Chapter 15

4629 Words
Chapter 15 Supporter Me:             Tuloy tayo, sir, ha? Raven V:             Yes, tuloy tayo.             Hindi ko alam kung ga’no kalawak `tong ngiti ko. Para na nga yata `kong tanga rito kasi hindi na `ko naka-focus do’n sa practice para sa susunod naming project, eh.             Ayaw kasing mabura `yong ngiti sa labi ko kahit tapos naman na `yong Fashion Week. `Yong sinabi kasi ni Raven, parang kahit na mag-iisang linggo na natapos `yong event, dinig ko pa rin sa tainga ko.             Ang sarap lang sa feeling… iyong makarinig ka ng gano’ng klaseng compliment sa ibang tao… iyong may nakaka-appreciate ng success mo… ng hardships mo… parang ang sarap pang magpatuloy sa laban.             Sa tana ng buhay ko, maliban sa mga kapatid ko at siyempre, sa ilang kaibigan ko na rin, hindi pa `ko nakakarinig na natutuwa sila sa pinaghihirapan ko. Nakadikit na sa `kin `yong idea na anak ako ni Glenda… na lalaki akong pariwara katulad niya… na lalaki akong walang kinabukasan, walang patutunguhan, at walang maipagmamalaki.             Kaya ako nag-aaral nang mabuti at nagtratrabaho nang sabay dahil gusto kong makuha `yong achievements na wala `kong tinatapakang mga tao. Gusto kong magtagumpay dahil gusto kong ipamukha sa mga taong nananapak sa `ming magkakapatid na kaya naming mabuhay na hindi umaasa sa anino ni Glenda. Na lahat nang `to, kami `yong naghirap; kami `yong gumapang.             No’ng narinig ko kay Raven `yon, mas gusto ko pang galingan. Gusto kong makita na nando’n siya sa crowd, hinahanap ng mga mata ko `yung ngiti niya habang pinagmamasdan `yong lakad ko `tapos naka-thumbs-up pa siya sa `kin. I-te-treasure ko `yun. Wala na `kong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Iyong may iilan nang proud sa `kin, okay na `ko ro’n.             “You’re smiling like an idiot, babe.”             Nilingon ko si Nancy na mukha rin namang kanina pa `ko pinapanood. Parehas kaming nagpapahinga rito at nakaupo sa tiles. Uminom na siya ro’n sa bottled water na pinapamigay ng staff.             Umiling ako sa kaniya.             “Was it because of that man waiting at you during the Fashion Week?”             “You saw him?” nanlaki kaagad `yong mga mata ko!             Napakunot na `ko no’ng tinatawanan ako ni Nancy. Wala kayang nakakatawa.             “You look so cute when blushing.” Napahawak naman ako nang mabilis sa pisngi ko. “Yeah, I saw him. Actually, I saw him a lot of times because he’s waiting for you. Tell me straight, are you both going out?”             “No!”             Tinawanan na naman ako! “Too defensive for your defense, Miss Perez.”             Inirapan ko nga siya. “Because you’re asking me overboard question!”             No’ng tinapik-tapik niya `yong ulo ko, nakasimangot na `ko. “Too silly of you, babe.”             “We’re just friends, okay?”             “Fine. Explanation is noted.”             Nakangisi naman! Bahala siya diyan! Bakit lahat na lang ng tao, nilalagyan ng malisya `yong pagiging magkaibigan namin ni Raven. Nakakahiya ro’n sa tao, baka isipin no’n, pinag-tsi-chismis-an na kami. Tsk.             Halos yakapin ko na `yong lahat ng unan na katabi ko no’ng dumating `yong araw ng Linggo. Makakapagpahinga na rin, sa wakas! Medyo, hindi rin pala. May pinag-usapan kasi kami ni Raven ngayong araw. Ipapakilala ko sa kaniya `yong palengke. Panay kasi siya bili sa mga supermarket. Ang mamahal!             Alam ko namang mayaman siya pero mas sariwa naman `yong bagong angkat na gulay galing bukid kaya.             “Gayak na gayak ka, ate, ah?”             Nilagpasan ako ni CJ `tapos binuksan `yong pinto ng ref para kumuha ng tubig. Tingnan mo `tong isang `to. Agang-aga, malamig na tubig na kaagad `yong iniinom.             “Susunduin ko kasi `yong… si Sir Raven n’yo.”             Mahirap na. Do’n muna tayo sa sir. Baka isipin ng mga bata, sobrang close namin ngayon.             “Nang ganitong kaaga?” tumango ako. “Ano’ng meron?”             “Sasamahan ko kasi siyang bumili sa palengke.”             “Walang palengke sa kanila?”             “Ang dami mong tanong, CJ.”             “Pa’no naman kasi,” natatawang sabi niya. “Seryosong ganitong kaaga, pupunta siya para lang mamalengke?”             “Wala kasing palengke sa kanila. Nakatira `yon sa pang-mayaman na subdivision.”             “At alam mong pang-mayaman `yong subdivision na tinitirhan niya?”             “Isa pang tanong, CJ, babatukan na kita.”             Ang daming tanong! Mamalengke lang kami!             “`Sus. `Di na lang sabihin na mag-de-date sila. Ginawa pang dahilan `yong pamamalengke.”             “Hoy, CJ! Ano’ng binubulong mo diyan?!”             Aba! Inirapan ako!             “Wala.”             Tingnan mo `to!             Eksakto namang gumising din si Cara. Ang lalim no’ng hikab niya. Sabi sa `kin ni CJ, hinintay niya raw ako sa pag-uwi ko galing sa trabaho ko. Parati `yong ginagawa ni Cara na minsan, naaawa na `ko sa kaniya. Babawi rin ako sa dalawang `to. Busy lang talaga ngayon. Makakapamasyal din kami.             Pinagluto ko muna sila ng agahan. `Tong dalawa, nagpapalambing. Na-miss daw nila `yong luto ko. Hindi na kasi ako nakakapagluto dahil kahit Linggo, may pasok kami. Ngayon lang talaga nagkataon na wala dahil pinagpahinga kami gawa nga no’ng Fashion Week last week.             Tumigil lang ako sa pagnguya no’ng nakita ko `yong pag-ilaw no’ng cellphone ko.             Raven V:             I’m at outside.             Halos mabuga ko `yong kape na iniinom ko! Grabe, ang bilis namang magmaneho nito! Parang kanina lang, kaka-text niya na kakagising niya lang din, ah? Ano’ng oras na naman kaya `to natulog?             “`Labas lang ako.”             Nasa pintuan na `ko no’ng nakita kong tinanguan ako no’ng dalawa. `Di pa yata ako nakakarating do’n sa kanto, tanaw ko na kaagad `yong makintab na mamahaling kotse ni Raven.             “Pasensya na kung natagalan.”             Tumango lang si Raven. Ang fresh naman nitong tingnan sa umaga. Naka-puting T-shirt na may logo no’ng scale sa gitna, khaki cargo pants, at black slippers. May specs pa siyang nakasuot. Galing na naman `to sa review.             “Nag-breakfast ka na?”             “Yes.”             “No.”             Imposibleng mangyari `yon. Kilala ko na `to, eh. Nasa mood lang `yong pag-aalmusal. Brunch kadalsan `yong ginagawa niyan. Wala yata sa bokabyularyo na importante ang agahan.             Kaya ang ginawa ko? Hinila ko siya papuntang bahay.             “You don’t need to do this,” ang hina no’ng boses niya. “I told you, I ate---”             “Nothing. Raven, hindi talaga tayo makakapamalengke niyan na wala kang agahan. Magmumukha ka ro’ng anemic na pinatapon sa palengke. Mas matingkad pa `yong kulay ng mga dahon sa gulay kesa sa `yo.”             “Am I really look that pale?”             Sinilip ko siya. “Hindi naman… kailangan lang natin bigyan ng sustansiya’ng buong katawan mo. Halika na. Nag-aantay sina Cara.”             Pagkarating namin sa bahay, nasorpresa rin `yong mga bata no’ng nando’n si Raven. Saglit lang naman, kasi mabilis na nilang kinalimutan na may ate sila pagkatapos kong dalhin si Raven sa bahay. Ang galing.             Habang naghahanda ako, kinakausap na ng mga bata si Raven. Kita ko `yung excitement sa kanila. Gano’n din naman si Raven. Ang tiyaga niya talagang makipag-usap sa mga kapatid ko.             “Oh, kumain ka na muna.”             Tipid `yong ngiti ni Raven habang tinatanggap `yong platong hawak ko. Nagluto ako ng fried rice `tsaka sunny-side egg pati na rin dilis. Pinagtimpla ko na rin siya ng gatas kahit na sinabi niya na nagkape na siya sa umaga… tatanda talaga `tong acidic.             “Mamalengke raw po kayo rito, sir?”             Tumango si Raven kay Cara. “Bibili raw kami ng gulay sa palengke, sabi ng ate mo.”             “Narinig ko po kay Kuya na ginagawa lang daw `yong---”             “CJ, Cara, `di ba, may gagawin pa kayo?”             No’ng nilingon ako ng dalawa na naguguluhan `yong mga mukha, aba, pinandilatan ko nga. Ang dadaldal! Kailan pa kaya naging maingay `tong dalawa `to, eh, ang tatahimik naman nila kadalasan?!             Pinagpahinga ko lang si Raven bago kami nagpaalam sa dalawa. `Di ko alam sa dalawang `yon bakit parang nanunudyo `yong mga titig nila sa `kin… napapailing na lang ako.             “Sure kang `di mo sila ipapasama?”             Umiling ako. “Ma-bo-bore lang sila… `tsaka, balak ko silang ipasyal kapag nakaluwag na `ko sa schedule.”             “Okay lang bang sumama?”             Medyo natawa ako ro’n, ah. “Oo naman. Kaya lang, baka may review ka no’n.”             “I can always have time…”             Ayoko siyang istorbohin. Alam ko kung gaano siya nagpapakahirap, makuha lang `yong titulo ng pagiging abogado sa BAR. Mahalaga sa kaniya `yong oras. Ni minsan, hindi na nga `to kumakain, eh.             Pinaiwan ko sa kaniya `yong kotse niya ro’n sa parking. Tiwala naman ako na walang gagalaw ro’n dahil pinabantay ko ro’n kay manong `tsaka binayaran ko na rin… hindi alam `yon ni Raven dahil patago na `yong pag-uusap namin ni manong. Alam kong mangingialam `yon kapag nalaman niya.             `Di naman kalayuan sa `min `yong palengke, sa totoo lang. walking distance lang din. Sa labas pa lang, bungad na `yong dami ng tao. Mabilis `yong paglingon ko kay Raven. Normal pa rin `yong reaksyon niya. Ang totoo, kinakabahan din ako rito sa balak ko, kasi hindi ko naman alam kung sanay `tong si Raven sa payak na buhay, eh, laking mayaman din siya.             Nagsimula kaming maghanap-hanap. Balak ko siyang lutuan ng adobong sitaw `tapos sinigang na hipon. Kaya `yong mga ingredients na `yon `yong pinagbibili namin.             “Ito, Raven, tingnan mo.”             Pinakita ko `yung talong na bibilhin namin. “Nakikita mo `yung pinaka-crown niya?” Tumango siya. “`Yan ang titignan mo kung magulang na `yong talong or hindi pa. Dapat, hindi pa siya tumataas.”             “I didn’t know there’s right way in choosing eggplant.”             Tumango ako. “Natutunan ko po `yun sa friend ko. Si Donita? Actually, dito rin po `yun nagtratrabaho, eh.”             “Really?”             Tumango ako, pero `di na `ko nagsalita pa masyado. Pinsan nga pala `to ni Justice… baka kung ano pa’ng masabi ko sa lalakeng `yon, eh, kaharap ko si Raven.             “Pamilyar sa `kin, iho.”             Tumigil naman kami sa pagpili ng gulay dahil nagsalita nang gano’n `yong ale. Titig na titig pa siya kay Raven.             “Ako po?”             Tumango uli `yong ale. Jusko, delikado `to. Baka mailang si Raven nito!             “Tama! Anak ka ng mga Vergara!”             Sinasabi ko na nga ba. Nakakainis! Pinagtitingan na kami rito ng mga tao!             `Di naman kaila sa `kin kung gaano ka-powerful `yong pamilya ni Raven, kaya nga si Donita, hindi tanggap ng pamilya ni Justice, eh. Pero kasi itong katabi ko, mukhang gusto niyang maging lowkey person. Kapag kami nga `yong magkasama niyan, never ko pang narinig sa kaniya `yong tungkol sa family roots niya, eh. Oh, baka lang hindi niya rin feel magkuwento.             Tumikhim si Raven pero nagawa pa ring ngumiti. “Ma’am, nakapili na po kami.” sabay abot ng mga gulay na kinuha namin sa banyera.             Nagawa pa niyang maging magalang, in fairness. Kaso, `to namang si ale, panay `yong daldal sa `min na kilalang-kilala niya raw `yong pamilya ni Raven. Kulang na lang, ikuwento na hanggang sa kanunu-nunuan ng pamilya no’ng tao.             “Sorry, Raven,” bumulong ako sa kaniya habang naglalakad kami sa kalakihan nitong palengke.             Kailangan ko nang bilisan nang makaalis na kami. Grabe naman, parang artista `tong kasama ko, eh, kung tutuusin, ako `yung madalas na napapanood sa TV kahit minor exposure lang. Siya, kailangan kong magpa-PSG sa kakabantay dahil feeling ko, lulubog `to kapag dinagsa ng mga tao. Vergara… The power that his surname holds.             Nilingon na niya `ko, medyo confused siguro sa sinabi ko. “Why telling me sorry?”             “Dahil medyo nakikilala ka ng mga tao rito? Na prefer mong maging lowkey person pero dinala kita sa maraming tao?”             Medyo nagulat din ako sa tawa niya, ah? Mahina lang naman, pero kapag kasi tumatawa `to, bibihira. Nakakasorpresa pa.               “It’s fine, actually. I was kinda surprise that even I preferred to stay lowkey, people would still distinguish my ancestry. It might run in the blood.”             Ngumiti ako. “Alam moman `yong mga tao rito kapag nakakarinig ng apelyedo ng mga pulitiko o mayaman, nanlalaki `yong mga mata. Parang kapag nakakita ng mayaman, akala mo may gintong bitbit.”             Tumawa na naman siya. “Reason why I preferred to be low profiled. Not that I don’t want my family name, but because I’d just want to be, you know, a normal person.”             Kita ko naman `yun, kasi kung ayaw niya, dapat hindi na niya tinanggap `yong teaching opportunity ng MSU. Nagtataka nga ako, tinanggap pa niya `yon, eh, kung tutuusin, mayaman naman siya.             Sa gitna ng umiinit na panahon at medyo patirik na rin `yong sikat ng araw, lumulutang `yong saya sa mukha niya. Pawisan pa siya niyan, ah, kasi ang init sa loob ng palengke. Siksikan pa. Pero siya? Mukha pa ring fresh, masaya at enjoy na enjoy. Mabuti naman.             “Gusto mong dumaan ulit sa bahay?”             Umiling siya. “They’re now busy.”             Tumango ako. “Baka makadaan ako sa `yo bukas, kasi, half-day lang ako sa school.”             “Why?”             “Nagpaalam naman ako… kailangan ko lang i-attend `yong meeting ng RECO para ro’n sa project na inaasikaso namin. Wala naman kaming important activities do’n sa matatamaan na subjects. If may pop quiz, mapapakiusapan ko naman sila kasi mababait naman `tong mga prof sa subjects na `to.”             “You sure?”             `Di ko na napigilan `yong tawa ko. Pa’no kasi! Sobra naman `yong pag-aalala sa mukha niya.             “Seryoso. H’wag kang mag-alala, `di ko papabayaan `yong pag-aaral ko.”             “Not that… I’m just concerned because like what I’m always telling you, you invested so much with studying. I saw how you always get frustrated whenever you get lower grades. Lalo na ngayon. Sa sobrang hati mo na sa pag-aaral at sa pagtratrabaho, kulang na pati tulog mo.”             Nakangiti na pala `ko, hindi ko na namalayan.             “May `di pa nga pala `ko nasasabi sa `yo.”             “What?”             “Wala na `kong paki kung makasama pa `ko sa dean’s list o hindi. Pero, kakayanin ko pa rin. Ayoko na kasing pressure-in `yong sarili ko. Baka minsan, hindi natin sabay na nakukuha `yong mga gusto natin. Hindi naman sa sumusuko ako, pero ayun nga, ayoko lang pilitin masyado `yong sarili ko. Baka in the end, hindi na `ko maging masaya.”             Tumango si Raven. “I also don’t wanna give you the pressure of getting into the dean’s list… I’d just want you to enjoy studying. And of course, hindi mo mapabayaan `yong pag-aaral mo.”             “Siyempre naman! Ayokong mapahiya sa number one supporter ko.”             Umawang `yong bibig ni Raven. Para bang kumislap `yong mga mata niya pagkarinig sa `kin no’n. Hanggang sa hinaplos na niya `yong batok niya `tapos napayuko pa nga.             “Yeah… you’re right,” mahinang sabi niya.             No’ng pumasok naman ako sa MSU, napansin ko na parang dini-dismiss kami nang maaga. Wala naman akong nababalitaan na event sa GC’s, kahit na minsan, walang sumasagot sa `kin do’n. Updated naman ako kahit papa’no.             “`Uy, Michelle, bakit tayo walang klase?”             Tinanong ko na `yung representative ng klase kasi parang wala naman akong natutunan sa buong araw.             Kakaiba nga lang `yong naramdaman ko ro’n sa titig ni Michelle. Basta, hindi ko gusto.             “Foundation ngayon ng college natin, `di mo alam?”             Attitude nitong si Michelle, ah. Nagtatanong ako rito nang maayos.             “Ay, sorry naman, `di ko alam.”             Sinusubukan kong magtimpi no’ng inirapan niya `ko. `Sarap tusukin ng kutsilyo `yong eyeballs niya!             “Alamin mo kasi lahat. `Di kung ano-anong mga bagay `yong inaatupag mo.”             Nanlamig ako ro’n. Nag-walk-out pa siya sa harapan ko. Ang ayos ng tanong ko, sobrang pabalang `yong sagot sa `kin?! Ang sarap sugurin, pota. Bumibigat `yong dibdib ko sa inis pero okay pa `ko. Okay na okay pa `ko. Kung `di lang talaga dahil sa mga pangarap ko, matagal ko nang inalisan `tong bayan na `to. Pakiramdam ko, maliban sa mga kaibigan ko, ang pa-plastic ng karamihan sa mga tao rito.             Kaya ko pang magtimpi. Kayang-kaya pa.             No’ng nasa bus na `ko para dumiretso sa Alabang, nag-check ulit ako ng GC. Ewan ko, pero iyong checking ko na per hour kong ginagawa, naging per minute na. Baka may kasalanan din ako kasi ang dami kong nami-miss.             Do’n ko lang din nabasa na may nag-announce na walang klase lahat dahil foundation day. Sige na, kasalanan ko na nga. Baka kasi, natambakan na rin ng ibang messages `yong announcement. Tama rin ba kasing gamiting landian `yong GC na ginawa for school matters lang…             Mabuti, no’ng nagbukas ako, do’n sa isa kong klase, nagsabi na may long quiz kami bukas. Major pa namin. In exchange yata sa walang pasok namin ngayon. Panay `yong pasasalamat ko na nabasa ko. Hindi kaagad natabunan.             Malayo pa `yong biyahe kaya nag-aaral na `ko. Kahit sa RECO, habang naghihintay sa mga kasama namin, nagbabasa na `ko ng mga inaaral ko. Nando’n ako sa determination ko na makuha `yong goal ko. At least, makakuha ng mataas na grade.             “Hey!”             Itinaas ko lang `yong kamay ko kay Billy pero tutok pa rin `yong mga mata ko sa binabasa kong libro. Kaso, no’ng napansin ko na naging immobilize si Billy sa harapan ko, nag-angat na `ko ng tingin.             “Sorry,” sabi ko. “We have quiz for tomorrow. I need to study hard because it’s our long exam.”             “Oh…” napatango na si Billy. “Need help, baby? I can review you with your lectures.”             “Oh, shut up, Billy.” Sumulpot bigla si Nancy sa likod ni Billy. “You can’t even memorize a thing and you’re trying to give a good shot here? Stop giving wrong impressions, dude.”             Umirap si Billy. “And stop being pakialamera.”             “Oh, my God!”             Tawa na `ko nang tawa! Ang conyo naman, putek!             “Where’s Maddox and Pearl?” tanong ko pagkatapos humupa ng tawa ko.             Nagkibit kaagad si Billy. “MIA? Dunno. They’re both absent since last week. Dude cannot be reached, too.”             Ano na kayang nangyari sa dalawang `yon? Kapag nagpatuloy pa sila, matatanggal na sila sa agency. Kalat pa naman dito `yong mga natatanggal na models dahil pinapabayaan nila `yong mga career nila… hindi na nga raw nakakabalik `yong iba kahit gustuhin nila dahil pumapangit `yong record nila sa RECO.             Nagsimula na rin `yong meeting namin. Ito kasing pinaplano para sa `min, mag-mo-model kami ng mga products ng isang sikat na sasakyan. Kaming tatlo nila Nancy `yong napili. This time, si Nancy `yong ka-partner ni Billy. Ako lang `yong parang third wheel nila. Natatawa nga ako kasi sobrang obvious naman nilang ayaw nila sa isa’t-isa.             Ang tagal din no’ng meeting bago kami pina-dismiss. Sa totoo lang, hindi ko na nga pinapakinggan `yong discussion kanina. Nakatutok ako sa pagsaulo ng mga terminologies as subject na inaaral ko.             Habang papalabas na `ko ng RECO, nagbasa na naman ako ng GC. `Yong mundo ko, gumuho nang mabilis no’ng nalaman ko na sa araw ng exam namin, sumabay naman `yong sa Consti!             May mga nabasa ako sa thread na kung puwede raw i-consider na i-move dahil nabigla kaming lahat, eh. Kailan lang sasabihin, saka kaunti na lang `yong oras para mag-review. Nanlumo lalo ako no’ng sinabi no’ng president namin na ayaw ni Ma’am Cuevas.             Grabe! Ang sakit ng ulo ko nito, malamang.             Napaatras ako no’ng naramdaman kong may nabunggo akong tao. Kumurap pa `ko bago tumingin sa tao kung sino siya.             “Ikaw pala `yan.”             Parang nagulat siya sa hitsura ko. “Bakit parang wala kang lakas?”             Tipid lang `yong ngiti ko. “May dalawa kaming long quizzes bukas.”             Naintindihan naman ni Raven kasi tumango siya. Hinayaan niya lang ako mag-review mula no’ng sinundo niya `ko sa RECO building papunta sa bahay niya.             Halos mapatalon pa nga `ko dahil wala man lang siyang sinabi na nasa bahay na niya talaga kami. Gano’n na ba `ko ka-sobrang focus?!             “Magluluto na `ko---”             “No.”             Nilingon ko siya sa likod ko. Ang seryoso no’ng mukha niya.             “Bakit?”             “You’ve been studying since earlier. You have exams tomorrow. I can handle the cooking.”             “Kaya ko pa naman, Raven. Saglit lang naman `yong---”             Tahimik niya `kong hinila sa upuan kung saan ako galing kanina `tapos nagulat na lang ako no’ng siya `yong nagpaupo sa `kin!               “Don’t be stubborn. Don’t remember why I did that agreement? It’s because for you to have time to study.”             “Pero---”             “No buts, Perez.”             Natahimik ako. Boses prof na siyang bigla. Tunog-kulog pa naman `yong boses niya kapag seryosong-seryoso.             Binuklat ko na lang nang tahimik `yong lecture ko at nagbasa. Narinig ko `yung pagbuga ng hangin ni Raven `tapos dumiretso na siya ng kusina. Medyo kabado ako dahil walang aalalay sa kaniya. Plano ko pa naman na magluluto kami ng adobong pakbet. Baka malito na `yun sa ginagawa niya.             Sa dami ng letra, sumasayaw na sila sa isip ko. Hinila yata ako ng antok kaya nakatulog ako. Ang himbing siguro ng tulog ko, kaya wala na sa isip ko na nag-aaral pala ako.             Nagising na lang ako sa marahang yugyog ni Raven. Pero nang magmulat ako ng mga mata, nahigit `yong hininga ko dahil sobrang lapit ng mukha niya… napalunok ako.             “s**t, sorry.”             Napaatras si Raven nang mabilis, `tapos ang bilis ng paghinga niya. Para bang tumakbo siya nang napakalayo kaya gano’n `yong paghinga niya. Maging siya, biglang-bigla sa ginawa niya.             Napalunok siya, saka tumikhim. “Dinner is ready.”             Napakabilis niyang magsalita. Iniwan na niya `ko pagkatapos na tulala sa lahat nang nangyari… Gagi, ano’ng nangyari?!             Nagmumog muna ako sa CR bago pumunta sa dining area niya para kumain. Obviously, hindi pa niya nagagalaw `yong pagkain niya kahit no’ng dumating na `ko. Gano’n siya. Hindi niya ginagalaw `yong pagkain niya hangga’t hindi pa `ko dumadating.             No’ng umupo na `ko, saka pa lang siya kumilos. Nakayuko siya, parang ayaw niyang tumingin sa `kin. O, wala talaga siyang balak tumingin sa `kin.             “I’m sorry.”             Huminto ako no’ng mahina siyang nagsalita.             “I saw you sleeping a while ago kaya gigisingin na sana kita.”             Nahihiya `to. Halata naman. “Wala naman `yon.” Nilingon na niya ako, nagulat pa nga. “Hindi mo naman sinasadya `yon.“             “Y-yeah.” Tumikhim ulit siya. “I’m sorry again. Let me also clarify that I don’t have any ulterior---”             “Huy! Sabi ko nga, okay lang. May tiwala naman ako sa `yo.”             Napangiti na siya nang kaunti, `tapos tumango na. “You trust… me?”             “Oo naman.” Sincere naman ako ro’n. “Kasi, malaki `yong tiwala mo sa `kin, kaya binabalik ko lang. ” Lumapad na `yong ngiti niya. “Thank you.”             Seryoso. Ang laki ng tiwala ko rito. Sa mag-dadalawang buwan na kasama ko siya, sobrang gentleman niya sa `kin. Palibhasa na rin siguro sa edad niya, ang mature niyang mag-isip pati mag-handle ng kausap niya. Napaka-understandable niya. Kaya nga, medyo guilty ako sa part dati na pinagtri-trip-an ko siya na minsan, namamalditahan ko siya. Aminado ako, foul talaga `ko ro’n.             Matapos lang ako rito sa exams ko, babawi ako sa kaniya. Gusto kong makabawi sa kaniya kasi ang laki ng in-uplift niya sa pagkatao ko. Sabi ko nga, siya `yong number one supporter ko. Ayoko siyang biguin. Ayokong masira `yong trust niya sa `kin. Ayoko siyang ma-disappoint.             Kinabukasan, kahit na groggy pa `ko dahil sa review, lumaban pa rin ako. Ito namang si Raven, no’ng nalaman ko na Consti `yong exam ko, talagang ni-review pa niya `ko! Sinabi ko naman sa kaniyang mag-focus sa inaaral niya dahil ang dami-daming laws pa na kailangan niyang aralin. Ang laking istorbo ko na nga sa kaniya, pero pasaway rin! Inuna pa `ko!                   Kung minsan, gusto ko nang pag-isipan `yong set-up namin. Kawawa talaga `yun kapag hindi nakapasa. Siyempre, hindi naman ako papayag.             Kaya dapat mapasa ko `to. O, bigyan ko siya ng mataas na grade ko. Ayokong mag-alala siya nang dahil sa `kin.             Kaya kahit naglalakad, nagme-memorize na `ko. Walang boses kong binibigkas `yong mga words para makaalala ako. Wala pa `kong tulog, sa totoo lang.             “Hoy!”             Napaangat ako ng tingin sa sigaw ni Yllena. Bruha talaga `to. `Tong babaeng `to, alam nang may pangalan `yong pamilya nila rito sa Maestranza, kung makasigaw, akala mo, `di siya belong do’n. Tsk.             “Ano?”             Nagtaka na `ko kasi mukha siyang gulat na gulat. Biglang-bigla yata siya sa reaksyon ko. Ano’ng mali sa reaksyon ko?             “Are you seriously that okay?! Nakakapag-relax ka pa niyan?!”             Ano raw?             Confused ako sa pinagsasabi niya. Gumusot na `yong mukha niya, mukha pang pikon sa reaksyon ko. `Problema nito?             Nagulat ako no’ng inalog niya `yong braso ko! “Seriously, Joy, are you on f*****g earth?! Bruha ka! Gumising ka!” Winasiwas ko nga `yong magkabilang kamay niya sa `kin. “Ano’ng problema mo?!” “Gosh! Hindi mo talaga alam?!” “Sige, isa pang tanong, sasakalin na kita.” “My God!” aba, nag-iwas na sa `kin ng mukha `tapos nagtampal pa ng mukha. “Did you---nagtse-check ka ba ng f*******: mo?”             “Wala na `kong oras diyan. Ano nga kasi’ng problema mo?!”             Hinila na niya `ko sa isang gilid kasi nasa gitna ba naman kami ng daan. Mabuti na lang, mamayang 10:00 pa `yong klase ko sa unang subject ko. After no’n, saka pa lang `yong una kong subject na may exam. Hapon pa `yong Phil Consti kaya mahaba pa `yong oras ko para mag-review.             Pinagmasdan kong mangalikot `tong si Yllena sa Iphone niya… ang seryoso na ng mukha niya. Ayoko no’n dahil alam ko kung ano’ng ibig sabihin no’n.             “Here.”             Tinignan ko muna siya dahil ang daming tanong na nasa isip ko, pero lakas-loob ko na ring tinignan kung ano man `yon.             Pota…             Kurap lang yata `yong nagawa ko. Para nga `kong `di nagbasa dahil nawala yata `yong lahat ng dugo ko sa mukha. Unang bungad pa lang kasi sa post, pangalan na namin ni Raven `yong nakita ko. Pota, ayoko nang mabasa lahat ng nakalagay. Dahil putang-ina, lahat, napaka-malisyoso!             Sino sila para sabihin may relasyon na kaming dalawa?! Sino silang mga hinayupak sila?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD