Kabanata 39

1698 Words

Araw ng Sabado at habang naglalaba ng mga damit nina Maam Edna si Gennie, tinawag siya ni Aling Dolor, ang pinsan ni Maam Edna. “Gennie, ipinatatawag ka ni Ate Edna sa kanilang bahay,” aniya Aling Dolor. “Ho? Eh bakit naman po Aling Dolor? Hindi pa po tapos itong mga labahin ko,” pagtatakang saad ni Gennie. “Hindi ko alam, basta ang sabi niya papuntahin daw kita.” “Baka may idadagdag siyang mga labahin, Aling Dolor.” “Malalaman din natin. Sige ha, sumunod ka na lang,” dagdag ni Aling Dolor at nauna nang umalis. Itinabi muna ni Gennie ang kaniyang mga labahin. Sinilip din niya si Aling Bibang bago pumunta sa bahay nina Maam Edna. Mahimbing ang pagkakatulog ng kaniyang ina. Naawa si Gennie habang minamasdan ang payat na katawan ng kaniyang ina. Kung may magagawa lamang siya para mapag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD