Kabanata 24

2686 Words

Pagdating niya ng bahay ay nadatnan niyang nakabulagta sa sahig ang kaniyang ina. “I-inayyyy?!” agad niyang niyakap ang walang malay na ina. “Inay…ano po ang nangyari sa inyo?” Umiiyak na si Gennie at napansin niyang naninigas ang kanang bahagi ng katawan ng ina at tumabingi ang bibig nito. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Iniwanan muna niya ang walang malay na ina at agad na tumakbo sa tindahan ni Aling Tisya. “Aling Tisya! Aling Tisya, tulungan po ninyo ako. Ang inay po!” humahangos na sambit ni Gennie nang makarating sa tindahan. “B-bakit Gennie, anong nangyari k-kay Mareng Bibang?” nataranta na ring tanong ni Aling Tisya. “Nadatnan ko po siyang nakahandusay sa sahig. Wala po siyang malay at saka tumabingi po ang bibig niya at naninigas ang kanang bahagi ng ķatawan niya.” “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD