Kabanata 20

1920 Words

Kinaumagahan, madilim-dilim pa ang paligid ay gumising na si Pat. Maaga siyang naghanda para sa unang pasok niya sa bago niyang paaralan. Naligo siya at nag-ayos ng kaniyang higaan. Nilinis niya rin ang kaniyang kwarto bago lumabas. Nadatnan niya ang kaniyang Tiya Nora na naghahanda na ng kanilang almusal. “Magandang umaga po Tiya. Naku, ang aga rin ninyong nagising. Sana ako na po ang nagluto ng almusal natin,” agad na wika ni Pat. “Magandang umaga naman Pat. Hay naku huwag mo nang alalahanin iyan. Ito na ang nakagawian kong gawin araw-araw. Maaga pang umaalis ang Tiyo mo Anton. Ma-traffic kasi kapag mataas na ang sikat ng araw papunta sa kaniyang opisina. Alam mo naman dito sa siyudad malimit nagtatrapik lalo na sa umaga. Ganoon din si Von, maaga rin siyang umaalis papuntang paaralan b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD