Chapter 5
Naiinis
Nag-aral ako nang maigi para sa recit na naudlot dahil nga, nahimatay ako. Hanggang ngayon, kapag naalala ko pa rin `yong nangyari, parang gusto ko na lang mawala. Nakakahiya na nahimatay pa `ko sa kalagitnaan ng recit. At sa harap pa talaga ni Sir Vergara.
“Oh.”
Inabot ko kina CJ at Cara `yong pambayad sa field trip nila. Nanlaki kaagad `yong mga mata nila. Na-realize yata ng dalawang `to kung para saan `yong pera.
“W-wala na tayong pera, ate.” Parang nahihiya pa si Cara kasi hindi siya makatingin sa `kin.
Nginisihan ko nga. “Meron pa kaya tayong budget! Nagtitipid lang talaga ako nang husto, ano ba kayo?”
Tinitigan lang ako no’ng dalawa. Wala man lang nagsasalita kaya tumawa na `ko.
“Isipin n’yo na lang na hindi natin kailangan si Glenda sa mga buhay natin para maka-survive.”
Kaya gagawin ko ang lahat, mai-provide ko lang sa kanilang dalawa `yung mga pangangailangan nila… kahit na manghina pa `ko `tsaka magutom. Alam ko kung ga’no nila pareho pinaghihirapan ni CJ iyong magkaroon ng magandang standing sa school. Hindi na nga halos natutulog `yang dalawang `yan kaka-review at kakatrabaho, makatulong lang sa pambayad ng mga gastusin.
Kaya kahit na mahirap, kakayanin ko para sa dalawang `to. Worth it iyong mga luha na nakikita ko sa mga mata nila.
Marami pang kailangang isipin pero sa ngayon, masaya na `ko dahil sa wakas, hindi kailangang magsakripisyo nilang dalawa.
“S-salamat, ate.”
Sinubukan man ni Cara na maging pormal `yong boses niya, hindi niya rin nagawa kasi namumula na `yong mga mata niya.
Tumawa na lang ako `tapos nag-offer ako sa kanila ng isang mainit na yakap. `Tong mga `to…
Naghanda na ako para sa klase ko kinabukasan. Pagkapasok ko pa lang sa klase para sa isang major namin, halos makakapanapak na `ko ng mga tao dahil naririnig kong ako `yung pinag-uusapan nila.
“Ano kaya `yong ginawa no’n, ano, kaya nahimatay?”
“Baka buntis?”
“Hala, `di nga?!”
“Hindi pa ba halata? Mukha siyang buntis kasi ang putla niya. Baka, may kinakalantari na?”
“Eh, wala naman `yang boyfriend dito.”
“Wala nga. Eh, kung nasa labas?”
“Ay! Oo nga, ano?”
“`Tapos, foreigner pa, `no? Mana sa nanay. Kung sino-sino `yong pinapatulan, basta, foreigner.”
“Ay! Sinabi mo pa! Sabi nga sa `kin ni mama, iba-ibang foreigner `yong nagiging asawa no’ng nanay niya---”
“Problema n’yo sa mga buhay ko?”
Tinaas ko `yong mga kilay ko habang naka-krus `yong mga braso sa dibdib ko sa grupo ng mga babaeng inggit na inggit sa `kin.
Ayos din `tong mga `to, ah. Parang may mga meeting. Nakapalibot `yong mga upuan nila nang pabilog `tapos nakaupo sila ro’n at wala nang inatupag kundi pag-usapan `yong buhay ko. Hindi yata kayang mabuhay nang walang masagap na chismis sa buhay ko.
Mga inggitera.
Oh, `tapos, hindi magsasalita? Ay, ayoko nang ganiyan.
“Hoy! Kinakausap ko kayo. Ano’ng problema n’yo sa buhay ko?”
Wala talagang umiimik! Napairap na ako.
“Oh, sige, ayaw n’yong magsalita? Sige, ako’ng magsasabi sa inyo. Buntis ako?! Agad-agad? Hindi ba puwedeng halos wala na akong makain dahil kailangan naming maka-survive? Dahil `yong nanay namin, `di namin alam kung kailan pa kami bubuhayin? Hindi mo alam `yon, Luisa, dahil sa ganda ng buhay n’yo. Ang dami mong pribilehiyo, hindi mo naman magamit nang maayos kasi magaling ka lang lumustay ng pera mo at ipagyabang `yang Iphone mo.”
Tumameme kaagad si Luisa habang tinitignan ko siya.
“At ikaw naman, Sarah, ano’ng sabi mo? Katulad ako ng nanay ko na nag-bo-boyfriend ng foreigner? Huli ka na ba sa balita? Eversince, wala pa `kong boyfriend! Kailangan ko muna kasing gapangin `yong pag-aaral ko ng apat na taon, bago ko isipin `yong pag-aasawa. Gusto ko kasing bigyan ng magandang buhay `yong mga kapatid ko. Kung magkaboyfriend man ako, oks lang. Suwertihan na kung `kano. Ayoko rin kasi ng papalit-palit ng syota. `Tapos, iiyak ako dahil iniwanan ako. `Di ba, Sarah? Ayoko kasing matulad sa `yo na iniyakan mo `yung babaero mong ex dahil may nahanap siyang iba kahit na kayo pa. Hindi ako asong hahabol sa aso rin.”
“Walang-hiya ka!”
Pinanood ko lang na mag-histerikal `tong si Sarah. Gusto kong tumawa kasi namumula na `yong pisngi niya sa galit. Hindi pa naman nakakadapo `yong palad niya sa pisngi ko kasi pinipigilan siya no’ng mga kaibigan niya.
Halatang guilty, eh.
“Wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang ganiyan! Malandi ka! Kahit na ano pa’ng sabihin mo, malandi ka! Pareho kayo ng malandi mong nanay---”
Ang ingay ng pota.
Lumapit pa ako `tapos tinaas ko `yung ulo ko. “Stop objectifying me na para bang magagawa ko `yong ginawa ng nanay ko. You don’t know me. Umayos ka. Mukha kang walang pinag-aralan sa pinaggagawa mo. GMRC, please,” bulong ko sa tainga niya.
Inirapan ko siya pagkatapos bumalik na `ko sa kinauupuan ko. Nangangatal ako habang hinihintay `yong prof namin kaya panay `yong paghinga ko nang malalim. Normal naman nang nangyayari sa `kin `to kaya binabalewala ko na lang. Simula pa elementary, ang tingin na ng mga tao sa `kin dito, haliparot, malandi, lalaking pokpok.
Kaya nga, nagsisikap akong mag-aral, eh. Gusto kong ipakita sa mga taong `to na hindi ako magiging kagaya ng nanay ko. Na hindi ako mapapariwara. Na makakakuha ako ng magandang buhay at uunlad kami ng mga kapatid ko na walang inaasahan at tinatapakang mga tao.
No’ng bata-bata pa `ko, gusto kong magalit kay Glenda sa mga pinaggagawa niya. Ang laki ng epekto sa amin dahil sa mga mapanuring tingin ng mga tao. Akala nila, wala na kaming patutunguhan at tutulad kami sa kaniya. Hindi na kami binigyan ng pagkakataong mangarap ng magandang buhay.
Pero naisip ko, habang tumatanda ako na hindi mo mapi-please lahat ng tao. Hindi mo mapipilit sa kanila `yong gusto mong maisip nila tungkol sa `yo. May sarili na silang depinisyon ng kung sino ka at isasarado na nila `yong mga isip nila sa kung ano ka ba talaga.
They would only choose to look at the surface, not at the depth.
Bahala sila. Wala `kong pakialam. Ang mahalaga sa `kin, `yong mga kapatid ko. Iyong mapagtapos ko sila, makuha namin `yong mga pangarap naming buhay at maging masaya nang walang tinatapakang mga tao.
Itong mga `to? Bless their soul.
Hindi ko alam kung bakit ako na-e-excite no’ng dumating na `yong araw ng Thursday. Pero sandali lang kasi nanlumo ako. Ang sabi no’ng class president namin, si Sir Vergara raw, wala dahil may inasikaso raw sa Manila. Mag-aral na lang daw muna kami dahil magiging mahirap daw `yong recit namin. May one week preparation pa kami kasi next week, eksakto, intrams dito sa MSU.
Sinulit ko `yung pagtratrabaho sa salon. Masaya naman ako na maraming customers kaya lang, trip yata ng mga `to na laging magpaayos ng tanghali. Ni hindi pa nga ako halos kumakain!
Sige na, mukha namang maraming kita ngayon. Kung mapapa-OT pa `ko, ang laki ng maibibigay ni mamasang sa `kin.
Kailangan ko na ngayong triplehin `yong sipag ko dahil lumalaki lalo `yong mga gastusin. `Tapos, paghahandaan ko pa `yung pagiging senior-high ni CJ. Kahit hindi `yon nagsasalita, balak no’ng kumuha ng computer related courses. Mahilig kasing mangalikot sa computer, eh.
Maingat kong nililinis `yong kuko ni nanay na customer ko nang mga oras na iyon. Masyado nang naninilaw at matitigas `yong mga kuko niya kaya hirap din akong mag-nail cutter. Mabuti na nga lang, hindi nasira `yong nail cutter no’ng nando’n na `ko sa hinlalaki no’ng paa niya.
Matamis akong ngumiti kay nanay pagkatapos ko siyang linisan. Pedicure lang naman. Ang bait ni nanay kasi binigyan niya pa `ko ng tip `tapos, nilibre pa `ko ng isang plastic cup ng kwek-kwek.
Kumain muna `ko at uminom ng tubig bago ako bumalik sa puwesto ko. Pero hindi pa yata ako natutunawan, halos gusto ko nang idura `yong mga kinain ko dahil sa hitsura ng sumunod kong customer.
Obviously, bakla siya. Halata sa biceps niyang tinatago niya sa fit niyang white t-shirt. `Tapos, `yung buhok niya? Ang tingkad ng pagkakapula at saka, ang alon din. Dahil skinny siya medyo, lubog `yung pisngi niya. Kitang-kita ko `yung matulis niyang panga pati `yung collarbone niya. Nakangiti siya. Mukhang walang problema sa buhay.
“Ay, shala, `teh. `Tangkad, ha,” pagpuri niya no’ng umupo ako sa bangkito katapat niya. Siya naman, sa malaking couch nakaupo.
Ngiti `yong sinagot ko bago tumango. “Manicure or pedicure?”
“Manicure lang,” sagot niya.
Tumango ulit ako `tapos hinanda ko na `yung manicure at pedicure kit sa gilid ko. Nagsimula na `ko sa paglilinis no’ng mga kuko niya sa kaliwang kamay niya. Kaso, naiilang na ako sa paninitig niya sa `kin. Para bang sinusuri niya `ko? Ang tagal pa.
Hindi na ako nakatiis.
“May problema?” nag-taas kilay ako.
“Ay, sorry.”
Tumawa siya sa `kin pero halata mong ilang---teka, baka bigla niyang na-realize na lalake pala siya `tapos crush na niya `ko?!
“Crush mo `ko?”
Do’n na siyempre tayo sa diretsahan.
“Yuck! Hindi, `no!”
Grabe, siya pa `yong may ganang kilabutan?!
“Eh, bakit mo `ko tinititigan?” kumunot na `yong noo ko.
“Alam mo kasi… try mo kaya maging model?”
“Huh?”
“Puwede kang maging model, `be. May alam akong modeling agency sa Alabang na naghahanap ng models for different brands. Puwede ka ro’n, be!”
Hindi kaagad ako naka-react. Puwede naman `yong suggestion niya, kaso…
“Hindi kakayanin ng sched ko.”
Nilinis ko na ulit `yong kuko niya. This time, sa kanan naman.
Umiling agad siya. “No, you don’t need naman na mag-full time model. Malaki rin ang kita ng part time. Iyon nga lang, ang risk doon, mahirap gumawa ng pangalan sa industry kung hindi ka masyadong expose. Sayang pa naman ang ganda mo rito sa probinsya. Matangkad, tsinita, may hubog. Hindi ko pa nakikita ang legs mo, huh. Pero mukha kang makinis. Ang puti mo pa. Maganda ka talaga, `te.“
Ang observant naman nito.
“Talent scout ka ba?”
Umiling siya ulit. “Sort of, pero sa call center talaga ako. Raket ko lang `tong pag-sa-scout ko kapag may nakita akong papasa sa panlasa ng modeling agency na nireretuhan ko.”
Come to think of it? Matagal ko na ring pinoproblema ang expenses naming magkakapatid dahil lumalaki na talaga. At kapag walang nagtrabaho sa amin na medyo sapat ang kita, baka kung saan na kami pupulutin.
“Papa’no ang magiging management ng scheds no’n, if ever?”
“Depende kasi iyon. Full-time ka ba rito?”
“Hindi, part time lang. Nag-aaral talaga ako.”
“Oh. . . Puwede naman. Sila ang mag-aayos ng sched mo. Minsan nga lang, kapag medyo demanding at kailangan na nando’n ka sa photoshoots, no choice, kailangan mong mag-sacrifice.”
Okay na sana… kaso naalala ko naman `yong standing ko kasi full-time scholar ako. Ayokong mawala iyon lalo na masira ang grades ko. Ang tagal ko ring pinaghirapan iyon.
“Don’t worry. Kapag pumayag ka sa sinabi ko, ako’ng bahala na kumausap sa talent agency. Aalagaan kita as your manager. Swear, hindi ako hahanap ng sched na mahirap sa `yo kasi gano’n din naman ako, eh.”
“Pag-iisipan ko muna,” ang tanging nasabi ko habang nakayuko, pokus sa paglalagay ng color red sa finger nails niya, at pinag-iisipan ang offer niya.
“Ano’ng name mo?” tumingala na ako.
Ngumiti siya. “Crizza Mendez. Ikaw?”
“Joy,” sagot ko.
Pero Cris ang real name niya pagkatingin ko ro’n sa binigay niyang business card pagkatapos niya umalis. Malaki rin ang tip na binigay niya sa akin nang matapos ko ang manicure sa kaniya.
Sumandal ako sa swivel chair ko saka pinag-isipan `yong sinabi ni Cris.
Mahirap `to.
Ni-review ko `yung mga schedule ko sa buong semester pati na rin `yong maintaining grades ko. Lahat sila, importante sa `kin. Kahit sobrang hirap ng exams, ginagapang at pinagsusumikapan ko talagang hindi ako matanggal sa academic scholarship.
Puno ako ng loads ngayong second year ako. May mga oras naman na hindi inaabot ang schedules ko ng gabi dahil natatapos din ng alas-cuatro ng hapon at hanggang Thursday lang ang pasok ko.
Sinulyapan ko `yong dalawa. Si Cara, abala sa paghuhugas ng mga plato habang si CJ naman, naglilinis ng kuwarto. Siyam na minuto na lang, mag-a-alas diez na.
Siguro naman, kung kukunin ko `to, hindi naman siya makakapaminsala sa pag-aaral ko, hindi ba? I could juggle this. Mas malaking kita. Besides, part time lang naman, eh. Kung may mga preparations sa examination, magagawa ko naman sa breaks ko.
Okay.
Okay!
Tatawagan ko na si Cris.
Lumabas muna ako ng bahay para matawagan siya nang maayos.
“Hello, Cris?”
“Who’s this? Hindi ako si Cris. Crizza `yong pangalan ko, `no!”
Ang arte naman nito!
Napairap ako. “Si Joy `to, iyong kausap mo kanina sa salon.”
“Ay, girl, ikaw pala! Ano, may desisyon ka na?”
Tumikhim muna `ko. “Pinag-aralan ko `yung scheds ko. Libre lang ako from Fridays to Sundays. Okay lang ba?”
“Hmm . . . Hindi na rin naman masama kasi may mga students na kagaya mo na ganiyan din ang sitwasyon. Wait, okay, sige, frenny, push!”
Mabuti na lang at mid-terms na kaya hindi naman ako kakabahan kung pupunta ako ng Alabang para mag-audition. At least, wala akong iisipin. Ang masama nga lang, Alabang iyon kaya baka makita ko si Glenda. Mabuti na lang at ang MRE, nasa kabilang area pa ng Alabang kaya sobrang pasalamat `yong sinabi ko sa Diyos.
Nag-meet kami ni Cris sa lobby ng isang hotel. Abot-tainga `yong ngiti niya pagkatapos niya `kong batiin.
“Mabuti na lang, tinawagan mo `ko. In-introduce kasi kita sa friend ko rito.”
“Talaga?”
“Yes, `be! Para maging curious sila. `Tsaka, mas maganda na may beforehand impression na sila sa `yo kahit hindi ka pa nila nami-meet in person. Nga pala, naghanda na `ko ng make-up mo.”
Tumigil `yong mga mata niya sa dala kong make-up kit. “Ay, prepared si `te!”
“Make-up artist din ako sa salon kaya meron ako nito.”
Nagkibit-balikat lang siya. “Let’s go?”
Tumango ako at sinundan na siya. Nang makarating na kami sa floor na sinasabi niya, halos manliit ako sa sarili ko nang makita ang mga matatangkad na babae na nalalagpasan namin. Ang mamahal no’ng mga suot nilang damit. Halatang puro mga branded. At `yong mga make-ups nila? Grabe! As in mapapa-wow ka na lang. Ang gagaling nilang mag-apply! Sikat siguro ang mga make-up artist nito, o baka naman sila talaga `yong nagme-make-up sa mga sarili nila?
Nang makarating din kami sa studio, may isang matabang lalake na sumalubong sa `min, may sukbit sa leeg na DSLR. Hawak niya `yong lens no’ng camera.
“Henry, siya `yong sinasabi ko sa `yo,” sabi ni Cris sa lalake.
Umawang nang paunti-unti `yong labi niya habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Naasiwa tuloy ako. Ganito ba rito? Na normal kang gano’n tinitignan?
“Ayos lang ba na magsuot ka na medyo exposed ang skin na damit?” tanong no’n. “May pupunta kasi rito mamaya iyong mga personnel ng Penshoppe. Kapag napili ka nila, kasama ka namin sa fashion week. Okay ba?”
Seryoso ba raw?!
Halos masuka ako sa kaba rito! Nakaka-overwhelm naman!
Mabilis akong tumango. Okay lang naman sa `kin na may kaunting skin na kailangang i-expose. Kung iyon ba ang kailangan, eh.
Tinulungan ako ni Cris sa pagme-make-up. Maya-maya, dumating din iyong personnel ng Penshoppe. Kinabahan tuloy ako lalo.
Ipinasuot na sa akin `yong mga damit nila na gagamitin para sa shoot. Habang sinusuotan nila ako, tumatayo na lahat ng balahibo ko sa buong katawan na halos hindi ko na maramdaman `yong lupa! Parang lalabas na `yong puso ko sa tindi ng pagkabog!
“All right, Joy, give me your shot!”
In-imagine ko `yung mga nababasa ko sa mga magazine kung paano mag-pose iyong mga professional model. Umupo ako sa edge ng monoblock chair, inangulo `yong katawan ko na mag-e-emphasize sa kurba ng likod ko, nakatagilid sa camera, nakaawang pa `yong labi ko.
Mukhang natuwa si Charlie sa mga gano’ng pose ko. Nag-enjoy rin naman ako kasi ang daming pinagawa niya sa `king pinagawa. Sa kabuuan ng shoot, iyong tunog ng pagpindot ng camera `yong naririnig ko `tapos nabubulag pa `ko sa flash ng camera tsaka sa ilaw sa gilid ko. Pero, kiber lang, kasi na-e-enjoy ko talaga siya.
May pinasuot pa sa `kin na black sports bra `tapos skinny leggings. Yakap na yakap ng leggings `yong puwet ko. Ang ganda rin no’ng sapatos na suot ko.
Medyo exposed nga `yong abdomen ko pero hindi naman ako kinakabahan kasi alam kong wala akong tiyan.
Pinag-pose ulit ako. This time, mas fierce at bold kasi iyon daw `yong concept nila sa mga sport’s garments.
Pagkatapos ng isang oras, kinausap sina Cris ng Penshoppe personnel. Tatlo silang naro’n sa mahabang table. Habang ginagawa `yong shoot, chini-cheer din ako ni Cris.
Teka… ano `yung pinag-uusapan nila? Kinakabahan na `ko! Tanggap kaya ako?
Pero bago pa ako lumugmok, nabuhay lahat ng dugo ko sa tili ni Cris! Napatili agad ako no’ng sinabi niya na tanggap ako!
“Oh, frenny, schedule mo.”
Tinanggap ko `yung papel na binigay ni Cris habang nagpapahinga kami sa quarter’s room. May mga ilang model din na nasa loob kaso mukhang hindi nila pansin `yong existence ko bilang bagong kasama nila.
Kiber lang. Hindi naman sila `yong pinunta ko rito.
“Thank you,” sabi ko bago magsimsim ng decaf coffee sa paper cup.
Umupo naman si Cris sa tabi ko. “Kaya lang, kailangan mong pumunta sa RECO para sa signing ng contract mo sa Tuesday.”
Napansin kaagad ni Cris `yong panlalaki ng mga mata ko.
“Sa hapon pa naman. Kaya, makaka-attend ka pa rin ng klase mo, kahit papa’no.”
Puwede na… kaso Phil Consti namin iyon. Delikado kasi pagkatapos ng maraming delays, matutuloy na `yong long exam namin do’n. Recit pa.
Bakit naman ako mag-aalala? Minor subject lang naman `yon. Kaya ko pang ipasa iyon na hindi ako bumabagsak.
Pagkatapos ng shoot, nagkuwento kaagad ako sa mga bata na nakapasa na ako sa modelling. Siyempre, nasorpresa sila sa biglaang desisyon ko.
“Eh, ate, pa’no naman ang pag-aaral mo?”
Tinawanan ko lang `yung pag-aalala ni Cara.
“Kaya ko naman. Naka-schedule lang `yong shoots ng Fridays to Sundays. Hindi siya hassle sa sched ko.“
“Sa Alabang `yan, `di ba, ate? Baka, magpang-abot kayo ro’n ni Mama.”
Umiling ako kay CJ. “Malayo. Nasa likod ng Festi iyong building nila. Nasa looban pa ng Alabang sa `kin.”
Kahit na tinanguan nila ako, alam ko naman na hindi sila kumbinsido sa sagot ko. Bahagya na lang akong ngumiti. Para sa kanila naman din `to kaya ko `to ginagawa.
Nagpaalam na rin ako sa salon na pinapasukan ko. Expected ko nang tatabang `yong mukha ni mamasang sa pag-alis ko, pero hindi ko na lang pinansin. Malaki pa rin naman iyong naitulong nila sa pagsuporta sa finances namin. Nagpasalamat na lang ako kahit na halatang ayaw niya na umalis ako.
Alam ko naman na kahit na tinanguan nila ako, nando’n pa rin `yong pag-aalala sa mga mata nila. `Di ko na maalis iyon sa kanila. Siguro, h’wag ko na lang pabayaan `yong sarili ko. Ayoko na nag-aalala sila sa akin, ang dami na nga naming problema.
Nakapagpaalam na rin ako sa salon na pinapasukan kong salon. Inasahan ko naman na tatabang `yong mukha ni mamasang kasi sa lahat ng assistants niya, alam niya na ako `yung pinakamasipag. Hindi ko na nga lang pinakita na napansin ko kasi baka mas lalo pa akong malditahan. Malaki rin naman `yong utang na loob ko ro’n pati kay mamasang dahil do’n talaga kami kumukuha ng pangkain namin sa pang-araw-araw.
No’ng Tuesday, pumunta na `ko sa RECO para mag-sign ng contract. Maraming in-explain sa `kin, of course, kasama na ro’n na babayaran ako sa bawat photoshoots ko. Si Cris ang magiging manager ko. Tuwang-tuwa pa nga siya kasi panibagong raket na naman daw `to sa kaniya. Nagkuwento rin siya sa `kin. Sabi niya, nito lang pala, inalisan pala siya ng dati niyang model na nakita niya for no reason. Hindi naman niya in-elaborate pero ramdam ko `yung sama ng loob niya ro’n.
Dumating na `yong araw ng Thursday. Hindi pa ako kailanman kinabahan sa lahat ng naging klase ko, dito lang! Sa sobrang overwhelm ko sa dami ng projects na naka-line up sa `kin sa modelling, nakalimutan ko nang mag-aral para sa recit!
Napag-aralan ko naman na `to. Isang linggo rin ako nag-basa ng mga aralin mula Chapter 6-15. Ang problema, pakiramdam ko, naghahalo-halo na `yung mga provision ng article sa utak ko! Hindi ko naman kasi inaasahan na may surprise long exam kami sa major namin!
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko no’ng umupo na ako sa upuan ko. Ayoko talaga ng cramming kasi ayokong nape-pressure `tong utak ko sa dami ng mine-memorize pero pota, kailangan na kailangan ko talagang gawin `to kung ayaw kong bumagsak!
`Yong mga mata ko, tumatakbo na sa mga salitang binabasa ko. Panay ang buka ng bibig ko na walang boses, ma-memorize lang `tong i-e-exam namin.
Diyos ko, sana, mapasa ko `to…
Halos mapatalon na `ko sa kinauupuan ko nang dumating si Sir Vergara na sobrang seryoso ng mukha. Hindi pa nakangiti.
“Please put your things away especially your notes. We will be having our graded recitation, as announced.”
Pota na.
Pilit kong kinakalma `yong utak ko para ma-visualize ko sa isip ko lahat ng ni-review ko. Kada lumilipas `yong oras, mas lalo rin akong natataranta dahil `yong mga alam ko `yung mga natatanong!
Wala talagang awa `tong prof na `to!
“Perez.”
Mabilis pa sa alas-cuatro akong napatayo. Sa white board ako diretsong nakatingin dahil kapag do’n kay Sir Vergara, mawawala na lahat ng pinag-aralan ko.
“Can you please explain what politics is?”
Ano raw?!
Ang tagal ko siyang tinitigan no’ng bumaling na `ko sa kaniya. Ano’ng what is politics, eh, hindi pa namin `yon na-discuss---s**t!
Iyan `yong topic na hindi ko na-attend-an no’ng Tuesday!
Wala naman talaga si Sir Vergara no’ng araw na `yon, pero kahapon ko lang nalaman do’n sa lintek naming class president na nagbigay pala si Sir Vergara ng lectures no’ng Tuesday na babasahin lang namin. Kasama raw iyon sa recit kaya nagkandakumahog na `kong mag-aral.
“Miss Perez.”
Lalabas na yata `yong puso ko sa bilis ng kabog. Ang lamig pa no’ng boses niya kaya mas lalo lang akong natatakot!
“S-Sir, pardon me?”
Kumunot agad `yong noo ni Sir Vergara. Halatang hindi niya expected na sa lahat ng estudyante niya, ako `yong makakatanong sa kaniya nang gano’n.
Bumuntong-hininga siya. “I said, can you please explain what politics is?”
Segundo.
Minuto.
Gano’n katagal akong nakatayo sa kinauupuan ko. Ang dali lang naman no’ng tanong niya pero para sa mga katulad ko na hindi inaral `yong topic na `yon, hirap na hirap ako!
“Miss Perez, I’m waiting.”
Napapikit na `ko kasi nakaka-frustate! Ang sarap umiyak. Ang dali no’ng tanong pero hindi siya kasama sa inaral ko!
“Did you read the topic I gave the last time?”
Ang lalim no’ng paghinga ko pagkamulat ko ng mga mata. Tumango ako pero hindi nagsasalita.
“Y-Yes, sir… But that was not included in the topic you discussed.”
Kinabahan ako lalo no’ng lumalim lalo rin `yong kunot sa noo niya! Napikon ko yata siya!
“Yes. I wasn’t here last Tuesday but I told your class president to disseminate the lectures I should’ve discussed to you because it’s included in the recit. Are you aware of it, Miss Perez?”
Sumama agad `yong tingin no’ng class president namin. Wala na `kong nagawa. Tumango na `ko. Gusto ko sanang sabihin, sinabi nga niya kaso late naman. Pero, may magagawa pa ba ako? Baka, ibalik lang din sa `kin kasi itatanong sa `kin, bakit hindi ko tinanong sa class president kung may aaralin pa ba? Na sana, ako `yung nag-initiate kaagad kasi ako `yung wala.
“Then, what happened? Why can’t you answer my question? Did you study the topics?”
Ang kalmado ng boses niya pero sa bawat bitaw niya, nando’n `yung tigas. Nando’n na sa mukha niya iyong inis sa `kin pero pinipilit pa rin niyang huminahon.
Hindi na `ko sumagot. Ako `yung may mali, eh. Nakalapagpas ako ng isang topic.
“Sit down, Miss Perez.”
Pinapagalitan ko `yung sarili ko dahil ang tanga lang. Hindi puwedeng ganito ako forever. May isang maiiwan. Oo, may part-time job ako pero hindi naman puwede na maiwan ang pag-aaral ko! Iningatan ko `to sa loob ng maraming taon at ng dahil sa isang oportunidad, ako rin `yong wawasak?!
Sobrang bigat ng dibdib ko nang matapos `yung klase. Hindi ko na tinignan `yong pagsulat ni Sir Vergara sa index card ko dahil alam ko namang failed iyon.
Isinantabi ko muna `yong paglulugmok ko. Nagligpit na `ko ng mga gamit ko at nilagay sa loob ng bag `tapos tumayo na `ko. Paalis na `ko ng room pero huminto agad ako dahil nagtagpo `yung mga mata namin ni Sir Vergara.
Ang lalim no’ng titig niya.
Pamilyar…
At masakit sa dibdib.
Nagbuntong-hininga siya. “Please study your lessons very well next time, Miss Perez.”
Hindi ko rin namalayan na nakaalis na pala siya.
Parang… parang ang gago lang.
Kasi alam ko `yun, eh. Alam ko `yung titig niya na `yon…
Gano’n din siya no’ng nasa infirmary kami. No’ng nakita niya `yong kalagayan ko…
Mukha ba talaga `kong kaawa-awa? Gano’n ba `ko sa paningin niya? Isang kaawa-awang babae na parang salo na lahat ng problema sa mundo?!
Pinipikon niya `ko lalo! Binabawi ko na lahat ng sinabi ko sa kaniya noon! Naiinis ako sa kaniya lalo! Ayoko pa naman sa lahat, `yong kinakaawaan ako!
Naiinis ako kay Mister Raven Vergara! Nakakainis siya, sobra!