January 5, 2015
Gaya ng pasko umuwi rin ng lango sa alak si Zenon ng araw ng Bagong Taon. Para akong isang palamuti lang sa bahay, wala siyang pakialam sa akin. Ginawa ko ang lahat pero balewala parin ako sa kanya. I don't know what to do.
6:05 am
Gumising ako ng maaga at hindi na nagluto pa dahil wala rin namang kwenta kung magluluto pa ako. Dumiretso ako ng kwarto ni Zenon na parati namang nakabukas dahil dun din ako naliligo dahil wala namang ibang banyo, mahimbing siyang natutulog. Maliit lang kasi ang condo niya na pang-isahang tao lang talaga. Hindi kasi siya mahilig sa malalaking lugar. Nasa banyo ako ng biglang narinig ko ang malakas na ingay ng phone ko senyales na may tumatawag.
Hinablot ko naman kaagad ang tuwalya at itinapis sa katawan ko. Dumiretso ako sa sala at kinuha ang phone na hindi parin binababa ng caller ang tawag.
"Sino ba ang tumatawag, kay aga aga?" Nagulat ako ng makita si Zenon na nasa pintuan ng kwarto niya na halatang naistorbo sa ingay ng tawag
Nilingon ko naman siya na halatang inis na inis sa ingay na narinig niya.
"Sorry." Agad ko naman paghingi ng pasensya.
Tiningnan ko kung sino ang tumawag, si Mr. Rival
"Hello po." Bahagya kong hininaan ang aking boses.
"Ms. Aliyah" Paging pormal niya na naman.
"Good morning po, Sir"
"Punta ka dito sa opisina, now."
Shet nagbibiro ba siya? Ang aga pa ah?
"Pero Mr. Rival, maaga pa po para sa trabaho." Medyo tumaas ang boses ko sa pagkabigla.
"Ngayon na. It's an order." Pinatay niya ang phone.
Nakakainis! Di pa naman oras ng pasok! Halos gusto kong ibagsak ang phone ko sa mesa. Tumalikod ako para bumalik sa banyo halos mapabalikwas ako ng makita si Zenon na ang sama ng tingin sa akin. Galit ba siya dahil nagising ko siya?
"Sorry, Zenon." Dumiretso ako sa kwarto niya at naligo.
Halos sampung minuto ko lang tinapos ang pagligo tutal naman naliligo ako sa gabi at wala na akong oras para magbabad sa banyo.
Paglabas ko ng banyo nagulat akong wala si Zenon sa higaan niya na parati namang ganun. Shet, nagalit talaga siya! Baka umalis na siya sa inis. Lumabas ako ng kwarto ng nakauniporme na. Unting ayos nalang ay ready to go na. Paglabas ko ay nakita kong may hinahanap si Zenon sa kusina. Pero wala na akong oras para usisain kung anong hinahanap niya. Pumunta ako sa sofa na kung saan ayun na rin ang higaan ko at andun ang gamit ko. Kinuha ko ang bag ko, sa opisina ko nalang aayusin ang sarili ko. Palakad na sana ako palabas ng condo ng maalala ko na wala pala ang phone ko sa bag ko. Tumungo ako sa mesa kung san ko huling nilagay ang phone kaso ilang minuto ko ng hinahanap ay wala parin akong nakikita? Sa pagkakaalala ko ay nilagay ko lang yun sa mesa.
Halos nagkukumahog akong hanapin ang phone ko kaso wala talaga! Kainis! Kung kailan nagmamadali! Nilakasan ko ang loob ko na magtanong kay Zenon na ngayon ay tila masama ang timpla ngayon na parati naman ganun.
"Zenon (hindi ako makatingin sa kanyang mga sa takot na baka sigawan niya ako) nakita mo ba ang phone ko? Kasi...." He cut me off.
"Saan ang pagkain? Bakit di ka nagluto?! Alam mong wala pa akong kain tapos ganito pa ang maabutan ko?!" Galit na galit na tanong niya sa akin.
Pero di naman niya kasi kinakain ang mga niluluto ko? Tapos anong ihip ng hangin bakit gusto niyang kumain? Niloloko niya ba ako? O gusto niya lang talaga akong pahirapan?
"Pero kasi..." Pagdadahilan ko sana.
"Magluto ka ng may sabaw. Nang matanggal itong sakit ng ulo ko." Umalis siya sa kusina at pumunta sa kwarto niya.
"Sh*t gusto niya talaga akong pahirapan! Alam naman niyang ang pagluluto ng hindi pritong lutuin ang tanging kaya ko pero ang sabaw niloloko niya ba ako?!" Wala akong nagawa kundi magpalit muli ng suot kundi baka makawawa tong uniporme ko sa kalat!
Kinuha ko ang Ipad ko sa bag at nagsearch kung paano magluto ng sinigang. Nagsaing ako dahil alam ko namang kakain siya ng kanin dahil gutom nga raw siya.
8:39 am
Malapit na akong matapos sa pagluluto at nilinis na rin ang mga kalat ko. Sana naman hindi palpak ang luto ko! Halos ipagdasal ko na sa lahat ng santo na maging masarap ang luto ko kundi lagot ako!
8:58 am
Nagmamadali akong inayos ang mesa para kainan ni Zenon. Bago ko siya tinawag ay nagpalit ulit ako ng uniporme para umalis na. Alam ko naman na hindi na siya kakain ng kasabay ako.
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya.
"Zenon, okay na. Andito na sa mesa kumain ka na bago lumamig pa! Aalis na ako!" Medyo hinihingal pa ako dahil sa kamamadali.
Pahakbang na ako ng bigla kong narinig na nagsalita siya pero hindi ko naintindihan kaya pumasok nalang ako ng kwarto niya
"Ano yun? Sorry di ko naintindihan." Pagpasok ko ng pinto.
"I told you, na dalhin mo dito ang pagkain ko." Nakahiga siya.
May sakit ba siya kaya gusto niya pagsilbihan ko siya? O nang-aasar siya? Alam niyang nagmamadali ako!
"Pwede bang ikaw nalang kasi may..." Gusto ko ng magreklamo sa kanya.
"Sabi ko dalhin mo!" Galit niyang sabi.
Wala akong nagawa kaya naman dinala ko na kaysa magalit siya ng sobra! Patay talaga ako nito kay Mr. Rival.
9:17 am
"Oh eto na." Nilagay ko sa mesa na nasa gilid ng kama niya.
"Linisin mo ang lahat bago ka umalis." Dagdag niya.
"Okay na lahat, sige alis na ...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla ulit siya nagsalita.
"Ang cr." Kaysa magtanong pa tumungo ako ng cr pero shete anong nangyari? Bakit ang gulo malinis ito ng iniwan ko?
Pikon na pikon na talaga ako! Bakit ba? Hanggang dito ba naman pinapahirap niya ako! Ang isip bata niya talaga!
9:47 am
Natapos ako maglinis ng banyo. Halos pawis na pawis ako sa paglilinis ng banyo! Haist! Wala kong magagawa kundi magpalit muli ng bagong uniporme!
"Okay na po!" Halos galit kong sabi ko sa kanya na nakahiga parin sa kama niya.
"Your mom texted me. Sa bahay niyo raw tayo magdinner mamaya. 8 pm. Don't be late."
Nakita ko namang wala na sa mesa ang pagkain niya kanina. Kahit na pagod na pagod ay parang nawala lahat ng yun ng makita ko na naubos niya ang pagkain.
Pumunta ako sa sala at kinuha ang isa pang extrang uniporme at nagpalit. Hindi ko na nagawa pang magpaalam at hanapin pa ulit ang phone ko dahil late na late na ako.
10:40 am
Saktong pagdating ko sa opisina. Bumungad sa akin si Ara.
"Girl?!"
"Oh?" Pinunasan ko ang mga pawis na tumutulo sa akin halos paliparin ko na ang sarili ko kakamadali.
"Bakit ngayon ka lang?" Hindi pa alam ni Ara ang tungkol sa amin ni Zenon na nagpakasal kami.
"May ginawa pa kasi ako. Asan na si Mr. Rival?" Pagdadahilan ko.
"Nasa opisina niya. Kung ako sayo wag ka ng pumunta dahil I'm sure na mapapagalitan ka lang!" Panggagatong niya pa sa kaba ko.
"Bala na, Ara." Pumunta na ako sa opisina niya.
Kumatok ako at agad naman siyang nagsalita.
"Come in." Mr. Rival
Halos nakapikit ako ng pumasok sa opisina niya dahil alam ko ang sermon na ipupukol niya sa akin.
"Mr. Rival..." Buong lakas kong pagtawag sa pangalan niya.
"Why are you so late?" Gaya ng inaasahan galit na galit siya.
"Sorry Sir nagkaemergency lang po ako sa bahay." Hindi ko alam kung nagsisinungaling ako o hindi.
Emergency naman talaga ang pinagawa sa akin ni Zenon pero parang hindi naman sa kabilang banda.
"I'm sorry Sir." Muli kong paghingi ng paumanhin.
"Where your phone?" Medyo kumalma na siya sa sagot ko.
"Huh?" Nagulat ako sa pagkalma niya.
"I texted you and give you a call but no replys and also you didn't answer my calls. So where your phone?" Nakatingin siya sa akin ng hindi ko alam kung anong titig ang meron.
"Naiwala ko po.." Nahihiya kong saad.
"Your so careless!" Galit niyang untag sa akin.
"I'm really sorry, Sir. It's my fault."
"Okay, I understand. Pero kapag naulit pa tong pagpapabaya mo sa trabaho. I give you a punishment! For your late, mag-over time ka ngayon." Strikto niyang saad habang nagbabasa ng mga papeles sa table niya.
"Pero Sir, I have a family appointment."
Hindi man lang niya ako tiningnan. "No, do what I'd said."
Sarap magpabigti sa inis! Buong araw ko ngayon ay sira!
7:35 pm
"Oo nga pala yung dinner ko kina Mom and Dad? What should I do? I don't have phone, how can I contact them?"
Tiningnan ko si Mr. Rival sa opisina niya na busy sa pagbabasa ng mga papeles.
"Sir, can I go now?" Pagpapaalam ko.
"Nope, you have many things to do." Gaya ng kanina hindi man lang niya ako tiningnan.
"Tomorrow I will pay for it. But Sir, I need to go." Hindi ko na siya inantay pang sumagot at umalis na.
Hindi ko na inintindi pa ang galit niya mas nakakatakot akongmagalit si Zenon. Nagmamadali akong lumabas ng opisina. Nang biglang may humila sa akin na kung sino....
Bumungad naman sa akin ang mukha ni Mr. Rival.
"Sir?"
"Importante ba talaga yang lakad mo?" He asked.
"Yes, Sir."
"Okay, I'll drive."
"Huh? Bakit po?"
"Ihahatid kita." Hinawakan niya ako sa aking kamay kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Di ko dala ang sasakyan ko kanina dahil sa kamamadali nakalimutan kong naiwan ko ang susi at di na ako pwede pang bumalik pa dahil late na ako.
"Saan?" Tanong niya pagkaupo na pagkaupo sa driver seat.
"Ituturo ko nalang po."
Halos bente minuto lang ang layo ng kompanya sa bahay kaya naman, hindi na ako malelate sa dinner.
"Ali?" Muli na naman akong tinawag ng Ali.
"Ano po yun, Sir?" Tuon ko sa kanya
"Can you call me in my name." Napalingon ako sa kanya sa pagkabigla sa narinig ko.
May mga pumapasok sa isip ko na alam kong may kakaiba sa kanya.
"Po?" Naguguluhan kong tanong.
Siya ang manager namin simula ng nagretiro si Mr. Pantinople kaya siya na ang boss namin kaya dapat Sir ang tawag ko sa kanya. Bakit niya gustong tawagin sa pangalan niya.
At tila kanina lang sobrang sungit niya sa akin at ngayon naman gusto niya maging close kami? May problema ba siya sa utak? Daig niya pa ang babae.
"Call me Calvin kapag tayong dalawa lang o kapag wala tayo sa opisina. Masyado kasing pormal ang tawag mo sa akin. And please wag mo akong pinopo because I'm only 27." Pagpapaliwanag niya.
"But I'm only 23 years old, Sir. It means your older than me and beside I'm your employee not a close friend of yours." Pagiging prangka ko sa kanya.
"Yeah, I know. Being your boss, I order you to call me to my name. That's an order." Huminto ang sasakyan dahil sa traffic light.
Hindi ko mabasa ang nasa utak ng lalaki to.
"Pero..."
"No buts..."
Wala na akong nagawa kaya tumahimik nalang ako. Hanggang sa dumating kami sa bahay.
Lumabas siya ng kotse at mabilis na tumakbo papunta kung saan ako nakaupo? Weird? Ganun ba talaga siya sa lahat ng sumasakay ng sasakyan niya.
"Thank you po..." Nilakihan niya ako ng mata senyales na may nasabi akong ayaw niya.
"Ay sorry. Thank you Calvin." Medyo weird pero okay lang din naman.
"Good. Is this your home?" Turo niya sa bahay ng mga magulang ko.
"Yeah. But hindi ako lagi dito umuuwi. Pumunta lang ako dahil family dinner." Pagdadahilan ko.
"Oh, pero bakit tila may kung anong okasyon sa loob?" Nagtataka niyang tanong.
"Okasyon?" Napatingin ako sa labas ng bahay namin na tila marami nga ang tao sa loob.
"What is the date today? It's January 5?" Tanong at sagot ko sa sarili ko.
"Yeah. Why?" Halos gusto kong sumigaw sa kamalasan ko ngayon.
Ito ang araw ng wedding anniversary nila Mom and Dad. This is the 26th wedding anniversary. This is the first time na nakalimutan ko ang napakahalagang araw na ito para sa kanila.
"Wedding anniversary ng mga magulang and I forgot it! I don't have any gifts for them." Halos hesterical kong paliwanag sa kanya.
"Oh. Sabihin mong kakaiba ang regalo mo kaya medyo malelate. That's a good reason." Hindi ko alam kung natatawa siya o ewan ko ba sa naging reaksyon niya kahit nasa ganitong sitwasyon pa ako.
"Sure ka?" Pagseseryoso ko.
"Yes. I'm sure. Ganun ang ginagawa ko kapag nakakalimutan ko ang monthsary or anniversary ng mga naging girlfriend ko." Presko niyang sabi.
"Oh sige sige. Ganun nalang. Bala na. Pero pano yun? Wala akong alam na kakaibang regalo na sinasabi mo. Pano ako makakahanap nun?" Natataranta na ako.
"Sasamahan kita. Tomorrow after your work." He offered.
"Pero OT ako tomorrow diba?" Bigla kong naalala ang usapan namin sa office.
"Sa Wednesday ka nalang mag-OT." Sagot niya.
"Talaga? Pwede? Sure na ba yan?" Naeexcite kong tanong sa kanya.
"Oo naman. Regalo ko na rin yun para sa future kong magiging parents in law." Nakangiti niyang sabi.
Parents in law? Isa bang confession yun o nagpapatawa lang ba siya?
"Huh?" Naguguluhan ako.
"Wala. Baka inaantay ka na sa loob." Itinulak niya ako papasok ng bahay.
"Sige. Salamat, Cal..Calvin." Nahihiya kong pasasalamat.
"Welcome. Tomorrow we have a date." Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi na ako nakapagsalita.
Sumakay na siya sa kotse niya at nagbabye. Naiwan akong tulala. Tama ba ako ng narinig ko? Date? Baliw ba siya?
Hindi ko na inintindi pa si Calvin at dumiretso ng bahay. Nagulat naman akong nasa harap ng bahay si Zenon na nakatingin sa akin ng masama. Hindi naman niya ako inaantay? Imposible!
To be continue...