Kabanata 28

1964 Words

Maagang gumising si Pat para pumunta sana sa kanilang taniman ni Gennie. Dumaan siya muna sa bahay ng Gennie para silipin ito. Nadatnan niyang gising na rin si Gennie at naglalaba. “Magandang umaga Gen, maaga kang nagising,” bungad ni Pat. “Magandang umaga rin Pat. Oo kailangan kong tapusing labhan ang mga damit ni Inay, kasi pupunta pa ako ng bahay nina Maam Edna para kunin ang kanilang maruruming damit. Dito ko na rin labhan sa bahay kasi walang kasama si Inay rito kapag doon pa ako sa kanila maglalaba,” sagot naman ni Gennie habang abala ito sa pagkuskos. “Kailangan mo ba itong gawin Gen, ang maglababa sa iba?” pag-alalang tanong ni Pat. “Oo Pat. Kahit sa ganitong paraan, makatulong man lang ako sa pang-araw-araw naming gastusin. Alam mo naman ang sitwasyon naming ngayon, hindi ba?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD