Jewelyn's pov
Pinasyalan ko si Rechielle sa farm tulad ng pakiusap nito.Sa hindi ko malamang dahilan. Si Cielo ang naiwan para mag alaga kila Selena, Jasmyne at Darlene. Muntik na akong mapauwi nang makita ko ulit si Brandon. Ang akala ko talaga hindi na muli pang magtatagpo ang landas namin dahil matagal na noong huli. Huwag mo sabihing taga rito siya?
Napakaliit nga naman ng mundo. Ang mas malala pa. Ikakasal ang bruha kong kaibigan. At ura urada pa. Ayaw pa nitong magkwento sa ngayon. Kaya hinayaan ko na muna siya. At ang nakakainis pa, partner ko ang Brandon na iyon. Na kapatid pala ni Brent. Bilang siya ang best man at ako ang bridesmaid. My gosh. Hindi ko kinakaya ang revelations.
Isang linggo akong pinag stay ni Rechielle sa farm. Kasa kasama niya ako sa paghahanda sa mga kakailanganin sa kasal niya kasama din ang Wedding organizer na hinire ni Brent. Lahat madalian. At sa tuwing gabi ko sa mansiyon. Doon nagsimula ang kalbaryo ko. Pinagti tripan lang yata talaga ako ni Brandon at wala itong planong seryosohin ako. Nandyan ang bigla itong lalapit at iinom sa basong ininoman ko. Nariyang makikishare ito ng plato sa gitna ng hapunan kahit nasa harapan namin ang iba pang mga kasama sa bahay. Minsan din ay hinalikan ako nito sa labi habang kausap namin ang wedding organizer na bakla at basta na lamang aalis. At ang mas nakakainis pa ay sinasabi nitong sinasagot na daw ako nito. And I am like , what? Anong sinasagot? And he's like , Ayaw na daw niya akong mahirapan manligaw sa kaniya kaya sinasagot na niya ako. And again I am like,What the hell? Sa harap pa talaga ng maraming tao? Sa lahat ng ginawa nito ay iyon ang iniyakan ko. Sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko ng mga oras na iyon. Ang tingin ng mga tao sa akin ay para bang naghahabol ako sa mayabang na iyon. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ng isang babae na tinawag akong desperada. Never in my wildest dream na mangyayari ito. At never akong nakarinig o tawagin akong desperada sa buong buhay ko.Ang lakas ng topak ng lalaking ito. Mas malala pa yata siya kay Anthony. Kahit kailan talaga, ang malas ko sa love life ko. At kahit siya na lang ang matirang lalaki sa mundo. Hinding hindi ko siya pipilin. Huwag na oy. Magbuburo na lang ako. Hindi bale nang hindi madiligan.
Pang apat na araw ng pagsasaayos ng detalye ng kasal ni Rechielle . Papalubog na ang raw at nakakaramdam na ako ng pagod. Nasa Bulwagan kami at pinaplano ang ayos ng lalakaran ni Rechielle at ang magiging altar. Tahimik ang buong maghapon ko dahil hindi ko siya nakita. Ngunit hindi pa rin ako nagpapaka kampante dahil alam kong nasa paligid lang si Brandon. Baka kung ano namang kalokohan ang gawin o pinaplano nito. Baka hindi na ako makapagpigil at masapak ko siya ng tuluyan. Tahimik ang paligid.Nang biglang pumainlanlang ang kantang pamliyar sa akin.
Playing .... Over the Mountains by Bosso
Okay na sana ang kanta kaya lang bakit parang iba yata ang boses ng kumakanta? Nang mag ingayan ang iba pang staff at organizer sa paligid ay sinundan ko ang tingin nila. Nang mapalingon ako sa bandang likuran ko ay si Brandon ang nakita ko. Ano namang kalokohan ang pinaplano mo?
Over the mountains and over the sea
To find a heart that belongs to me
Anywhere in the world I go
Anywhere 'til I find you
I run through the valleys
I run through the fields
I'd do anything I am hard to please
And anywhere in the world I go
Anywhere 'til I find you
Habang naglalakad ito palapit ay nakatingin lamang ito sa akin. Kikiligin na sana ako ,kung hindi mo lang ako madalas I good time o pag tripan. Mukhang alam ko na ang plano mo.This time, makikisakay ako sa trip mo. Tignan natin kung sino ang talo.
It doesn't matter what
The time will tell
'Cause I will be here waiting
For you, for you and me
It doesn't matter what the others say
Cause I will keep on searching
And I go and I go and I go and I go
Hindi nga ako nagkamali. Dahil nang matapos ang kanta nito ay lumuhod ito sa harapan ko. At inilibas ang hawak nitong kaha ng singsing. So, ito pala ang trip mo ha? Hindi na rin ako nagulat nang tanungin ako nito.
Will you be willing to spend the rest of your life with me,my precious Jewel? Will you marry me?
At ang kapal naman talaga ng apog mo magtanong ng ganyan.
Natahimik ang ilan nang hindi pa ako sumasagot. Ngunit hindi nagtagal ay nag umpisa rin silang mag ingay.
Say Yes. Say yes. sugsog nila. At nang mapatingin ako kay Rechielle ay nag thumbs up pa nga talaga. Ang bruhang iyon. Ibinibenta na yata ako. Huminga ako ng malalim bago sumagot ng yes. Napasuntok ito sa hangin at sinabing thank you. Akmang isusuot na nito ang singing sa daliri ko nang agawin ko ang kamay ko sabay sabi, Syempre joke lang iyon no! Hindi pa sira ang ulo ko para magpakasal sa'yo. Natulala ito. Eto na ang ganti ko sa lahat ng pagpapahiya mo sa akin. This time it won't work.
Pero hindi ako nagti trip lang Jewel.
Trip man ito hindi,wala akong pakialam Brandon. Dahil simula ng dumating ako dito sa mansiyon,wala kang ibang ginawa kundi ang pag tripan at ipahiya ako. Tapos heto ka, magpo propose ? Anong palagay mo sa akin? Kaya huwag mo asahang maniniwala pa ako sa'yo. Pagkasabi ko ng mga gusto kong sabihin ay tumakbo na ako palayo sa lugar na iyon. Jewel, tawag nito sa akin. Ate Jew. Narinig ko ding boses ni Rechielle. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Napasulyap ako sa buwan habang tumatakbo ako. Bilog na naman ang buwan. Bakit ba sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa akin ay bilog ang buwan? Hindi ako makaiyak. Wala akong maramdaman.
Napaka gago mo Brandon. Inisip ko pa namang bigyan ka ng chance. Pero sa ginawa mo,lalo mo lang pinatanuyan sa akin na katulad ka din ng iba. Ang tanga ko. Pero hindi ako ganon katanga para pumayag sa alok mo. Namalayan ko na lang ang sariling sumakay sa jeep at bumaba sa isang hotel. Doon ko piniling magpalipas ng gabi. Kung hindi lang importante si Rechielle sa akin ay wala na akong balak pang bumalik doon. Ngunit alam kong espasyal kay Rechielle ang araw ng kasal niya. Kaya kahit anong mangyayari ay bababalik ako doon para sa kaniya.
TBC