Kabanata 18

1407 Words
January 8, 2015 Mahigpit ang hawak niya sa akin at kinuha ang t-shirt na kakahubad ko lang. Mabilis niyang isunuot sa akin yun na para akong bata nang suutan niya. Hinila niya ako papunta sa kwarto namin. Ramdam ko ang itim na aura na nakapalibot sa kanya. Mas lalo akong natatakot dahil wala siyang imik. Kadalasan kapag nagagalit siya sa akin ay puro salitang masakit ang lalabas sa bibig niya pero tahimik niya akong hinihila papunta sa may kwarto. Hindi ko rin tinangkang magsalita pa. Mabilis niyang hinalungkat ang bagahe ko. Habang ako ay naguguluhan sa ginagawa niya. Hinawak ko ang kamay niya at humarap sa kanya. "Ano bang nangyayari? Anong gagawin mo sa mga gamit ko?" Pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko at patuloy na inayos ang mga bagahe namin pagpunta dito sa Puerto Galera. "Ano ba? Hindi ka ba magsasalita?" Tumaas ang boses ko dahil ni ha o ni ho ay walang lumalabas sa kanyang bibig. Dahil wala na rin naman akong magagawa ay nagback-out nalang ako dahil na rin sa hindi niya ako pinakikinggan. Bago ako makalabas ng pintuan ay agad naman siyang sumalubong sa akin. Ramdam ko ang aura niya gaya ng aura na naramdaman ko sa paghigit niya sa akin kanina. "Where are you going?" Malalim ang boses niya habang nanlilisik ang mga mata sa akin. Nagpatuloy parin ako sa pagbukas ng pinto pero hinawakan niya ako ng madiin sa aking kanang braso. "I said where are you going?!" Madiin niyang tanong. "Eh anong saysay pa sayo kung saan ako pupunta? Wala ka namang pakialam sa akin diba? Gaya nalang ng mga ginawa mo sa akin? Kaya para saan pa?" Inis kong sagot sa kanya. "Asawa mo ako! Kaya kahit saan ka pumunta o kung anong gagawin mo ay may karapatan akong malaman yun!" Tumaas ang boses niya sa akin. Narindi ang tenga ko sa narinig ko. Dahil sinasabi niyang may karapatan siya sa akin pero akong walang karapatan sa kanya. "Asawa? Asawa nga ba? Asawa nga ba Zenon? Hahaha! Ako asawa mo?!"(itunuro ko pa ang sarili ko) "Diba ikaw na mismo at ng babae mo ang nagpamukha sa akin na ASAWA MO LANG AKO SA PAPEL! Hanggang doon lang! Tapos ngayon tinatanong mo ako kung saan ako pupunta? Bakit ikaw ba sa tuwing tinatanong kita kung saan ka nanggaling o kung saan lupalop ka ng mundo tutungo nagrereklamo ba ako? Kaya wag kang umasta diyan na parang nag-aalala ka para sa akin!" Lumabas na ako ng pinto at agad na sinara. Nag-uunahang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw kong makita niya na mahina ako, na napakahina ko pagdating sa kanya. Madiin kong pinunasan ang mga luhang patuloy na pumapatak sa akin mga mata. "Tama na, tama na Aliyah!" Pagpapatigil ko sa aking sarili. Isinuot ko ang sunglass at patuloy na naglakad. Habang naglalakad sa dalampasigan ay nakita ko si Ezekiel. Mabilis siyang lumapit sa akin. "Anong nangyari sayo?" Agad niyang tanong. "Wala." Tipid kong sagot dahil wala ako sa mood dahil sa nangyari. "Weh? Di nga? Patingin nga." Di ko namalayan na tinanggal niya agad ang sunglass ko at bumalandar ang namumula kong mata. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya at kinuha muli ang salamin sa kanya. "Gusto kong mapag-isa." Agad kong sabi. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin dahil sa nakita niya. Hindi siya nagsalita pero patuloy niya parin akong sinusundan. Tumalikod ako para harapin siya. "Hindi ka ba titigil ng kakasunod?!" Galit kong tanong sa kanya. Halatang nagulat siya gaya ko. Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko basta lumabas nalang iyon sa bibig ko. "I'm sorry." Agad kong sabi, napayuko ako "Gusto ko lang naman masiguro na okay ka. I know you are not okay. Sorry." Hindi ko na napigilan ang sarili ko pumatak na naman ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kahit na makita ni Ezekiel na ganito ako basta gusto ko lang ilabas tong nararamdaman ko. Napaupo ako sa pagkakatayo ko ay tinakpan ng aking mga palad ang aking mukha at malakas na humagolgol. Naramdaman ko naman ang pagtap ni Ezekiel ng likod ko. "Shhh... Magiging okay din ang lahat." Pero mas lalong lumakas ang hagulgol ko sa sinabi niya. Alam kong hindi na magiging okay ang lahat. Wala na talaga kaming pag-asa ni Zenon. Wala na! Walang wala. Hindi na niya ako mahal, isa nalang akong babaeng sumusunod sa gusto niya, babaeng pinakasalan niya para pakinabangan, para sa pakinabang ng kanya kanyang pamilya. Kasal kami pero tama nga si Shin hanggang papel nalang papel na kapag nasira ay hindi mo na maibabalik sa dating ayos. "Shalamat Ezhekel, shalamat sa lahat. Hehehe." Paalam ko . Gabing gabi ng bumalik ako sa kwarto namin ni Zenon. Ramdam ko ang pag-ikot ng bawat paligid. Kahit na susi sa doorknob ay hindi ko maipasok sa sakit ng ulo ko. Pinangako ko na sa aking sarili na hindi na ako iinom pero kailangan ko ito. Kailangan ko to para makalimot. "Bha-kit? Phachi ka ba doorknob ghusto mo akong paglaruan? Huh?!" Galit na galit kong sabi sa doorknob. "Abra kaddabra!" Tila isang magician para lang magbukas ang pinto sakto naman ang pagbukas ng pinto. "Wow! Ang gharing ko naman!" Bilib na bilib kong sabi sa aking sarili. Pagkaangat ko ng ulo ko ay nakita ko si Zenon na kunot na kunot ang noo sa akin. "Oh! Ikaw phala.. hahaha! So ikaw pala ang nagbukas ng pinto? Akala ko tumatarab ang magic ko?" Napapout ako sa nangyari. "Saan ka galing? Bakit lasing ka?!" Maowtoridad niyang tanong. "Nauuhaw na ako, tubig!" Pumasok ako sa kwarto ng pagewang gewang natatamaan ko ang ilang gamit pero wala akong pakialam. Napangiti ako ng makita ko ang isang baso ng tubig sa lamesa. Papunta na sana ako sa may tubig ng bigla akong harangan ni Zenon. "Ano ba? Yung tubig!" Para akong batang shabang nakaturo sa may tubig. "Bakit uminom ka?" Seryoso niyang tanong. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa tanong niya dahil tinatanong niya pa talaga yun sa akin? "Yung tubig...." "I've said, why you are drunk?" Hinawakan niya ng madiin ang aking braso habang nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin gaya ng parati niyang ginagawa. "Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" Pagpupumiglas ko. "Di mo ba talaga ako sasagutin? Ilang beses na akong nagtatanong sayo!" "Bakit pagsinagot ba kita may magbabago ba? Papakinggan mo ba ako, Zenon? Papakinggan mo ba ako sa lahat ng sasabihin ko?" Matapang kong sagot, hindi niya magawang makatitig sa akin. "O hindi naman pala eh. Bakit nagsasayang pa tayo ng oras? Diba, dinala mo lang naman ako dito para sa pansarili mong gawain! Nagtratrabaho ka kasama ng babaeng yun? Yung mukhang hitong babaeng yun! Tapos ipapamukha mo pa talaga sa akin na masaya kang kasama siya kesa sa akin. Alam mo ba kung gano kasakit sa tuwing nakikita kitang masaya sa iba habang sa piling ko ay parang kang nasa isang impreyno? Huh? Tapos ngayon tinatanong mo kung bakit ako uminom? Mahal kita Zenon. Mahal na mahal kita sabi ko sa sarili ko kahit ano gagawin ko para sayo pero sa tingin ko hindi ko na kaya. Gusto kong sumuko sa tuwing ginagawa mo to sa akin. Pero sa tuwing nakikita kitang kasama ng iba, alam mo ba kung gano ang selos na nararamdam ko? Para akong pinapatay unti unti. Kaya wala na, wala ng silbi pa ang lahat ng to, Zenon. Ayaw ko na! Ayaw ko na talaga!"Humagolgol na naman ako sa iyak na tila isang bata kahit na sino ay walang magpapatahan sa akin. Sa wakas ay nalabas ko na ang gusto kong sabihin sa kanya kahit sa ganitong pagkakataon. Unti unti naman akong nahimasmasan dahil sa mga sinabi ko. Bigla siyang nagsalita at hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa kanya. "I'm jealous..." Kahit isang hikbi ay ayaw kong gawin para lang marinig lahat ng sasabihin niya. "I'm so jealous. Kahit na san kita dalhin lahat ng lalaki sayo ay nagkakagusto? Hindi ko na alam kung saang lupalop pa kita ng mundo dadalhin para hindi ka nila mapansin. Dinala kita dito sa Puerto Galera para ilayo sa mga lalaking umaagilid sayo pero kahit dito mismong anak ng may-ari ng resort ay hinahangaan ka? Anong gagawin ko sayo, Aliyah?"Hindi ko alam kung isang panaginip o nangyayari talaga. Pero ang una kong ginawa ay niyakap siya ng pagkahigpit higpit at patuloy na umiyak dahil sa tuwa. To  be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD