Ang bilis ng araw. Dalawang Linggo na ang nakalipas. Tuwing araw ng Sabado ay pumupunta si Gennie sa bukid. Mag-isa siyang nagdidilig ng mga tanim nilang gulay ni Pat.Mag-isa niyang nilalagyan ng pataba ang mga ito. Ang ibang mga tanim ay malalago na rin at baka sa susunod na linggo ay pupuwede na itong anihin. Dumadalaw din siya sa kaniyang Lolo Imbo. “Kumusta po kayo rito Lolo.” “Mabuting-mabuti naman ako rito apo. Ito na ang kinagigiliwan kong gawin ang magtanim at mag-alaga ng mga pananim ko. Tingnan mo, malalago na at marami na ring mga bunga katulad na lamang ng mga tanim kong saging at saka kalamansi,” nakangiti namang sagot ni Lolo Imbo. “Oo nga po Lolo. Sana balang araw, ganiyan din kalago ang aming mga pananim ni Pat.” “Ay walang imposible iyan Gennie. Kapag inaalagaang mabut

