Siniguro muna ni Gennie na maayos na ang tulugan ng ina bago pumasok sa kaniyang maliit na kuwarto. Agad niyang kinuha ang sulat sa kaniyang drawer. May ngiti ang kaniyang mga labi habang dahan-dahang pinutol ng gunting ang dulo ng sobre. Habang binabasa niya ito ay ramdam ni Gennie ang pagmamalasakit sa kaniya ni Pat. Ang mga habilin nitong dapat kumain siya nang tama at sapat para maiwasang magkasakit. Matulog din siya nang maaga at pagtuunan din ng pansin ang sarili para sa magandang kalusugan. “Para talaga siyang Kuya ko. Sana, iba ang pagmamalasakit na ipinapadama ni Pat sa akin. Maraming salamat, kahit pilit kong kinakalimutan ang aking nararamdaman para sa iyo, nandiyan ka pa rin para sa akin.” Muli niyang itinupi ang sulat. Gumaganda na rin ang sulat-kamay ni Pat. Ibinalik niya i

