Kabanata 38

1808 Words

Makalipas ang tatlong taon… Marami ang nangyari sa buhay nina Pat at Gennie sa loob ng tatlong taon. Gaya pa rin ng dati, walang nasabi si Pat para ipahayag ang kaniyang totoong nararamdaman para kay Gennie. Takot, pangamba, at walang lakas ng loob ang nangingibabaw sa kaniya para pigilan ito. Patuloy naman ang pagpakikita ng motibo ni Alma kay Pat para pansinin siya nito ngunit batid ni Pat na iisa lamang ang sinisigaw ng kaniyang puso.  Magtatapos na si Pat sa kaniyang kinuhang kurso. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang sa ipinakitang pagsisikap ni Pat. Hindi na rin niya sinubukang muli ang uminom ng alak lalo na kapag inaaya siya ni Alma para raw, masanay ang kaniyang sikmura. Hindi rin alam ni Pat kung ano ang nakita ni Alma sa kaniya kung bakit buntot nang buntot ito sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD