Lumipas ang ilang buwan. Nakatanggap na rin ng sulat si Pat galing kay Gennie. Ilang buwang hindi siya nakauwi dahil marami silang aktibidadis sa paaralan. Nang nagkaroon ng semestral break, umuwi rin siya at ginugol niya ang kaniyang oras sa pagtulong kay Gennie sa pag-aalaga kay Aling Bibang. Siya na rin ang nag-ani ng kanilang tanimang gulay, kasama si Nerio, ipinagbenta nila ito sa bayan. Halos lahat ng kita ay ibinigay niya kay Gennie. Nahihiya nang tanggapin ng kaibigan ngunit mapilit si Pat. Kinimkim na rin ni Gennie ang sama ng loob niya para sa kaibigan. Hindi nito makalimutan ang ikinuwento sa kaniya noon ng kaniyang Lolo Imbo tungkol sa gustong ligawan ni Pat. Hanggang tingin pa rin si Pat sa matalik na kaibigan, hindi niya masabi-sabi kung ano ang tunay nitong nararamdaman

