Maagang nagising si Pat, ngayon na ang kaniyang final exam. Ilang linggo na lang ay uuwi na siya sa probinsiya. Natanggap din niya ang huling sulat ni Gennie. Masayang-masaya siya habang binabasa ang nilalaman nito. Pag-uwi niya, sisiguraduhin na niyang sasabihin kay Gennie ang kaniyang nararamdaman. Nakailang ulit siya nang basa sa sulat ng kaibigan, may halong kilig ang kaniyang nararamdaman lalo na kapag sinasabihan siya nitong mag-ingat lagi at lagi itong naghihintay sa kaniyang pag-uwi. “Malapit na Gen, ilang tulog na lang. Sana makarating ka sa graduation ko. Gustong-gusto kitang makasama sa napakahalagang pangyayari sa buhay ko. Kasama kita sa aking mga pangarap.” Paglabas niya ng kusina, nakahanda na rin ang almusal. Maaga ring nagising ang kaniyang Tiya Nora. “Mabuti at nakabih

