Kabanata 43

1854 Words

"Gennie?” Napadungaw si Gennie sa bintana nang may tumatawag sa kaniya sa labas. “A-aling Dolor? Magandang araw po, naparito po kayo,” agad namang sagot ni Gennie. Agad siyang lumabas ng kanilang bahay. “Magandang araw din naman. Pinatatawag ka kasi ni Ate Edna. Magkakaroon daw sila ng handaan dahil sa pagdating nina Ate Helen. Kung pupuwede raw eh, tutulungan mo na naman kami sa paghahanda.” “Po? S-sige po, sa susunod na araw pa naman ako kukuha ng mga maruruming damit nina Maam Edna. Sandali lang po, Aling Dolor magpapaalam lang po ako kay Inay. Pasok po muna kayo.” Pumasok din si Aling Dolor sa bahay nina Gennie. Nadatnan niyang nakahiga sa sofang kawayan si Aling Bibang. “Magandang araw po, Aling Bibang. Kumusta na po ang kalagayan ninyo?” agad na tanong ni Aling Dolor sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD