Dahil wala ng gamot si Aling Bibang, nagpasya si Gennie na pupunta muna ng bayan para bumili ng gamot. Nakita niyang mahimbing ang pagkatulog ng kaniyang ina. Nilagyan niya ito ng kumot. Bago siya bumaba ng bayan, dumaan muna siya sa bahay nina Aling Tisya. “Magandang araw po, Aling Tisya.” “Magandang araw naman, Gennie. Tila nakabihis ka, saan ba ang punta mo?” agad namang tugon ni Aling Tisya. Kasalukuyang nagre-repack ito ng asukal. “Puwede ho bang makisuyo, Aling Tisya?” “Oo naman, ano ba ‘yon?” “Pupunta sana ako ng bayan para bumili ng gamot ni Inay. Puwede ho bang masilip ni Nerio si Inay habang nasa bayan ako? Babalik po ako kaagad,” pakiusap ni Gennie. “Aba, oo walang problema, Gennie. Sandali at tatawagin ko si Nerio para mapuntahan niya si Mareng Bibang.” “Maraming salama

