Chapter 11

3227 Words
Chapter 11 Name “Bakit kami pinapatawag, Cris?”             Sanay na `ko sa pang-iirap ni Cris dahil nakasanayan ko nang tawagan siya sa totoo pangalan niya. Dedma. Hindi naman `yan `yong concern ko. Lalo na ngayon.             Grabe `yung kaba ko!             Pa’no? Simulan ba naman ako ni Cris sa pagsigaw niya `tapos nagtitili pa siya sa harapan ko na pinapatawag daw ako ng RECO. Sinabihan daw siya kanina! `Yong puso ko habang nagsasalita siya? Panay kabog na nang kabog!              “Hindi ko nga rin alam, frenny. Nakakaloka. Iniisip ko kung may ginawa ka nang kalokohan for the past months---”             “Hoy! Wala, ano? Kalokohan ka diyan?”             Tinaasan ko pa ng kilay. Ano nama’ng kalokohan `yong gagawin ko sa kanila?!             “Kaya nga, frenny, alam kong malabo namang gagawa ka ng kalokohan. Anyway, mag-freshen up ka na, okay? Meeting tayo with them ng mga 4:00 PM.”             Kahit hindi ko malaman kung ano `yun, tumango na lang ako. Nagkaroon pa kami ng isang round of practice bago kami tinapos. Nagpalit muna ako ng damit bago ko ulit nilapitan si Cris.             Kaso, bakit nandito rin sina Billy? Akala ko, ako lang?             “Baby! You were called, too!”             Tumango ako sa tanong ni Nancy. Hindi kasi kami magkakasama ngayon sa practice dahil nasa magkakaibang projects kami.             “Gosh, I dunno what’s happening! Like kinakabahan na `ko.”             Hinahagod naman ni Maddox iyong likod ni Pearl. Panay naman `yong paypay ni Pearl sa sarili niya. Mapapa-sana all ka sa dalawang `to kung iisipin mo na may something sa kanila pero nililinaw sa `min ni Pearl na wala naman daw.             “Are you nervous?”             “Kind of,” sagot ko sa tanong ni Billy. Kita ko sa mukha niya na concern siya sa `kin. Siyempre, na-appreciate k0o naman. Hindi kasi normal na patawagin kami bigla ng management ng RECO. “Want my hug? Come here, I’m free.” Tapos nginisihan na `ko! Aba ayos, ah? Inirapan ko nga. Tinawanan naman pa `ko ako, `di pa nakontento.  Dumiretso na kami sa office ng management. Si Pearl `tsaka si Maddox lang `yong naririnig ko. Minsan, umi-epal din si Nancy pero iisipin mo na kaya niya lang `yon ginagawa para asarin `yong dalawa na kanina pa nagiging sweet sa harapan ko. Si Billy naman, puro kuwento lang sa `kin no’ng pinapanood niyang anime ba `yun? Basta, ang sabi niya sa `kin, `yon daw `yong pinagkakaabalahan niya kapag free time namin. Naruto pa `yong pinapanood niya. Sinusubukan niya naman na ma-gets ko `yung pinagkukuwento niya. Eh, kaso, hindi ako nanonood no’n. Tumatango na lang `ko rito para hindi niya ma-feel na wala akong interes sa pinagsasabi niya. Nakakahiya naman kapag gano’n ako. No’ng tumunog na `yong elevator, masyadong kakaiba dahil tumahimik na kaming lahat. Iyong ingay nila Pearl, nawala no’ng malapit na kami sa office. Naiihi na `ko, pota, pero wala akong magawa! Sumalubong sa `min `yong seryosong mukha no’ng management. Ang sarap sanang isipin kung pinag-iisip nila pero h’wag na lang. Kinakabahan ako lalo, eh. Katabi ko si Billy habang nasa gilid ko si Cris. Nasa kabila naman ni Billy `yong manager niyang lalake na medyo aburido pa yata kasi pinatawag siya rito. Sa pagkakaalam ko, hindi basta-basta `yong manager ni Billy dahil puro malalaking artista rin ang hawak no’n. Nasa magkakabilang gilid naman si Nancy, Maddox, at Pearl. Iisa lang silang tatlo ng manager kaya magkakasama sila. Nabulung-bulungan na `yong mga manager kung bakit daw urgent `yong pagpapatawag sa `min. No’ng pumasok na `yong management ng RECO, nanahimik kaming bigla. Nakamasid kaming lahat sa pag-lakad no’ng limang tao na papunta sa center naming lahat. Hindi na nga yata kaba `yong nararamdaman ko sa dibdib ko, eh. Gusto na nga lang tumalon ng puso ko sa loob para `tapos na.             Tatlo `yong dumating. `Yong gitna `yung mukhang big boss kasi grabe kung makatitig sa `min, para na kaming kakatayin. Wala akong alam kung sino-sino `yung mga boss sa company na `to dahil wala rin naman akong paki sa kanila.             Counted ba `yung hindi ko pag-alam sa organizational chart ng company na `to sa katapusan ng kontrata ko sa kanila?! Grabe naman!             “The reason why I called the five of you was because we’d like to inform you that we’re gonna have a big project from Montenegro Empire. They’d like us to be their partner in advertising their soon-to-open hotels. And from hundreds of models that we have, we selected the five of you because we heard good feedbacks from the clients. Congratulations.”             Do’n lang yata ako nabingi sa announcement na `yon. Tama ba `yong narinig ko? Napili kami ng Montenegro Real Estate?!             Nakompirma ko na lang `yon sa malakas na tili ni Pearl `tsaka ni Nancy. Ako? Nakaawang `yong labi ko habang pinapanood si Pearl na niyakap ni Maddox. Seryoso bang nangyayari `to?             “We made it, baby.”             No’ng niyakap na `ko ni Billy, do’n ko lang naramdaman `yon. Tumulo `yong luha ko paunti-unti. Pucha! Model na `ko ng MRE! Hindi kasi basta-basta sila; sila lang naman `yong may hawak ng pinakamalaking real estate sa bansa. Do’n nga rin si Glenda kaso under agency naman `yon.             Pero kahit na! MRE `yon, pota!             Maiyak-iyak na `ko sa mga nangyayari. Nakaka-overwhelm na sasabog na `yong dibdib ko sa sobrang saya!             Nagyaya na naman sina Billy na mag-club kami para makapag-celebrate pero tumanggi rin naman ako agad. Makapag-celebrate na nga muna kasama sina Cara.             Nagsimula na `kong maghanap ng taxi papuntang terminal. Para na `kong lumulutang sa alapaap. Mabibili ko na ng maayos-ayos na electric fan `tsaka ref `yong apartment! No’ng isang araw kasi may nakita akong ref sa may Home Appliances sa SM. Gusto ko na sanang bilhin kaso kulang na `yong budget ko dahil may iba pa `kong nakalaan do’n.             Inisip ko na lang na mag-ipon muna. Baka pagkatapos pa ng anim na buwan bago ako makabili. Mabuti na lang, may magandang project na dumating. Kahit papa’no pala, pinagpapala pa pala `ko ni Lord.             Dumaan muna ako ng Star Mall para makabili ng groceries. Balak kong lutuan sina Cara ng spaghetti. Kung sa Paseo pa kasi sa bayan ako bibili, baka magsasara na `yun kapag nando’n na `ko.             Habang naglalakad papuntang supermarket, napapatigil ako kasi may tumatawag sa pangalan ko. Dinededma ko naman, kaso, no’ng may humablot na sa pala-pulsuhan ko, mamumura ko na.             Nabitin `yong sasabihin ko sa bibig ko no’ng makita ko si Sir Vergara na medyo hinihingal pa. Seryoso ba?!             “Sir, kayo pala!” ang lakas ng boses ko sa gulat. Hindi pa `ko nakakabawi, eh. Malay ko namang makikita ko siya rito sa Star Mall             Pareho kaming dahan-dahang napatingin do’n sa kamay niyang nakahawak sa pala-pulsuhan ko.             “Shit.”             Para ba siyang napaso no’ ng binitawan `yung kamay ko? Basta, ang epic no’ng reaksyon ni sir.             “I was just surprise I saw you here. Didn’t expect I’m gonna see you.” Ang bilis-bilis pa niyang magsalita.             Wala naman talaga kaming usapan na magkikita kami ngayon. Sinabi ko sa kaniya no’ng isang araw na hindi muna ako makakasama sa kaniya kasi na baka hindi muna ako makapunta dahil ang alam ko, may night rehearsal pa kami. Eh, dahil sa announcement ng RECO na model na ako ng MRE, pinauwi kami ng maaga. Mag-me-meeting daw kami bukas para sa ibang details.             Tumabi muna kami sa gilid kasi sa gitnang-gitna naman kami nag-uusap.             Tumikhim si sir. “Sorry. It was so quick when I saw you. I chased after you when you weren’t able to hear me.”             “Ah, pasensya na, sir.” Kaya naman pala.             “No worries… bakit ka nga pala nandito?”             “May bibilhin po kasi ako sa supermarket. Mag-sa-spag po `ko sa mga kapatid ko.”             “Teka, akala ko ba, may night practice kayo?”             Umiling ako. “Hindi na natuloy, sir. Kayo po?”             “Kakabili ko lang ng libro sa National.”             Napansin ko nga `yong paper bag niyang may lamang mga libro. Mukhang mga reviewer `yong binili ni sir.             “Gusto n’yo, sir, samahan n’yo `ko mamili?”             Sumama naman si sir. Nagkuwento na rin ako kung bakit kami pinauwi nang maaga. Ewan ko pero sobrang saya ko habang kinukuwento kay sir na isa ako ro’n sa napili; na may mga other opportunities pa palang magbubukas sa akin. Akala ko, masaya na `ko sa pagiging part-time lang.             Buong sandali na nagkukuwento ako, nakatitig lang sa akin si sir `tapos tatango. Nakikita kong amuse na amuse siya sa reaksyon ko. Siya lang din kasi `yong unang taong kinuwentuhan ko.             “I’m happy for you. Deserve mo `yung mga opportunity na dumadating sa `yo. Just keep moving, Joaquin Ysabella.” May ngiti ro’n sa labi niya.             Dumating na rin kami sa supermarket. Grabe pala `yong supermarket dito, nasa dulo pa. Si Sir Vergara `yong nagtutulak no’ng cart. Habang nasa tabi ko siya, parang ang liit ko kasi ang tangkad niya. Sa edad ko, kahit na matangkad ako, iba pa rin `yong tangkad ni sir. Parang hanggang balikat niya lang ako.             “Pasensya na kayo, sir, ha, kung medyo matagal `tong pamimili natin. Tinitignan ko muna kasi kung magkano para pasok sa budget ko.”             “You want me to help?”             “Ay, hindi na po! Nakakahiya!”             `Uy, wala talaga `kong balak na siya `yong gumastos! Nakakahiya, ano!             Pero hindi siya nakinig! Pambihira, siya na `yong bumili ng mga rekados! Ako naman na parang tanga, pigil nang pigil pero nilalayo niya sa `kin `yong cart ko!             “No need to pay, I told you.”             Ano’ng no need?! Siya na `yong nagbayad no’ng nando’n na kami sa cashier! Ang bilis no’ng ginawa niya. Binigay niya kaagad do’n sa cashier `yong card niya `tapos `eto namang cashier, ang bilis ng swipe! Jusko, hindi ko na alam. Nagsisi tuloy ako na inaya ko pa si sir na sumama sa `kin. Nakakahiya, sobra!             “Sir naman, parang awa mo na. Tanggapin mo na `tong pera ko.”             “No.”             Napabuga na ako ng hangin. Pasaway!             “Next time na pupunta ako sa inyo, kailangan, ako na ang magbayad, ha?”             Hindi siya sumagot! Tahimik niya lang na nilalagay do’n sa likod `yung mga pinamili ko!             “Sir!”             “Let’s go. We need to go to Maestranza. Magluluto pa tayo, tama?”             Aba’t nilagpasan pa `ko!             Nauwi na nga lang sa usapan na pupunta si sir sa Maestranza. Inaya ko na lang siyang pumunta ng apartment kasi sobrang nakakahiya na siya `yong nagbayad lahat. Ang bagal ko rin kasi mag-abot ng bayad.             “I heard you have the highest score in Phil Consti.”             Naalala ko rin bigla. No’ng isang araw, lumabas `yong result do’n sa mid-term exam namin sa subject na `yon. Sobrang laki no’ng gulat ko kasi ako `yong pinakamataas sa mga nag-take.             “Magaling kasi `yong tutor ko.” Sabay kindat ko.             May tumakas na ngisi sa labi ni sir. Tinuruan niya kasi ako `tsaka saan ako mag-focus sa exam. Lahat ng sinabi ni sir, nasa exam nga.             “H’wag mong i-discredit `yong sarili mo. You put a lot of effort on it. It’s your hardwork the reason you got it. Congrats, Joaquin Ysabella.”             “Thank you po.”             Dumating na kami sa Maestranza pagkatapos. Medyo nahihiya pa si sir na pumasok ng apartment. Dapat nga, ako pa `yung mas mahiya na naman kasi hindi ko alam kung ano’ng hitsura ng bahay pagkauwi.             Kumatok na `ko sa pintuan habang tinatawag sina Cara at CJ. Naro’n si sir sa likod ko, nililibot `yung paningin sa paligid ng apartment namin. Hindi ko alam kung nakakagawi siya rito kasi mukhang hindi siya pamilyar.             Pagbukas no’ng pinto, binati ko si Cara dahil siya `yong sumalubong, pero imbes na sa `kin siya diretsong nakatingin, do’n siya dumungaw sa likod.             “Manliligaw ka ba ng ate ko?”             Pota!             Nanlaki `yong mga mata namin ni sir! Hindi ako halos nakapag-isip do’n! Parang gusto na lang tumakas no’ng kaluluwa ko sa hiya!             Pinandilatan ko nga. “Hindi ko siya boyfriend! Sir ko siya!”             Napatingin ako kay sir pagkatapos niya `kong tapikin. Nilagpasan niya `ko `tapos lumapit siya kay Cara.             “Mahal na mahal mo siguro ang ate mo, ano?” tanong ni Sir Vergara.             Tango `yong sagot ni Cara.             “Then, your ate is lucky to have you. Hindi ako manliligaw ng ate mo.” Ngumiti si sir. “What’s your name?”             “Cara po.”             “Nice.” Tumango si sir. “I’m Raven. Nice to meet you.”             Tinanggap agad ni Cara `yong kamay ni sir na nakalahad sa harapan niya. Ilang kahihiyan pa kaya `yong mararanasan ko sa araw na `to?!             Pinasok na namin ni Sir Vergara `yong mga pinamili ko sa Star Mall. Parang sumakit `yong dibdib ko no’ng nakita ko `yung galak sa mga mukha ng mga bata. Sa dami ng mga pinagdaanan namin, ngayon ko lang sa kanila mapapatikim `yong ginhawa ng buhay na dapat naman talaga sa kanila. Ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos kasi hindi niya kami pinapabayaan. Natagalan man, at least, hindi naging huli.             Hinayaan ko muna si Sir Vergara na kausapin ng mga bata. Mukha naman siyang komportable habang kausap sina CJ. Para ngang sanay na sanay siya. May kapatid kaya `tong si sir? Heto na naman ako, nangingialam sa buhay ng ibang tao.             “Kain muna kayo.”             Sabay na nag-angat ng ulo silang tatlo. Do’n ko lang napansin na kasalukuyan pala sila nag-aaral ng kung ano. Naririnig ko sila habang nasa kusina ako. Itong si CJ, ang daming tanong kay sir. Computer yata `yong topic nila. `Buti na lang, nakiki-jive-in `tong si sir sa hilig nila.             “I’m gonna get the plates,” bulong ni Sir Vergara.             “Hindi na po, sir---”             “No buts, please.”             Ah, bahala nga siya! Napairap na lang ako. Kaya ko namang gawin `yon. `Tsaka, bisita kaya siya rito.             Patapos na `kong magpunas ng lamesa no’ng nilapag ni sir `yong mga plato. `Yong mga bata, sabik na sabik nang ilagay ko `yung spaghetti.             “Ate, magluto ka ulit nito, ah?”             “Oo na, CJ, pero, puwede bang ubusin mo muna `yong kinakain mo? Mabubulunan ka niyan.”             “Ano nga pala’ng meron, ate, at nagpaluto ka nito?”             “Napili ako ro’n sa isang malaking project sa agency namin. Mas malaki na `yong kit ani ate sa mga susunod na araw.”             “Kaya mo pa ba, ate?” napatingin ako kay Cara na seryoso `yong tingin sa `kin. “Nag-aaral ka na, nagtratrabaho ka pa, `tapos ate ka pa namin dito sa buhay.”             Tumango ako. Hinaplos ko `yung buhok ni Cara. Namungay `yong mga mata ko. “Kaya ko pa naman. `Tsaka, kailangan kong kayanin. Lulutuan ko pa kayo nang maraming ganito. Kailangang magsipag ni ate.”             “Ate.” Tumingin naman ako kay CJ. “Sabihin mo lang kung medyo loaded ka na. kaya ko pa namang magtrabaho sa---”             “Kaya ko pa naman, CJ,” pagputol ko. “Bantayan mo na lang si Cara para sa `kin, `tsaka `tong apartment. Okay na `ko ro’n.”             Naglinis ako ng bahay. Hindi ko na naasikaso si sir kasi focus na focus siyang magturo sa mga bata. Hindi nagkakagusto `tong mga batang `to sa mga bisita. Pangkaraniwan naman kasing pumupunta rito, `yong mga lalake ni Glenda. Kahit na ano’ng gawing pakikisama nila, naiilag silang makisalamuha.             Pero dito kay Sir Vergara? Wala akong makitaan na napipilitan sila. Parang, chill lang. Ang taas ng interes nilang makinig sa kaniya. Mabuti na lang, matiyaga `tong si sir magturo.             “Sir, punta po ulit kayo rito sa bahay, ah? Turuan n’yo po ulit ako sa Math.” Tinaas pa ni Cara `yong graphing notebook niya.             Tumango si sir. “Sure.”             “Kuya Raven---”             “Sir, CJ,” pagtama ko. `Tong si CJ, sobrang komportable naman.             “Ay, sir po pala.” Napakamot na siya sa batok. “Salamat po pala, ha? Titingnan ko po kung kakayanin ko `yung Computer Engineering.”             “Kaya mo `yun. Matalino ka, CJ.”             Naglakad na kami palayo sa bahay. Ang lamig ng hangin. Nakapa-pajama na `ko samantalang nakagayak pa rin `tong si sir. Medyo nakonsensya rin ako, naistorbo ko yata `to sa pag-re-review niya.             “Sorry po pala, sir, kung naistorbo ko po `yung oras n’yo. Dapat, nagre-review na kayo.”             Umiling si sir. “I enjoyed it, Joaquin Ysabella. Your siblings are smart.”             Napatingin ako sa phone ko. Si Billy, nag-text.             Billy_Reco:             Hey, are you asleep rn? Can I call u, baby?             Napailing na lang ako. Ang flirt talaga.             “Problem?”             “`Yong katrabaho ko pong lalake, malandi rin talaga. Natatawa na nga lang po `ko sa tini-text sa `kin.”             Tumango si sir, pero hindi kagaya kanina, parang ang seryoso niyang bigla.             “Thank you po pala, sir. Ingat po kayo sa biyahe.”             Tumango si sir. “Thank you. Stay safe.”             “Ah, sir, wait lang po.” Inabot ko sa kaniya `yong kanina ko pang binili na Bear Brand Sterilize. Mga apat na packs din no’n.             “Kailangan po n’yo `yan. Marami pa po kayong babasahin mamaya.”             “Right,” sabi ni sir pagkatapos niyang titigan `yong mga binigay ko. “Going tomorrow at my house?”             “Tingnan po natin kung hindi ako magiging busy bukas.”             “Then… can I have your number?”             Natigilan ako.             “If you just want it… I just want to check it out if you’re gonna be at my house tomorrow.”             Natawa ako. Ba’t ba nahihiya si sir na kunin `yung number ko?             Binigay ko na sa kaniya. Pagkatapos kong bitawan `yung Iphone niya, ang tagal niyang tumitig do’n bago niya s-in-ave sa contact number niya.             “Ah, gusto mo bang kunin---”             “Sir,” tumawa na `ko. “may number po `ko sa inyo. Binigay n’yo po `yun no’ng unang araw ng klase.”             Ayun, natulala si sir. Talagang nakalimutan na niya? Hindi ko nga binubura `yon kasi updated ako sa GM ni sir.             “s**t. Nakalimutan ko na `yong tungkol do’n.”             Tumawa na naman ako kasi napapikit na siya.             “Okay. Gonna text you once I got home. And I’d surely text you tomorrow if you’re gonna come by.”             “Sure po.”             May maliit na ngiti ro’n sa labi niya. “Thanks a lot, Joaquin Ysabella. I really… enjoyed this day.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD