CHAPTER 1

2379 Words
ANGHELISHA MALAFRONTE DEMORGON WHILE I was polishing one of my favorite machine guns, the buzzer suddenly roared in every corner of my room. Napa-titig kaagad ako sa soldier na naka-tayo sa left side ng naka-sarado kong pintuan. When I nodded my head, he stepped forward to open the door. Pahati na bumukas sa dalawa ang pintuan. Napa-titig ako sa tapat no’n kung sino ang dumating. Isang soldier again. Bahagya n’yang niyuko ang ulo at tumayo ulit ng tuwid. “Madame Anghelisha, pinapatawag po kayo ni Boss Kruger sa chamber.” Doon ko tinigil ang pagpupunas sa tripod mount. “Is that urgent?” “Yes, Madame. He would like to have a word with you.” Bumuga ako ng marahang hininga palabas sa bunganga. I gently placed the handkerchief above the center table. Maingat kong kinapitan sa hinged carrying handle at inangat paalis sa mga hita ko. Nilapag ko naman iyon sa ibabaw ng mesa. Tumayo ako sa pagkakaupo. “Place it back in my storage room,” utos ko sa soldier. “Copy, Madame.” Humakbang na ako paalis sa Cleopatra sofa at lumakad kung saan naroroon ang naka-bukas na pinto. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa pinasok ko ang elevator. I pushed the floor 8 button. Sumara ang pinto at umangat. I waited a few seconds until the door opened again. Dinala ako sa isang empty room, I have seen nothing but the automatic sliding door mirror. Napa-titig pa ako sa kaliwa’t kanang glass walls. I can see the huge trunks of trees outside. I took a deep sigh and continued walking towards the door. Bago pa ako makarating doon, bumukas na rin pahati ang pinto. “Madame Anghelisha has arrived, Boss Kruger.” Yumuko ang lahat ng soldiers na on duty sa silid na ito. Nakita ko agad si Boss Kruger, he's my father, he was sitting on the Cleopatra sofa. Pinagpatuloy ko ang aking pag-hakbang, dumaan ako sa gilid ng kaharap n’yang sofa at lumiko. I faced him and I took my seat. “Anghelisha anak... May nais akong ibigay na mis’yon sa iyo and of course, it’s up to you kung papayag ka,” malambing na sambit sa ‘kin ng ama ko. Hindi mo aakalaing mafia boss ang kaharap ko pero kung sa bagay, I am his daughter kaya walang formalities na nagaganap kapag kami lang ang naguusap. My father is an intimidating man. His presence can make you feel uneasy. He has a commanding aura as if he is carrying an air of authority with a stern expression on his face but when he’s with his family, it seems like he can’t crush a single petal. I got used to his demeanor. Ginagaya ko na rin ang ugali ng ama ko or, may minana ako sa kan’ya. He fears no one except my mom. My mother is a badass too, like me I guess. Not sure. “Bakit po, anong uri ng misyon?” He cleared his throat. “Take a look at this.” Napa-titig ako sa laptop na naka-lapag sa ibabaw ng center table. Pinaharap n’ya iyon sa ‘kin. Doon ko nakita sa screen ang naka-flash na map. “Can you see the target?” I nodded. Masisilayan ko pa roon ang red circle dot sa northwest ng mapa. “Tatlong taon na namin na under monitoring at investigation ang private village na iyan. They don’t have voluminous gates like us but… the entire village is guarded by tons of armed men like us too… and if you see at the next slide.” He pressed the right arrow key. Nag-flash sa screen ang bird eye view ng sinasabi ni papa na village. “Our camera drone took some images to capture the area. They bought several hectares and they have built numerous mysterious buildings.” Kung ikukumpara sa village namin, hindi ganoon karami ang mga matataas na punong kahoy para maging kublihan man lang ng mga building. “Drago family ang bumili ng lupa limang taon na ang nakakaraan. Walang nakakaduda roon pero may nakarating sa mga spy na may bagong patayo na bagong mafia territory. Ang bilis lumago. Marami na rin silang tauhan. They are suspicious since they are not under the control of the government at all. Drago organization ang bansag sa kanila. Upon our investigation, wala silang malalaking negosyo maging sa ibang bansa ngunit ang daming private properties at kayamanan ng Drago Family. I tried to summon a spy there but no one survived. Ang tanging impormansyon na nakarating sa akin, ang mga Drago lang ang nakakaalam sa tinatago nilang skreto kung saan nila kinukuha ang kanilang yaman. Mas malaki pa ang mans’yon nila sa black mansion it’s because bagong patayo lang iyon.” “Yeah, kahina-hinala nga,” pag-sangayon ko naman. “So, what’s the mission?” Tumikhim si papa. He leaned forward to push the right arrow again. Agaw pansin ang isang lalakeng bumulagta sa screen ng laptop. Naka-side view. Hindi ko mas’yadong naaninagan ng maayos ang kan’yang mukha dahil med’yo may kalayuan ang pagkakuha ng litrato. Mukhang nilitratuhan s’ya sa parking lot ng Spanish restaurant. He was wearing a turtle neck long-sleeve shirt at ripped jeans. I think he’s older than me. “Who is that?” “Ryū Drago. The second son of Dracul— the owner of the Drago organization.” “Mafia boss ba ang tatay n’yan?” “Allegedly, yes because... Ryū is an heir and her father was looking for a wife for him.” Napa-balik ang buong atens’yon ko kay papa. “And?” dugtong ko. “And… I want you to be his bride. My purpose is, maging spy ka sa pamilya nila. You will be able to know kung nais nilang lusubin ang ating teritoryo o may plano silang sirain ang iba nating kaalyado na mafia group. I trust your expertise, anak. I know you are expert enough to handle this mission.” Wala namang kaso sa ‘kin kung papayag ako sa misyon ni papa pero, “What if kung tapos na ang misyon ko? How can I get away from him since I am his wife? Legal na ang divorce sa bansa natin pero hindi kaagad ‘yon mangyayari kung hindi s’ya papayag.” He nodded. “Ryu had 30 wives. Lahat ng mga babaeng dumaan sa kan’ya, hindi nagtatagal dahil hindi nila matiis ang ugali ni Ryū. But I am confident that he can’t harm you. You can handle him. Kayang-kaya mong depensahan ang iyong sarili.” Sumangayon ako. “But you have to win his father’s favor first. Ang ama n’ya ang namimili ng kan’yang mapapangasawa. Next week, he will hire countless maidens. You have to report to their mansion. Ikaw dapat ang mapipili ni Dracul. I have no idea kung ano ang hanap n'ya sa isang babae pero dapat, makapasa ka sa pagsusuri.” “Most likely, physical characteristic tapos personality. Gan’yan kasimple.” “Walang problema kung ganda ang paguusapan ngunit kapag… ugali, marami kang dapat baguhin.” Umangat ang kaliwang kilay ko. “You must restrain your aggressiveness. Gayahin mo ang kapatid mo. He is gentle like a spring breeze however, kabaliktaran ka naman. You are fierce like a hurricane and sometimes, mas nakakatakot ka pa sa dragon. You have to pretend that you are soft-hearted like an angel and graceful like a swan. In the meantime, maging mahinhin ka muna. Magpabait-baitan ka para magustuhan ka ng kanilang pamilya. If you gain their favor, especially your husband, you will be able to know their secret and he will share their illegal transaction—if there is one. He must fell in love with you. Kung nakuha na natin ang mga impormasyon, doon mo ibalik ang totoo mong anyo. Galitin mo s’ya para ipagpalit ka n’ya ulit sa iba.” Parang gusto ko na agad umurong sa mis’yon. Kahinaan ko ang magpanggap. Hindi ako magaling umarte at mas lalong hindi kaya ng pasens’ya ko. Ang problema, misyon ay misyon. Hindi ko kayang tutulan ang ama ko. “My weakness is to hide my strengths, papa. I can’t keep my true colors…” Hinagikhikan lang ako na parang nangaasar pa. “I can’t force you to take this mission, anak.” He smiled at me. Ang ngiti ng isang ama na hindi matiis ng mabait na anak na katulad ko. How can I decline? He’s been a good father to me and my brother. Ang bait sobra sa ‘min ni papa. May mga instances na pinababawalan n’ya ako lalo na noong teenager ako pero normal lang iyon bilang magulang. Pinayagan n’ya akong mag-aral sa labas ng village even though may paaralan kami rito sa loob ng aming teritoryo. Hinayaan n’ya akong mag-lakwatsa simula noong nineteen years old ako. Naging maluwag na s’ya sa ‘kin. Pinayagan akong mag-training na humawak ng baril kahit kontra gusto n’ya dahil babae ako. Kaya n’ya lang naman ako pinagbawalan dahil noong araw nila nina mama Anghelina, noong tumakas ang mama ko rito sa village, binaril n’ya itong mafia boss. Tawang-tawa nga kami ni Darius kapag sa tuwing kinukuwento ni mama ‘yon sa ‘min. Takot na takot si Papa na maka-hawak s’ya ng baril dahil may kuwento rin na tumulong daw ang mama ko noong nilusob ng mga terorista itong teritoryo namin. Leader pa ang napatay ni mama. Natangay s’ya no’n pero s’yempre, todo rescue naman si papa. Iilan lang ‘yan sa mga nakakatawang childhood story sa ‘min ni Darius, ang kambal ko. We are 29 years old now. He is already married to Sakurana, the girl in disguise. Quadroplets ang anak nila. 3 boys and 1 girl. Nakakatawa rin ang love story ng kapatid ko dahil na-in love s’ya sa babaeng naliligo sa batis, sa ilalim ng maliwanag na buwan. Nagpapanggap lang pala na lalake si Sakura since hindi suitable ang mga babae para maging soldier. Kaya pala s’ya naka-pasok, pamangkin pala s’ya ni Tito Gideo. Deads na deads sa kan’ya ang kapatid kong ‘yon and the funny thing is, isa ako sa mga nabiktima ng alindog ni Sakura, it’s because she was disguising herself as a man. Ang guwapo n’ya maging lalake. Nagka-crush ako sa kan’ya noon na without knowing, babae pala. Kaya pala hindi s’ya naaakit sa ‘kin kahit anong gawin ko. Ako rin ang dahilan kung bakit sila nagkaanak. I trapped them inside the room and yeah, may nangyari sa kanila. Okay naman ang love life ko. Hindi ko mabilang kung nakakailang boyfriend na ako na hindi alam ni papa. But I am proud to say that I am still a virgin. I respect myself, of course. Hindi ako pariwarang babae. My mom will kill me if I dare to. Nakakatakot si mama magalit. S’ya ang iniiwasan ko dahil ang hirap n’yang lambingin. Si papa, konting iyak ko lang, mapapalambot ko na ang puso n’ya pero si mama, bubungangaan talaga ako kaya nagiingat ako. Baliktad naman kung si Darius. Mas nababahala s’ya kay papa kaysa kay mama. Takot ‘yon kay Boss Kruger dahil siguro seryoso lagi ang usapan nila tungkol sa organisasyon. He is our new mafia boss anyway. Katuwang pa rin n’ya si papa. Hindi ‘yan mawawala. Even though we were raised in a family with an illegal background, my parents were able to raise us properly. Maayos nilang hinimay-himay sa ‘min ang lahat. Although naiinip talaga ako dahil ang daming bawal pero habang lumalaki ako, mas naiintindihan ko na sila kung bakit sila strikto sa ‘min ng kapatid ko. Ang dami ko na ring nakasalamuhang mga mafia boss na padre de pamilya kagaya ni Boss Kruger. Stress na stress ang mga anak ng mafia boss dahil mas’yado kasing malupit at strikto na wala sa lugar. Hindi nila gayahin ang papa ko na parang magbabarkada lang kami kapag naguusap. All around ang trabaho ko rito. Spy, soldier, at minsan, assassin. I assassinated 2 notorious criminals when I was around twenty-five and twenty-seven years old. Isa ‘yon sa pinakamahirap na misyon ko. Kusa naman akong nag-retire noong 28 years old ako. Nagpatayo ng green house café at fashion boutique sa labas ng village. Naging payak lang ang daily routine ko roon. Walang nakakilala sa ‘kin since may suot naman akong disguise kapag may mission noon. Ang sarap mamuhay ng simple. Si-net aside ko na ang mga inside job ko at... ngayon lang ulit ako nagkaroon ng misyon. “Payag na po ako.” Mas lumapad ang ngiti ng papa ko. “I trust your skill, anak.” Of course. He doesn’t have to be worried. Sanay na ang papa ko dahil mas delikado pa nga ang mga misyon ko noon na ako na ang namimilit sa kan’ya para gawin ko lang ‘yon. Hindi na n’ya ako kinakailangang diktahan but I still need his guidance kung may wrong move ako. “Alam na po ba ito ni mama Angel?” Tumango s’ya. “Oo, anak. Kagabi ko pa sa kan’ya binahagi ang misyon mo and she agreed.” Wala na si mama rito. Nasa bahay s’ya ni Darius para makipaglaro sa mga pamangkin ko. “Anyway, what do you think by looking at this man? Do you like him?” Napa-balik ang aking pagkakatitig sa screen ng laptop. I stared at the man’s full body. He is quite tall with an imposing figure. Ang umaagaw talaga sa pansin ko, ang mga mata n’ya. His eyes are sharp and if he stares at someone, his expression will be unyielding. I am sure that I will hate his piercing dominant gaze. Parang gusto ko na lang tusikin ang mga mata n’ya. Nakakairita maka-titig. “Wala po ba kayong impormasyon kung ano ang ugali ng lalakeng ‘to para mapahandaan ko na?” “Marami nang babaeng dumaan sa kan'ya at hindi sila tumagal. Asahan mo na lang na hindi maganda ang ugali ng tagapagmana na ito. Our spy didn’t meet him in person but I guess you can his traits by looking at his picture.” Hindi ko lang alam. Hindi ko pa masabi dahil baka magkamali ako. “You will know kung magkikita na kayo. You have to update me on everything, is that clear, Anghelisha?” Pormal ko s’yang tinanguan. “I will, Boss Kruger.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD