Pagkatapos iligpit ang mga kinainan nila, nagpaalam na si Gennie sa kaniyang ina papuntang paaralan. Habang nagbabantay siya ng traysikel papuntang bayan ay nakasabay niya si Nerio na papuntang bayan din. “Magandang umaga po Ate Gennie, kumusta na po kayo? Hindi na tayo nakapag-usap kasi abala na rin tayo sa ating pag-aaral,” agad na sambit ni Nerio. “Magandang umaga rin. Oo nga Nerio. Mabuti naman ako, medyo naninibago lang sa bagong paaralan. Iba rin kasi ang buhay-kolehiyo kumpara sa highschool. Kayo, kumusta na rin, hindi na ako makadaan sa tindahan ninyo kasi pagdating ng bahay ay naglalaba pa at naghahanda ng hapunan namin ni inay,” agad namang sagot ni Gennie. “Okay lang po kami Ate. Si kuya kaya kumusta na kaya siya? Siguro, matatagalan bago siya makauwi rito sa atin,” muling sa

