Brandon's pov
Hindi ko na ito hinabol. Hinayaan ko muna siyang makapag isip. Siguradong na trauma ito sa mga nangyari. Hindi pa din ako makapaniwalang makikita ko siya dito. Natuwa ako nang makita ko siyang muli but at the same time nakakainis. Dahil sa parehong sitwasyon at dahilan kami muling nagkita.
Flashback... a few moments ago...
Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng Cafe at binibistahan maigi kung tama ba ang napuntahan ko base sa report ni Carter. Pag aari daw ito ni Rechielle. Kung pag aari niya ito ay bakit pa siya namasukan as alalay ng kapatid ko. Ano ang dahilan mo,Rechielle.
Nang muli kong ibibalik ang tingin sa harap ng Cafe ay nagulat ako sa nakita ko.
Yakap yakap ng tarantadong lalaki ang Jewel ng buhay ko. Baka may gagawin na naman itong katarantaduhan kay Jewel. Nagpasya akong pumasok na sa Cafe at hinablot si Jewel palayo sa lalaking iyon.
Seeing her again made me feel the same feeling we shared on the first night. This time, I won't let you slipped away.
Nang tanungin ko ito kung hinaharass na naman siya ng mukhang tukmol na iyon ay namumutla ito. Sabihin mo lang na oo, masasapak ko siya I swear Jewel.
Nadismaya naman ako ng sumagot ito ng hindi at tila inaalala nito ang panagalan ko at kung sino ako.
Kung kaya't ibinulong ko ito sa kaniya at hindi ko sinasadyang maging mapang akit ang tono ko. Bahagya pa akong nagtampo sa kaniya na tila kay bilis niya yata akong nakalimutan. Ngunit nang tanungin ko kung natatandaan ba ako nito ay tila saka naman niya ako naalala.
At nang sabihin niya sa lalaking tukmol na nagtanong kung sino daw ba ako ay nagtaka ako ng sabihin niya ditong nobyo niya ako at tigilan na siya nito. Natuwa ako dahil kahit alam kong ginamit lang niya ako sa sitwasyon na iyon ay pwede ko din namang gamitin iyon sa kaniya. At mas pabor naman sa akin na hindi niya gusto ang tukmol na iyon.
Gigil na gigil na ako.Gustong gustong ko na talagang sapakin ang pagmumukha ng lalaking iyon na duwag naman. Binantaan ko itong ipapakulong kung hindi nito titigilan si Jewel.Paatras itong umalis habang dinuduro ako. Gusto kong matawa sa hitsura niya.
Ngunit nag alala ako ng makitang tulala at tahimik lumuluha si Jewel kaya inaya ko itong umupo. Wala akong pakialam kung pagpiyestahan kami ng mga tao sa cafe.
Tinuyo ko ang luha niya gamit ang palad ko at niyakap siya.
Agad kong pinagsisihan ang sinabi ko na tutulungan at babantayan ko siya since nobya ko na siya.Na wala siyang dapat ipag alala. Naramdaman kong lumayo ang loob niya kung kaya't sinabi kong pwede naman namin iyong totohananin ang pagiging magkasintahan dahil single naman ako.
Ngunit wrong move yata dahil mukhang nagalit ito at hiniling pa niyang ito na ang huling beses na makikita niya ako. Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya at gusto ko sana siyang pigilan umalis ngunit hindi ko na din itinuloy.
Sa bilis ng pangyayari ay siguradong nabibigla pa ito. Makakapaghintay naman ako. Besides ,pwede ko naman siyang ligawan ng pormal.Ngunit sana ay bigyan niya ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko. Na hindi ako katulad ng tukmol na iyon. Na tapat ang hanagarin ko sa kaniya. Napaisip ako bigla. Ano nga bang hangarin ko? Gusto ko siyang makasama. Hindi pa ba sapat iyon?
Nakasunod na lang ako ng tingin sa kaniya hanggang sa makapasok na ito sa isang pintuan na pakiwari ko ay opisina.
Present
Nagkataon lang bang dito nagtatrabaho si Jewel o sadyang tadhana na ang naglalapit sa amin?
Napanbuntong hininga ako at nang may lumapit na waiter sa akin. I placed my order and began asking questions sa waiter tulad ng orihinal na dahilan ng pagpunta ko dito.
Dumating na ang order ko at akmang aalis na siya nang magpalit ng kanta sa cafe at nag play ang paborito kong kanta. Nag enjoy akong manatili pa ng ilang sandali sa cafe bago tuluyang umalis.
Playing... Over the Mountain by Bosso
I've made up my mind I've packed my bags
I'm not returning home, until someone will give me reason to
I lock the door and take a breath
I'm ready to let go, I know you're somewhere out there too
There's only one thing for me to do and I go
Over the mountains and over the sea
To find a heart that belongs to me
Anywhere in the world I go
Anywhere 'til I find you
I run through the valleys
I run through the fields
I'd do anything I am hard to please
And anywhere in the world I go
Anywhere 'til I find you
I fly like the wind, I don't know where my heart will lead the way
I need someone to love and hold on to
But the road is long I've had my doubts
But nothing lets me down, cause I know you're somewhere out there too
Waiting for me to get to you, and I go
It doesn't matter what
The time will tell
'Cause I will be here waiting
For you, for you and me
It doesn't matter what the others say
Cause I will keep on searching
And I go and I go and I go and I go
Jewelyn's pov
Nakatingin ako sa cctv monitor na nasa loob ng office. Binabantayan ang galaw ng malaking lalaki na Brandon daw ang panagalan,ayon sa kaniya.
At nakuha pa talaga niyang mag order ha? Nang mapansin kong matagal bago nakaalis ang staff namin na kumuha ng order niya ay nagtaka ako. Madami ba itong inoorder? Lumabas ako sa office at pasimpleng tinanong si Marcelo na kumuha ng order niya.
Marcelo,anong inorder noong lalaking iyon sa'yo?
Isang latte at isang slice ng carrot cake, sagot niya.
Iyon lang?
Oo, bakit?
Eh bakit parang ang tagal ninyong nag usap tapos iyon lang ang order niya?
May mga tinanong siya tungkol sa Cafe.Kung gaano na daw ito katagal,ano daw pangalan ng may ari, kung nasaan daw,mga ganon. Bakit ba? Eh diba kausap mo nga iyon kanina at saka nagkasagutan sila nong isa pang lalaking umalis diba? Haba ng hair mo,ha? Parang pinag aawayan ka nila eh, aniya sabay tawa.
Kung hindi ko lang alam na bakla ka baka kinilabutan na din ako sa tawa mo,loko.
Iniwan ko na ito at bumalik ako sa opisina upang ituloy ang ginagawa ko. Kailangan ko na maipasa iyong ginagawa ko kay Rechielle para maipadala na nito ang sahod ng mga staff.
Pero bakit nga ba ito nagtatanong ng mga impormasyon tungkol sa Cafe? Gaga, gusto mo tungkol sa'yo ang itanong niya? Asa ka.
Bumalik ako sa opisana at tinignan itong muli sa monitor. Nalibang akong pagmasdan siya na tila gustong gusto nito ang kantang pumapailanlang sa buong Cafe.
Nang matapos ang kanta ay tuluyan na nitong nilisan ang Cafe.
TBC