CHAPTER 3

2568 Words
“E-Excuse me?!” malakas na singhal n’ya sa ‘kin. Kapag pinatulan ko ang babaeng ito, magiging aksaya lang sa oras ko. Why would I waste my time with her anyway? Sana pala hindi ko na lang s’ya tinulungan. Huminga na lang ako ng malalim. Nagiisip ako kung ibubuka ko ba ang bibig ko o hindi. Saglit ko na lang na tinitigan ang babae. Ilang sedundo ang tinagal bago ako ko s’ya tinalikuran. Pero nakakadalawang hakbang pa lang ako, may mga daliri na gumapos sa left upper arm ko. Marahas n’ya akong hinila pabalik kaya napa-harap ulit ako sa kan’ya. “I am still talking to you! Sabihin mo sa ‘kin, ano ang pangalan mo? Kapag may nawala sa wallet ko, ikaw ang mananagot!” I took a deep breath. “Follow me, Miss. Kukuha ako ng calling card ko,” kalmadong tugon ko sa kan’ya. Hindi ko na s’ya hinayaang maka-sagot dahil tumalikod muli ako at humakbang palabas ng restroom. Akala ko hindi n’ya ako susundan pero narinig ko naman kaagad ang mga yabag ng high heels n’ya. Nauna akong pumasok sa elevator 1. Ayaw ko s’yang maka-sabay kaya hinayaan kong sumara ang pinto habang nakikita kong bumubulusok s’ya palapit sa ‘kin. Plano n’ya pa yatang makipag-argue rito sa loob ng elevator. Nang maka-baba na ako sa ground floor, tinungo ko ang kinaroroonan ng puwesto ko kanina. Tumigil ako sa gilid ng mesa. Hinila ko palapit sa ‘kin ang hand bag ko at hinanap ang wallet. Nang makapa ko sa loob ng bag, nilabas ko na at kinuha ang isang card doon. Nararamdaman ko nang palapit sa ‘kin ang babae. Bago s’ya titigil sa likod ko, hinarap ko na s’ya. “Here, take this.” Inabot ko sa kan’ya ang card ko habang ipit-ipit iyon ng middle finger at hintuturo ko. Nakita kong napa-baba ang pagkakatitig n’ya roon habang nananalpok ang de-drawing n’yang mga kilay. Hinablot n’ya na naman at tinitigan ang card. “Anghelisha Malafronte…” Sinentro n’ya ulit ang mga mata n’ya sa ‘kin. I am not using my father’s last name here. I replaced it with my mom’s middle name sa pagkadalaga n’ya. Kapag gagamitin ko ang Demorgon, of course, gulo ang madadangatan ko rito so it’s better to change it. “What an arrogant bìtch…” Iyan ang binulong n’ya habang pinapasok ang card sa loob ng handbag n’ya. Wala na s’yang ibang sinabi at umalis na sa harap ko. “Madame, is everything alright?” Lumapit sa ‘kin ang waitress habang sinusundan ko ng tingin ang babae na kakalabas lang sa entrance, hindi sa exit. Inalis ko na ang aking atens’yon sa kan’ya at hinarap ang waitress. “Yeah. I think so.” Bumalik na ako sa pagkakaupo. Kahit malamig na ang breakfast meal ko, kinain at inubos ko pa rin. Starting next week, may mission akong dapat pag-handaan. Doon dapat ako naka-focus ngayon at hindi sa walang kuwentang mga tao. A few days later, bukas na gaganamin ang unang hakbang sa mission. My father already gave me the full address and the map kung saan naroroon ang village ng mga Drago pati na rin ang kanilang mansyon. “Madame Anghelisha, here’s your personal data.” “Just place it above the table.” Habang nag-p-push up ako rito sa loob ng balcony ko, dumating ang isang soldier. “Yes, Madame.” Lumakad s’ya palapit sa center table at doon nilapag nag isang black paper envelope. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagehersisyo ko. I still have 40 push-ups remaining. Nang makumpleto ko iyon, tumayo ako ng tuwid. A soldier stepped forward. Inabot n’ya sa ‘kin ang face towel. Doon ko pinusahan ang tagaktak na pawis sa mukha ko, pababa sa aking leeg. Napa-baling ang aking atens’yon sa ibabaw ng mesa. Ibibigay ko ang aking personal data kung hihingin ng mga Drago, kung sino man na nilalang ang haharap sa ‘min. “I wish you luck with your mission, madame,” rinig kong saad sa ‘kin ng soldier dahil pansin n’yang naka-titig ako sa black envelope. “Thank you.” Since wala naman na akong itatanong kay Boss Kruger, hindi ko na s’ya ipapatawag sa boss’ chamber. Hindi na ako lumabas ng village ngayon para puntahan ang building ko dahil bukas na ako aalis. The next stormy morning, nagising ako ng ala singko. Kumain muna ako ng agahan bago naligo sa banyo. “Mom?” Nang maka-labas na ako sa bathroom, nakita ko si Mama na naka-upo lang sa Cleopatra sofa, sa paanan ng kama ko. Tumayo s’ya sa pagkakaupo. “Good morning, Anghelisha,” she greeted me. “Good morning din po, ‘ma” “Lumapit ka sa ‘kin.” Hinakbang ko ang aking mga paa patungo sa kan’yang kinaroroonan. Tumigil ako sa harap ng center table. “Ngayon ka na aalis, right?” She was talking about the mission. “Yes, mother. Magbibihis pa lang po ako.” “So… I want you to wear this.” Nakita kong dinampot n’ya ang black paper bag na naka-lapag sa ibabaw ng mesa. Inabot n’ya sa ‘kin ‘yon. Kaagad kong tinanggap. Kinapitan ko ang magkabilang handle at pahati na binuksan. Doon ko nakita ang naka-tuping dress yata. “You look like a goddess with that dress. Suotin mo ‘yan, anak.” Naka-handa na sana ang susuotin ko. Binalik ko ang pagkakatitig kay mama Anghelina. “But mom, I have chosen my outfit already.” She folded her arms under her chest. “Let me guess...” Nanliit ang mga mata ni mama at kinilatis ako mula paa hanggang sa aking mukha. “Leather pants, inner tube with a pair of leather jacket and… high heel boots. All black. Am I right?” Ngumiti na lang ako ng matamis. “What’s wrong with that, mother?” “I knew it,” she chuckled. “Anghelisha anak, hindi ka makakapasa sa screening nila kung iyon ang susuotin mo. Be a lady and you dress like one. Imbes na magugustuhan ka, baka matatakot pa sila sa ‘yo.” Huminga ako ng malalim. “Alright, mom. Susuotin ko na po ito.” At bahagyang inangat ang paper bag. “Thank you, my girl.” I smiled. I still don’t want to wear this. I don’t want to expose my bare shoulders. It’s because I have muscles. “Anghelisha, magiingat ka sa misyon mo. Contact us immediately if you need help, maliwang ba?” Mabilis kong tinanguan si mama. “Opo, ‘ma. I will.” I leaned forward to kiss her on the cheek. After that short discussion, lumabas na si mama sa kuwarto ko. Aalis sila ni Boss Kruger ngayon. Sa headquarters sila tutungo na roon din sa labas ng village pero malayo sa building ko. Pumasok na ako sa walk in closet para suotin ang outfit ko. I didn’t wear any makeup. Tinatamad na rin akong mag lipstick. I just braided my hair and that's it. Pinagmasdan ko ang sarili kong repleks’yon sa full body mirror. I look like an assassin. Para akong mamamatay tao. “Madame, the helicopter is ready.” Narinig kong nag-salita ang soldier sa loob ng kuwarto ko. Lumakad na ako paalis sa salamin. Bago lumabas, hinablot ko na ang hand bag ko. Sinundan ako ng soldier hanggang sa sumakay na kami sa kotche at bumiyahe papuntang gate 5 interior kung saan naka-park ang helicopter sa landing area. Nang makarating kami roon, lumabas na ako mag-isa sa loob ng kotche at sinuong ang ambon na may kasamang malakas na hangin. Pinagbuksan ako ng co-pilot at pumasok na ako sa passenger seat. I fastened my seatbelt and I wore the headset. Dumaan ang ilang segundo, umangat na na ang helicopter paalis ng landing space. Hindi ko alam kung gaano kami nag-tagal sa biyahe. Nakapaglanding na ang helicopter sa airport. May taxi nang nagaantay sa ‘kin at dadalhin n’ya ako sa village na pagmamayari ng mga Drago. Nang makapasok na kami sa sinasabi na village, sa kalagitnaan ng biyahe, sa kahabaan ng kalsada, hinarangan kami ng grupo ng mga kalalakihan. May checkpoint. I have seen a spiky trap blocking across the road. Lumapit ang isang lalakeng naka-itim na sando at pantalon. Naka-balandra sa gun belt n’ya ang iba’t ibang uri ng mga hand guns. They are all armed. “May I see your identification card, please.” Tumigil s’ya sa kaliwang bahagi ng naka-bukas na bintana para silipin ako. Binalingan ko s’ya ng tingin. I didn’t say anything. Pasimple kong inabot sa kan’ya black envelope. Pinalusot ko ‘yon sa bintana. Tinanggap n’ya iyon at tumayo ng tuwid. He opened the envelope. Nang makita n’ya ang personal data ko, agad n’yang binalik ‘yon sa loob at pinasa sa ‘kin. “All clear!” Iyan ang sinigaw n’ya sa kapwa mga bantay. Napa-titig ulit ako sa labas ng windshield. Automatic na umurong ang mga spiky trap at doon na pinagpatuloy ang biyahe. Nag-tagal ng mahaba-habang minuto bago kami napadpad sa malaki at matarik na mans’yon. Nakakapalibot ang simentadong pader. Naagaw ang aking pansin sa gate bars na may mga guards din na naka-abang doon. Mga rifles na ang mga kapit-kapit nila. There were so many of them roaming around the area. Sa labas man o sa loob ng mans’yon. Tama nga si Boss Kruger dahil mas malaki itong tahanan nila kaysa sa black mansion. Maka-luma na kasi iyon. Ilang dekada nang pinatayo roon sa gate 4. Lumabas na ako sa loob ng taxi habang hindi ko inaalis ang aking pagkakatitig sa bawat sulok ng paligid. Lahat ng red shading na kulay ng pintura, makikita ko sa mansyon. Marami rin akong nasilayang dragon logos. Mukhang iyon ang palatandaan ng organisasyon nila. They are not claiming that they have an organization but we are suspecting them. Hindi naman kasi sila magkakaroon ng mga properties kung wala silang malalaking business, association or organization. Puwera na lang kung nasa dugo na nila ang pagiging mayaman. Kung may mga pamana ang pamilya nila, ‘e ‘di sana may nakita sina Boss na clue. So, there must be something illegal about them too and I will find it out. That is my purpose here. Lumakad na ako palapit sa matatarik na naka-saradong gate bars. They scanned my full body first using a detector na may lumalabas na green sensor. I didn’t bring any single weapon with me right now. Hindi talaga ako makakapasok kung may dala akong panaksak at baril. “You are done. Get inside.” Hindi ako nag-salita. Nilakad ko na ang rough tiles patungong nagiisang malaking hagdan papuntang entrance ng mansion. “Hello, Miss. How can we help you?” Pagkaapak ko pa lang sa huling andana ng hagdan, in-approach kaagad ako ng isang maid. “Ah, I applicant po ako ni… Boss Dracul Drago.” Ngumiti s’ya sa ‘kin. “Pasok po kayo, sumunod kayo sa ‘kin.” Nagpasalamat ako. Pinasok namin ang naka-bukas na main door. Hindi ko pinalagpas na titigan ang puwedeng makita ng mga mata ko. Mukhang patungo kami sa nagiisang pinto rito sa ground floor. May mga boses akong naririnig roon. Mga hagikhik at tawanan ng mga kababaihan. “Join them, Miss. Good luck po.” Hinatid ako sa bungad ng pinto. Umalis na ang maid habang napapatitig ako kung ano ang ganap sa loob. Naka-tayo lang sila sa malawak na silid habang nagkukuwentuhan. “Ang gaganda nilang lahat,” I whispered. They are all wearing sparkly and pretty dresses. Ang titingkad ng kulay ng mga suot nila samantalang ‘yong sa ‘kin, parang may dadaluhan akong lamay. Ako lang yata ang nagiisang naka-all black. I took a deep breath. I should have painted my face like them. They are all wearing makeup. Confident naman ako sa hitsura ko pero mukhang matatalo yata ako nila ngayon dahil ang gaganda ng pagkakamake up nila at ang presentable pa tingnan. I do look presentable but unladylike. Humakbang na ako papasok sa loob. Hindi naman maiwasang mapa-titig sa ‘kin ang ibang mga babae. Ang babata pa ng iba. I hope walang minor dito. “Excuse me.” Tumigil ako sa harap ng pinakamalapit na babae. Napa-titig s’ya sa ‘kin. “Can I borrow your mirror?” Wala akong ibang dala na pampaganda ‘kun ‘di suklay at lip balm lang talaga. I always bring that to prevent my lips from drying. “The restroom is over there, Miss.” May tinuro s’ya sa sa ‘kin sa kanang pader nitong silid. May nakita akong pinto sa gitna. Hindi na ako nag-pasalamat at tumungo na lang ako roon. Nang makapasok na ako, sinara ko na ang pinto habang naririnig ko pa rin ang mga ingay nila mula rito sa loob. Humarap na ako sa rectangular built in mirror. Dinukot ko na ang lip balm sa bulsa ng hand bag ko. Akma kong ididikit ‘yon sa lower lip ko pero napa-tigil ang aking kamay nang biglang tumahimik ang mga babae roon sa silid. Sunod na umugong sa mga tainga ko ang pag-echo ng mabibigat na mga yabag na kakapasok lang doon. Hanggang sa may narinig akong tumikhim. Boses ng isang matandang lalake. Kahit hindi ako sisilip, iyon na yata ang mafia boss na tinutukoy ni papa. Wala ni isang nag-salita o nag-likha ng kahit anong ingay. Nagdadalawang isip naman ako na lalabas dito sa banyo. If I dare, agaw eksena naman ako kung ganoon pero misyon ko ‘to kaya kinaikailangan kong lumabas dito. Binalik ko na lang ang lip balm sa loob ng aking hand bag at humakbang patungo sa naka-saradong pinto. “All of you, get out. I didn’t see the perfect wife for my son.” Akma kong kakapitan ang door knob pero hindi natuloy. Nagkaroon ng padandaliang ingay doon sa loob. Bumuntong hininga ang mga babae sa sinabi ng mafia boss. Saglit kong kinuyom ng marahan ang aking mga daliri sa kamay nang sunod-sunod na um-echo ang mga sapin sa paa ng mga kababaihan hanggang sa may sumara ng pinto. Nag-alisan na sila. “None of them are right! They are nothing but a bunch of clowns again! Have you seen their faces?! It’s coated with a thick powder of makeup! Wala sanang masama kung gumagamit sila ng ganoong uri ng kagamitan ngunit wala man lang akong nakitang hindi gumagamit no’n! Even my wife can fool me with her makeup! I want a woman who is proud of her beauty. My son’s wife must possess a soft and gentle-looking appearance. Her demeanor must be calm, graceful, and delicate! Matalino! Mabait! Kayang tiisin ang ugali ng anak ko! Maganda ang katawan at higit sa lahat, mahinhin! Out of 56 single women, they failed to impress me! Sinayang na ni Ryū ang mahigit tatlumpung babae na pinaghirapan kong mahanap para sa kan’ya! He’s driving me insane!” His voice is kind of familiar. I think I met him somewhere. “Calm down, Sir. We will try hiring new ladies again.” May sumagot na lalake. “I need to breathe some air. Take me to the greenhouse café.” Biglang umanting ang mga tainga ko. Doon ko kinapitan ang door knob at pinaikot. Bahagya kong binuksan ang pinto at sumilip. Lumaki ang mga mata ko nang masilayan ang isang matandang lalakeng na naging customer ko roon sa café. Lumabas na sila. I smirked. I have a better plan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD