Chapter 14

4192 Words
Chapter 14 Proud “Uy, ano? May progress na ba?”             Tinaasan ko ng kilay si Yllena. “Ano’ng progress ka diyan?”             “May progress sa inyo ni sir.”             Makahagikhik `to. Ano nama’ng akala nito? Na may something sa `min ni sir?             “Puwede ba, nag-aaral lang kami?”             “Duh!” inirapan ako ng bruha. “You can’t just tell me you both studying. Ano, buong araw kayo nag-aaral?”             “Ayan. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga katulad mong advance mag-isip.”             Inirapan ko nga. Ba’t ba ganito `yung pinag-iisip ng mga taong nasa paligid ko? Ano ba’ng akala nila sa `kin, madaling magkagusto sa lalake?             “And hindi umuunlad ang mga babaeng katulad mo kasi hindi ka lumalandi. Pinapalagpas mo `yung pagkakataon. Grasya na, in-ignore mo pa. May gad, Maria Joaquin Ysabella!”             “Wow, ha!”             Bruhang Yllena, tinawanan pa `ko?! Ang daming oras nito ngayon, ah, kaya pasama-sama na siya ngayon sa `kin sa canteen. Si Donita lang `yong hindi namin kasama.             “Nasa’n nga pala si Donita?”             “I-I can’t take what her family wants in on her.”             Nawala `yong ngiti ko no’ng sumeryoso `yong boses ni Yllena. Naamoy ko `yung problema.             “Bakit?”             “Her family forbids her to see Justice. Even us. Pinalalayo siya no’ng mga kapatid niya sa `tin.”             Napataas ko `yung kilay ko. “Bakit pati sa `tin?”             “We’re bad influencer.”              “Wow.”             At saang part kami naging bad influencer? Hindi ko ma-gets! Hindi ba nila alam na hindi na namin nakikita si Donita?! Lalo na `ko personally, kasi busy na `ko sa trabaho `tsaka sa pamilya? Kaya saang banda na na-bad influence namin siya?!             “Oh, oh, just calm down, `beb. Para ka namang manunugod diyan sa hitsura mo.”             “Kasi, hindi ko sila ma-gets!”             “Huy, kalma.”             Napairap ako kay Yllena. Napapaypay ako sa sarili ko kasi nakakabad-trip!  Kami ba `yong dahilan kaya nagka-gano’n `yong anak nila? Besides, may choice `yong anak nila na piliin si Justice. Alam naman siguro ni Donita `yong tama `tsaka mali. Kung ayaw nila kay Justice, bakit hindi nila i-explain nang maayos sa kaniya? Sagot ba `yung papalayuin si Donita sa `min?!             “Kaya tayong may maayos na love life, we should grab the opportunity to be happy!”             “Ah, kaya pala ang saya mo.”             “Of course!”             Napaawang `yong labi ko no’ng itinaas na niya `yong pala-singsingan niya.             “Engaged ka na?”             “Yes! Do’n sa lalakeng ipapakasal sa `kin.”             “And it’s okay for you?”             “Oo naman!” inalis na niya `yong kamay niya. “I’m planning to settle down after we get married.”             “Ayaw mong i-pursue mo muna `yong career mo? Balak mong maging journalist, sabi mo, `di ba?”             “Yeah.” Nagkibit siya ng balikat. “Pero mas gusto ko namang maging mommy. I always dream of having my own family. Kaya ikaw rin, `beh, mag-asawa ka na.”             “Ayoko pa muna. Kapatid muna bago ako.”             Nagkibit na naman siya. “Sabi mo, eh.”             Gusto ko sanang sabihin `to kay Yllena. Sa nangyari, nawalan siya ng kalayaan na mamili ng talagang gusto niya. Base naman sa hitsura niya, mukhang gusto niya `yong lalake. Kilalang-kilala ko `to, eh. Kung hindi niya kasi gusto `yung tao, hindi siya mag-e-effort nang husto.             Suwerte no’ng lalake. Ang tanong, gusto rin ba siya no’ng lalake?             Mananahimik na nga lang ako. Kilala ko kasi `to, eh. Kapag alam niyang aayaw ako, ipapaglaban niya `yong gusto niya. Kaya, oo na lang, mananahimik na lang ako. Wala akong planong maging controlling sa mga kaibigan ko, pero ipaparamdam ko sa kanila na nandito lang ako. Hindi man ako masaya o susuporta masyado, hindi ko naman sila iiwan lalo na kapag gipit sila.             “You’re bringing a bagpack with you, baby?”             Tumango ako kay Nancy na kasalukuyang nag-re-retouch gamit ng foundation sa mukha niya. Papauwi na kami at ang intense no’ng practice namin ngayon. Sa Sunday na `yong Fashion Week. Sumabay pa `yong haggard naming mid-term week! Hindi ko na alam kung saan pa mag-po-focus. Magkasabay na `yong kaba ko sa dalawa!             Napatingin ako ro’n sa balikat na umakbay sa `kin. Si Billy pala. “School stuffs, baby?”             Tumango na naman ako. “My school stuffs just added the pressure I have in Penshoppe FS. I feel like throwing everything up I ate a while ago.”             “Wanna me teach you?”             “Are you fuckin’ serious here, Billy boy?”             Sinamaan ng tingin kaagad ni  Billy si Nancy. Ito namang si Nancy, tinawanan pa lalo. Napikon din `yong isa.             “I have honors since grade school.”             “But your school needs your family’s money, that’s why.”             “They didn’t need my money. They knew how genius I was way back.”             “Really?” panghahamon ni Nancy. “Then your schools do not know how to measure someone’s intelligence.”             “Ah, really, huh? Let’s ask the ever genius student here who has imaginary medals.”             “Don’t worry, Billy boy, I’m gonna tag you with my student photos. The pleasure will always be mine.” Nag-smirk pa si Nancy.             Wala yatang aawat sa dalawang `to. Pero sandali, may naalala ako.             “Nancy.” Nilingon na niya `ko. “You’re a law graduate, right?”             “Yeah.” Sinara na niya `yong foundation niya. “But I can’t practice and take the exam yet. I’m actually enjoying pissing Billy’s ass off.” Tumawa siya pagka-irap niya kay Billy. Grabe `tong babaeng `to.             “Where’s Maddox and Pearl?”             Iniba ko na kasi mukhang magsasapakan na `tong dalawang `to. Si Nancy lang yata `yong makakapikon dito kay Billy. `Tsaka, nakaka-nosebleed magbardagulan `tong mga may lahi na `to!             “Both of them are f*****g absent. I called Maddox a lot of times but the bastard didn’t answer my calls. He should thank his manager for saving his ass for missing this important rehearsal.”             First time na nangyari `to, ah? Hindi naman nag-mi-miss `yong dalawang `yon ng practice…             “I’m sorry but I’m gonna go now. Someone’s waiting on me outside.”             “Your boyfriend!”             “No!”             Pero si Nancy, hindi sinakyan `yong sagot ko. Tawa siya nang tawa! `Tapos no’ng tinignan pa niya si Billy, tinawanan pa niya lalo! Ang lakas ding mang-asar ng isang `to.             Nagpaalam na `ko sa kanila. Nagmamadali na `kong pumunta sa usual namin ni  Raven. Kinabahan ako kasi sabi niya, nando’n na siya sa usual sa text pero hindi ko nakita `yong anino niya. Eh, kaya naman pala. P-in-ark niya sa isang gilid `yong kotse niya. Nando’n siya sa loob ng 7/11 store.             Pagkapasok ko sa loob, kinawayan ko na siya. Tinanguan naman niya `ko pagkakita niya sa `kin.             “Akala ko, wala na ka na kasi ang tagal ko.”             “No. I just bought a coffee.” Kinausap muna niya `yong cashier bago humarap sa `kin. “Your coffee.”             “Magkano, Raven?” tanong ko pagkaabot niya sa `kin.             Sinimangutan ako. “It’s free.” Magsasalita sana ako pero inawat niya kaagad ako? “You keep on indulging me. Let me be by this time.”             “Unfair `yon, Raven. May trabaho ako---”             “Kape lang `yan---” “Kahit na---” “Shh…” natigilan na `ko no’ng pinatahimik na niya `ko. “We’re making a scene here.” Grabe, so, kasalanan ko pang pinaglalaban ko `yung karapatan ko?! Hanggang sa sasakyan niya, hindi talaga `ko tumigil. Hindi ko talaga siya tinigilan. “Think of it as my simple treat for you.” Nakakainis. Ang kalmado naman nitong si Raven, `tapos minsan, on-point magsalita. “Sige na nga.” May maliit na ngisi do’n sa labi niya no’ng naghalukipkip na `ko. “Basta, lagi tayong fair share sa gastos, ha? Ayoko lagi ikaw`yung gumagastos. Sabi mo nga, we have to exercise the equality regardless of the gender. Dapat, pantay.” Mahina siyang natawa. “All right. Let’s plan about that.” Sumunod naman siya. Kasi no’ng nasa bahay na niya kami, agad-agad, ako na `yung nagluto. Aba, subukan niya lang talaga gumanti, babasahin ko talaga lahat ng d-in-iscuss niya sa `min sa PhilConsti. Kaso, may twist, katulong ko siya ngayong magluto. Um-oo na lang ako, kasi gabi na. Nakakahiyang makipag-argumento nang gabi. “Bigyan mo rin sina Cara nito pagkauwi mo. They also need this.” Tinukoy niya `yong niluto namin ngayon, munggo. Ako `yung nag-suggest na ito `yung iluto kasi healthy `to sa kaniya. Nasabi niya rin kasi sa `kin na nakabili siya ng munggo sa isang supermarket. Eh, naalala niya raw ako, so bumili na siya. Kaso, ang mamahal naman ng mga gulay roon. Talagang isang beses, magpapasama `ko rito sa palengke para may option siya. “Sige. Ilagay ko na lang mamaya sa baunan.” Habang hinihiwa ko `yung sibuyas, may naalala bigla ako, kaya nilingon ko si Raven na kasalukuyan namang naghihiwalay ng malunggay leaves do’n sa tangkay. “Raven.” “Hmm?” huminto siya sandali para tingnan na rin ako. “Kung makapasa ka sa BAR, na alam kong makakapasa ka naman talaga, saan ka magpo-focus? `Di ba, maraming branch `yung law?” “Labor law.” “Labor? Sa manggagawa? Ayaw mong mag-criminal or ano ba `yun? `Yung mga astig na nasa city hall? Nakalimutan ko na `yung tawag do’n” “I’m actually planning to focus criminal if this will happen. I want to be the defender of those who are in need of justice.” “Kahit criminal?” “Everyone has the right to be defended before the court. Criminals have their rights to be protected, too.” “Ah… eh, bakit ayaw mo na sa Criminal?” “My mom doesn’t want me to choose it.” Nagbuntong-hininga siya. “She worries for my life so much so I told her that I’m gonna choose labor.” “Bakit naman Labor?” “Because I want to protect the rights of employees being neglected because of abusive employers. Ang daming employers na tini-take advantage `yung gray areas ng batas, lalo na sa manggagawa.” “Sayang, ano? Alam ko, mahal nga lang sa inyo `yong mga ganiyan. Consultation pa lang, mahal na.” “They can have my services as pro bono.” “Pro bono?” “Free of charge.” Napatango ako. Nakakatuwa naman `tong taong `to. Tumaas lalo `yong respeto ko sa kaniya… Iyong iba kasi, kapag naging abogado na, basta kumita, gagawin nila `yong lahat. Alam ko kasing mahal `yong bayad sa kanila. Although, alam ko naman na hindi mabubuhay lahat sa passion pero siya? Ginagamit niya `yong kung ano’ng meron siya para makatulong sa iba. May iba kasi na meron na nga sila, naghahangad pa sila ng mas higit pa na minsan, nananapak na sila ng tao para makaangat. Mali na na-generalize ko sila… mahirap din `yong limang taon kang buno sa pag-aaral ng batas lalo na’t naging unfair ako sa mga kagaya niya na pinaghihirapan niyang magkalisensya dahil gusto niya lang ng pagbabago. “Kaya mo `yan. Makakapasa ka. `Tapos, hindi na ‘sir’ or ‘Raven’ `yong tawag ko sa iyo. Attorney Raven Vergara na.” May maliit nang ngiti do’n sa labi niya. “You’re very positive that I’m gonna pass the exam.” “For sure po `yon!” “What if I didn’t?” “Then, try po ulit. `Tsaka, kawalan lang nila. Ang galing mo kaya.”             Mahina siyang natawa. “Fine. Let’s just hope for the better.”             Kumain na kami pagkatapos naming lutuin `yong hapunan. Nag-suggest ako kay Raven na maaga na `kong umuwi. Hindi man ako makapag-aral, at least, mahaba naman `yong pahinga niya. Medyo natagalan din kami sa pagluluto. Sayang nga lang, hindi ko siya masasamahan na mag-aral. Babawi na lang ako, next time.             “Gusto mong pumasok sa bahay?”             Halos pahating-gabi na rin nang makabalik kami sa Maestranza. Kinakabahan naman ako rito kay Raven! Ang layo pa ng biyahe nito pauwi.             “No need.” Binaba niya rin `yong palad niya pagkatapos magsalita.             “Nga pala.” Inabot ko sa kaniya `yong ticket ng Fashion Week dahil sa Linggo na `yun.             Tinignan ni Raven `yong harap `tsaka likod. May kunot do’n sa noo niya.             “Invited ka, huh? Sa Linggo na `yan. Sana talaga,`di ka busy.”             Nawala rin `yong kunot sa noo niya `tsaka ngumiti na. “I’ll be watching over you… swear.”             Tumango ako. “Sana, lagi kang ganiyan.”             “What?”             “Nakangiti.” Umawang `yong labi niya. “Ang seryoso mo kasi masyado. `Tapos minsan, ang tahimik mo pa. Friends naman tayo, `di ba? So, chill ka lang diyan, Raven.”             Nag-iiling na siya sa `kin, nagngingiti na. “All right. Good luck to your fashion week. I know, you can do it.”             Tumango ako, nakangiti na rin. “Good luck din sa pag-review. Matulog ka pa rin ng six hours para fresh lagi `yong isip mo. Kapag kulang `yong tulog mo, sige ka, `di ka magiging abogado.”             Natawa siya nang mahina.             “`Di pala `ko makakapunta bukas kasi final rehearsal na. Kita na lang tayo sa Sunday.”             Matamis `yong ngiti niya. “Sige.”             Huminga ako nang malalim. Ito na talaga `yon. Pagkatapos ng dalawang linggo no’ng preparation namin para sa Fashion Week na `to, ito na talaga siya… kinakabahan na `ko!             Sobrang busy namin sa backstage. `Yong coach namin, panay `yong sigaw sa `min na bilisan na namin. Feel na feel ko talaga `yong pressure rito…`Yong puso ko, damang-dama ko `yong lakas ng t***k sa dibdib ko. Akala ko, naipon ko na `yong lahat ng confidence na meron ako, pero pota, hindi pa rin pala! Nakakasuka naman `tong kaba na `to!             Panay `yong paghinga ko rito nang malalim. Kailangan kong mag-focus dahil kung hindi, ang laki ng epekto kapag nagkamali ako.             Ang tahimik ni Cris habang ginagawan niya ng magic `yong mukha ko. Katabi ko si Nancy na sobrang kalmado. Parang wala nga lang sa kaniya, eh. Mukhang sanay na sanay na rin siya sa ganitong mga event dahil ilang beses na siyang nag-ramp model sa mga events.             Nagagawa pa niyang ngumiti kapag may bumabati sa kaniya. Hinahangaan ko talaga `yong confidence na meron siya ngayon. Ang angas pa niya.             Kaya ko `to.             Nalungkot kami no’ng nalaman namin na hindi makakasama sa Pearl ngayon dahil daw, may emergency. Naghanap kaagad `yong management ng RECO no’ng nalaman nila ng replacement. Hindi tuloy namin sila makikita sila ni Maddox sa stage. Sila kasi `yong magkapartner sa catwalk.             Pumalakpak si Cris no’ng natapos na siya sa `kin. “Ayan, frenny, ang ganda mo na!”             Napangiti ako sa compliment na binigay niya. Parehas kaming tumingin sa vanity mirror. Ang galing niya talaga sa paglalagay ng make-up sa mukha ko. Mas magaling pa nga siya sa `kin. Maganda `yong combination ng smokey make-up `tsaka red dark lipstick. Ang galing talaga ni Cris!             Nawala kahit papa’no `yong kaba ko kaya ngumiti ako sa kaniya. “Thanks.”             Si Nancy, sumulyap sa `kin. Nanlaki bigla `yong mga mata niya. “Baby! You’re f*****g gorgeous!”             Tumawa na `ko. “You, too, Nancy.”             Hindi! Maganda talaga si Nancy, ah. Kung lalake nga lang ako, baka niligawan ko na `to, eh! Gusto ko `yung mga mata niya, parang mata ng mga arabo. Alam kong may lahing arabo `tong si Nancy, eh. Green talaga `yong mga mata niya, pero kapag natatapatan ng ilaw, may halong brown. `Tapos, `yong pilik-mata niya? Naka-curl na kahit hindi na kailangan pang gumamit ng curler. Para ngang inborn na siyang ganito, eh.             Lumaki `yong ngiti ni Nancy, pero mabilis ding napalitang ng lungkot `yong mukha niya. “I’m just upset a bit `coz Pearl’s not here to join us today. She’d be joyful if she’d be seeing you that f*****g gorgeous.”                        Nakakahawa tuloy `yong lungkot sa tono ng boses niya.             “Where’s Maddox, anyway? I haven’t seen him.”             “He’s with Billy at the corner. He looked disoriented. I don’t know what’s fuckin’ going on, but I believe it’s something to do with Pearl.”             Totoo ba? Pero ayokong maki-chismis. Buhay naman nila `yan. Hindi maganda na pinag-uusapan `yong buhay na hindi ka naman involve.             Pagkatapos na ma-style `yong mga buhok namin, in-instruct-an na kami sa mga naka-assign na damit na susuotin namin. Sinukat na namin `to kahapon no’ng nagkaro’n ng dress rehearsal. Mabuti na lang, nagkasya sa `kin `yong mga naka-assign sa `kin. Hindi pa naman ako tumataba.             Nakakalungkot lang na pumapabor sa mga payat `yong ganitong klaseng trabaho. Parang… kami lang `yong nabibigyan ng karapatan na lumakad sa limelight. Maganda `tsaka makinis `yong kutis, maputi, matangkad, may hubog `yong pangangatawan. Pa’no naman `yong mga matataba? `Yong mga morena?  `Yong mga maliliit? Ewan ko ba kung bakit ko pinag-iisip `yong mga ganito sa gitna ng event, pero kasi! Parang ang unfair!             Panay pa `yong pag-aalala ko sa body weight ko… `tapos, pumasok pa `to sa isip ko. Nakakainis na requirement.             Bumalik lang ako sa huwisyo no’ng nakita ko na si Billy `tsaka si Maddox na suot `yong casual wear nila. Nakasuot si Billy no’ng v-neck dark gray shirt `tsaka black pants na p-in-artner niya no’ng brown suede shoes. Naka-brush-up pa `yong buhok niya, litaw na litaw `yong panga niyang matigas. Ang ganda pa no’ng             Si Maddox naman, naka-suot no’ng knitted long sleeve `tsaka chinos pants, ka-partner no’ng gray suede shoses. May bonnet din sa ulo niya. Bagay na bagay sa soft features no’ng mukha niya. Para nga siyang boy-next-door na model, eh.             Nakaawang `yong labi niya bago nagsalita si Billy, “Gorgeous…”             Naka-suot ako ng black leather jacket na may gray printed shirt sa loob, nakasuksok sa red skirt na suot ko. Naka-black sandals din ako `tapos may sunglass pa. Naka-curl `yong tips no’ng buhok ko. Si Nancy naman na nakatayo sa gilid ko, ang sexy rin. `Yong tee-shirt niyang mahaba, tinali `yong dulo para ma-exposed `yong well-toned abdomen niya. Naka-itim na fitted pants din siya `tapos naka-itim na sinturon `tsaka itim din `yong leather booths niya.  Mukha siyang rock chic queen dahil naka-ponytailed na siya `tapos may malaking hikaw pa.             “Thank you, Billy. I know how admirable I am on you.” Nakangisi na `tong si Nancy.             “Oh, shut up.” Umirap na si Billy. Pikon ang loko. “Sorry, miss, but I’m not talking to you.”             Tumawa na si Nancy. “Damn, I could feel my heart’s racing, but Maddox, you really look like s**t today.”             “Yeah.” Sumegunda pa `tong si Billy! `Tapos, tinignan pa `tong si Maddox nang nang-aasar kaya ayan, inirapan tuloy. “I told him to get his s**t all together but he looked like a lost f*****g p***y here.”             “Shut your f*****g mouth, dude.” Sumimangot na `tong si Maddox.             Napailing na lang ako sa lakas ng tawa ni Billy. Hindi rin marunong makaramdam `tong isang `to, eh.             Habang patuloy lang sila sa asaran, binuksan ko na `yong malaking itim na kurtina nang kaunti para makita kung ano’ng ganap na sa labas. Tumama `yong nakakabulag na neon lights sa mga mata ko no’ng sumilip ako. Nakapanginig ng tuhod no’ng nakita ko `yong mga tao sa labas!             “Hey.”             Inangat ko `yong tingin ko para makita si Billy. Ang tangkad din ng isang `to. Siya pa `yong nagsara no’ng kurtina sa `kin. Ngumisi siya. “Don’t kill yourself due to nervousness, baby. We weren’t starting here yet.”             Humugot ako ng malalim na hininga bago siya nginitian. “Fine… I can do this.”             “That’s the spirit.” Bumungisngis si Nancy bago lumingon kay Maddox. “Be like Joy, Maddox. Relax, dude.”             Hinayaan ko na silang magbardagulan. Baka, way rin nila `yon para ma-release nila `yong stress nila.             Ang bilis ng mga pangyayari no’ng sinabi nila na magsisimula na `yong  event! Panay `yong paghinga ko nang malalim no’ng lumabas na ng stage sina Billy `tsaka si Nancy. Naririnig ko nga rito sa backstage `yong tilian no’ng mga babae ng, “Strip, Billy!” Umuungol pa!             Lakas talaga nitong si Billy! Parang magnet sa mga babae. Pagkatapos, ako na `tsaka si Maddox `yong lumabas sa backstage. In-apply ko `yung natutunan sa walang kamatayang rehearsals and trainings namin. Lumakad ako nang may pose sa gitna. Pinatong ko `yung kamay ko kay Maddox habang nakatingin sa buong crowd.             Kaso, parang huminto sandali `yong mundo ko… Nagtama `yong mga mata namin ni Raven. Kahit malayo, tanaw  na tanaw ko siya. Seryoso siyang nanonood sa bawat galaw ko. No’ng ngumiti siya, magkakahalo na `yong nararamdaman ko. Nabasa ko naman `yong gusto niya, kaya mas gusto kong galingan. Gusto kong ipakita na kaya ko. Na makakaya ko `to.             Pagkatapos no’ng unang walk, bumalik na kami ni Maddox sa loob at nagpalit ng next attire naman. Successful `yong unang parte ng event, kaso natigilan ako no’ng nakita ko na `yong next line no’ng susuotin. Underwear.             Medyo na-awkward ako… pero trabaho naman `to. Parte `to ng trabaho ko, kaya sige lang! Tuloy lang!             Pa-isa-isa na kaming lumabas sa backstage. Tumitili na naman `yong mga tao. Minsan, hindi ko na rin malaman kung saan sila natutuwa, eh. Sa suot namin, sa brand ng suot namin o dahil nagpapakita kami ng balat.                         Naka-bikini ako na two piece na naka-tago sa see through. Ang dami naming naglalakad. Para na `kong masusuka sa kaba, pero no’ng nakita ko si Raven, nakangiti nang kauti, naka-thumbs-up pa? Nawala `yong kaba ko. Ang gaan no’ng ngiti niya, na parang pinaalis niya `yong kaba ko?             May kaunting ngiti na sa labi ko.             Nakahinga ako nang maluwag no’ng natapos na `yong event! Grabe, first event ko `yun pero feeling ko, magkaka-heart attack ako sa nerbyos!             Panay `yong pagsabi ng congratulations ng RECO sa aming lahat. `Yong mga famous models, sa backstage, may ambush interview kaagad. May ilan sa amin na naka-received ng good feedbacks at commendations. Pati, flowers din!             Pero sa lahat nang `to, ang saya ko kasi achievement namin `to. Hindi lang ako, lahat kami. Pinagpaguran namin `to. Nakaka-proud.             Naka-suot na `ko ng pang-casual ko no’ng nilapitan ako ni Billy `tsaka niyakap ako. “You’re amazing, baby,” bulong niya sa tainga ko.             Tinapik ko siya. “You are also, Billy. Congrats!”             Tumango na siya.             “You wanna join us? We’re throwing an after party to celebrate our success.”             Nakita ko si Cris na nilapitan ako. Yayakapin na sana niya ako kaso mabilis kong binigay sa kaniya `yong make-up kit ko.             “Sorry, but I have to see someone today. Cris?”             “Yes, frenny?”             “Sumama ka sa kanila. Billy, I need to go. Bye!”             Ang bilis kong umalis sa backstage, pero `di pa `ko nakakalayo, tumigil agad ako sa paghakbang no’ng nakita ko si Raven na nakasandal sa railings.             “Oh, `tapos na kayo sa loob?”             Tumango ako. Ang laki ng ngiti ko, pero ang bilis din ng kabog ng dibdib ko.             “Ang galing mo, kanina. You’re glowing while walking on the centerstage. I actually liked how you walked with full of confidence. You can be a future professional model, Joaquin Ysabella.”             Lalong lumaki `yong ngiti ko. “Sabi ko sa inyo, kaya ko, eh!”             Tumango si Raven, napangiti na rin. “I know. You wanna go home?”             Tumango ulit ako. Nagsimula na kaming maglakad. Mabuti na lang, sa parte ng mall na `to, walang gano’ng tao.             “Joaquin Ysabella?”             Nilingon ko siya.             “Always remember that I’m proud of you and I’m here to always support you. Just keep your passion going,” bulong ni Raven.       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD