January 6, 2015
Nasa Puerto Galera kami kaya pala sobrang ganda ng lugar. Puerto Galera? Eto yung ticket na binigay nila Mom at Dad para sa honeymoon sana namin ni Zenon pero tinanggihan niya. Ibig bang sabihin nun ay tinanggap niya na? Kaya andito kami ngayon? Pero anong ihip ng hangin ang sumanib sa kanya para tanggapin yun?
Pumasok kami sa isang kwarto at napakalaki nun para sa aming dalawa. Siguradong napakamahal ng kwarto ito. Napakalaki ng kama, king size at kitang kita ang napakagandang dagat mula roon. Ayaw ko na ngang umalis sa pagkakahiga ko kanina sa buhangin pero sumunod nalang ako kay Zenon dahil hindi ko alam kung anong room kami kung hindi ako susunod sa kanya baka hindi na ako balikan nun sa beach.
"Nag-order ako, bayaran at pirmahan mo nalang mamaya andyan ang pera sa mesa. Maliligo muna ako." Hindi ko alam pero nagkakamali ba ako ng nakikita ngayon tila kalmado siya.
Tumango nalang ako. Kahit ako nga pala ay hindi pa naliligo simula pa kahapon buti nalang at hindi ako nag-amoy ewan sa eroplano.
Saglit lang ay may kumatok sa kwarto namin.
"Baka ito na ang sinasabi ni Zenon." Nasabi ko at binuksan ko ang pintuan.
Bumulaga sa akin ang maraming pagkain.
"Room 415 po ba talaga yan?" Natanong ko sa lalaki.
"Opo Ma'am. 415 po talaga." Inabot niya sa akin ang resibo.
Halos mapamura ako sa nakita kong bill. P 7, 898.50?
"Eto po talaga ang mga mahalaga nito?" Halos mapanganga ako sa mahal.
Hindi ako ganun kagastos na tao kahit na meron naman talaga akong erang panggastos. Siguro naman ko ang pagiging kuripot ng Daddy ko.
"Opo Ma'am." Magalang nitong sagot.
Sanay naman ako na ganito ang binabayaran ni Dad kapag kumakain kami sa mga mamahaling resto pero kalimitang marami kami o di kaya naman ay may okasyon. Pero kaming dalawa lang ang kakain ng pangpituhang taong pagkain? Anong gusto niya gawin ko? Kainin ko lahat yun?
"Keep the change." Pagkaabot ko ng walong libo.
"Thank you po, Ma'am." Nakangiti niyang sabi at umalis na.
Ipinasok ko ang napakaraming pagkain sa kwarto. Inilagay ko sa mesa at inayos. Sa totoo lang gutom na ako lalo na't hapon na simula nang isama niya ako dito nung umaga ay wala pa kaming kaing dalawa.
Pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain ay tumungo ako sa may terrace. Kitang kita doon ang napakagandang dagat. Tila inaakit ako nito para lumangoy dun.
5:30 pm
Lumabas na si Zenon sa banyo. Napakatagal niya talagang maligo daig pa ako.
"Kumain ka na." Anyaya ko sa kanya.
Umupo siya sa isa sa dalawang upuan at ako naman ay nanatili sa terrace. Alam ko namang ayaw niya akong makasabay kaya mapapahiya lang ako kapag nakaupo ako dun.
"Umupo ka na dito at sumabay sa pagkain." Napalingon ako sa narinig ko dahil magbagong buhay ba talaga siya?
"Talaga?" Ayun agad ang lumabas sa bibig ko.
Nagmamadali akong umupo at hindi maalis ang ngiti ko sa aking labi. Kumuha agad ako ng kanin at chicken fillet. Nang tipong lalagyan ko na si Zenon ng ulam ay hindi ko na nagawa
dahil iba na naman ang titig niya sa akin.
Naalala ko dati kapag kumakain kami ng sabay noon ay napakasweet namin sa isa't isa. Nagsusubuan at hindi maalis ang titig sa aming mga mata. Iba na pala talaga kami ngayon. Nagsasama kami para sa kagustuhan ng aking mga magulang hindi dahil mahal niya ako gaya ng dati.
Buong oras ay wala sa amin ang nagsalita. Natatakot akong baka magalit lang siya kapag nagkwento ako sa kanya at anong ikwekwento ko sa kanya?
8:46 pm
Mahimbing na natutulog si Zenon habang ako ay gising at di mapakali sa tabi.
Napagdesiyunan kong bumaba muna sa hotel at doon magpalipas ng oras habang hindi ako inaantok.
Malamig ang simoy ng hangin na lumalapat sa aking balat. Sa suot kong maikling pambaba at sando ay masasabi kong napakalamig sa oras na ito. Kahit na malamig ay worth it naman dahil napakaganda ng Puerto Galera. Umupo ako sa dalampasigan. Ramdam ko ang dampi ng tubig na mula sa dagat sa aking paa, napakalamig. Tanging ang sinag ng buwan ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Niyakap ko ang aking tuhod habang nakatingin sa payapang dagat. Gaya ng dagat binibigyan ako nito ng kapayapaan sa aking pag-iisip. Nahawakan ko ang aking pulso at doon nakita ang mga peklat ng nakaraan.
Hindi ko maiwasang hindi maitanong sa aking sarili kung bakit nagawa ko ang napakasamang bagay sa aking sarili. Ang kitilin ang aking sariling buhay para sa isang pagmamahalan na hindi naman pala papahalagan ng taong gusto kong bumalik sa akin.
Habang nasa kalagitnaan ng aking pag-iisip isa lang ang salita ang sumagot sa aking katanungan.
"Pag-ibig."
Pag-ibig na kahit anong mangyari ay gusto kong makuha. Siya ang tanging tao nagparamdam sa akin noon na hindi ako nag-iisa dahil andun siya para sa akin. Minahal niya ako kahit na hindi niya alam ang aking nakaraan pero ayun rin ang sumira sa amin.
January 7, 2015
Late na ako nagising sa kadahilanang hindi ako makatulog kagabi. Pagkatayo sa kama ay wala akong Zenon na nakita. Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto pero hindi ko parin siya nakita.
"Zenon?"
Merong nakahandang pagkain sa mesa at may isang notes na nakadikit mula roon.
Don't wait for me. I have a business to do.
-Zenon
Halos gusto kong itapon ang mga pagkain na nasa harapan ko sa galit.
"Pumunta lang pala kami dito para sa kung anong business na gagawin niya? Bakit niya pa ako sinama? Pinaasa niya ako sa wala!"
5:40pm
Anim na oras ko na siyang inantay pero wala parin. Hindi siya darating ayun ang sabi niya na huwag ko na raw siyang intayin. Pero nagbabakasakali akong darating siya at eenjoyin namin ang lugar na ito na kaming dalawa lang pero wala talaga ata.
Tumayo ako at nagpalit ng damit. Aabalahin ko nalang ang sarili ko sa ganda ng lugar. Wala na rin naman atang balak siyang samahan ako sa pamamasyal.
Iilan lang ang tao sa beach dahil na rin sa hindi panahon ngayon para magbakasyon. Habang naglalakad may nakasalubong akong isang magkasintahan na sobrang sweet sa isa't isa.
"Maghihiwalay din kayo!" Halos gusto kong ibulaslas yun sa harapan nila.
Kapag may nakikita akong mga magkasintahan ay mas lalong nag-iinit ang ulo. Ewan ko ba ang bitter ko dahil sa nangyari. Hindi ko matanggap na isinama niya lang ako dito para iwan niya at gawin kung anong gagawin niya. Hindi man lang niya inisip kung anong nararamdaman ko.
Naniwala na ako na magiging okay kami pagkatapos ng bakasyon namin dito pero ano? Walang kahit unting pag-asa pala para sa aming dalawa. Kahit ilang beses mong pagpilitan ang sarili mo sa isang tao walang mangyayari kung ikaw lang ang may gusto.
Umupo ako sa may dalampasigan habang inaantay ang palubog na araw.
"Napakaganda." Nasabi ko habang pinagmamasdan ang araw na papalubog.
"Miss?" Napatingin ako sa boses na may-ari na yun.
"Bakit?" Napaangat ako ng ulo habang nakatingin sa kanya.
Topless siya. Ang kulay ng balat niya ay moreno na mas lalong nagpapatunay na makisig siyang lalaki. Maganda ang pagkakahugis ng kanyang mukha, pati ang mga mata, ilong, labi at pisngi. May hawak siyang surf board. Para siyang si Adonis. Nasa kaedaran ko siya sa tingin ko.
"May kasama ka?" Tanong niya.
"Wala, bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Pwede bang sumama ka sa akin?"
Napahawak ako sa buong katawan ko na tila pinoproteksyunan ang sarili ko sa kanya.
"r****t ba siya o kidnapper? Pero imposible sa gwapo niyang yan? Pagdududahan ko pa siya? Kahit sinong babaeng gawan niya ng unang hakbang for sure ay maglalaway na makita palang siya."
"Sorry miss kung natakot kita. Pero hindi ako masamang tao. Ako nga pala si Ezekiel." Inilahad niya ang kanang kamay sa akin.
Tumayo ako at tinanggap ang kanyang kamay.
"At ikaw si?..."
"Aliyah.. Ali for short." Saad ko.
"Isa ako sa mga nagtratrabaho diyan sa resort." Itunuro niya sa akin ang inn na kung saan kami ni Zenon tumutuloy.
"Ah ganun ba? Sorry kung pinagdudahan kita kanina." Nahihiya kong sabi.
"Okay lang. Ganun talaga minsan ang nagiging reaksyon ng iba sa akin kapag lumalapit ako sa kanila. Pasensya talaga ahh." Napakamot siya sa batok niya, I found it, cute.
"Hehehe."
"Meron kasing event ang resort ngayon pero sa likod ng resort ito gaganapin. Isa kasi ako sa naassign na maghanap ng mga turistang pupunta doon, napansin ko kasing wala ka namang ginagawa kaya nilapitan kita. Pero wala ka nga bang ginagawa?" Magalang niyang tanong.
"Wala naman. Marami ka na bang napapunta?" I asked
"Medyo. Pwede ba kitang aanyayahan dun?" Muli niyang tanong.
"Sure." Agad kong pagpayag.
Medyo may karamihan din ang pumunta sa event. Nagsasalitan ang emcee ng dumating kami. Sa tingin ko ay isang talent portion ang nagaganap sa event na ito.
"Hindi ka ba kasali dyan?" Naging komportable naman ako sa kanya dahil di naman siya isang manloloko.
"Hindi eh. Surfer kasi ako kaya mahirap naman atang ipakita ang talent ko kung ganitong oras na."
"Sabagay."
Kung tutuusin hindi mukhang trabahador ng kung anong resort si Ezekiel dahil mukha siyang may pera.
Unti unti kong siniyasat ang mga tao baka naligaw kasi si Zenon dito.
"May hinahanap ka ba?" Nang mapansin ni Ezekiel na may hinahanap ako.
"Meron pero sa tingin ko ay wala siya dito." Nasabi ko nalang.
"Gusto mo pumunta tayo sa harapan baka nasa harapan ang hinahanap mo." Alok niya.
Tumango ako bilang pagpayag. Medyo may kasikipan ang daan kaya hirap dumaan sa nagkukumpulang mga tao. Hindi lang sa tingin ko ang mga turista lang ang nandito pati ang mga tagarito sa lugar na ito. Sa sobrang sikip ng daan ay hindi ko na masundan pa si Ezekiel halos tabunan na ako ng mga tao. Ilang sandali habang abalang abala ako sa paghanap ng daan ay may humawak sa aking kamay napatingin ako sa kamay na yun at sa taong nagmamay-ari nun. Umasa akong si Zenon pero mali ako si Ezekiel pala. Nakangiti siya sa akin.
"Hawakan nalang kita Ali, baka kasi hindi mo ako masundan." Nagpatuloy na siyang naglakad at ako.
Nakarating kami sa unahan na magkasama.
"Baka diyan makita ko na ang hinahanap mo." Sabi niya.
"Salamat nga pala." Agad kong sabi.
"Walang anuman." Nakangiti niyang tugon.
Inisa isa kong tiningnan ang mga tao pero wala talaga si Zenon doon.
"Wala parin?" Pagkumpirma ko ni Ezekiel kung wala parin ang hinahanap ko.
"Wala eh." Malungkot kong pagsuko.
"Baka wala talaga siya dito." Sabi niya.
"Baka nga."
"Enjoyin mo nalang ang palabas. Baka mamaya makita mo rin siya." Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Masaya ang event na yun pero may halong kaba at takot sa kung ano anong pinaggagawa ng mga contestant kung ano anong ginagawa nila sa buhay nila. Ang iba ay nagbubuga ng apoy, umapak sa bubog, may pinasok na kung ano sa bibig at kung anu ano pa.
May isa sa mga contestant ang nagpatawa kaya halos lahat ay maririnig mong tumawa. Pati rin ako halagpak sa tawa ganun din si Ezekiel. Pero may nahagip ang mata ko na hindi ko nagustuhan. Isa sa nakaupong judge ay si Zenon. Okay lang sana kung judge siya doon pero nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakalabas na ang kaluluwa na tila lumalandi sa kanya.
Gusto kong sugurin ang babaeng yun pero anong laban ko? Anong sasabihin ko sa kanya kapag sinugod ko siya? Bakit niya kinakalantari ang asawa ko lang sa papel? Kaya hindi na ako nagkalakas ng loob para lapitan sila at gumawa ng gulo.
"Sino ang babaeng yun?" Tinuro ko kay Ezekiel ang katabing babae ni Zenon. Nagbabakasakaling kilala niya.
"Yan? Yan si Senyorita Thea." Agad niyang tugon.
"Senyorita?" Uso pa ba ang pagtawag ng mga ganun dito sa lugar na to?
"Oo, siya ang anak ng may-ari ng hotel?" Sabi niya.
"Ah ganun ba."
"Bakit mo naitanong?" Nacurious naman siya.
"Para kasing nakita ko na siya." Pagsisinungaling ko.
"Ah ganun ba."
"May boyfriend na ba siya?" Hindi ko natiis na itanong pa dahil hindi na ako komportable sa gingawa niyang paglalandi kay Zenon.
"Walang may alam. Wag kang maingay sa atin atin lang ito." Halos pabulong niyang sabi.
"Ano yun?" Mahina kong pag-uutsuso.
"Wala siyang boyfriend pero iba iba ang lalaki niya na nakikita namin dito sa resort. Sunod sa layaw yan kaya ganyan." Pagiging chismoso ni Ezekiel.
"Talaga?" Kunwari wala akong kamuwang muwang sa mundo.
"At ang chismis dito ngayon. Ang lalaking katabi niya ang natitipuhan niya ngayon." Halos manlaki ang mata ko.
"Ano? Hindi pwede!" Halos pasigaw kong sabi, tinakpan ni Ezekiel ang bibig ko sa lakas ng boses ko marami akong nakuhang atensyon kabilang na doon ang si Zenon.
"Patay!"
To be continue...