January 7, 2015
Parang gusto kong matunaw sa titig niya sa akin.
"Pasensya na po." Paghingi ko ng paumanhin sa mga taong andoon.
Umalis na ako sa lugar na yun sa sobrang kakahiyan.
Umupo kami sa isang cottage na may kalapitan lang dun sa lugar kung saan may nagtatanghal.
"Okay ka lang ba?" Ezekiel
"Huh? Oo naman." Pilit kong ngiti.
"Eh namumutla ka kasi. Sino ba ang lalaking tiningnan mo kanina?" Nahalata naman niya na si Zenon ang hinahanap ko kanina pa.
"Ayun, siya yung hinahanap ko. Asa......" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil naalala ko ang sabi sa akin ni Zenon.
"Huwag mong sasabihin kahit kanino na mag-asawa tayo."
Hindi parin maalis ang sakit ng sinabi niya yun sa akin pagkatapos ng araw ng aming kasal. Kaya kahit sino ay hindi ko masabihan na kasal kami, na akin siya, na ako ang kasama niya sa iisang bubong. Ang mga kamag-anak lang ang nakakaalam at hanggang dun nalang. Kahit na mismong kaibigan kong si Ara ay walang alam.
"Uy?"
"Huh? Siya, siya ang boss ko." Pagpapalusot ko nalang.
"Boss?" Tumago ako.
"Oo, siya ang anak ng nagmamay-ari ng kompanyang pinagtratrabahuan ko." Sambit ko.
"Ah, akala ko boyfriend mo." Napangiti ako sa narinig ko sa kanya.
"Hehehe. Mukha ba?" Natuwa ako na kahit paano ay may mag-aakalang magkarelasyon kami.
"Oo, kasi nung nagreact ka sa sinabi ko tungkol sa kanila ni Senyorita Thea parang may relasyon kayo." Doon niya nga nahalata.
"Ganun lang talaga ako. Minsan kasi OA." Pagiging jeje ko sa harap niya na nagpatawa sa aming dalawa.
"Anong kompanya ba ang pinagtratrabahuan mo?" Pag-uusisa niya.
"Miracle, Inc." Tugon ko.
"Ayun ba yung kompanyang nagmamay-ari ng hundred branches of coffee shop?" Tumango ako.
"Yup. Pano mo nalaman?" Nacurious naman ako dahil kadalasan naman ang gaya niya ay walang interes sa mga ganung bagay.
"Sa pagkakaalam ko, magkakaroon sila ng branch dito sa Puerto Galera. Teka, diba andito kayo ng Boss mo para ayusin ang branch na ipapagawa dito?"
"Hehehe, oo." Simpleng sagot ko.
Hindi ko alam ang isasagot kasi hindi ko naman alam kung ano talagang nangyayari? Ewan ko kung anong business ang gagawin dito ni Zenon. Baka tama nga si Ezekiel magkakaroon dito ang branch ng Miracle but I'm not sure.
"Matagal ka na ba dito sa Puerto Galera?" Pag-iiba ko ng usapan dahil kung hindi ko iibahin baka madulas lang ako sa kanya.
"Oo, dito na ako pinanganak." Nakatingin siya sa malayo.
"Bakit ilang taon ka na ba?" Tanong ko.
"20, ikaw ba?" Agad niyang sagot.
"23, tatlong taon pala ang agwat natin. Mas matanda pala ako sayo kaya tawagin mo nalang akong Ate." Feeling close kong offer sa kanya.
"Ate?" Tila natawa siya sa narinig niya sa akin.
"Oo, bakit panget ba?"
"Hindi kasi bagay." Nagtaka naman ako sa narinig kom
"Huh? Bakit? Ganun naman talaga ang tawag ng nakakabata? Meron pa ba?" Kung magkakapatid ako ay gusto ko maging kagaya ni Ezekiel.
"Mas bagay kasi kung Lola." Parang nagkulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"Walang hiya ka ah!" Sigaw ko sa kanya
Nang tipong hahampasin ko na sana siya. Bigla siyang tumayo at dinilaan ako. Haist. Isip bata pa talaga pala to!
"LOLA! HABULIN MO AKO!". Panunukso niya
Sa sobrang inis ko ay hinabol ko talaga siya at kumuha ng dakot ng buhangin at tinapon sa kanya.
"IKAW!" Inis niya sabi at hinabol ako.
"KAHIT MAS MATANDA AKO SAYO, MAS MABILIS AKONG TUMAKBO!" Sigaw ko.
Naghabulan kami hanggang sa siya rin ang sumuko. Humiga siya sa may buhangin dahil na rin sa sobrang pagod. Ginaya ko rin ang ginawa niya.
"Ang bilis mong tumakbo parang di ka tagamanila." Hingal niya pang sabi.
"Huwag mong minamaliit ang mga tagamanila." Lumingon ako sa kanya.
"Hahaha! Tama ka!" Pagsuko niya.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" Inangat niya ang kanyang sarili habang nakatingin sa akin.
"Medyo."
"Halika kumain tayo." Inilahad niya ang kanyang kamay para mas mabilis akong makatayo at inabot ko naman agad ito.
Pumunta kami sa isang karinderya at kumain. Kahit na hindi ganun kamahal ang mga pagkain, napakasarap parin. Pagkatapos namin kumain halos alas nuwebe ng bumalik kami sa hotel.
"Salamat sa paghatid." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Kita nalang tayo bukas." Nakangiti niyang bati.
"Sige. Salamat sa pagsama sa akin ngayong araw." Pumasok na ako sa loob ng hotel.
Pagkarating ko sa loob ng kwarto namin ni Zenon ay bumungad siya sa akin.
"San ka galing? Anong oras na! Nasa labas ka pa!" Galit niyang pukol sa akin.
"Sorry di ko napan...." Pagdadahilan ko.
"Sino yung kasama mo kanina?" Tama nga dahil nakita niya kami.
"Si Ezekiel." Agad kong sagot dahil alam kong wala namang malisya.
"Kilala mo ba siya kung sino siya?" Napataas na naman ang kilay ko ng marinig ko yun.
"Huh? Ano bang ibig mong sabihin, Zenon?" Tila nararamdaman ko na naman na mag-aaway ulit kami.
"So, hindi mo siya kilala pero sumama ka sa kanya! Bakit isa ba siya sa mga lalaki mo?" Hindi ko napigilan na sampalin siya sa binitawan niyang salita.
"Anong tingin mo sa akin kaladkaring babae na kung kanino kanino sumasama? Yan ba talaga ang tingin mo sa akin?" Unti unti na naman tumulo ang luha ko.
"Inantay kita! Inantay kita ng dalawang taon Zenon! Dalawang taon! Kahit na sarili kong buhay nagawa kong ipagpalit para lang maalis ang takot na hindi ka na bumalik! Pero anong pinalalabas mo ngayon? Wala kang karapatan para pagsalitaan mo ako ng ganyan! Kung bakit iba ang kasama ko kanina dahil yun sayo!" Galit kong bunton sa kanya.
Hindi ko na siya inantay pang magsalita dahil mabibigo lang ako dahil hindi ko rin naman makukuha ang salitang gugustuhin kong marinig.
January 8, 2015
Maaga palang ay wala na si Zenon sa kwarto. Kahit anong libot kong gawin ay wala siya. Tumungo ako ng terrace upang makita ang karagatan na sobrang ganda. Pero ang unang nasulyapan ko agad ang mukha ni Zenon na nakangiti sa babaeng kasama niya kahapon.
Nakasuot silang dalawa ng swim wear. Si Zenon nakasuot ng short at topless na kung saan makikita ang magandang pagkakahubog ng kanyang katawan habang ang kasama niyang babae ay nakatwo piece black na kung saan kitang kita ang kabuuan ng kanyang katawan.
Di na akong nag-atubili na maghanap ng susuutin upang umeksena sa kanilang dalawa. Umiral na naman ang pagiging maldita ni Aliyah Fuentebella. Hindi ako natural na nagsusuot na nagpapakita sa ibang tao ng maraming balat na nakalabas dahil naasiwa ako sa mga titig nila pero kailangan kong gawin ito para mailigtas ko si Zenon sa babaeng mukhang garapang yun! Kahit na sa malayo mukha siyang clown sa kapag ng pagkakalagay ng lipstick! Maliligo nalang kailangan pa bang magmake-up?! Halata naman hindi lang business o kung ano ang interest niya kay Zenon kundi inaakit niya ito.
Nagsuot ako ng red two piece. Naghanap ako sa mga damit ni Zenon na medyo magkahabaan. Wala kasi akong makitang maayos na damit na pwede kong ipatong. Okay lang naman yun siguro. Kulay puting tshirt ang nakuha ko sa bagahe niya ramdam ko ang amoy niya tshirt na ito. Ipinusod ko ang aking buhok at nagsuot ng sunglass.
Ilang beses kong pinag-isipan pero kailangan kong gawin talaga!
"Andito na ako kaya di na ako aatras!" Pangungumbinse ko sa akin sarili.
Bumababa ako hanggang sa napunta ako sa may lobby. Ramdam ko ang malalagkit na tingin sa akin ng mga tao. Pero hindi ko nalang pinansin yun dahil nakatuon ako kung anong plano ang gagawin ko para maiwas ko si Zenon sa babaeng yun.
Kahit na nagkasagutan kami. Wala na rin ata yun para sa amin dahil manhid na ako sa mga salita niya basta ang tanging goal ko sa buhay ay bumalik siya sa akin. Para doon nalang ako nabubuhay.
Habang naglalakad palabas ng hotel ay....
"BULAGA!" Halos atakihin ako sa kaba ng bumungad sa akin si Ezekiel.
"Hay! Halimaw!" Out of nowhere kong nasabi sa gulat ko sa ginawa niya.
"HAHAHA!" Walang tigil ang tawa sa akin.
"Shete ka! Bakit mo ginawa yun?!" Tinanggal ko ang sunglass ko para makita na inis ako.
Ilang sandali rin siyang natulala habang nakatingin sa akin.
"Hoy! Nastroke ka na ba?!" Alam kong pinagtritripan niya naman ako.
Kahit na kahapon lang kami nagkakilala parang kilalang kilala na namin ang isa't isa. Dahil na rin ata sa wala akong kapatid na lalaki ay feeling ko nakakilala ako ng nakakabatang kapatid.
"Hahaha! Ano ..... ulit?" Patigil tigil niyang tanong.
"Ikaw trip mo na naman ako! Tumigil ka nga sa pagiging best actor mo! Sabi ko anong trip mo?" Pag-ulit ko sa kanya ng tanong.
"Kasi... kasi... ano... eh." Naweweirduhan ako sa inaakto niya ngayon kaya hinila ko nalang siyang sa gilid na kung saan hindi kami mapapansin ni Zenon dahil alam kong matalas ang mata nun kaya mapapansin ako nun at baka pag-awayan na naman namin to.
"Ang weird mo ah!" Bahagya kong pinalo siya sa balikat at sinuot ang sunglass muli.
"Ang sakit ah!" Hinimas niya pa ang pinagpaluan ko.
"Wag ka ngang OA!" Sinilip ko sila Zenon at ang kasama niyang babae.
"Ano ba ang sinisilip mo diyan? O sino kaya ang sinisilip mo diyan?" Singit niya.
"Huwag ka ngang magulo!" Tulak ko sa kanya dahil ang bigat niya sa likuran ko.
"Wala ka bang trabaho!" Sabay harap ko sa kanya.
Shete! Parang gusto kong tumalikod muli dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa! Ang awkward. Sabay atras ako!
"Sorry! Peace!" Nagpeace sign pa ako sa kanya.
"Wala! Day off ko ngayon!" Pag-iiba niya ng usapan.
"Gusto mo ba akong tulungan?" Sabay talikod sa kanya dahil sa takot na makita niya ang namumula kong mukha ngayon dahil sa hiya.
"Saan naman? May bayad ba yan?" Natawa naman ako sa narinig ko sa kanya
"Sobra ka ah! Akala ko ba magkaibigan na tayo?!" Inis kong sabi sa kanya.
Okay lang sana kung magbayad ako kung may pera ako pero anong malay ko bang isasama ako ni Zenon dito sa lugar na ito? Na walang dala kundi ang aking sarili at ang damit na kinuha sa aking bagahe?
"Sino nagsabing magkaibigan tayo?!" Malakas niyang sabi.
"Walang hiya! Hindi pala kaibigan ang tingin niya sa akin pagkatapos ko siyang makasama at nakisabay sa mga trip ko? Eh ano pala turing niya sa akin? Kakilala lang na humihingi ng tulong sa kanya o customer niya?"
Napaharap ako sa inis sa mga naiisip ko. Mabilis naman ang reflex niya kaya mabilis siyang nakaurong.
"Hindi pala tayo magkaibigan ah!" Inalis ko ang sunglass ko sa inis sa kanya gusto kong maramdaman niya ang panlilisik ng mata ko sa kanya.
"Oh sige na! Sige na! Ibalik mo lang yang sunglass mo! Ang panget mo kasi pagwala yan!" Walang hiya! First time na may nagsabi sa akin na ang panget ko lalo na ang mga mata ko!
"Walang hiya ka!" Kukutungan ko sana siya ng bigla siyang nakailag at tumakbo.
Hindi ko mapapatawad ang mga taong nagsasabi sa akin ng panget dahil maganda ako! Hindi sa pagmamalaki Muse ako ng university namin kaya walang sinong nagtangkang sabihan ako ng panget ako! Kaya di ko siya mapapatawad!
Hinabol ko siya hanggang napunta kami sa baybay.
"Habulin mo ako! Panget kapag walang sunglass!" Pang-aasar niya, hinubad nya naman t-shirt niya at sumugod sa dagat.
"Kukutungan talaga kita! Patay ka sa akin!" Sigaw ko, hinubad ko ang tshirt na suot ko at lumusong sa dagat
Bigla akong napalunok ng makita ko si Zenon.
"Shete, patay ako!"
To be continue...