pa `ko kasi may kaunting sobra ro’n sa pambayad namin sa renta.
Pero hindi ko rin naman matitiis `yung ganito sila ni Cara. Ayoko `yung pakiramdam na ganito sila, kasi pinapakita lang no’n kung ga’no ako kawalang kuwenta dahil hindi ko matugunan `yong kailangan nila.
“`Di `yan,” pang-aalo ko. “Lalambot din `yon, tiwala lang. Hindi tayo matitiis no’n.”
“Pa’nong wala si mama?!”
Naghi-histerical na `ko rito sa receptionist na kausap ko. Marinig ko ba naman na wala `yong magaling kong ina pagkatapos kong bagtasin `tong Alabang sa pag-asang makakausap ko siya?! Ni hindi pa nga `ko kumakain! Balak ko pa namang magpakumbaba kasi kailangan na kailangan namin talaga ng pera `tapos malalaman kong wala pala siya?!
Ang bigat ng dibdib ko kasi inis na inis ako! Dumadagdag pa `yong sama ng loob ko kasi mukha na `kong kawawa rito sa receptionist na `to!
Ang sarap umiyak, buwisit.
Natauhan lang ako no’ng pinatahan niya `ko at sinabing pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tumikhim ako.
“Ilang araw na siyang naka-indefinite leave. Personal reason kasi ang nilagay niya sa leave application niya. Eh, malakas siya sa senior agent niya, nakakabenta kasi. Kaya ayun, in-allow.”
Halos mapapikit na ako sa frustration. Parang sasabog na `yung dibdib ko.
Huminga ako nang malalim. “May alam po ba kayo kung nasa’n na siya?”
Mas lalo siyang nahabag. Narinig niya siguro `yung pagkabasag ng boses ko.
“Wala, eh. Pero, sasabihin ko na pumunta ka rito.”
Bigong-bigo akong umalis ng MRE. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Pero nabuhos lahat ng galit ko sa pagtulo ng luha sa pisngi ko. Pinunasan ko rin nang marahas kasi nakakagalit na `yong ginawa niya! Nakakasama ng loob!
Pero hindi ako sumuko. Para sa mga kapatid ko, lulunukin ko lahat, kahit na pride ko. Kaya nilapitan ko `yung Branch Manager namin sa parlor. Ayoko talagang lumapit dito kasi hindi niya `ko favorite. Mabait naman siya sa mga empleyado rito maliban lang yata sa `kin. Kapag ako kasi `yung kausap niya, kung hindi nakataas `yong kilay o nakakunot `yong noo niya, mukha namang sarcastic `yong mukha.
“Ay nako, `te, wala munang bale-bale. Alam mo naman na medyo wala tayong customer, `di ba?”
Nanlumo kaagad ako. Akala ko, matatapos na ro’n sa MRE, hindi pa pala.
“Sige na, mamasang.” Pinilit kong ngumiti. “Kailangan lang talagang sumama ng mga kapatid ko ro’n. ”
Mukhang naputol ko `yung pisi ng pasensya niya. “Hindi nga puwede, Joy, ang kulit, ah? Hindi lang ikaw `yong nangangailangan dito.”
May naalala kaagad ako. “Sa fund, tama! P-puwede akong mangutang, tama---”
“Hindi nga puwede.”
Sobrang kaswal no’ng boses niya, pero alam kong pikon na siya sa `kin.
Pareho kaming napalingon sa pinto nang may pumasok na customer.
“Ano po’ng atin?” tanong ni mamasang sa customer na babaeng matanda. Ang lambing pa niya no’ng nilapitan `yong customer na babae.
“Pa-manicure,” sagot sa kaniya nito.
Nilipat niya `yong tingin sa `kin. “Balik na sa trabaho, Joy. Manicure daw.”
Mukhang wala rin akong maasahan sa kanila. Buwisit.
Pagkauwi sa bahay, sinilip ko ulit `yong expenses namin sa pang-araw-araw. Kasalukuyang natutulog sina CJ kaya hindi nila alam na ang laki na ng problema ko sa mga bayarin. Sinilip ko sila. No’ng nakita ko na nakataas `yong laylayan ng damit pantulog ni Cara, nilapitan ko kaagad siya saka binaba `yon.
Bumalik na ulit ako at binuklat `yong listahan ng mga kailangang bayaran. Mukhang wala na yata akong magagawa. Kung kailangan kong tipirin ang sarili ko katulad ng pagtitipid ko kadalasan, mas pag-iigihan ko pa.
Kaya sinimulan ko na. Paunti-unti. Kapag bumibili ako ng pagkain, binabawasan ko ng isa para mas tipid. At nakikita kong nababawasan `yong panggastos namin sa pagkain kaya dumaragdag `yong ipon ko sa mga bayarin.
“Ate, hindi ka kakain?” tanong ni Cara habang abala ako sa paghahanda papuntang school.
Nakangiti akong umiling sa kaniya. “Hindi na.”
Sa gilid ng paningin ko, nagkatinginan silang dalawa. Hindi ko na lang pinansin kasi makakahalata sila. Ayokong mahalata nila dahil matalino rin `yong dalawa na `to. Kailangan ko lang palagpasin ang linggong ito. Makakabayad din si CJ at si Cara nang hindi nila kailangang isakripisyo ang grade nila.
Napagdesisyunan ko nang hindi ko gagastusin `yong pera ko hanggang sa dulo ng buwan na `to. Saka na kapag nakabayad na kami sa lahat ng gastusin. Kaya ko pa namang magtiis.
Tinapay lang `tsaka tubig `yong akin. Hindi na ako nagbabaon. `Yong pinapambili ko sa canteen, `yun `yong tinatabi ko. Mababa lang naman `yong fee sa fieldtrip kaya masasaktuhan ko iyong sa expenses.
Wala akong plano na manghingi sa mga kaibigan ko. Kailanman, hindi ko `yun ginawa kahit pa na sobrang gipit kami… kagaya ngayon. Alam ko naman na may pinagdaraanan sila kaya wala akong balak na dumagdag pa sa pasanin nila.
Bukod sa pagtitipid, tumanggap din ako ng paper projects mula sa mga kaklase ko sa iba’t-ibang sections. Dati pa naman, natanggap na ako pero mas dinagdagan ko lang ngayon. Lagi akong puyat, matapos lang `yong narrative report ng mga kaklase ko sa Civil at Electrical Engineering sa Literature. Laki talaga ng pasasalamat ko na pareho kami ng lecture at prof sa subject na iyon kaya madali lang sa `kin `yong assignment.
“Miss Perez, are you listening?”
Ang bilis kong kumurap pagkarinig ko sa pangalan ko. Nakakahiya, nagkakalat ako! `Tapos `yong prof ko pa, si sir sungit!
“Yes, Sir Vergara,” sagot ko at ngumiti pero parang hilaw.
Ang lalim ng kunot sa noo niya. Napailing na lang siya sa `kin.
“Okay, if you’re telling me you’re listening, please explain to me briefly the Article 3 of 1987 Philippine Constitution.”
Ilang mura rin yata `yong sinigaw ko sa isip ko sa tanong niya! `Buti na lang, na-review ko na `yun bago ako matulog.
Kaso sa kalagitnaan, para akong nahihilo? Lutang? Ewan. Ang ayos ko naman.
“Miss Perez.”
Sinulyapan ko si Sir Vergara nang patalikod habang nagliligpit ng gamit ko. Umayos muna ako ng tayo at z-in-pper `yong bag ko bago ko siya kinausap.
“Yes, sir?”
Ang seryoso no’ng tingin niya. “Are you alright?”
Weird. Ba’t niya `ko tinatanong nang ganito?
“Yes, sir. Why po?”
Saglit lang niya `ko pinagmasdan pero pakiramdam ko, ang tagal! Ang lalim kasi no’ng titig niya sa `kin.
“Nothing,” simpleng sagot niya.
Weird talaga nito. Nagkibit-balikat na lang ako.
“Please stay your focus.”
Natigilan ako sa paglalakad. Kinunutan ko siya ng noo kasi ano raw? Stay my focus? E, sobrang focus ko naman, ah? Gano’n na ba `ko kalutang?
“Okay, sir.”
Tinanguan ko siya bago ko siya iniwan sa room pero gusto kong maghimutok kasi ano’ng pinagsasabi niya? Problema no’n?!