Kabanata 14

1968 Words
January 5, 2015 "Kanina ka pa ba dito?" I asked "Sino yung kasama mo?" Mukhang nakita niya kaming dalawa ni Calvin. "Ah yun, boss ko." Naglakad na ako papasok ng bahay "Boss? Are you sure na boss at employee lang ang turingan niyo sa isa't isa?" Hinawakan niya ako sa braso na nagpahinto sa aking paglalakad. "Huh? Bakit? Meron pa ba dapat?" Inis kong tanong. Parang ibig niyang sabihin sa akin na nakikipagligawan pa ako sa mismong boss ko. "Kasal ka na! Kaya huwag ka ng mag-angkit pa ng ibang lalaki, Aliyah!" Matatalas ang tingin niya sa akin na alam kong pag-uumpisahan na naman namin ng away. "So, ayan pala ang pinuputok ng butchi mo! Alam kong kasal tayo pero ni kailanman hindi ako nang-angkit ng sinong lalaki! Kaya mag-ingat ingat ka sa pagsasalita mo, Zenon!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga naririnig ko. "Halina kayo sa loob!" Nagulat kaming parehas ng marinig namin ang boses ni Mommy "Opo, Mom." Sumunod ako kay Mom sa inis ko sa mga narinig ko kay Zenon. Wala sa dalawangpu na bisita ang nasa bahay. Kasama sa mga bisitang yun ang pamilya ni Zenon which is kasama nila si Axel at ang Tita at Tito ko. Maliit na handaan lang, busy sila Mom and Dad kakaentertain ng mga bisita. Umupo ako sa isa sa mga table na kung saan andun ang kapatid nila Zenon na babae si Pauline. Mas bata siya sa akin ng dalawang taon pero we have things we are same deal with. Ininom ko ang alak na ininom niya na kung saan naramdaman ko ang hapdi sa aking sikmura. "Hi, Ate Aliyah?" Pagbati niya sa akin. "Pauline, good to see you. How are you?" Nakangiti kong bati rito. "Okay naman. Eh ikaw matagal na rin kitang di nakakausap pagkatapos ng kasal ninyo ni Kuya Zenon? Kamusta ang pagiging misis?" She giggled. "Haist. Wag muna yan ang pag-usapan natin."  Himutok ko. Gaya ni Ara, kaclose ko rin si Pauline. Siya rin ang kasama ko minsan kapag kailangan ko siya. "Ohh, why? May away ba kayo ni Kuya?" Hindi nila alam kung gaano kasama ang trato sa akin ni Zenon. Ang tanging alam lang nila ay kung gano kabuti sa akin si Zenon dati. "Wala. May kung anong bagay lang na di mapagkasunduan." Sagot ko. "Excuse me." Sabi ng isang boses mula sa likuran ko. Humarap naman ako at nakita ko ang mukha ng lalaking sumira ng buhay ko. May gana pa talaga siyang humarap sa akin. After all these years? "Kuya Axel?" Nakangiti si Pauline sa Kuya niya. "Pauline, can I excuse Aliyah for a little bit?" Magalang nitong saad sa kapatid. "No!" Madiin kong tutol. Nakatingin si Pauline sa aming dalawa na parang naguguluhan. Walang nakakaalam ng naging relasyon namin Axel sa kanyang pamilya at kung bakit kami naghiwalay ni Zenon noon na dahilan kay Axel. Alam nila Dad at Mom pero they didn't know what's going on that time. "Huh? Ano bang meron?" Naguguluhang tanong ni Pauline sa aming dalawa. "Come with me." He whispered. "And if I don't?" Panggigil ko pang tanong sa kanya. "And I will tell them all things happened on the past." He whispered. He is into my nerves! "You ass!" Gigil kong sabi He walked away and I followed him. Natatakot akong malaman ng iba ang tungkol sa amin at mas lalo pang lumala ang sitwasyon. Nasa likod kami ng bahay na kung saan walang taong naroon. "Ano bang gusto mong mangyari ha?!" Inis na bungad ko sa kanya. "Hanggang kailan mo ako iiwasan?" Pag-uumpisa niya. "Sino bang nagsabi sayo na umiiwas ako?" Sarkastiko kong sagot sa kanya. "Huwag ka ngang magpatawa, Aliyah. I offered to you myself 2 years ago and you rejected me. Gaya ng gusto mo lumayo ako sayo. Dalawang taon Aliyah, dalawang taon kong tiniis na hindi ka makita at makausap tapos ano to? Ano tong malalaman ko? Kasal na pala kayo ng kapatid ko! Tapos anong susunod mong hihilingin sa akin na manatili akong isang bayaw mo?" Inis niyang sabi. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Hindi parin siya nagbabago. Sa utak niya, kami paring dalawa. "Axel, matagal na tayong wala. Simula nung iwan mo ako kaya tama na, kasal kami ng kapatid mo! Your own twin brother! Kaya tama na to!" Pilit kong hinihinaan ang boses ko na siya lang ang makakarinig. "Pero Aliyah, I always try to move on pero hindi ko kayang wala ka. Give me one more chance and I promise you I will do my best!" Gusto kong sumabog sa galit sa mga naririnig ko sa bibig niya. He is totally a psycho! "Baliw ka ba? Bigyan ka ng tsansa? May asawa na ako! Alam mong mahal ko si Zenon ng higit sa buhay ko kahit na buhay ko noon ay kaya kong kitilin para lang sa kakambal mo! Tapos gusto mong bigyan kita ng tsansa? Wala ng tsansa para sa ating dalawa Axel kaya gumising ka na! At kahit kailan hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa aming dalawa ni Zenon kung hindi dahil sayo, ed sana masaya kaming dalawa! Masaya kaming dalawa sa piling ng isa't isa!" Nagback out na ako pero bigla niya akong hinawakan sa kamay. "Magsasayang ka lang ng oras kay Zenon, Aliyah! Pagsisihan mong mas pinili mo siya kaysa sa akin." At binitawan niya muli ang kamay ko. Anong ibig niyang pagsisihan ko? "Magsisi ka at maluwag kitang tatanghapin sa pagbalik mo sa akin. Huwag kang mag-alala, bukas ang palad ko para sayo, Aliyah. Kahit anong oras pa." Baliw na talaga siya. Hindi ko alam kung anong puso ang meron ako noon para mahalin siya. "Huwag kang mag-alala kahit kailan hindi ako magsisi sa pinili kong landas, Axel." Nagpatuloy na akong naglakad. This day is worse! I can't believe na mangyayari lahat ng kamalasan ko ngayong araw. "Kumain ka na, Aliyah." Pangungulit ni Mom. "Mamaya nalang po." Wala na ako sa mood dahil sa nangyari sa amin ni Axel. "Sumabay ka na sa amin." Papa Wala na akong nagawa kundi sumama sa lamesa na kung saan may 14 upuan. Si Papa ang nasa gitna nasa kanang bahagi ng mesa si Mama at nasa tabi ko siya, katabi ko rin si Zenon at sa kaliwang parte naman ang mga magulang ni Zenon at mga kapatid. Ramdam ko ang tama ng ininom ko kanina kaya medyo nahihilo na ako. Halos 2 baso ang nainom ko pero ngayon lang yun tumama sa akin. Pano yun natitiis ni Pauline? Nag-uusap sila tungkol sa regalo nila sa mga magulang ko habang ako ay hindi makarelate dahil sa wala akong dalang regalo para sa kanila. Tahimik lang ako sa isang gilid dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi na maganda ang pakiramdam ko. "How about you Aliyah?" Untag sa akin ni Tita Salve. "Po?" Wala ako sa sarili para makinig sa buong usapan nila. "Anong sasabihin ko? Yung tinituro ba ni Calvin? Yun nalang kaya?!" "Anong regalo mo sa Mommy at Daddy mo?" Muling tanong ni Tita Salve. "Sa susunod ko nalang po ibibigay kasi medyo kakaiba po kasi..." Shet, biglang may kung anong meron sa lalamunan ko ang pumasok at bigla akong nasusuka. Tinakpan ko ang bibig ko at dumeretso sa pinakamalapit na banyo. Halos limang minuto akong nasa banyo. Ang dami kong sinuka dahil na rin sa kumain ako ng marami. Nahihilo talaga ako. Bumalik ako ng hapagkainan. Naguluhan ako sa mga naging reaksyon nila ng makita ako. Bakit ganun sila makatingin sa akin? Nabastos ko ba sila dahil hindi ako nakapag-excuse? Ganun kaya? "Sorry po." Nakayuko kong sabi. "Kailan pa yan?"Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Ang ano po?" Tumingin ako kay Zenon kahit siya ay masama ang tingin sa akin. "Yang nangyayari sayo?" Hindi ko naman nagets kung anong ibig sabihin ni Mommy. Ang nangyayari sa akin? Anong ibig nilang sabihin? Eh nasuka lang naman ako? Anong kakaiba dun? "Kanina lang po. Ano po bang meron Mom?" Nagtinginan sina Mom at Dad pati narin ang mga magulang ni Zenon. Nangiti ng malawak si Pauline habang si Axel naman ay nakatingin sa akin ng masama gaya ni Zenon. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan! "Ayan ba Hija ang kakaibang regalo na sinasabi mo?" Nakangiting tanong ni Tita Salve. "Po? Di ko magets?" Naguguluhang sabi ko. "Dad, pwede po bang dito nalang ako matulog medyo nahihilo na po kasi ako." Kaysa mag-alala sila sa akin ay mga ngiti sa mga mukha nila ang di mawala wala. "Oh sige sige." Natatarang sagot ni Dad. "Samahan mo siya, Zenon." Tito Roberto (Dad ni Zenon) Tumayo naman ako at dumiretso sa kwarto ko dati. Ramdam ko ang pagsunod ni Zenon sa akin.  Bumungad sa akin ang aking kama, sobrang miss ko na to lalo na parati akong nakahiga sa sofa. Patungo na sana ako ng kama ko para mahiga ng biglang hawakan ang aking kamay. Napatingin ako ng diretso sa kanyang mata na sobrang talim. "May nagawa ba akong masama?" Ayun agad ang natanong ko sa aking sarili. "Bakit?" Sa tuwing ganito sa akin si Zenon ay di ko maiwasahang di kabahan. "Sino?!" Gaya ng mga tanong ng mga tao sa baba ay hindi ko rin magets kung anong meron sa tanong niya. "Huh? Anong sino?!" Naguguluhan kong tanong sa kanya, pilit kong tinatanggal ang paghawak niya sa aking kamay dahil mahigpit itong hawak niya. "Huwag na tayo magpaligoy ligoy pa Aliyah! Sino ang ama ng dinadala mo?" Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya. "Anong ama? Nang dinadala ko?" "Huh? Anong pinagsasabi mo? Dinadala?!" Mas humihigpit ang hawak niya sa akin. "Diba buntis ka?! Sinong ama yan? Imposible namang ako! Si Axel ba o si Manager Rival?! Sino?" Galit na galit niyang tanong. "Hindi ako buntis! Paano ako mabubuntis kung wala pa sa ating nangyayari, Zenon! Hindi ako gaya ng iniisip mo!" Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. "Huwag ka na magsinungaling Aliyah" Muli na naman siyang nagalit sa akin. Mas lalo akong nanggigil sa pambibintang niya sa akin. "Hindi ako nagsisinungaling Zenon! I'm still a vir....." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla kong napagtanto ang mga salitang lumalabas sa aking bibig. Tumalikod ako at dumiretso banyo. Hindi ko na siya inantay pang magsalita basta tumuloy na ako. Nakatingin ako sa aking sarili sa salamin. "Pano niya nasabing buntis ako?! Hindi naman malaki ang tiyan ko para pagkamalan na buntis ako? O di kaya....." "Shet! Ayun ba yun? Kaya ba ganun ang mga ngiti nila sa akin kanina? Inakala nilang buntis ako! Bakit di ko yun napansin!" Nagpahilamos ako ng mukha sa sobrang pagkagulo para kahit unti'y maibsan ang gulo ng utak ko. "Hindi na talaga ako iinom ng alak!" Nasabi ko sa aking sarili habang nasa tapat ng pintuan ng banyo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Zenon paglabas ko ng banyo? "Bala na!" Lumabas ako ng banyo. Nakapatay ang ilaw at ang tanging ilaw lang ay ang lampshade kaya naaninagan ko si Zenon na nakahiga sa kama at nakatalikod. "Tulog na kaya siya?" Humiga ako sa kama. "Hindi naman siya magagalit kung tatabi ako sa kanya dahil first of all akin tong kama na to." "Zenon?" Hindi siya nagsalita pero alam kong gising pa siya. "I will tell them the truth. Nakainom ako kanina dahil sa pag-aaway natin kanina. Hindi ko alam na ganun pala kalakas yung alak na nainom ko kaya ayun ang naging epekto sa akin. I'm sorry." Ngunit hindi siya sumagot. Pinagmasdan ko ang kanyang likod. Dalawang taon ko na rin siyang hindi nayayakap at sobrang miss na miss ko na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin at niyakap ko siya mula sa kanyang likod. Kahit na magalit siya ay wala akong pakialam basta mayakap ko lang siya. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD