Chapter 18

3970 Words
Chapter 18 Sorry “Sorry, Raven, kung pinatayan kita ng tawag.”             Panay `yong sorry ko sa kaniya habang naglalakad dahil sa nangyari kanina. Kinakabahan lang ako, baka ma-misinterpret niya `yong ginawa ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung pa’no at sa’n ako nakakuha ng lakas ng loob na pagsalitaan sila nang gano’n… galit na galit na yata ako kanina na nagdilim na `yong paningin ko at nakapag-bitaw na `ko sa kanila nang gano’n. Gusto ko na lang din batukan `yong sarili ko kasi ano ba `yung gusto kong patunayan dito? Ang kapal pa ng mukha ko na tawagan si Raven sa harap ng mga walang-hiyang `yon… pinatulan ko pa? Ang babaw ko na, aminado na `ko. Ang galing ko rin talaga. Nagpadala naman kasi ako sa galit ko. “It’s fine… are you okay? Did they do or say something on you?” Automatic kong kinagat `yung labi ko. Alam ko kasing hindi ko na naman mapipigilan `yong sarili ko na makapagsalita nang kung ano-ano… ayokong madamay rito si Raven. Sobra na `yong kahihiyan na binigay ko sa kaniya. Ibigay ko naman sa kaniya `yong decency. “Wala naman.” Nai-imagine ko nang hindi siya maniniwala sa `kin, pero okay lang. Mas maigi na `yon kaysa marinig niya `yong pagra-rant ko sa mga narinig ko sa mga walang-hiyang `yon. Hanggang ngayon, nanggigigil pa rin ako dahil inakusahan nila akong nagchi-cheat?! Kung hindi ako anak ng isang puta, cheater?! Ang kakapal ng mga mukha! Huminga ako nang malalim. Naiiyak na naman ako sa frustration. “Do you need my help?” seryosong tanong niya. Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. “Hindi.” At wala akong planong hingin `yong tulong niya dahil sobra-sobra na `yong pang-aabala na ginawa ko sa buhay niya… hindi deserve ni Raven `yong ganitong kagulong buhay dahil sa `kin. Napabuga siya ng hangin. “I won’t be seeing you around for this week, but if you need for my help---” “Hindi ko kakailanganin `yon, Raven.” Huminga ako nang malalim. “Much better kung hindi muna tayo mag-usap.” Hindi kaagad siya nakasagot sa sinabi ko. Tanging `yong mahabang radio silence lang `yong narinig ko. “Fine.” Napabuga siya ng hangin. “Take care always.” Palilipasin ko lang `tong linggong `to. Gagawin ko ang lahat. Napasubo na `ko, kaya sige, mag-aaral talaga `ko nang mabuti. Sa sobrang dilim na yata ng paningin ko, hindi ko na napansin `yong pagtawag sa `kin ni Yllena. No’ng nilingon ko siya, hindi ko maiwasang mainggit. Punung-puno siya ng vibrance… mukhang walang problema `tong babaeng `to. Sobrang perfect din kasi ng buhay niya… “What’s up?” Nagpatuloy kami sa paglalakad. Napabuga ako ng hangin. “Naputol `yong pisi ko sa mga kaklase ko sa Consti. Masyado silang affected dahil may ‘relasyon’ daw kami ni Raven at cheater daw ako,” may pagkasarcastic `yong kuwento ko. “Mga tao talaga.” Naiiling siya. “They can’t even find peace without dragging other people down.” “Masaya yata sila sa gano’n.” “So, what’s gonna happen?” Tinignan ko siya. “Kailangan kong i-perfect `yong exam sa Thursday.” “Seryoso ka diyan?!” nanlaki na `yong mata ni Yllena na parang mas kabado pa sa `kin. “Si Ma’am Cuevas `yon, `be!” Naiintindihan ko naman `yong tono ni Yllena. Naging teacher din naman kasi niya si Ma’am Cuevas. At hindi `yon basta-basta nagbibigay ng exam na madali lang. Malupit din `yon kasi walang multiple choice at puro definition, identification at enumeration `yong type ng exam niya. “Basta, kailangan kong makapasa.” Tinignan niya ako. “Then, let’s go now to Filipiniana section sa library. Marami ro’n, `be. Kunin natin `yong books ni Agoncillo.” Ang liit ng ngiti ko. Wala man si Raven, nandito naman si Yllena para suportahan ako. Ayokong aminin, pero na-miss ko talaga `tong gagang `to. Mabilis kaming nag-asikaso sa librarian, bago kami tumungo sa Filipiniana section. Ang kaunti ng mga tao sa floor na `to. Uso na kasi `yong mga materials na digitalized, pero itong kay Agoncillo, wala nito halos online. Kaya kailangan talagang dayuhin `tong library. Nag-taas ako sa kaniya ng kilay. “Aba, sumasama ka na sa `kin ngayon, ah? Hindi ka na busy diyan sa Journalism guild mo?” “I left the guild no’ng isang araw pa… ayaw kasi ni Ryan,” bulong ni Yllena. Lalong tumaas `yong kilay ko. Hindi kasi niya matago `yung panghihinayang sa mga mata niya. Hindi na lang ako nagsalita. Ayokong lumabas na kontrabida, pero ang laki naman ng say sa buhay niya no’ng fiancé niya. Ano ba `yun. Nagbasa na lang ako kasi baka kung ano pa `yong masabi ko. Badtrip nga pala `ko.  Mga tatlong oras din akong nag-aral bago ko hiniram nang tuluyan `yong books sa librarian kasi pasara na. Ugh. Sana lang, mag-24/7 `tong library ng MSU. “Ayos lang ba na tumagal `yong uwi mo?” Tumango si Yllena nang nakangisi. “It’s okay. Sinabi ko naman kay Ryan and he understood it.” Tinawanan niya ako no’ng pinanliitan ko siya ng mga mata. “I’m serious nga, `be.” Inirapan ko na lang siya. Parehas naming hinintay `yong magsusundo sa kaniya. Hanggang sa dumating din naman… pero hindi ko gusto `yong awra no’ng fiancé niya no’ng lumabas. Parang badtrip pa yata no’ng nakita ako. “Hey, babe.” Naglambing si Yllena pero dinedma ni gago. Napakuyom kaagad ako ng kamao. Ang sama yata ng loob nito na sinamahan ako ni Yllena, ah?! “You done?” nakataas `yong kilay pa. “Yes---” “`Tapos na kami.” Tinaasan ko rin siya ng kilay. Bakit? Siya la’ng may karapatan? Mukha naman siyang natauhan sa asta ko. H’wag niyang dadagdagan `yong badtrip ko, sa kaniya ko talaga ibubunton. Nag-tone down naman ako dahil sa gulat na ekspresyon ni Yllena. Pasalamat `tong fiancé ni Yllena, kaya kong magpikit-mata dahil mahal siya ni Yllena. “Let’s go,” utos ni gago at hinila na si Yllena. Sarap batukan ng libro ni Agoncillo! “Bye, `be. See you tomorrow!” “Sure!” `Tapos asarin ko si gago na hanggang alas-once kami ng gabi. Tingnan natin kung ano’ng gagawin niya.   No’ng wala na sila pareho sa paningin ko, naglakad na `ko. Ayoko rin namang sumabay sa kanila dahil sa hilatsa ng mukha ng fiancé ni Yllena, mas pipiliin niyang wala na lang ako ro’n. Ano ba `tong si Yllena, hindi man lang ni-background check `yong jowa niya! Lakas  maka-possessive! Pag-aari? Napailing na lang ako. Dinukot ko `yung phone ko no’ng marinig kong may nag-vibrate. Lumitaw ro’n `yong reminder ko na kailangan ko nang bayaran `yong renta kay Aling Becky. Napapikit ako nang automatic kasi isa pa `to. Hindi ako titigilan sa chismis nito. Pagdating ko sa bahay, nakahanda na `yong hapunan. Tumayo agad `yong dalawang bata at sinalubong nila ako. “`Musta? Wala bang problema sa school n’yo?” “Ate, gusto mo, lumipat na tayo?” Nilingon ko kaagad si CJ pagkatapos kong ilapag `yong bag ko sa monoblock. Ang seryoso ng mukha niya… mukhang hindi naka-move on `yong dalawang bata sa narinig nila na isyu sa `kin. Nakakainis. Pati sila, apektado na. “Bakit mo naman naitanong sa `kin `yan?” “Dahil hindi ka titigilan ng mga tao rito sa kung ano-ano `yong sasabihin nila sa `yo, ate.” Tinignan ako ni Cara na tahimik lang na nakikinig sa `ming dalawa. “Alam mo naman ang mga tao rito---” “Ay magiging gano’n pa rin kahit na umalis tayo.” Ngumiti ako sa mga bata. “Hindi naman natin kailangang umalis… tandaan n’yo na nandito `yung mga scholarships n’yo…” Nagkatinginan `yong dalawa, medyo bothered sa sinagot ko sa kanila. Sumeryoso bigla `yong mukha ko. “Teka, binu-bully ba kayo ro’n?” “Ha?” sabay pa silang nagtanong. Tumaas `yong kilay ko. “Aminin n’yo nga, binu-bully ba kayo ro’n?” “Hindi, siyempre!” si CJ `yong unang nag-react. “Nag-aalala lang kami sa `yo.” “Sigurado?” “Oo naman.” Napabuga na ako ng hangin. “Sige… pero sabihin n’yo sa `kin, ah?” “Hindi n’yo ba… hindi n’yo ba tatanungin kung totoo `yong chismis sa pagitan namin ni Sir Raven n’yo?” tanong ko pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Nagkatinginan ulit `yong dalawa. “Hindi naman kailangan,” si Cara naman `yong sumagot. “Sasabihin mo naman kung meron o wala, eh.” Napangiti ako `tsaka tumango. “Oo… professor at kaibigan lang `yong tingin ko sa kaniya, ah?” Nagtaka ako kasi nagulat silang dalawa… may mali ba sa sagot ko? Nagkibit-balikat si Cara `tapos um-exit na. Bumalik na siya sa business niya. “Sige, sabi mo,” sabi ni CJ kahit hindi ko mawari kung sigurado rin ba siya sa sinabi niya. Ayos `yong dalawa `yon, ah? Maaga akong nagising at nag-aral ng libro ni Agoncillo kasama no’ng mga lecture notes ko. Mas mabilis mag-function `yong utak ko kapag umaga kaya mas pinipili kong mag-aral nang ganitong oras. Habang nag-aaral, nakita ko `yung page flags at additional notes ni Raven sa photocopied materials ko. Parang may kumurot sa dibdib ko. Siguro, alam niyang malapit na `yong exam ko kaya gumawa siya ng paraan para maglagay ng notation para makatulong sa pag-review ko. Hindi ko na maiwasang `di mapangiti. Pagkatapos ng halos tatlong oras, nagluto na ako ng agahan no’ng dalawa. Ginising ko na rin sila sumunod. Wala akong sinasayang na oras kaya panay lang `yong review ko. Hindi ako nakikipag-communicate sa cellphone ko dahil exam’s week. Sinabi ko rin naman kay Cris na siya muna `yong bahalang kumontak sa RECO para sa mga upcoming schedule ko. “Talagang d-in-edicate mo na `yung oras mong samahan ako, ah?” Tinaasan ko ng kilay si Yllena na tawa nang tawa naman sa akin. Ang saya naman talaga nito. “You need a cheerleader kasi kaya nga sinasamahan kita.” “Wala kang exam?” “I’m done!” ngumisi siya. “Madali lang naman.” Ibang klase… siya na `yong matalino sa aming tatlo. Habang nag-aaral, pinaalala ko sa sarili ko na kailangan kong puntahan si Aling Becky kaya pagkatapos sa school, dumiretso na ako sa bahay niya. “Uy, Joy!” galak na galak si Aling Becky, ah? Bilis talaga makaamoy nito ng pera. “Magbabayad ka na?” Tumango ako, ngumiti na rin kasi baka isipin niya na labag sa loob kong magbayad sa kaniya. Wala naman akong choice dahil wala akong malipatan na mura `yong upa maliban sa kaniya. Isa pa, malapit lang kasi `yong apartment sa school namin ng mga bata. Sisisihin ko rin `tong life choices ko pagdating ng araw, eh. No’ng inabot ko sa kaniya `yong pera kasama iyong advance ko ng isang buwan, tuwang-tuwa siya. Siyempre, sinigurado ko naman lahat kaya pinapirmahan ko siya sa receiving ko. Mahirap na, manghabla pa `to. “Salamat naman, Joy, dito, ha? `Buti naman at nakapag-jowa ka ng isang Vergara! Naku, iba talaga `yang alindog ng pamilya n’yo! Ibang klase `yong---” “`Tapos na po `kong magbayad. `Tsaka, akin po `yan. Kita ko po `yan sa modeling. Alis na po `ko.” Hindi ko na napigilang irapan siya. Supalpalin ko nga. Buwisit! Nakakagigil talaga’ng mga tao! Bahala na siya sa kung ano’ng isipin niya pero hindi ako gano’n, buwisit! Huminga ako nang malalim habang naglalakad papunta sa apartment namin. Patapusin ko lang `tong mga bata, aalis na talaga kami. Baka, magkasala pa `ko, kung ano pa `yung masabi ko. Dumating na rin `yong araw ng lintek na exam namin para sa Consti. Hindi makatingin halos lahat ng mga kaklase ko sa subject na `yon sa `kin at hindi ko rin naman alam kung bakit. Bahala sila diyan. Isa-isang pinaglalatag ni Ma’am Cuevas `yong test papers. Kahit na ang bilis ng kabog ng dibdib ko, humihinga lang ako nang malalim para kumalma at makapag-concentrate ako. Tahimik kaming nagsimula ng examination. Nagulat ako dahil sa totoo lang, iyong lahat ng tanong, nasa libro halos ni Agoncillo! In fairness, ang galing ng advice ni Yllena sa `kin! Kahit na sobrang excited kong sagutin lahat, binabagalan ko dahil gusto kong makasigurado. Gagamitin ko nang tama `yong oras inilaan para sa amin dito. No’ng natapos na, pinag-exchange papers kami. Ilang sandali lang, pinasa na namin kay Ma’am Cuevas `yong mga papel. “So, Miss Perez got the exam perfect. Congratulations.” Hindi ako nag-react sa sinabi ni ma’am dahil ramdam ko na kaagad `yong nanunusok na tingin ng mga kaklase ko. Bahala sila diyan. Basta’t tantanan na nila ako. Kung ayaw pa rin nila maniwala na hindi ako nag-cheat, sa kanila na `yun. Nagkandapuyat na ako diyan. Hindi na nila iyon dapat malaman. No’ng uwian na, narinig ko na naman silang nag-uusap. “Nandaya talaga `yan,” bulong no’ng babae. “Malabo. Pinalayo ni Ma’am Cuevas `yong gamit natin, `di ba?” “Malay n’yo, same format lang `yong exam ni Sir Vergara at ni Ma’am Cuevas.” Umirap na ako. Pagod na akong i-explain `yong sarili ko sa kanila. Kung `yan `yong gusto nilang isaksak sa isip nila, bahala sila. “How’s exam, `be?” Kinunotan ko ng noo `tong si Yllena. Kung saan-saan na `to nasulpot! “Perfect ako,” walang pakialam na sagot ko. “What?” nanlaki `yong mga mata niya. “Mag-celebrate tayo!” “Wala ako sa mood.” “Bakit?” hindi ko siya sinagot, pero nakahalata yata siya sa pananahimik ko. “Those people!” Tinignan ko na siya. “H’wag mo nang sayangin `yang galit mo sa kanila… maiirita ka lang.” Umirap siya. “I just can’t help myself. Akala ng mga taong `yon, wala kang independence.” Hindi na ako nagsalita. Gusto ko na lang matapos `tong week na `to dahil nangangati na `kong magtrabaho sa RECO. Isa pa `yon… kinakabahan ako. Baka kausapin na ako ng RECO regarding sa issue. Hindi pa naman ako nagtse-check pa ng phone ko dahil iniwan ko sa bahay. Pinilit pa rin ako ni Yllena na i-celebrate namin `yong pagka-perfect ko sa exams. Siya lang `yong masaya, kaya hinayaan ko na. Panay `yong kuwento niya dahil excited na raw siya sa engagement niya. Sana lang, tama `yong desisyon niya sa napili niya. Ayokong manghimasok sa life choices niya… mahal na mahal niya kasi `yong Ryan. Sa Ryan lang talaga na `yon ako kinakabahan… kakaiba siya kasi sa `kin. Pagkauwi, nag-check na kaagad ako ng messages pagkasindi ko ng phone ko. Ang daming bumungad sa akin. Mga text ni Billy, Nancy, at Cris, mga update sa school. Pero natigilan ako no’ng hindi ko makita `yong text niya. Isang linggo akong nawala… hindi man lang siya nag-update sa `kin? Napailing ako. Sino ba ako? May buhay rin `yon. Bumalik ako sa RECO na takot na takot. Hindi ko kasi alam `yong mangyayari. Kung kalat na ba na may issue ako sa social media o wala. Kapag nawala sa `kin `to, `di ko alam kung saan ako pupulutin. Kawawa `yong mga kapatid ko, kapag nagkataon. Napalunok ako nang mariin no’ng papasok na ako ng studio, kaso may panira talaga ng kaba mo katulad ni Cris. “Frenny! I miss you!” Ang ingay talaga nito. Pinagtitinginan na kami ng mga model dito. “H’wag ka ngang maingay,” sita ko sa kaniya pagkatapos niyang ikawit `yong braso niya sa `kin. “I just missed you lang kasi.” Umirap ako. “Ano na pala’ng nangyari? Nagtanong ba sila sa issue?” humina `yong boses ko sa dulo. Umupo muna kami sa labas habang hinihintay `yong iba. “Hindi naman… hinayaan na lang din nilang mamatay `yong issue dahil sa lugar n’yo lang naman kumalat. Though, nakarating siya sa RECO, hindi naman siya masyadong pinansin kasi nga, hindi rin naman siya umingay outside of your province.” Kinakabahan ko siyang tinignan. “Hindi ba nila `ko ipapatawag?” “Hindi naman, siyempre! Sabi ko sa `yo, hintayin mo lang mamatay `yong issue, eh.” Nakahinga ako nang maluwag. Napasimangot ako no’ng tinawanan ako ni Cris. “Ikaw naman! Masyado kang nag-alala, frenny. `Tsaka, gagawin naman ng PR ng RECO ang lahat lalo na kapag big artist ka na nila, kaya h’wag ka nang ma-down.” Tumango ako. Eksakto, dumating na si Billy. Nanlaki `yong mga mata niya no’ng makita ako. “Hey, baby, you’re here.” Nakangiti si Billy sa harapan ko. “How’s school?” “Draining.” Tinawanan niya ako no’ng sumimangot ako. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. “If you want, you can stop studying and focus your career here.” Nagkibit-balikat siya no’ng tinignan ko siya. “You have actually a stable income here even though you’re working part-time. You’re already providing the needs of your family.” Matipid akong napangiti kay Billy. “Actually, that’s a good plan, but still, I’d like my undergraduate course still be finished. That’s my main goal.” “I already told him that, Billy baby, but he just refused my offer,” singit ng mahaderang si Cris. “Joy’s doing a lot of effort just to get finished with her studies.” Nakita ko `yung admiration sa mukha ni Billy. “That’s nice. What’s your plan if you will graduate?” “If I have good projects here, maybe I’m gonna work full-time. If not, I’m gonna work focusing on my profession.” Tumango si Billy. Mag-uusap pa sana kami, kaso dumating na `yong mga crew para sa isang salang ng photoshoot. “`Oy, frenny, ang lalim no’n, ah?” Nakita kasi ako ni Cris na bumuntong-hininga pagkatapos kong silipin `yong cellphone ko sa  bag. Nag-taas ako ng kilay nong makita ko siyang nakangisi na parang nanunudyo. “`Di ka tini-text ni hottorney, ano?” Inirapan ko siya. “Baliw, hindi. Pagod lang.” “Asus.” Pinagmasdan ko lang siya no’ng tinawanan niya ako. “`Di pa ba kayo nag-uusap?” “Ewan ko ro’n.” Ako yata `yong parang baliw. Ako `yung hindi muna nagpa-contact sa kaniya. Sabi ko lang naman, sandali lang, ah? Hindi ko naman sinabi na habang-buhay niya akong hindi kontakin. “Ladies.” Humarap kami kay Billy na kakalabas lang galing studio. “Let’s hang-out.” “Are we going to BGC, again?” Kumislap talaga `yong mga mata ni Cris pagkarinig kay Billy ng ‘hang-out!’ Grabe talaga `to! Tumango si Billy. “Are you both free?” “No---” “Oh, yes, we are!” Ang sama kaagad ng tingin ko kay Cris. Nakakainis. Uuwi na dapat ako, eh. Pero nakakahiya naman dito kay Billy kaya, sige na nga. “I was expecting that the three of us only will go.” Tumaas `yong kilay ni Billy kay Nancy na tumatawa. “Why are you here?” “What’s the problem?” nag-taas din ng kilay si Nancy. “I can do what I want. And, Joy isn’t complaining.” Binalingan niya ako. “Right, baby?” Napangiwi ako. “Yes.” Ngumiti si Nancy. “Good. So, what are you waiting for? Go, idiot!” Buong biyahe, nakasimangot na si Billy at tawang-tawa ako! Habang abala si Billy at Nancy na magtalo sa harapan namin at mag-selfie naman `tong si Cris kasi i-story niya raw iyon sa IG, panay naman `yong silip ko sa phone ko kung magte-text ba si Raven o tatawag sa `kin. Nagtatampo ba siya? Sabi ko lang naman, h’wag niya `kong kontakin para hindi isipin ng mga kaklase ko na tinuturuan niya ako. Bakit ba ako naiirita? May sarili siyang buhay. Gusto ko sanang mag-enjoy no’ng nando’n na kami sa club, pero ewan ko… tinatamad ako. Gusto ko lang umupo, panoorin kung paano mag-reflect sa mata ng mga tao `yong nakakahilong kulay ng neon lights… kung paano sumabog sa bibig ng mga naninigarilyo `yong hangin ng vape at sigarilyo… kung paano nag-iingay `yong mga baso kapag nag-iinuman sila. Masaya sa club. Maingay. Makulay. Pero nabo-bore ako. Bored na bored. No’ng nagsasawa na ako, at mukhang engross naman `yong tatlo dahil nagmukha na silang party animal, tumakas ako at lumabas sa club. Text ko na lang sila kasi gusto ko nang umuwi. Pero hindi pa nga yata ako nakakahakbang ni nakakatawag ng cab nang tumunog `yong cellphone ko. Akala ko, si CJ, pero nanlaki `yong mga mata ko no’ng siya na `yong tumawag! “Hello.” Pinilit kong maging flat `yong boses ko. Baka naman, magulat siya dahil maging hyper ako. “Joaquin Ysabella, have you gone home?” Kumunot nang automatic `yong noo ko. “Nasa club ako. Bakit?” “I was about to fetch you. Wala ka na pala rito.”             Kanina ko pa kaya hinihintay `yong text mo!             Umirap ako. “Hindi ko naman alam na susunduin mo `ko.” Wala ka man lang kasing information ni update sa `kin!             “Galit ka?” medyo nagulat pa siya, ha?             Tumikhim ako. “Hindi.” Ba’t naman ako magagalit?!             “I became busy with review. You also told me that you need space for a while so I took the opportunity to focus on my studies.”             Pota, napapikit ako kasi nakonsensya ako. Ano ba `yung asal ko?!             “Are you mad?” hindi ako nakasagot. “I’m sorry.”             Pota!             “Wala ka namang kailangang ihingi ng sorry.” Huminga ako nang malalim dahil natataranta naman ako. Hindi ko na alam `yong pinagsasabi ko rito. Marami na ba `yong nainom ko?             “Would you want me to pick you up there?” maingat `yong pagsasalita niya.             Kinagat ko na `yong ibabang labi ko. “Sige.”             Habang hinihintay si Raven, t-in-ext ko na silang tatlo na nauna na ako sa kanila. Wala pa silang reply kaya binalewala ko na.             Ang bilis ding makarating ni Raven. Nagulat ako sa hitsura niya pagkababa niya ng sasakyan niya dahil naka-t-shirt pa siya no’ng galing sa review center. Naka-specs pa siya. Galing ba siya sa review?             “I’m sorry,” bungad ni Raven pagkalapit na niya sa `kin. “Wasn’t able to contact you because I got busy. I’m sorry.”             Hindi ko alam `yong sasabihin ko. Ang daming kong gustong idaldal, pero natabunan na yata ng alak `yong iniisip ko.             Tumango na lang ako.             “Where would you wanna go?”             Huminga ako nang malalim sa bigat ng titig niya. “Gusto ko nang umuwi.”             Tumango rin si Raven at ngumiti nang kaunti. “Okay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD