Chapter 13

3964 Words
Chapter 13 Raven Kung nasa bahay lang ako, matutulog pa `ko nang mapayapa at hindi ko papansin `yong bardagulan ni Cara `tsaka ni CJ.             Kaso, no’ng naramdaman kong ang lambot ng kamang hinihigaan ko, napabalikwas kaagad ako ng bangon!             Pota!             Nanlalaki `yong mga mata ko `tapos napahawak pa `ko sa dibdib ko! Kaagad, mabilis kong iginala `yong paningin ko kasi pota, hindi ko alam kung nasa’n na `ko. Malay ko bang may---`yung puri ko!             Nakahinga ako nang maluwag. Wala pa naman akong naramdaman. Diyos ko, salamat po!             Okay, balik sa nangyayari… nasa’n ba `ko?!             Sa kakatingin ko, `tapos ang sakit pa no’ng ulo ko dahil namimintig na siya, do’n ko lang na-realize na nandito na pala `ko sa bahay ni Raven. Malay ko naman kasing nandito pala `ko. At kaya ko rin hindi na-realize kaagad, eh, dahil nandito pala `ko sa kuwarto niya… s**t!             Ang bilis ng pagkakatalon ko! `Tapos, no’ng nakita ko pa `yung sarili ko sa salamin, napapikit na `ko sa sobrang kahihiyan! Naka-tube pa pala `ko! `Tapos, naka-skirt! Ano’ng kahihiyan `tong pinaggagawa ko sa sarili ko?!             Huminga ako nang malalim para kumalma. Kailangan kong mag-isip. Ito na `yung pangalawang beses na nakatulog ako sa bahay ni Sir Vergara. Maiintidihan ko pa `yung una, eh. Kaso `tong pangalawa na? Parang gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan.             Nakakagulat. Wala nang bakas ng make-up `yong mukha ko. Mas lalo ko lang yatang gustong lumubog. Malamang, si Sir Vergara `yong nagtanggal no’n!             Pota naman talaga, Joy!             Sinuklay ko `yung buhok ko gamit no’ng mga daliri ko. Sa baba na lang ako magmumumog. Nakakahiya namang magbanyo kay Sir… jusko.             Kaunting pagpag pa sa damit at bumaba na `ko. Ang ingat pa ng lakad ko kasi iniisip kong natutulog pa siya. Ang galing ko! Hindi ko pa maalala `yong nangyari kagabi kasi knock-out kaagad ako sa kalasingan, pero tingin ko, pinapunta ko siya. Pinapunta ko siya na nagre-review pa siya… ang galing ko sa bagay na `yon!             Tama nga `yung hula ko. Naabutan ko si sir sa sala na nakapikit, suot pa `yung specs niya. Ang lalim ng tulog din nito, `tapos ang kalat pa ng law books niya `tsaka mga reviewers niya.             Napailing na lang ako.             Maingat kong isinara `yong mga libro niya `tapos nilagay ko sa tabi. Tiniklop ko `yung page kung saan siya natapos kasi baka magwala `to dahil ginalaw ko `yung mga ni-review niya.             Tinignan ko `yung posisyon ng pagkakatulog niya. Nakaangat `yong ulo na nakasandal `yong leeg `tsaka `yong likod sa headrest. Gusto ko sanang ipahiga siya kaso baka magising. Nakakangalay naman `yong posisyon niya.             Hindi ko rin naman siya inistorbo. Pumunta na kaagad ako ng kusina niya. Heto na naman ako sa isang edisyon ng pakikipaglaban sa mga equipment niyang napaka-automatic.             Dahil marami siyang stock ng pagkain ngayon, pinili kong gumawa ng champorado. In fairness, nagsasaing na rin siya. Habang nagluluto rito, saka ko lang naalala na oo nga pala, i-check ko nga pala `yong phone ko. Malamang, nag-aalala na `yong mga kapatid ko. Makakalusot naman ako roon. Pati na rin kina Billy, kailangan ko rin silang tawagan.             Pagkatapos ng pakikipaglaban sa kusina niya, tinikman ko na `yung niluto kong champorado. Papasa na rin siguro `to.             Lumapit na `ko kay Sir Vergara. Ang himbing pa rin ng tulog niya, kaya marahan ko siyang niyugyog.             “Joaquin Ysabella?” sabi niya na nakakunot pa `yong noo `tapos medyo bukas pa `yong mga mata.             “Yes, sir!”             Ang kapal din ng mukha kong humarap sa kaniya nang ganito na parang walang nangyari. Ayos!             “Bakit po, sir?”             Ang tagal naman akong titigan nito. Bakit kaya?             “S-sir?” malat pa `yong boses niya.             “Opo.” Nawi-wirduhan na `ko sa kaniya. May mali ba sa pagtawag ko? “Okay lang po kayo, sir?”             Nakatitig lang siya bago sumagot. “Nothing.”             Ang lamig na ng dating ng boses niya. Umayos na siya ng upo, `tapos nagtanggal din siya ng specs. Kinusot niya `yong mga mata niya bago binalik `yong tingin sa `kin. “Aren’t you feeling cold?”             Napatingin din ako sa suot ko. Doon lang bumuhos sa akin `yong pagkailang ko sa suot ko. Wala namang malisya sa tingin ni sir, kaso…             Tumikhim na siya, nag-iwas kaagad ng tingin. “I have a new shirt at my closet. You can borrow it for the meantime.”             “Hindi na po, sir---”             Tumikhim na naman siya. “The rain poured a while ago, that’s why I was asking you if you’re feeling cold.”             Magsasalita pa sana ako kaso tumayo na si sir at iniwan ako ro’ng nakatanga sa kinatatayuan ko! Ba’t gano’n? Ang agang-aga, ang sungit kaagad!             Habang hinihintay siya ro’n sa kuwarto niya, nilapitan ko `yung bag ko na nasa tabi no’ng couch. No’ng nahanap ko na `yung phone ko, bumulaga kaagad sa notification ko `yung missed calls at texts no’ng mga kapatid ko pati na rin kina Billy `tsaka Cris!             Grabe, ano ba kasi `yong nangyari kagabi?! Ang bilis ko namang tamaan ng alak, eh, kung tutuusin, naka-juice pa `yon!             Hindi ko muna binasa lahat. Tinawagan ko na kaagad sina CJ kasi alam kong nag-aalala na sila sa `kin.             “Hello---”             “Grabe ka, ate! Kanina pa kami nag-aalala sa `yo!”             Ang bilis kong mapapikit sa sigaw ni CJ! `Tapos, hindi lang basta sigaw. May halong galit! Gano’n ba `ko katagal nag-MIA?!             “Pasensya naman.” Napangiwi ako `tapos nilapit ulit sa tainga `yong phone ko kasi grabe naman `to makasigaw!             “Pasensya. Kanina pa kami nag-alala sa `yo rito. Si Cara, hindi na halos makatulog kasi wala ka man lang text?”             “Na-lowbatt kasi ako.”             Ang pinaka-epic fail na dahilan.             “Nasa’n ka ba?”             Nasa bahay ni Sir Vergara.             “Nasa quarters.” Hininaan ko `yung boses ko para medyo convincing. “`Tulog pa `yong mga tao rito.”             “Talaga?” paninigurado niya.             “Opo. Nag-almusal na ba kayo ni Cara?”             “Hindi pa. Tulog pa si Cara. Pinuyat mo. Magpaliwanag ka sa kaniya, mamaya.”             Galit na galit?             “Opo, Kuya CJ.”             “Kumain ka na ba?”             “Kakain pa lang. Sige na. Pauwi na rin ako mamaya. Ingat kayo diyan.”               “Ikaw `yong mag-ingat. Ikaw `yong nasa labas, eh.”             Napairap ako. Ang susungit ng mga tao ngayon, ah.             Sunod kong tinawagan si Billy.             “Hey, baby. How are you?”             “Sorry for making you feel worried about me, Billy.”             “No need… just worried if your guardian brought you to your house that safe. You’re kinda drunk yesternight.”             “Yes, I’m fine and safe as sound.”             “Good… did you enjoy the clubbing, baby?”             “Of course! We should do it when we’re free.”             “Sure. I’m always gonna join you, baby.”             “Thank you!”             “Welcome.”             Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko, galit na sa `kin si Billy kasi ang dami niyang missed calls. Huli ko nang tinawagan si Cris. Kaso, hindi pa `ko nakakapagsalita, nilayo ko na kaagad `yong phone ko dahil ang lakas no’ng boses niya!             “Frenny! Kaloka ka, girl! `Di na kita natawagan!”             “Huy, Cris, maaga pa. Ang lakas ng boses mo.”             “Ikaw naman kasi, bakla! Grabe ka. Buong sambayanan ng kabaklaan, pinag-alala mo!”             Napasulyap ako nang makita ko na si Sir Vergara na lumalapit sa akin. “Ito na nga. Napatawag na nga `ko para hindi ka na mag-alala.” “`Uy, frenny, `yong nagsundo sa `yo…” Napakunot-noo ako no’ng narinig ko `yung kakaibang pagngisi nitong si Cris. Ano’ng pinag-iisip nito?! “Ano?” “Nadiligan ka na ba---” Pota! Mabuti, naibaba ko na `yung tawag! Mamaya sa `kin si Cris! Halos hindi ako makatingin kay Sir Vergara dahil sa bastos na bibig ni Cris! “Problem?” Ang init ng pisngi ko! Humanda talaga sa `kin si Cris! Gago, ampota. “W-wala, sir. Wala po.” Ngiwi `yong ngiti ko. Ang lalim na naman no’ng kunot sa noo niya. Meron yata `tong tao na `to ngayon. Araw-araw ba `tong may menopause? “Let’s eat. Lumalamig na `yong niluto mo.“ inabot niya sa `kin `yong puting t-shirt niya. “You can change your clothes first. I’m gonna wait for you.” “Thank you po,” sagot ko, sabay kuha no’ng damit. Sa CR, ang init pa rin ng pisngi ko! Umaalingawngaw `yong matinis at nakakairitang boses ni Cris sa isip ko! Ang bastos ng bunganga, kainis! Teka, sa pagkakaalala ko, langong-lango `yun sa alak, ah? Pa’no niya nalaman na sinundo ako ni sir? Inayos ko `yong sarili ko. Ang laki ng t-shirt pero pinanloob ko `yung tube kong damit. Hindi naman siya halata kasi makapal `yong tela. Naka-imprenta ro’n sa damit `yong pangalan ng isang sikat na school. Malamang, dito nag-aral ng law si sir. No’ng lumabas na `ko, naabutan ko si Sir Vergara na nagtitimpla ng kape. Nakahinga ako nang maluwag no’ng hinalo na niya `yong binili ko `yung gatas. Mabuti naman, hindi siya nagpasaway. Ang tahimik namin habang kumakain. Hindi ko maistorbo si sir dahil tutok na tutok siya sa binabasa niyang memory aid. Sinabi niya sa `kin na `yon `yung tawag do’n sa pinag-aaralan niya kapag ayaw niyang magbasa ng libro. Ang tiyaga rin ni sir dahil kahit na kumakain, nagbabasa pa rin siya. Minsan, naiisip ko, nagkaka-burn-out din kaya `to sa pag-aaral? “Ako na po `yung maghuhugas ng mga plato, sir.” Aba, hindi man lang siya tumanggi, this time! Ni hindi nga niya `ko pinansin, eh. Ang seryoso naman talaga nito masyado. Hinayaan ko na siya kasi baka kailangan talaga, focus siya roon. No’ng mga alas-nueve, umalis na rin kami. Nag-stop-over lang kami sa 7/11 dahil may bibilhin lang daw siya.             “Drink this.”             Nasorpresa ako ro’n sa inabot niyang maliit na paperbag. Pagbuklat ko, puno ng teabags!             “Sir, hindi n’yo po kailangan na---”              “I don’t know how strong the alcohol content you’ve drunken the last night, but you still need this to soothe your senses.”             Nginitian ko na siya. “Thank you po, sir.”             Tumango lang siya `tapos pinaharurot na `yong sasakyan papuntang Maestranza. May nakita pa `kong paper bag do’n sa likod namin. Ah, baka bumili siya ng snacks niya?             “Don’t drunk that much again. Oh, kung iinom ka, just drink moderately.”             Nakakatawa dahil binibilinan niya talaga `ko bago ako pumasok ng apartment. Hindi man lang din siya nakangiti.             “Sure, sir.”             Bibilhan ko nga `to ng maraming chocolates para naman maging hyper `yong buong buhay niya.             “Uh, bakit po, sir?”             Hindi pa kasi siya umaalis. Ang tagal pa niyang nakatitig sa `kin. Nanunuot hanggang balat.             “Do you remember anything happened the last night?”             Natigilan kaagad ako.             Napailing na siya. “Nevermind. See you next time. Take care. Anyway…”             Nagtaka na naman ako sa inabot niyang supot sa akin. Tinignan ko ulit siya.             “Chocolates and snacks for Cara and CJ. Take care again.”             Buong araw, `yun `yong nasa isip ko. Ano ba’ng pinagsasabi ko kagabi?! Kahit nga na pinapagalitan ako ni Cara `tsaka ni CJ, hindi ko pinapansin kasi occupied ako ro’n sa sinabi ni sir. Pota, baka may ginawa na `kong katarantaduhan!             Mukha rin namang wala, kasi kung meron, kanina pa `ko pinagalitan ni Sir Vergara. Ano ba kasi `yun?!             “Ayan, pa-tea-tea ka na ngayon. Inom pa more.”             Baligtad na yata `yong mundo ngayon. Mga bata na `yong naninita sa mga ate nila. Grabe naman akong pagalitan ng dalawang `to! Lalo na `tong si Cara. Parang nanay kung pagalitan ako, eh!             “Wala naman ngang nangyari sa `kin. Okay lang ako.”             Hindi talaga sila naniniwala? Napailing na lang ako at sumimsim ng tsaa. Tama nga si Sir Vergara. Nakaka-relax nga `tong tsaa.             “Ano’ng oras `yong pasok mo, ate?” tanong ni CJ.             “Mga dalawang oras pa naman. Pero maaga akong aalis baka kasi traffic na, mamaya.”             “Magkikita ba kayo ni Kuya Raven? Ay, Sir Vergara pala.”             Ayos din `tong si Cara, ah. Bumabait na kapag si Sir Vergara na `yong hinahanap, pero sa `kin, ang sungit?!             “Oo.”             Wala pa nga palang alam `tong mga batang `to na nando’n ako sa bahay ni Sir Vergara pagkatapos ng modeling.             “Pasabi po sa kaniya, dalaw po siya rito, ha, ate? Sabihin mo, ate, ha?”             Um-oo na lang ako kahit na minsan, nagseselos na `ko dahil ang unfair ng treatment nila sa `kin, ha! Kapag kay sir, akala mo kung sino’ng mababait, pero sa `kin, hindi?! Ako `yung panganay na kapatid nila rito, ha.             Maaga pa naman akong nakarating sa building ng RECO. Nag-text sa `kin si Sir Vergara kung pupunta ako sa kaniya. Sabi ko, hindi na muna dahil mukhang mahaba `yong practice namin ngayon. Isang linggo na lang kasi, Penshoppe Fashion Week na. Iniisip ko pa lang, na-e-excite na `ko!             “Frenny!”             Muntik ko nang bangasan si Cris no’ng papalapit na siya sa `kin. Akala niya, nakalimutan ko na?!             “Grabe ka, frenny! Ang amazona mo talaga!”             “Ikaw! `Yang bibig mo, pinapahamak mo `ko!”             “Bakit ba?!”             Nag-iinarte pa?!             “Ano’ng diniligan?! Gago! Sir ko `yun!”             Enjoy na enjoy pa `tong si Cris sa lakas ng tawa niya! Mas lalo akong naiirita, buwisit!             “Kasi naman, frenny, kahit na lango ako sa alak, sobrang alalay naman ni guardian sa `yo! Mas guwapo pa siya sa afam na crush ko kagabi!”             Umiwas siya no’ng aambahan ko na ng batok! Mabuti, kakatapos pa lang namin ng rehearsal namin. `Yong buwisit na pinipigilan ko, ngayon ko lang nailabas lahat!             “Tumigil ka nga diyan. Malabo `yang iniisip mo.”             Ngumisi si Cris na nang-iirap. Tutusukin ko na ng kutsilyo `yang eyeballs niya, eh! `           “`Di ka sure, frenny! Ang dami ko nang naririnig na ganiyan!”             “Ako, sure. Sure na `kong mapapatay na kita kapag hindi ka pa tumigil!”             Nagtitili na siyang umaarte. No’ng lumitaw si Billy, aba, tumakbo `tapos yumakap pa. Partida, topless pa si Billy, ha? Ang kapal talaga!             “Billy, baby, save me from that Amazona! She’s harsh!”             “Harsh mong mukha mo.” Inirapan ko nga sa inis ko.             Ngumiti si Billy, nag-iiling bago lumapit sa `kin. Tinawanan ko si Cris na iniwanan niya roon. `Buti nga.             “How are you, baby? Did that old man take care of you?”             “Old man?” napakunot pa `ko, si Sir Vergara lang pala `yong tinutukoy niya. “Oh, yes. He took care of me.”             Kumuyom `yong panga niya bago tumango. “Good then.” Ngumiti na siya. “Let’s have a break. My treat.”             “Seryoso `yan?” natawa na `ko kasi minsan lang `tong mag-aya, eh.             “Kasama ba `ko diyan, Billy?” singit ng mahaderang si Cris.             “Yes,” sabi ni Billy pagkatapos tumango kay Cris. “C’mon. Nancy, Maddox, and Pearl are also coming.”             “Sure!”             Lumabas na kami sa studio. Naabutan pa namin sina Nancy na nag-uusap sa labas. Pumunta kami ng SB para mag-relax.             “Hey, baby! I heard Billy took you out for clubbing. How’s he toxic as a drinker?”             Nag-taas kaagad ng gitnang daliri si Billy kay Nancy. Halata naman kasi nang-aasar si Nancy kay Billy base na rin sa pagngisi niya nang mapang-asar.             “He’s not, actually. Billy’s the one assisted us when we all got drunk.”             “Really?” umarteng nag-oh si Nancy. Inirapan naman siya ni Billy. “I couldn’t believe Billy could be not that f*****g wasted.”             Humalakhak na si Maddox pati na rin si Pearl. Pansin ko `yung dami ng pagkain sa plato ni Pearl pero nagkibit na lang ako. Hindi ko  naman concern `yun.             “Ang sweet nga sa `kin ni Papa Billy. Siya `yong naghatid sa `kin, mars, sa mga kapatid ko!”             Mayabang na ngumiti si Billy kay Nancy habang `tong si Nancy, tumawa na naman nang malakas.             “So, Billy’s the chaperon here, huh? How poor of you, dude.”             “Shut the f**k up! It’s Maddox fault.”             “What the f**k?” nagtaas na ng kilay si Maddox. Ngumisi na si Pearl. “Why me, bro?”             “I told you to come with me, but you turn the f**k me down. Now, who’s the fucker here, bro?”             “I told you I don’t wanna be your chaperon and I don’t have plans of cleaning your mess up!”             “Whatever, you f*****g loser!”             “Whatever you, too, you f*****g pikon!”             Ang ingay na nila pagkatapos. Nagbabardagulan na silang lahat habang kami ni Pearl, tinatawanan lang silang tatlo.             Natapos din `yong mahabang rehearsal na `yon. Ang sakit na ng mga paa ko, pero worth it naman. Ang galing din kasi ng trainer namin. Kailangan ko lang din maging strict sa diet ko dahil `yung mga ipapasuot sa `king mga damit, nasa pang-twenty-four inches `yong baywangan.             Hindi na kami nag-club ngayon kahit na gusto pa namin. Inalok ako ni Billy na ihatid sa Maestranza pero hindi ako pumayag. Lahat kasi kami, pagod lalo pa’t gabing-gabi na. Makakatulog naman ako sa biyahe, eh.             Pero hindi pa `ko nakakapaglakad papuntang terminal, nakita ko kaagad si Sir Vergara na nakatayo doon sa usual na pinaghihintay niya sa `kin.             “Sir! Ano po’ng ginagawa n’yo rito?”             Tumikhim siya pagkatapos umayos ng tayo. “Kakatapos lang ng review namin. Inisip ko na baka nandito ka pa.”             “Sana po, t-in-ext n’yo `ko. Nakakahiya, baka kanina pa po kayo naghintay rito.”             Isang maliit na ngiti `yong tumakas sa labi niya. “It’s all right. Nagbaka-sakali lang naman ako. Kadalasan din naman, ganitong oras natatapos `yung rehearsal n’yo.”             “Kumain na po kayo?”             “Yes.”             Sinungaling din ng isang ito. “Kumain muna po tayo sa McDo, ayos lang po ba?”             Tatanggi pa sana si Sir Vergara kaso dahil mas matigas `yong ulo ko, ako `yung nasunod. No’ng nando’n na kami, tiniyak ko talagang ako `yung magbabayad ng pagkain dahil wala akong balak na akuin na naman niya `yong bayarin. Nasasanay rin `tong maging mabait sa `kin, eh.             “Hindi ka um-order ng iyo.”             “Busog na po `ko, sir. `Tsaka, kailangan ko pong mag-loss ng weight dahil po malapit na `yong fashion week.”             Ako na `yung naglapag ng mga pagkain na binili ko para sa kaniya. Natatawa na `ko kasi naman! Ang laki ng simangot niya!             “You’re making me look like a child.”             “`Di naman, sir. Isipin n’yo na lang, bored po `ko kaya ko `to ginagawa sa inyo.”             “That’s a weird kind of boredom activity, then.”             Tumawa na naman ako.                        “We could just have ordered via drive thru, Joaquin Ysabella.”             Tinaasan ko na siya ng kilay. “Seryoso ka po diyan, sir? `Di n’yo ma-e-enjoy `yong pagkain kapag nagmamaneho kayo. Gusto n’yo bang subuan ko kayo?”             Nasamid na kaagad siya, eh, hindi pa nga siya ngumunguya?             Naghanap kaagad siya ng tubig kaya inabot ko `yung binili naming bottled water sa 7/11. Mabuti na lang, naisipan kong bumili!             Umubo siya `tapos nag-iwas ng tingin. “What. The. Hell?”             Ano raw? Hindi ko narinig `yong sinabi niya.             Kinuwento ko sa kaniya `yong mangyayaring fashion show. Ang tahimik lang niyang nakikinig, pinapanood ako sa pagkukuwento ko.             “Invite kita, sir, ha? May scheduled review ka ba no’n?”             “Wala.” Lumunok siya. “I can schedule my review after your show. That’s still important.”             “Ay, sandali, sir. Baka naman, busy kayo no’n,” natatarantang sabi ko kasi malay ko kung may gagawin siya no’n? Nakakahiya, maistorbo ko pa siya. Hindi ko man alam nang todo, pero, sa review na ginagawa niya, nararamdaman ko kahit papa’no kung gaano kahirap `yung BAR exam niya.             “There’s nothing wrong, believe me, Joaquin Ysabella. I want to also support you.”             Lumawak `yong ngiti ko. “Salamat po, sir.”             Tumango siya.             “`Nga po pala, gusto ng mga bata na pumunta ulit kayo sa bahay. Natuwa po sila ro’n sa pasalubong n’yong chocolates. Nagpapasalamat sila.”             “Welcome.”             Tumango naman ako. “Natawa pa nga `ko kay Cara kasi tinawag ba naman kayong Kuya Ra---”             Ang bilis ng pagkakaalala ko. Sa isang iglap, biglang sumigaw sa isip ko `yung sinabi ko kay---pota! Naalala ko na… baka `yun `yung gusto niyang sabihin sa `kin!             “What?” `Yong noo niya, gusot na.             “W-wala, sir, wala po.”             Pota, tinawag ko si Sir Vergara na Raven! s**t! Kung no’ng isang araw, parang gusto kong lumubog, ngayon, parang gusto ko nang mag-disappear kaagad! Ano’ng kagagahan `yong pumasok sa isip ko para tawagin siyang gano’n?! Pota, hinding-hindi na talaga `ko iinom! Hindi na talaga!             Ang tahimik ko buong biyahe. Ayokong magsalita kasi pahiyang-pahiya na `ko rito. Baka bukas, wala na `kong mukhang maiharap kay sir. Sobrang nakakahiya `yong ginawa ko. `Tapos, ano?! Sinabihan ko pa siyang pa-mine?! Buwisit!             “Are you okay?”             Hindi na yata siya nakatiis kaya tinanong na niya `ko pagkababa namin sa kanto. Pa’no ko ba masisimulan na naalala ko na `yung sinabi ko sa kaniya?             “Ah, sir, naalala ko na po `yung nasabi ko,” binilisan ko na `yung pagsasalita kasi pota, ang lakas ng kabog ng dibdib ko! “Sorry po talaga, sir, sa lahat ng mga sinabi ko. Pasensya na po kung natawag ko kayo sa pangalan n’yo. Sorry po sa mga pinagsasabi ko, sir, kasi nasa impluwensya lang po `ko ng alak no’n. Sorry po talaga, sir, sorry.”             Kulang na lang, lumuhod na `ko kasi hiyang-hiya na `ko!             “You… don’t need to say your apologies.”             “H-ha?” napatulala na `ko. Amuse na amuse siya sa `kin ngayon, ah?             “It’s okay if you always call me as your sir… but I don’t mind more if you’re gonna call me… by my name.”             Oo nga naman. Ang tagal na ring hindi ko na siya naging professor. Wala namang masama na tawagin ko siya sa pangalan niya, tama?             “Parang masyado namang pa-close no’n, sir,” idinaan ko sa biro `yong kaba sa dibdib ko.             “I don’t mind, I told you.”             Humugot ako ng hininga. “Then, okay, Raven. Raven na `yong itatawag ko sa `yo, simula ngayon.” Ang sikip na ng dibdib ko.             Ang tagal umawang ng labi niya bago siya ngumiti nang malapad. Napailing siya. “Thank you for that, Joaquin Ysabella,” bulong niya.                                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD