Jewelyn's pov
Oh, Rechielle ? Kanina ka pa ba? Maaga ka yata nakauwi ngayon? Kararating ko lang sa bahay at nadatnan ko ngang kumakain ng ice cream si Rechielle, kasama ang mga bata, at si Ciello sa kusina.
Oo,Ate Jew. Sahod ko kasi today kaya siguro maaga ako pinauwi. Treat ko daw mga anak ko,sabi ni Boss.
Ahem,ahem. May pa ganyan ganyan pang nalalaman ang Boss mo ha? Baka kung ano na yan sa susunod. Tumawa si Cielo sa panunukso ko sa ate nito.
Mabait lang talaga siguro iyong Boss ko kaya ganon. Ikaw talaga ate, kung ano anong iniisip mo. Huwag mo nga bigyan ng meaning iyon. Kaloka ka. Ikaw ba Ate,kamusta? Aba, balita ko may nangyari daw kanina ah, sabi ni Ate Margaret. Natahimik ako bigla sa sinabi ni Rechielle.
Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.
Ayos ka lang ba?
May hindi ka sinasabi ano?
Tara pag usapan natin. Malumanay nitong sabi. Gusto mong tumagay? Biro niya pa.
Doon ako napaluha. Naalala ko ang inilagay ni Anthony sa inumin ko.
Sige lang iiyak mo lang.Ate. Kung ano man iyan handa ako makinig.
Binalingan nito si Cielo at sinabing linisan na ang mga bata sa kwarto upang makatulog na.
Naiwan kaming dalawa sa kusina. Iniiyak ko lahat ng nakimkim na sama ng loob. Sa mga nangyari sa akin. Sinabi ko lahat sa kaniya , wala akong inilihim.
Gago pala iyang Anthony na iyan ah,tarantado siya. Dapat nag report ka sa police doon. Putang ina niya. Huwag mong sabihing umaasa ka pa din don sa gagong iyon ah?
Hindi na no? Ano ako tanga?
Mabuti naman. Walang kwetang tao iyong hinintay mo grabe.
Hindi ko naman alam na ganon ang mangayayari,Chielle.
I know,I know. Ang ibig ko lang naman sabihin, sinayang ka niya. Sinayang niya ang paghihintay mo sa kaniya. Walang hiya siya. Eh, ano namang nangyari doon sa Brandon?
Ok naman siya. Magaan naman ang loob ko sa kaniya at gusto niya akong ligawan. Para maging totohanan na daw ang relasyon namin. Pero takot pa ako. Gusto ko siyang bigyan ng chance pero hindi ko pa kaya. Nangingibabaw pa rin ang takot ko sa mga lalaki.
Naintindihan kita dyan. Matindi talaga ang naging epekto sa'yo ng ginawa ni Anthony.tsk,tsk. Sigurado ka bang ayaw mong magsampa ng kaso Laban sa kaniya? Para hindi ka na niya guluhin. Hindi laging nandyan si Brandon sa mga pagkakataong ganon. Malay mo nagkataon lang talaga nang una at pangalawang beses. Pag iyan natatluhan pa, aba iba na iyan. Iba na ang iisipin ko kapag ganon.
Hindi na lang ako sumagot.
Sigurado ka ba ate,ok ka na?
Magiging ok din ako,tiwala lang.
Bakit hindi ka nagsabi kay Nanay at Tatay mo? Para hindi na makalapit iyong lalaking iyon sa'yo.
Ayoko na kasing dagdagan pa ang isipin nila.Saka nandyan ka naman diba?
Oo nga pero iba pa rin ang pagdamay ng magulang mo.
Hayaan mo na. Ayos naman na ako. Nailabas ko na lahat. Nasabi ko na sa'yo. Okay na iyon sa akin.
Hmm, sige ikaw bahala. Pero ano nga kasing nangyari doon sa Brandon? Base sa kwento mo,feeling ko may gusto na iyon sa'yo eh.
Paanong hindi? Eh,siya nga ang nakauna. Pag nagtagal, magsasawa din siya at iiwanan ako.
Masyado ka namang judgemental sa kaniya teh.
Hindi ako judgemental. Karamihan ngayon ganyan. Real talk lang ako.
Ewan ko sa'yo. Ang bitter mo agad. Kawawa lang kayo parehas kung hindi mo bibigyan ng chance ang sarili mo at si yummy Brandon mo.
Ewan ko sa'yo, Rechielle. Pag ikaw lang din talaga nabuntis buntis na naman ng walang label, sinasabi ko sa'yo. Itatakwil na kita bilang kaibigan. Ni kakilala, hindi na.
Ouch naman ate.Ang harsh mo ah.
Basta, mag ingat ka.
Oo,na. Oo nah.
Sige na magpahinga na tayo. Maaga pa tayo bukas.
Gala tayo ate? Gusto ko ipasyal yong mga bata.
Sige, sige. Game ako dyan.
*****
Kinabukasan ay maaga kaming gumayak para mamasyal. Dinala namin sa mall ang mga bata. Kumain din kami sa paboritong fast food restaurant ng mga bata. Nanood ng sine at namili ng konting gamit sa school. Palabas na kami ng Mall para umuwi nang mapansin ko ang lalaking naka wheelchair na papalapit sa amin at nakatingin kay Rechielle. Nang mapadako naman ang tingin ko kay Rechielle ay aligaga na ito. Siguro ay napansin na nito ang lalaki bago pa man ako. Mabilis itong naglalakad na halos hilain na ang mga bata. Ate tara na bilisan mo. Tawag niya sa akin. Nasi CR na daw si Darlene, baka maabutan pa siya dito.
Oo ,sagot ko saka ko binilisan ang paglalakad. Hindi ko maiwasang balikan ng tingin ang lalaking naka wheelchair na walang magawa kundi ang tanawin na lang si Rechielle dahil hindi nito nagawang makahabol. Kilala kaya iyon ni Rechielle? Hindi kaya iyon iyong Boss niya? Kasi ang sabi niya naka wheelchair daw ang Boss niya at bata pa. Hindi kami nagkakalayo ng edad. Baka nga siya iyon.
Nang makarating kami sa sasakyan ay nakaupo na sa potty trainer nito si Darlene, na inaalalayan naman ni Rechielle.
Rechielle nakita mo ba iyong humahabol sa'yo kanina?
Humahabol? Sino? Wala naman akong napansin. Si Darlene kasi napoopoop na daw kaya nataranta ako,baka maabutan siya sa salawal.
Ganon ba? Akala ko nakita mo.
Nakilala mo ba?
Naka wheelchair siya eh. Ilang beses din niyang tinawag ang pangalan mo.
May kasama nga siya eh. Lalaki din.
Naka wheelchair, tapos tinatawag ako.? Baka si Boss Brent iyon. Napadpad yata siya dito sa Mall today ah. Madalas kasi nandoon lang iyon sa farm. Sabagay weekends pala ngayon. Hayaan mo na iyon.
In fairness sa katawan ha? Mukhang alaga sa gym kahit naka wheelchair. At long hair. Baka ang panty mo mapunit sa pagwawala niyong ano mo ha!
Hala grabe ka naman Ate. Kaloka ka. Behave ito no!
Joke lang. sagot ko habang tumatawa. Pero half meant iyon.Pahabol ko.
Sira ka talaga teh. Ewan ko sa'yo. Kung ano anong sinisiksik mo sa utak ko. Good girl kaya ako.
Talaga baaa? Kaloka ka.
Oo nga ,sagot naman niya.
Nag asaran na kami at nagtuksuhan tungkol sa lovelife hanggang sa makauwi sa bahay. Magaan siyang kasama at kahit paano ay nabawasan ang phobia ko sa lalaki. She's someone I will never trade for anything or anyone. Our friendship is not fragile. No matter how long we haven't seen each other. Coz when we meet. It feels like home. That's how strong our friendship is.
TBC