Chapter 12
Of course
Sir Vergara:
Tuloy ka ngayon?
Mabilis kong ininom `yong coffee bago ko pinatong sa table. Nag-pokus ako sa message ni Sir Vergara at nag-reply na `ko kaagad.
Ako:
Yes, tuloy po tayo ngayon.
Sir Vergara:
All right. Nando’n pa rin sa bahay `yong books mo.
Ako:
Thanks po.
May pagkain kaya sa bahay niya? Sa pagkakakilala ko pa naman rito…
Sir Vergara:
Noted. Gonna pick you up later. Nasa review center lang `ko ngayon.
Ako:
Daan po pala tayo ng grocery mamaya, sir.
Sir Vergara:
Why? Gonna buy something?
Ako:
Opo.
Ang `di niya alam, dadaan kami ng supermarket para bilhin siya ng stock ng pagkain niya. Sobrang kakaunti lang ng stock niya roon. Oh, baka naman hindi talaga niya ginagawa. Pa’no kaya makaka-survive `tong si sir?
“Who’s that?”
Nag-angat ako ng tingin kay Billy. Aba, nakasimangot kaagad `tong isang `to, eh, kanina lang, agaw na agaw `yong atensyon niya rito sa SB sa lakas ng boses niya.
“My… guardian.”
At sumimangot pa lalo?
“Ah, okay.” May binulong pa siya pero hindi ko naman narinig.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng studio at nag-decide kaming lahat na kumain ng lunch sa BonChon. Hindi ko nga alam kung bakit ganito `yung ino-order namin, eh, dapat on diet kaming lahat. Cheat day na lang daw kasi sobrang `yong pagke-crave ni Pearl sa chicken. Sobra rin `yong pag-aalala ni Maddox sa kaniya.
Tumungo nang bahagya si Billy. “What’s your order, baby?” tanong ni Billy, nakangiti na ngayon. Ang bilis din mag-shift ng mood nito.
“Spicy chicken.”
“A’right.”
Nilingon ni Billy si Maddox. Kausap naman no’n si Pearl. Busy naman sa kaka-selfie si Nancy. Nagpu-foodstagram siya no’ng mga oras na `yon. Hindi ko rin masakyan `yong trip ni Nancy kasi out of personality ko na `yon. Masyadong makikay, pero tanggap ko siya.
“Hey, Maddox, you look pale s**t, dude. Hurry up! We need to f*****g order!”
Ang tagal din ng titig ni Maddox kay Pearl. Hindi naman siya pinapansin ni Pearl dahil ginugulo naman niya si Nancy.
Napasulyap na naman ako sa cellphone ko no’ng nag-beep. Si Sir Vergara ulit, nag-text.
Sir Vergara:
Do you wanna eat out later?
Napangiti na `ko.
Me:
No need na po. Kumakain na po `ko rito. Mauna na kayo, sir.
Sir Vergara:
Ok po.
Natawa tuloy ako. May po talaga?
Dumating na rin si Maddox at Billy, bitbit `yong mga tray na puno ng mga na-order naming pagkain. Tumabi si Billy sa `kin habang nasa gitna naman umupo nila Nancy `tsaka ni Pearl si Maddox.
“Eat a lot, baby.”
Imbes na ako `yung matanggal, si Billy na `yong gumawa, para raw ma-impress ako sa kaniya. Ang lakas din ng sapak nito, eh!
“Too whipped on her, Billy boy!”
Nag-taas `tong si Billy ng gitnang daliri niya kay Nancy na sobra namang makatawa. Ang kukulit ng mga `to!
Akala ko, hindi matatapos nang maaga `tong rehearsal ng Penshoppe. In-announce na nila no’ng isang araw na tatapusin nila nang maaga para raw makapag-pahinga kami. Ngayon ko talaga plinano na mag-grocery kami ni Sir Vergara.
No’ng lumabas na `ko ng building, pinuntahan ko si sir sa usual namin. Iyon naman din kasi `yong t-in-ext niya sa `kin.
“Kanina pa po kayo?”
Umiling si sir. Naabutan ko siyang nakasandal sa mamahalin niyang kotse habang naka-krus `yong mga braso. Lagi na lang akong napapahanga sa tangkad niya t’wing tutuwid siya ng tayo.
“Where we going?”
Ngiti lang `yong sinagot ko. Excited na `kong mag-grocery no’ng mga stock niya. At ako `yong maglalapag ng bayad, sa pagkakataon na `to. Bahala siya r’yang pumuti `yong buhok niya.
Pumunta kami ng WalterMart. Doon kami sa Supermarket Section. Habang naghihila na siya ng cart, kinuha ko na `yong listahan ko ng mga bibilhin.
Kunot `yong noo niya. “You readied for this?”
“Opo.” Ngumiti ako.
The buying now begins.
Una akong bumili sa pasta section. Since mahilig magluto-luto `tong si sir ng spaghetti, do’n ko piniling pumunta.
“Isa nito. At isa nito.”
Ayokong pansinin `yong paglalim ng kunot sa noo nitong katabi ko.
“Ito, sir? Fetuccini po tawag dito, `di ba?”
“Yes.” Nakataas na `yong kilay.
Nilagay ko ro’n sa cart na hila-hila niya. Ang sarap matawa sa reaksyon niya. Nag-iisip na `to, eh.
Sunod naming pinuntahan `yong vegetable section. Ang dami kong biniling gulay. Lahat, puro pampatalas ng memorya. Kailangan niya `yon kasi nag-te-take siya ng BAR.
“Ay, walang malunggay?”
“There’s no malunggay in here. Are you planning to buy it?”
Nagkibit na lang ako. Next time na lang. Dalhin ko rin `tong si sir sa palengke.
Next naming pinuntahan `yong meat section. Ang dami kong binili! Ang laki kasi ng ref niya. Sayang naman kung walang laman, `di ba?
“Tell me, Joy. Are you buying these all… for me?”
Sasagutin ko na sana siya kaso nakita ko naman `yong madalas kong binibili sa kaniya na Bear Brand Sterilized Milk.
“Madalas po kayong uminom nito, ah? Hindi rin po kasi maganda na puro kape.”
Ang hilig niya sa matatapang na kape. Tsk. Kaya siguro ganito `to palagi. Hindi nakangiti.
“I can’t do that. I need to be awake for a long period of time.”
“Ihalo n’yo na lang po `to sa iniinom n’yong kape. Mas okay po iyon… sandali, hindi n’yo po ba iniinom `yung mga binibili kong ganito?”
Kumislap `yong amusement sa mata niya. “Of course, I always drink it. Binili mo `yun, kaya, iniinom ko.”
“Good.” Tumango ako.
“Hey, you’re not still answering---”
Patakas kong kinuha `yong cart sa kaniya kasi magbabayad na `ko. Tumawa ako nang malakas no’ng nakita ko na siyang nakatulala. Ang sarap talagang asarin nitong sir.
“I didn’t say you’ll pay all of these, Joaquin Ysabella.”
Hindi ko siya pinansin dahil nagba-buckle ako ng seatbelt. Ang laki no’ng simangot niya.
“Isipin n’yo na lang, sir, ako naman `yong may pera ngayon, kaya ako naman `yong babawi.”
Nagbuga siya ng hangin. “So stubborn,” nagbulong pa.
Ang smooth no’ng biyahe bago kami makarating sa bahay niya. Nagtulungan kaming ipasok sa malaking ref `yong mga pinamili kong pagkain.
“Ayan, may stock na rin kayo, sir,” sabi ko, natatawa.
Inirapan niya `ko. “Next time, don’t pay for me.”
“Pag-iisipan ko rin `yan, sir, next time.”
Napailing na lang siya. Nagluto na si sir ng fetuccini pasta. Siya na nga `yong nagluto kasi sabi niya, ako raw naman `yong namili sa `ming dalawa. Hindi na `ko nakatanggi dahil ang determinado ni sir magluto.
Binuklat ko na lang `yong notes ko dahil gusto kong mag-advance reading sa isang major ko. Karamihan sa mga kaklase ko ngayon, naka-digital na `yong lectures nila. Okay rin naman ako sa digital kaso mas sanay akong nagsusulat. Ewan ko, mas nare-retain kasi sa `kin `yong information kapag ganitong klaseng technique `yong gamit ko.
No’ng nag-aya na si sir kumain, lumapit na `ko sa lamesa. Ang gaganda no’ng presentation na ginawa niya sa mga plato!
“Thank you po sa pagkain, sir.”
“You bought all of those, so why thanking me?”
Tumawa na `ko. “Sir, isipin n’yo na lang, madalas na rin akong nandito kaya kailangan, may stock ng pagkain.”
“How’s your figure? You told me before, you’re conscious with it because of their requirements.”
Sumubo muna ako ng pasta. Ang sarap talaga ng luto ni sir! “Madadaan naman po `to sa work-out.”
Tumango si sir.
No’ng medyo papabigat na rin `yong gabi, hinatid na `ko ni sir sa Maestranza. Wala namang ganap sa buhay ko no’ng dumating `yong weekdays. Normal na estudyante lang ako.
“Ang sabi mo sa `kin, Joy, pumupunta ka kina Sir Vergara kasi tinuturuan ka niya?”
Tumango ako bilang sagot. Nagkataon lang `tong pagkikita namin ni Donita. Nagkasalubong kami pagkalabas ko ng hallway sa DSSH. Niyaya ko siyang kumain sa Marketing dahil gutom na rin ako.
“Ano na’ng tawag mo kay sir?”
“Eh, di sir.”
“Gano’n?”
`Yong noo ko, kumunot na sa sinabi ni Donita, kasi may mali ba sa sinabi ko?
“Bakit?”
Nagkibit-balikat si Donita. “Wala lang… kasi na-i-imagine ko lang, parang ang awkward naman yata na gano’n pa rin `yong tawag mo sa kaniya, eh, hindi naman natin siya ‘sir’, ano.”
“Paggalang, Donita?” tumaas `yong kilay ko.
“Joy, minsan ka lang maging magalang sa tao.”
Loko `to, ah.
“Biro lang.” sumipsip si Donita no’ng Mountain Dew. “Pero, ikaw naman `yan.”
Bigla ko tuloy naalala `yong sinabi ni Sir Vergara na hindi ko na siya professor. Appropriate pa rin naman na tawagin ko siyang gano’n, tama? Alangan namang tawagin ko siya sa pangalan niya. Baka, isipin no’n, sobrang pa-close ko.
“Thank, God, you’ve finally come with us, baby.” May ngisi na ro’n sa labi ni Billy habang akag-akag ako sa loob ng club.
Ang kulit din kasi. Eh, oo nga naman, minsan ko lang din pagbigyan `tong lalakeng `to kaya sige na, pumayag na `ko na sumama.
“Whatever.” tumawa na rin ako.
Nagpaalam na `ko kay Sir Vergara na hindi ako makakasama sa bahay niya ngayon. Sinabi ko sa kaniya na kasama ko sina Billy. Okay lang daw naman kay sir.
Ang ingay pala sa loob ng club! Kasama ko si Cris. Sina Nancy, Pearl, at Maddox, hindi na sumama kasi gusto naman daw nilang magpahinga. Sumama lang ako rito kay Billy kasi gusto ko rin mag-loosen-up. Medyo toxic iyong isa naming major.
“Ang daming guwapo, frenny!”
Wala namang kaso sa `kin na sumigaw rito sa club dahil nga, maingay. Kaso, nakaka-distract din `tong pagtitili ni Cris sa mga AFAM na nakikita niya. Gusto rin naman niya, kaya wala ako sa posisyon na pigilan siya.
“Hey, bro! Wazzup?”
Ang dami ring kaibigan nitong si Billy. Para ngang kilalang-kilala siya rito sa club na `to. Kahit na `yong sikat na mga artista, binabati siya. Iba rin `yong impluwensya nitong isang `to.
“Sit here, ladies.”
“Ay, frenny! Lady na rin ako!”
“Oo na, Cris. umupo ka na kaya?”
Nauna na `ko dahil mas inuna pa niyang magtitili.
“You know what? Panira ka rin, frenny, eh. Lady na tawag sa `kin, eh.”
Inirapan ko nga pero nakangisi na `ko. Bahala siya diyan.
Tumawag si Billy ng waiter. No’ng tinignan ko `yung mga taong nagsasayawan, nakakaenganyo rin na maki-join. Nasa legal age naman na `ko kaya puwede na, feeling ko.
“Nah, baby. You stay here. Just drink these mild drinks.”
Sayang naman! Iyong kakaibang kulay `yong kinuha ni Cris habang juice naman `yong binigay sa `kin ni Billy.
“There’s an alcohol content in there, but just a bit. I don’t want my lady to get drunk.”
`Sus, hindi naman ako malalasing. “I can get easily drunk, Billy.”
“Really?” mukha siyang nasorpresa sa sinabi ko. “Did you drink before?”
“No.”
Tumawa na siya. Napasimangot ako no’ng ginulo niya `yong buhok ko!
Habang sumisimsim no’ng alak, napatingin na naman ako sa mga sumasayaw. Parang ang sarap ding maki-join.
“You really wanna join?”
Tumango ako sa nakataas na kilay na si Billy. Maya-maya, nagkibit-balikat na siya. “A’right. Finish that, we’re gonna dance.”
Yehey! Um-order pa ako ng dalawa pa no’ng juice na `yon. Wala na si Cris dahil nakihalo na siya sa isang afam na na-meet niya habang umiinom kami. Inaya siyang sumayaw.
Mabilis kaming pumagitna sa dagat ng mga tao dahil hinahabol namin `yong tugtog. Ang ganda no’ng pinapatugtog no’ng DJ.
“You’re f*****g enjoying this, baby?”
Tumango ako. “Yeah! Let’s go here if we have some time, huh?”
Pinanood niya `ko nang matagal na sumasayaw bago nakangising tumango. “Of course. Anything for my baby.”
Buong pagka-club namin, hindi ako pinabayaan ni Billy. Kahit na ang daming girls na inaakit siya, grabe `yong bantay niya pa rin sa `kin.
“Let’s go here again here, Billy!”
Tumango si Billy, tumatawa pero medyo nahihirapan sa pag-akay kay Cris. Ang bilis malasing ni Cris! Mabuti, to the rescue kami kasi balak na niyang sumama ro’n sa afam na nakilala niya!
“Johnson, baby, I’m here! Let’s go f**k me hard!”
Tumawa na `ko habang pinapanood na madulas si Cris sa hawak ni Billy. Napakamot naman sa batok `tong si Billy. Jusko `yong hitsura ni Cris.
Kinuha ko `yung cellphone ko sa pouch. Umiikot na `yong paningin ko, Mabuti na lang, naka-dial na `ko ng number.
“Hello.”
Ang lamig ng boses, ah?
“Raven!”
Nakita kong napalingon sa `kin si Billy. Wala na `yong ngiti ro’n sa labi niya `tapos ang seryoso pa. `Problema no’n?
“Joaquin Ysabella?”
“Nasa’n ka?” bumungisingis ako.
“Nasa bahay. Where are you?”
Tumawa na `ko. “Nasa club! Kasama ko si Billy. Sunduin mo `ko, please?”
“Where’s that club?”
Sinabi ko sa kaniya kung ano’ng name no’ng club.
“Okay. Stay there. Nandiyan pa naman kayo ng mga kasama mo, tama?”
“Oo! Wait kita rito, ha?”
“Fine.”
“Yown! Thank you, Raven!”
Ang laki ng ngisi ko no’ng binaba ko `yung tawag. No’ng tinignan ko na ulit si Billy, ang sama na no’ng tingin niya sa phone ko.
“So, you’re planning to pick you up here?” ang seryoso no’ng boses niya.
“Yes, Mr. Adams.” Tumawa ako. No’ng sinulyapan ko na naman si Cris na nagpapadyak na sa kalasingan, tumawa na naman ako.
Nagbuga siya ng hangin. “All right. We just have to wait first for your guardian, okay?”
“Okay!”
Hindi naman nagtagal, sumulpot din `yong mamahaling kotse ni Raven. Pagkababa niya, sinalubong siya ni Billy `tsaka kinausap. Medyo nangangalay na `ko sa pagtayo, ha? Suot ko pa `yong mataas kong heels dito. `Tapos ang lamig pa. Medyo manipis `yong damit ko kasi sabi ni Billy, kailangan, medyo exposed `yong damit.
Tumuwid kaagad ako ng tayo no’ng nilapitan na `ko ni Raven. Kanina pa kasi pagewang-gewang `yong lakad ko.
“Let’s go.”
Sumama na `ko sa kaniya. Hindi naman niya `ko hinila pero nando’n `yong pag-alalay niya sa `kin. Kinawayan ko `yong dalawa nang masaya.
“Next time again, Billy boy! I enjoyed!”
“All right, Joy.”
Dahan-dahan akong sinakay ni sir sa unahan no’ng sasakyan niya. Nauntog pa nga `ko pero hindi naman masakit. Tumawa ako no’ng narinig ko `yung pagbuga ng hangin ni sir sa gilid ko. Tatanda talaga `to sa `kin nang `di oras!
“You really enjoyed the party.”
“Yes, Raven!” tumawa ako. “Kung nakita mo lang `yong hitsura ni Cris, matatawa ka talaga. `Tapos, sumayaw kami ni Billy! Na-enjoy ko talaga!”
“You danced with him?” naging seryoso `yong boses niya.
“Yes!” humarap na `ko sa kaniya. “Sayaw rin tayo, ha? Ha, Raven?”
“So now, you’re calling me on a first name basis.”
Napa-pout ako. “Oo naman. Ayaw mo ba?”
Tumingin nang diretso si Raven sa kalsada. Maya-maya rin, may kaunting ngiti na sa labi niya.
“Of course, I want to.”
“Okay!” pumalakpak na `ko. “Raven na itatawag ko sa `yo, ha? Raven Vergara, puwedeng pa-mine na lang?”
“What?”
Halos mahalikan ko `yung dashboard no’ng prumeno siya bigla!
Tumawa na naman ako. “Wala!” nagpungay `yong mga mata ko `tsaka humikab nang malalim.
“Good night, Raven… ang ganda ng pangalan mo…”
Iyon `yong huling sinabi ko bago pumikit `tsaka natulog nang mahimbing.