My Childhood Sweetheart Prologue
WARNING SUPER RATED SPG!
Sa nga ayaw ng ganitong genre please wag nyu ng basahin baka ibash niyo ako!
Bata pa lang c Iyessha ay my lihim na siyang pagmamahal sa kaibigan ng kanyang kuya cloud na si Clinton Randall Montemayor
at sinumpa nya sa sarili niya at sa kalabaw na may bangs na ito ang kanyang magiging asawa.
Matanda ito ng 10 taon saknya kaya nakababatang kapatid lang ang turing nito sakanya.
Sa murang edad akala niya madali lang din alisin ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito pero hindi pala dahil sa paglipas ng maraming taon mas umusbong pa ang pagmamahal na naramdaman niya para dito at lahat gagawin niya mahalin lang din siya ng gwapong binata as in lahat kahit pa akitin niya ito o kaya gayumahin para lang magtagumpay siya.!
Subaybayan niyo ang una kung kwento na may halong comedy at love story injoy☺️
EPISODE 1
Stress na stress ako ngayong umaga dahil hindi ako makapunta sa laro ng kuya ko at ng mga kaibigan niya may exam kasi ako ngaun. graduating na ang nagiisa kung kapatid na lalaki sa isang kilalang university dito sa manila ako naman ay 2nd year high school sa isang excusive school.
Kaya siguro lagi din ako naeexcite na maka bonding ulit mga kaibigan ng kuya ko dahil puros babaeng sosyalera ang nakikita ko sa school araw araw.
Mababait at gwapo ang grupo ni kuya lalo na ang aking Sweetheart na c Clinton Randall Montemayor yes crush ko siya ay mali mahal ko pala siya simula nung 6 yrs old pa lang ako matanda siya sakin ng 10 yrs at bunsong kapatid lang ang turing niya sakin sinasamantala ko naman para me dahilan ako makita at makasama siya sa edad na 13 sinabi ko sa sarili ko na wala akong ibang gustong makasama pag dating ng panahon kundi si Clint may loves lang pero syempre kaylangan ko munang magtapos hahayaan ko muna siyang mag injoy me girlfriend na daw kasi c clint sabi ng kuya ko.
"Kuya goodluck sa game niyo alam ko naman na makukuha niyo ang championship" Sabay subo ko ng tinapay
"Thankyou Baby ikaw din galingan mo ang exam mo kapag maganda ang grades mo ibibili kita ng mgandang stuff toy" pangaasar niya sakin.
"Kuya!!! hindi na ko baby dalaga na ko ewan ko sayo..!!" pag mamatol ko sa kapatid ko na hubby na atang asarin ako.
"Cloud, yessha tama na yan bilisan nyu na at malalate na kayo ikaw cloud isabay muna si yessha kasi si manong edwin kaylangan ko meron akong meeting sa cavite malayo layo ang byahe ko" sabi ni mommy na nakangiti saakin alam kung sinadya ni mommy yon para makasabay ko si clint kapag kasi sinabi ni mommy na isabay ako ni kuya hindi naman ako sinasabay ng magaling kung kapatid dahil sinusundo niya ang girlfriend niya kaya kay clint niya ako ipapasabay iisang subdvision lang naman kasi kami.
"Mommy, ibibilin ko na lang kay clint susunduin ko si viola out of way yon sa school ni yessha " sabay tipa niya sa kanyang cellphone.
"Brad daan ka naman sa bahay dating gawi pasabay kay bunso" narinig kong sabi ng kuya ko.
"Sige brad see you bawi ako sayo mamaya ako nang bahala kay trish" tumawa pa siya bago pinatay ang tawag.
"Oh ayan Iyessha ha isasabay ka ni clint wag kang madaming arte saknya nkakahiya me lakad siya mamaya pero dahil sayo malalate yong tao kaya wag ka nang pabebe baka kung ano ano nanaman ang hingiin mo don " sermon ni kuya super spoild kasi ako kay clint kaya inaabuso ko naman bago niya ako ihatid minsan kung ano ano kasi hinihingi ko ngpapabili ako ng kung ano ano madaanan namin at binibigay naman niya kaya madalas lagi kaming late na dalawa.
"Kuya naman ang OA mo" sagot ko na nanunulis ang nguso.
"Oh sige na yessha anak magayos kana mamaya lang andito na yon si clint" sabay kindat ng mommy ko alam niyang may gusto ako kay client pero sabi niya puppy love lang daw yon pag nag explore na ko mas may makikilala pa ko ng higit kay clint pero hindi ganun ang nararamdaman ko kahit bata pa ko alam ko siya lang ang gusto ko at sinusumpa ko na ako ang magigin future wife niya.
" Yessha anjan na si clint sa labas hindi na daw siya papasok lumabas kana" Sigaw ni kuya na pabalik sa amin.
"Sige kuya mommy mauna na po kami"
sabay halik ko sa mommy ko at kay kuya.
Lakad takbo ako palabas ng bahay excited ako ang ganda ng araw ko kasi makakasabay ko ulit siya sa pagpasok.
"Hi clint good morning sorry ah naabala nanaman kita" Pagpasok ko sa sasakyan sa tabi niya ko umupo.
"Good morning its ok princess basta ikaw" nakangiti niyang sagot na ikinalaglag ng puso ko napaka gwapo niya umagang umaga ang linis linis niya tingnan sa buhok niyang army cut naka polo longsleeve ito na kulay baby blue na itinupi ang manggas hanggang siko naka shade din ang loko.
"Diba me game kayo ngaun bakit napaka formal naman ng outfit mo di kaba maglalaro ngaun?" tanong ko habang inaayos ko ang set belt ko.
"Nope maglalaro syempre hindi kompleto pag wala ako" nakangiti niyang sagot.
" Dadaan ako sa office ni daddy me meeting ako na kylngang harapin pagkahatid ko sayo nasa compartment ang uniform ko" seryoso na siyang ngdrive.
"Hmm. galingan niyo sayang di ako mkakapanood may exam kasi kami ngaun para sa final grading" sabi ko
"Really? well Goodluck princess easy lang yan sayo" sabi niya na nilingon ako ng nakangiti sinuklian ko din ng matamis na ngiti.
Habang nagddrive c clint tinitingnan ko siya ng hindi niya mahahalata napaka gwapo nito kaya hindi na siya nagtataka kung bakit madaming babae ang nahuhumaling dito at isa na ko don napaka swerte ni trisha saknya 23 pa lang ito pero napka ganda ng katawan dahil alaga sa gym malinis din ito sa katawan napaka bango niya tingnan bukod don mayaman din ito negosyante ang mga magulang nito marami silang negosyo loob at labas ng bansa sila lang naman ang myari ng isang sikat na travel company around the world pero simple lang si clint lagi niyang sinasabi na hindi saknya iyon kundi sakanyang ama kahit pa ngiisang anak lang ito at tanging siya lang ang taga pagmana.
"Do you need anything princess?" tanong niya sakin nahalata siguro nito na tinitingnan ko siya.
"Wala masama bang tingnan ka?" pang aasar ko.ang lakas ng tawa nito na lalong ngpakabog sa puso ko na kanina pa kinikilig
"Princess akala ko may ipapabili ka ganyan na ganyan kasi ang mga tingin mo sakin pag..."
"pag may kaylngan ako sayo ganun" putol ko sa sasabihin niya na lalong niyang ikinatawa ng malakas
"Im sorry princess wag ka ng maasar tell me what do you want?"Nakangiti pa din niyang tanong.
"Ikaw.. Ikaw ang gusto ko" nagulat din ako sa sagot ko namula ang mukha ko napatigil siya sa sinabi ko itinabi niya ang sasakyan sakto na nasa tapat na ng school kung saan ako pumapasok baba na sana ako ng magsalita ito.
"Iye princess bata kapa madami pang mangyayari sa buhay mo kung ano man yang nararamdaman mo sakin believe me hindi pang matagalan yan" tinaggal niya ang shade niya kaya malaya ko ng nakita ang mata niya na siyang pinaka gusto ko na parte ng mukha nya kulay gray ito na may mahahabang pilik mata napaka amo tingnan ng mata nito.
"Alam kung bata pa ko clint at alam kung alam mo ang nararamdaman ko sayo pero sigurado ako sa nararamdaman ko siguradong sigurado ako pero alam ko naman me girlfriend ka at ayaw mo sakin kasi bata pa ko at kapatid lang ang tingin mo sakin kaya iiwas na lang ako sayo baka sakaling pag umiwas ako sayo mawala ang nararamdaman ko " sabay labas ko ng sasakyan ano siya bale iiwasan ko siya yes papatunayan ko sakanya na mali siya patutunayan ko sakanya na sa kabila ng pag iwas ko siya pa din ang gusto ko hintayin mong mag 18 ako Clinton Randall Montemayor makikita mo kung pano magmahal ang isang Iyessha Montecillo hindi kita titigilan hanggat hindi mo sinasabing mahal at gusto muna din ako.
Natapos ang klase ko na lutang na lutang ang utak ko hindi ko alam kung paano ulit ako haharap kay clint nakakahiya ano kaya iisipin nito na ang bata bata kupa pero lantutay na ko magisip napatingin ako salamin ng isang sasakyan na nadaanan ko tiningnan ko ang sarili ko hnd naman ako mukhang 13 dahil dalaga na ko mag ayos at maganda dn ang hubog ng katawan ko dalagang dalaga na din ako kumilos ung height ko lang talaga ang panira pang 10 yrs old minana ko sa mommy ko na maliit din.
Napa buntong hininga na lang ako ng biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko na kilalang kilala ko bumaba sa driver set si clint at pinagbuksan ako ng pinto hindi ko alam kung papasok ako tiningnan ko lang siya hiyang hiya pa din ako.
"Pumasok kana princess maguusap lang tayo nakapag paalam na din ako sa mommy at daddy mo" malumanay niyang sabi tumango na lang ako sabay pasok sa sasakyan.
Habang inaayos ko ang set belt ko narinig kung napabuntong hininga siya at pinausad na ang sasakyan. Tahimik lang kami sa bintana lang ako nakatingin natatakot akong lumingon baka makita nita yung emotion na nararamdaman ko.
"Princess ilang taon kana nga ulit" narinig kung tanong niya.
"13 mag 14 na ko sa november" sagot ko na hindi pa din siya nililingon.
"Why do you like me?" tanong niya hindi kuna napigilan na lingunin si clint.
"Anong kinalaman ng edad ko sa tanong mo" sabi ko saknya habang tinitingnan ko siya sa daan naman siya nakatingin.
Malalim na buntong hininga ang narinig ko sakanya saka itinabi ang sasakyan sa isang tahimik na lugar bakanteng lote na may mga puno ang nakita ko mula sa bintana.
"Iye hindi ako nakapaglaro ng maayos kanina dahil sa sinabi mo napaka bata mupa para magkaganyan ayaw kung magkaroon tayo ng pader sa pagitan nating dalawa alam mong mahalaga ka sakin" Malungkot niyang sabi.
Iwan ko ba sa sarili ko nasasaktan din ako na nakikita ko nahihirapan siya bakit ba nararamdaman ko to ang bata kupa para masaktan ako ng ganito. Ngumiti ako ng pilit sakanya..
"Wag kang magalala clint wala namang magbabago siguro nga tama kayo ni mommy masyado pang maaga para masabi ko na mahal kita pasensya kana wag ka magalala clint simula ngaun pipilitin ko ng alisin kung ano man ang meron dito" turo ko sa puso ko ng nakangiti ng pilit ayaw ko nahihirapan siya kaya mas gugustuhin ko na lang na sabihin yon sakanya.
Malungkot siyang ngumiti niyakap niya ko ng mahigpit hinalikan niya ko sa ulo.
"Im sorry and Thank you princess I love you" bulong niya napapikit ako ninamnam ko bawat yakap niya at ang binitawan niyang salita kasi alam kung mahal niya ko bilang kapatid.
Habang yakap niya ko isa lang ang nasa isip ko sana pag nasa tamang edad na ko malaya pa siya para mapatunayan ko sakanya na mali siya.
Nakangiti niyang hinawakan ang pisngi ko titig na titig siya sa mata ko.
" Are you hungry" tanong niya habang hinahaplos niya ang pisngi ko
Umiling lang ako "gusto ko ng umuwi" buntong hininga ulit ang narinig ko galing sakanya habang pinaandar na ang sasakyan niya. Ipinikit ko na lang ang mata ko at kinakausap ko ang sarili ko na kaya kong kumilos ng parang walang ngyaring pag amin kaylangan kong itago at sarilinin ang nararamdaman ko kahit sa mommy ko.
Tumunog ang cellphone niya yon na lang ang naalala ko at nakatulog na ko ng tuluyan.
Nagising ako na nasa kwarto na ko nakapang tulog na din ako siguradong pinalitan na ko ni mommy ng damit or ni yaya bumaba ako dahil nakaramdam ako ng gutom.
Nadatnan ko si kuya sa kusina na kumukuha ng beer sa ref.
"Kuya! wow ah me problema ba kayo ni ate viola" tanong ko saknya habang nghahanap ng makakain sa ref.
"Wala yessha nalulungkot lang ako aalis na c clint mamayang madaling araw " sabi nito sabay inom ng hawak niyang beer.
"Saan daw siya pupunta?" tanong ko sa kuya ko habang hawak ko ang baso na may lamang juice.
"Papuntang France don na siya magtatake ng exam para sa license niya siya na din mag mamanage ng negosyo nila don kaya walang kasiguraduhan kung kelan ang balik niya" malungkot na sabi nito. mahigpit ang pagkakahawak ko sa baso natatakot akong gumalaw baka bumigay ako matagal bago ako kumilos wala na pala ang kuya ko wala na pala kung kasama sa kusina.
Umakyat ako sa kwarto at umiyak wala naman akongplano pa na habulin siya bukod sa alas 12 na hindi din siya marunong mgdrive at hnd siya marunong mgcommute kaya tinawagan niya na lang ito pero pinapatay ang tawag ko ilang beses kung sinubukan na tawagan siya pero pinapatay pa din ang tawag ko napagod na lang ako kaya tinigilan kuna tumanaw ako sa bintana malapit sa terrace ng kwarto ko umiyak ako ng umiyak dito na ba magtatapos ang lahat ng pagasa na kinakapitan ko.
Titig na titig ako sa cellphone ko wala pa din txt man lng galing sknya napabuntong hininga na lang ako ano ba inaasahan ko bumalik na ko sa kama at pinilit na magpahinga na lang.
6 Years later...
Graduating na ko this year sa kursong business management konting kembot na lang makakapunta na din ako ng korea yon ang hiningi kung bday gift sa kuya ko.
Pauwi na ko galing sa school at pagod na pagod ang katawang lupa ko sa dami naming ginawa ngayong araw pag baba ko ng sasakyan agad akong pumasok sa bahay at nadatnan ko ang mommy at daddy ko na kausap si kuya at ate viola.
"Hi mom dad" sabay halik ko sa dalawa
"Andito kayo kala ko ba mag bobora kayong dalwa" tanong ko kay kuya at ate viola sabay halik din saknila.
"Yessha baby mag ayos ka mamanhikan tayo mamaya kila ate viola mo" nakangiting sabi ni mommy na ikinalaki ng mata ko
"Talaga ba ate viola?" excited kong tanong sakanya sabay takbo ko dito at niyakap ko siya ng mahigpit close ko kasi c ate viola kahit noon pa man gustong gusto ko din siya para sa kuya ko.
" Yes Darling " sabay angat nito ng daliri na ikinatuwa ko kitang kita ko sa mga mata nito na masaya at mahal na mahal niya ang kapatid kung abnormal.
"My Gosh kuya hindi nabasag yung helmet ni ate viola nakatiis nang matagal na panahon sayo tapos ito na mgpapakasal pa sayo."pangaasar ko sa kapatid ko na nginitian lang ako.
"Yessha magiging tita kana kaya wala na siyang kawala" masayang sabi ng kuya ko habang nakatingin kay ate viola tuwang tuwa naman ako na niyakap ang kuya ko sa wakas magkakaron na din ulit ng baby sa bahay.
Masayang masaya ko para sa kapatid ko at kay ate viola matagal silang naging magkasintahan at ngaun sila din pala ang mgkakatuluyan sa huli mapapa sana all kana lang talaga.
Natapos ang pamamanhikan at napagkasunduan na ikasal sila sa susunod na buwan habang hindi pa malaki ang tyan ni ate viola bongga ang kasal nila syempre nag iisang anak lang si ate viola at panganay ang kuya ko na siyang tumatayong CEO ng kumpanya na itinayo ng mga magulang namin. isang bwang preparasyon sa kasal at excited na ko tamang tama graduate na ko non bago ako pumuntang korea kaylngan kasal na sila hndi naman pwedeng hindi ako aatend ng kasal dahil ako daw ang maid of honor.
Paguwi namin sa bahay galing pamamanhikan tuloy ang kwentuhan namin nila mommy at kuya tungkol sa gaganaping kasal nagbibigay ng suggestion sila mommya at daddy para sa magiging ninong at ninang nila sa kasal habang umiinom sila ng tsaa sa sala ako naman at c ate violo umiinom ng gatas ng matigilan ako sa sinabi ni kuya.
"Hon si clinton ang bestman natin ah" muntik ko ng mailuwa ang gatas na iniinom ko nakatingin ito kay ate viola sabay sulyap saakin na may kahulugan.
"Uuwi kaya yon honey" balik tanong ni ate viola.
"Oo naman matagal na yon gustong umuwi saka hindi ako matatanggihan ni clinton" sabay higop ng tsaa.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko 6 yrs kung iniwasan marinig kahit pangalan niya tapos ito biglang bigla parang bomba ko narinig ang pangalan niya at siya pa makakapareha ko sa kasal ng kuya ko.
"Hoy! Iyessha ok ka lang!" Nagulat ako sa tapik ng kuya ko.
"Huh oo naman ano ba yung tanong mo? "
"Ok lang ba sayo si clint ang kaparehas mo?" nakatingin si mommy saakin inaabangan din niya ang sagot ko.
"Why not" balewala kung sagot pero ang totoo kinakabahan ako.
"Ok salamat bunso pano magpapahinga na kami ng ate mo alam muna man bawal siya mapuyat" sabay halik niya sa pisngi ko at yakap ako ng mahigpit.
"Good night kuya I love you" sabi ko sabay baling kay ate viola.
"Good night din ate and baby" hinaplos ko ang tyan nya at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Slamat yessha pahinga kana din" sabi ni ate viola at tumalikod na.
Tumingin ako kila mommy at daddy.
"Bakit ganyan mga mukha ninyo mom,dad?"
malungkot ang mga mukha nito habang nakatingin saakin.
"Hay parang kelan lang kasi karga karga ko pa ang kuya mo ingat na ingat ako na hindi siya masaktan o mabalian nagyon ikakasal na siya bubuo na din siya ng sarili niyang pamilya" ani ni daddy pinisil nito ang kamay ni mommy na umiyak na.
" Mom,Dad ano ba kayo hindi ba kayo masaya madadagdagan na yung member ng family natin" pinipilit ko na maging masaya sila kasi kahit ako masaya na malungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na to.
"Syempre anak masaya din kami ng daddy mo hindi lang maiwasan na makaramdam ng lungkot sana anak ikaw wag mo muna kami iiwan ng daddy mo ha" sabi ni mommy habang pinupunasan nito ang luha niya lumapit ako sa dalawa at niyakap ko sila ng mahigpit.
"Never dapat kung nasan ako andon din kayo or dito kami titira kasama kayo kaya wag na kayong malungkot tara na umakyat na tayo baka sakaling maka buo pa kayo ni daddy mom nang mawala lungkot niyo sa pag aasawa ni kuya" biro ko sakanilang dalawa na ikinatawa nila parehas hinampas ni mommy ang braso ko sabay sabi "Luko ka talagang bata ka manang mana ka sa ama mo" natatawa niyang sabi na ikinatawa ng malakas ni daddy.
Masaya ko silang hinatid sa kwarto nila pag pasok ko sa kwarto ko nagkaron ako ng pangamba handa na ba ko ulit makita siya handa na ba ko? wala na ba yong nararamdaman ko sakanya napatili siya sa kama haaay bahala na si batman.