January 10, 2015
Gumising ako sa mainit na sikat ng araw. Ramdam ko ang pagdampi nito mula sa akin. Bahagya akong umupo pero naramdaman ko ang inda ng sakit ng ulo ko.
"Ano bang nangyari sa akin?" Agad kong tanong ng maramdaman ang sakit sa ulo ko.
Tila may isang palabas sa utak ko na bumalik.
"Sh*t" Halos mapamura ako ng maalala ko na nasukahan ko si Ezekiel kagabi at sunod sunod kong tinungga ang alak.
"Nabayaran niya kaya yun?" Agad kong tanong sa aking sarili.
Alam kong hindi gaanong malaki ang sweldo ni Ezekiel kaya baka mahirapan siyang bayaran ang laki ng ginastos ko sa inumin ko kagabi.
Nilibot ko ang mata ko sa paligid at narealize na nasa inn na ako, sa kwarto namin ni Zenon.
"Pano ako napunta dito?"
Pilit kong inisip ang mga nangyari kagabi. Natandaan ko ang pagiging isip bata ko sa harap mismo ni Zenon. Pero ng maalala ko ang mga sinabi ko sa kanya ay halos lunurin ko sa mura ang sarili ko. Pero I'm clueless kung panaginip lang ba yun o nangyari talaga dahil hindi ko na maalala ang ilang bahagi at tila malabo.
"Sana panaginip...." Bigla akong naputol sa iniisip ko ng tila isang boses ang bumulong sa akin.
"I'm jealous...." Gustong bawiin na hindi lang iyon panaginip na dapat ay nangyari talaga iyon.
Madaling nilibot ko ang aking mga mata para hanapin si Zenon sa kwarto. Pero wala! Isang panaginip nga lang ba? Gusto kong iumpog ang ulo ko para maging malinaw ang lahat. Kung totoo nga ba yun? O gawa lang malikot na imahinasyon ko dahil sa matagal ko ng marinig sa kanya na may nararamdaman pa siya para sa akin.
Drink it, for your hangover.
Isang basong may matamis na kung ano ang ininom ko na nakalagay sa gilid ng kama sa maliit na cabinet na katabi lang ng lampshade.
Ilang saglit lang ay may kumatok.
"Si Zenon na sana..." Pinagdarasal kong siya ang taong kumakatok.
Gusto kong makita siya dahil alam kong makukumpirma ko kung nangyari ba talaga yun kagabi o panaginip lang mula sa kanya. Kung anong magiging kilos niya sa akin, kung nagbago na ang trato niya sa akin ngayon.
Masaya kong sinalubong ang nasa pintuan at umakma naman ang kasiyahang nadarama ko.
"Zenon..." Mahina pero natutuwa kong bungad sa kanya.
"Babalik na tayo ng Manila." Bungad niya sa akin.
"Huh? Bakit? Ngayon na ba talaga?" Sunod sunod kong tanong.
"Huwag ka ng masyadong maraming matanong basta babalik na tayo!" Halata sa boses niya ang pagkairita.
Inayos niya ang mga bagahe at tumungo sa banyo.
"Bakit biglaan din ang pag-alis namin? Gaya ng pagpunta namin dito?" Ang daming gumulo sa utak ko.
Pagkatapos niyang maligo ay ako naman ang pinasunod niya.
"Pwede bang kumain muna tayo?" Request ko dahil sa totoo lang gutom na ako.
"Sa biyahe nalang."
"Pero gutom na talaga ako at hindi pa tayo kumakain dito ng magkasama, please kumain muna tayo bago umalis. At kung may oras pa. I wanna buy some stuff for Mom and Dad."
"Okay, okay. " Tila suko na siya.
Bumaba na kami dala ang mga bagahe tumungo kami sa tila maliit na kainan sa baba ng inn. Marami akong inorder pero tama lang para sa gutom na nararamdaman ko.
Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay may dumating at kinagulat ko yun.
"Good Morning." Bungad ni Ezekeil.
Halos mabilaukan ako sa pormal niyang pananalita.
"Ezekiel. Bakit ka nandito?" Pero bago pa siya makasagot sa tinatanong ko ay agad na umeksena si Zenon.
"What do you want?" Bakas kay Zenon ang pagkainis.
"Sorry Mr. Craig for interrupting your breakfast. But can I talk to the lady in front of your seat?" Naguguluhan ako sa kanila.
Parang may isang tensyon na hindi ko alam kung ano. Tumayo si Zenon kaya automatikong napatayo ako.
"For your information Mr. Venetiz, she is my wife." Mawtoridad niyang saad.
"Ohh.... Sorry your wife. Can I talk to your wife, Mr. Craig?" Ezekiel grinned.
Magaling pala aiya sa pagsaaalita ng english.
"Sorry Mr. Venetiz, we have lack of time." Hinawakan niya ako pati ang bagahe na nasa tabi niya.
Tumingin naman ako pabalik kay Ezekiel na ngayon ay malawak ang ngiti sa akin.
"Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari."
Isa lang ang alam kong totoo, sa pananalita niya hindi lang siya isang trabahador. Isa siya sa mga matataas na tao dito sa resort. I'm so confused!
>>>
Sa buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Natatakot akong baka masigawan niya ako pagnagkataon. Tinupad niya naman ang gusto ko na bumili muna ng mga pasalubong para kina Mom at Dad, bumili na rin ako ng regalo para sa kanilang anniversary.
Pagkabalik namin sa condo ay dumiretso siya sa kwarto habang ako sa sala.
"Balik na naman ako sa higaan na sofa." Agad kong sabi ng makita ang hinihigaan ko.
Bigla kong naalala ang phone ko na nawala. Kaya naman kahit hindi pa ako nagpapalit ay naghanap na ako. Alam kong makikita ko rin yun dahil dito lang naman nawala. Halos dalawang oras na akong pabalik pabalik ng paghahanap pero wala talaga.
"Saan kaya yun napunta?" Tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko maiwasan na di mapaisip na baka kinuha ni Zenon. Pero ano naman ang dahilan? Eh may phone naman siya bakit kukunin niya ang akin? Hindi kaya nagseselos siya? Pero imposible!
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi kaya totoo yun? Na nagseselos siya? Pero base sa mga inakto niya ngayon araw ay unti lang naman ang naiba kaya imposibleng nagseselos siya.
January 11, 2015
Balik trabaho na ako sa opisina dahil na rin sa ilang araw akong hindi pumasok.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sa akin si Ara at tuwang tuwa ng makita ako.
"Girl, namiss kita! San ka nanggaling? Bakit nagleave ka ng isang linggo?" Umupo ako at inayos ang mga gamit ko
"Sa..." Bigla kong naalala na bawal nga palang may makaalam na si Zenon ay asawa ko.
"Sa ano? Paintense ka pa Girl!" Pagbibiro ni Ara.
"Family vacation."
"Family vacation kaya ba pati phone mo hindi mo sinasagot?" Pag-uusisa niya.
"Nawala ko ang phone ko."
"Ah ganun ba." Halatang di siya naniniwala.
"Kamusta naman dito? May kaganapan ba?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Ayun, ganun parin naman. Ang pinagkaiba lang naman ang pangungulit ni Sir Rival sa akin kung tumawag ka na raw ba o nagtext man lang." Napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at mahinang sinabi.
"Girl, malakas ang tama sayo ni Sir!" Biglang tawa siya ng tawa na nakakairita.
"Baliw!"
"Hindi nga Girl. Totoo ang sinasabi ko. Gusto mo itanong mo pa sa kanya. Tanong lang ah, magkaibigan naman tayo. Nanliligaw na ba sayo si Sir?" Umiral na naman ang pagiging chismosa niya.
"Huh? Hindi ah!" Mabilis kong sagot.
"Weh? Talaga lang ah."
"Kung totoo man na manliligaw siya ay hindi pwede." Nakatanggap ako ng hampas sa balikat kay Ara.
"Aliyah! Ako na ang nagsasabi sayo! Tama na ang kahibangan mo kay Zenon!" Katingkati na akong magkwento sa kanya pero hindi ko magawa.
"Ang sakit ah." Inis kong sabi
"Aliyah, maniwala ka sa akin kung ako ang papapiliin mo kay Sir nalang ako kaysa kay Zenon. Kung sa itsura ang basehan kay Zenon tayo pero Girl, isip isip din pagmay time, may sabit na siya kaya tama na! Gusto mo bang maging querida kapag nagkataon?" Panenermon niya.
"Kung alam mo lang Ara."
"Haist, tama na ang panenermon, Ara. Alam ko ang ginagawa ko." Pagpapahinto ko sa kanya.
"Walang sisihan Girl, sinabihan na kita." Babala niya.
"Opo." Para tumahimik lang siya.
Pinatawag ako ni Mr. Rival/Calvin ay sinabing mag-OT daw ako.
Nag-uwian na ang lahat hanggang sa ako nalang ang natira. Hindi parin lumalabas si Mr. Rival sa opisina niya. Habang busy ako sa mga paper works ko bumukas ang pintuan ni Mr. Rival.
"Good evening Mr. Rival." Pagiging formal ko sa kanya.
"Can we talk?"
"Po? May ginagawa pa po ako." Gusto kong iwasan siya lalo na at alam ko na ang intensyon niya sa akin.
"Do it, tomorrow." Naglakad na siya palabas kaya wala na akong nagawa kaya sumunod ako.
Bumababa kami sa parking lot. Napansin kong andun pa ang kotse ni Zenon.
"Hindi pa ba siya umuuwi?"
Tumungo si Mr. Rival sa harap ng kotse niya. Binuksan niya ang passenger seat.
"May pupuntahan tayo at dun tayo mag-uusap." Sabi niya.
Nang tipong papasok na ako sa kotse ay may biglang humawak sa akin. Pagkalingon ko ay...
"Zenon...."
To be continue...